Simbahan ng Baliwag

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023
Location: Baliwag City, Bulacan
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 28 August 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG BALIWAG

ITINATAG NG MGA AGUSTINO NA HIWALAY NA PAROKYA MULA SA QUINGUA, NGAYO’Y PLARIDEL, AT ANGAT, BULACAN, AT ISINAILALIM SA PATRONATO NI SAN AGUSTIN, 26 MAYO 1733. ITINAYO ANG IKALAWA AT KASALUKUYANG SIMBAHANG YARI SA BATO, 1769. NATAPOS ITAYO ANG KASALUKUYANG KUMBENTO NA YARI SA BATO, 1802. NAITALA NI JOAQUIN MARTINEZ DE ZUÑIGA, O.S.A., NOONG 1802 NA ANG PLAZA AT ANG KUMBENTO AY MAIHAHAMBING SA LA GRANJA SA ESPAÑA. ISINAAYOS ANG SIMBAHAN AT ANG KAMPANARYO, 1830. DITO BININYAGAN ANG BAYANING SI MARIANO PONCE, 25 MARSO 1863. NAGING HIMPILAN NG THIRD INFANTRY REGIMENT NG MGA SUNDALONG AMERIKANO NOONG DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO, 1899. PINAGDAUSAN NG KAUNA-UNAHANG LOKAL NA HALALAN SA ILALIM NG PAMAHALAANG KOLONYAL NG MGA AMERIKANO SA UTOS NI HENERAL HENRY LAWTON, 6 MAYO 1899. DUMAAN SA MARAMING PAGSASAAYOS, 1962-1998. MULING ISINAAYOS, 2017. ITINALAGA BILANG ISA SA LIMANG DAANG JUBILEE CHURCHES SA PAGDIRIWANG NG LIMANDAANG TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS, 2021. KILALA BILANG ISA SA MAY PINAKAMAHABANG PRUSISYON SA BANSA TUWING KUWARESMA NA NILALAHUKAN NG HIGIT SA ISANG DAANG KAROSA.

No comments:

Post a Comment