Labanan sa Puray

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Montalban, Rizal
Category: Sites/Events
Type: Event
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 25 April 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LABANAN SA PURAY

SA BUNDOK PURAY SA BAYAN NG MONTALBAN, NAGTAGUMPAY SA LABANAN ANG MGA PILIPINONG REBOLUSYUNARYO LABAN SA HUKBONG ESPANYOL GAMIT ANG TAKTIKANG GERILYA, 14 HUNYO 1897. PINANGUNAHAN NI HENERAL LICERIO GERONIMO ANG HANAY NG MGA PILIPINO KATUWANG ANG PANGKAY NI HENERAL EMILIO AGUINALDO AT IBA PANG PINUNONG REBOLUSYUNARYO, HABANG PINAMUNUAN NINA TENYENTE-KORONEL FELIPE DUJIOLS AT KOMANDANTE MIGUEL PRIMO DE RIVERA ANG MGA PUWERSANG ESPANYOL. ANG TAGUMPAY NA ITO ANG NAGBIGAY NG SAPAT NA PANAHON SA PANGKAT NI AGUINALDO UPANG MAKAPAGLAKBAY TUNGO SA BIAK-NA-BATO SA SAN MIGUEL DE MAYUMO, BULACAN.

No comments:

Post a Comment