Dakilang Pulong Ng Katipunan sa Pasig "Asamblea Magna"

Photo from Ryan Maceda, 2023

Photo from Ryan Maceda, 2023

NHCP Photo Collection

Location: 20 M.H. del Pilar St, Pasig, Metro Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker unveiling date: 29 August 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

DAKILANG PULONG NG KATIPUNAN SA PASIG 
"ASAMBLEA MAGNA"

NOONG UNANG LINGGO NG MAYO 1896, NAGANAP ANG ASAMBLEA MAGNA O DAKILANG PULONG SA TAHANAN NI VALENTIN CRUZ SA PASIG, LALAWIGAN NG MAYNILA NANG TINIPON NI ANDRES BONIFACIO ANG MGA PINUNO NG MGA BALANGAY AT IBA PANG OPISYAL NG KATIPUNAN UPANG PLANUHIN ANG PAGHIHIMAGSIK LABAN SA ESPANYA NAKISABAY ANG MGA KATIPUNERO SA DAGSA NG MGA NAMAMANATA SA NUESTRA SEÑORA DE LA PAZ Y BUEN VIAJE NA PATUNGO NG ANTIPOLO PARA MAIWASAN ANG HINALA NG MGA ESPANYOL. SA PULONG NAPAGKAISAHAN NA IPAGPALIBAN ANG HIMAGSIKAN AT IPADALA SI PIO VALENZUELA SA DAPITAN UPANG HINGAN NG MUNGKAHI SI JOSE RIZAL UKOL SA PAGHIHIMAGSIK

No comments:

Post a Comment