Leandro Locsin Fullon

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Hamtic, Antique
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 13 March 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LEANDRO LOCSIN FULLON

MAKABAYAN AT BAYANI NG HIMAGSIKANG PILIPINO NG 1898 AT DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO NG 1899. ISINILANG SA HAMTIC, ANTIQUE, 13 MARSO 1874. ISA SA ITINALAGANG PINUNO NG PUWERSANG EKSPEDISYONARYO NG UNANG REPUBLIKA SA PANAY, 6 SETYEMBRE 1898. PINALAYA ANG IBA'T IBANG BAYAN NG ANTIQUE. NAKIPAGTULUNGAN KAY HEN. MARTIN DELGADO SA PAKIKIPAGLABAN SA MGA KASTILA AT SILA AY NANALO SA AREVALO AT MOLO HANGGANG SUMUKO ANG MGA ESPANYOL SA LALAWIGAN NG ILOILO SA ARAW NG PASKO, 1898. PINANGUNAHAN ANG ANTIQUE SA PAGLABAN SA HUKBONG AMERIKANO PEBRERO, 1899. SUMUKO SA MGA AMERIKANO, 22 MARSO 1901, UNANG PILIPINONG GOBERNADOR NG ANTIQUE, 15 ABRIL HANGGANG SA KANYANG PAGPANAW, 16 OKTUBRE 1904.

No comments:

Post a Comment