NHCP Photo Collection, 2021 |
NHCP Photo Collection, 2021 |
NHCP Photo Collection, 2021 |
Location: Palacio del Gobernador Building, Gen. Luna Street, Intramuros, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 15 November 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE FELIPE DEL PAN
KAWANI AT OPISYAL NG PAMAHALAANG KOLONYAL, PERYODISTA AT MANUNULAT. ISINILANG SA LUNGSOD NG A CORUÑA, GALICIA, ESPANYA, 26 MAYO 1821. DUMATING SA PILIPINAS, 1855. NAGING KAWANI AT KALIHIM SA PANGASIWAAN NG TANGGAPAN NG GOBERNADOR-HENERAL NG PILIPINAS, 1855-1865. HINIRANG NA KONSEHAL AT ALKALDE NG AYUNTAMIENTO NG MAYNILA AT KAGAWAD NG IBA’T-IBANG TANGGAPAN NG PAMAHALAAN. NAGING KASAPI NG MGA SAMAHANG SIBIKO AT NG KOMISYONG NAGPANUKALA NG MGA REPORMA SA PAMAMALAKAD NG PAMAHALAAN NG SA PILIPINAS, 1869-1871. ITINALAGANG PATNUGOT NG MGA PAHAYAGANG GACETA OFICIAL, 1860-1865, DIARIO MANILA, 1860-1877, REVISTA DE FILIPINAS, 1875-1877, AT LA OCENA ESPAÑOLA, 1877-1891. SUMULAT AT NAGLATHALA NG MGA AKLAT, ARTIKULO, SANAYSAY, AT NOBELA NA NAGLARAWAN SA KALAGAYANG PANLIPUNAN AT KULTURA NG PILIPINAS NOONG IKA-19 DANTAON. NAGPASULONG SA PAG-AARAL NG KAALAMANG-BAYAN. NAGSILBING TAGAPATNUBAY KINA ISABELO DELOS REYES, MARIANO PONCE AT IBA PANG PILIPINONG PERYODISTA. YUMAO, 23 NOBYEMBRE 1891.
No comments:
Post a Comment