Cavite Puerto Bilang Kabesera ng Pilipinas


NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

Location: Samonte Park, Cavite City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker unveiling date: 31 August 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

CAVITE PUERTO BILANG KABESERA NG PILIPINAS

NAKABALIK SI PANGULONG EMILIO AGUINALDO SA LOOK NG MAYNILA LULAN NG USS MCCULLOCH MULA SA PAGKAKAPATAPON SA HONG KONG, 19 MAYO 1898: TUMUNTONS SIYA SA CAVITE PUERTO NGAYO'Y LUNGSOD NG CAVITE 21 MAYO 1898. TINALAGANG HIMPILAN NG PANGULO ANG BAHAY NIMAXIMO INOCENCIO ISA SA TRECE MARTIRES NG CAVITE. KUNG SAAN ITINATAG ANG PAMAHALAANG DIKTATORYAL 24 MAYO 1898. SA CAVITE PUERTO RIN INILADLAD NI AGUINALDO ANG PAMBANSANG WATAWAT BILANG PAGDIRIWANG SA TAGUMPAY NG HUKBONG REBOLUSYONARYO LABAN SA MGA ESPANYOL SA LABANAN SA ALAPAN 28 MAYO 1898. MULA SA TAHANAN NG MGA INOCENCIO. DINALA ANG PAMBANSANG WATAWAT SA TAHANAN NI AGUINALDO SA KAWIT, CAVITE PARA SA PROKLAMASYON NG KALAYAAN NG PILIPINAS, 12 HUNYO 1898 DAHIL SA LUMALAKING GAWAING PAMPAMAHALAAN, MULING LUMIPAT SA MAS MALUWANG NA GUSALI SA CASA DE GOBIERNO, DATING KAPITOLYO NG CAVITE KUNG SAAN ITINATAG NI AGUINALDO ANG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO 23 HUNYO 1898. INILIPAT ANG PAMAHALAAN SA TAHANAN NG MGA CUENCA SA BACOOR CAVITE, 15 HULYO 1898.

No comments:

Post a Comment