Location: San Fernando City Hall, San Fernando City, Pampanga
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 10 December 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SANTA IGLESIA
KAPATIRANG PANRELIHIYON NG MGA MARALITA AT MAGSASAKA SA GITNANG LUZON NA ITINATAG SA TABUYOC, APALIT, PAMPANGA, 1887. TAGAPAGSULONG NG KALAYAAN, KARAPATANG PANTAO, PAGKAKAPANTAY-PANTAY, AT DAMAYAN. UNANG TINAWAG NA GABINISTA, SUNOD SA PANGALAN NG TAGAPAGTATAG NITONG SI GAVINO CORTES. BINUWAG NG MGA GUARDIA CIVIL NG BULACAN, PAMPANGA, AT NUEVA ECIJA, 1888. MULING ITINATAG NI FELIPE SALVADOR, 1894. SINALAKAY NG MGA SUNDALONG ESPANYOL SA SAN LUIS, PAMPANGA, 24 DISYEMBRE 1896. NAPILITANG LUMABAN KASAMA NG VOLUNTARIOS DE APALIT DAHIL SA PAGBITAY KAY CORTES AT PANANAMBANG KAY SALVADOR. NANGUNA SA PAGHIHIMAGSIK SA PAMPANGA, 19-22 PEBRERO 1898. SUMUPORTA SA PAGPAPALAYA NG PAMPANGA MULA SA MGA ESPANYOL, HUNYO 1898. IPINAGPATULOY ANG PAGLABAN SA MGA AMERIKANO SA LUZON HANGGANG SA MADAKIP SI SALVADOR, 1910.
No comments:
Post a Comment