NHCP Photo Collection, 2024 |
NHCP Photo Collection, 2024 |
Location: Lanao People's Park, Marawi City, Lanao del Sur
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 18 August 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PAGTATANGGOL SA MARAWI
SA PAMUMUNO NI AMAI PAKPAK, PINUNO NG MGA MARANAW, BUONG GITING NA IPINAGTANGGOL ANG MARAWI SA PAGSALAKAY NG MAHIGIT 1.200 SUNDALO NG ESPANYA SA ILALIM NI GOBERNADOR HENERAL VALERIANO WEYLER, 21 AGOSTO 1891. SINUNOG NG MGA ESPANYOL ANG KOTA MARAWI AT AGAD DING NILISAN SA PANGAMBANG BALIKAN SILA NG MAS MALAKING PUWERSA NI AMAI PAKPAK. MULING HINARAP NI AMAI PAKPAK AT NG MGA MARANAW ANG MGA ESPANYOL, 10 MARSO 1895. INILUNSAD NI GOBERNADOR HENERAL RAMON BLANCO ANG MAHIGIT 5000 SUNDALO AT ANG APAT NA KANYONERO SA LAWA NG LANAO. SA LABANANG ITO, NAPASAKAMAY NG MGA ESPANYOL ANG MARAWI AT NASAWI ANG MARAMING TAGAPAGTANGGOL NITO. KABILANG NA SI AMAI PAKPAK. ISA ITO SA PINAKAMALAKING LABANAN PARA SA KASARINLAN BAGO SUMIKLAB ANG HIMAGSIKANG PILIPINO NG 1896. ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY INAALAY SA ALAALA NG MGA MARTIR NG KALAYAAN SA KOTA MARAWI AT PAGTATAMPOK SA PAPEL NG BANGSAMORO SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS.
No comments:
Post a Comment