NHCP Photo Collection, 2024 |
Location: Manila Yacht Club, Roxas Boulevard, Malate, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 20 January 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PAGDATING NG PAN AM CHINA CLIPPER SA PILIPINAS
ANG CHINA CLIPPER, EROPLANONG PANDAGAT NG PAN AMERICAN AIRWAYS, AY LUMIPAD MULA SAN FRANCISCO, ESTADOS UNIDOS, PATUNGONG MAYNILA, 22 NOBYEMBRE 1935. NAGSILBING PILOTO SINA EDWIN MUSICK AT FRED NOONAN. TINAWID NITO ANG HIMPAPAWID NG PASIPIKO AT DUMAAN SA HONOLULU, HAWAII, SA MGA ISLA NG MIDWAY, WAKE, AT GUAM. NAKARATING SA LOOK NG MAYNILA, 29 NOBYEMBRE 1935. ANG PAGLIPAD NITO SA IBABAW NG KARAGATANG PASIPIKO AY NAGING DAAN UPANG SIMULAN ANG PAGGAMIT NG EROPLANO BILANG SASAKYANG KOMERSYAL NA NAG-UUGNAY SA PILIPINAS AT ESTADOS UNIDOS, OKTUBRE, 1936. NAKATULONG ITO SA PAGPAPABILIS NG DALOY NG PAMAMAHALA, TRANSPORTASYON, AT KOMUNIKASYON SA PAGITAN NG PILIPINAS AT ESTADOS UNIDOS.
No comments:
Post a Comment