Kampo Kasisang

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Malaybalay, Bukidnon
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker unveiling date: 7 March 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KAMPO KASISANG

NAGSILBING PIITAN NINA PANGULONG MANUEL A. ROXAS, HENERAL WILLIAM F. SHARP, PINUNO NG PUWERSANG AMERIKANO SA MINDANAO, AT NG TINATAYANG 6,000 SUNDALONG PILIPINO AT AMERIKANO NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. BILANG BRIGADYER HENERAL NANG PANAHONG IYON, SI ROXAS AY BINIGYAN NG AWTORIDAD NA ISAAYOS ANG PAMAMALAKAD NG KAMPO, KABILANG DITO ANG MGA GAWAING PANG AGRIKULTURA AT PANGKALUSUGAN, PAGTATAYO NG PALENGKE, PAGSUSULONG NG MGA LIBANGAN PARA SA KALUSUGAN NG MGA BIHAG, AT PAGPAPALINIS NG PAGAMUTAN AT KUSINA. IPINASARA MATAPOS ILIPAT ANG MGA BIHAG SA DAVAO KASAMA NI ROXAS, NOBYEMBRE, 1942.

No comments:

Post a Comment