Showing posts with label Region BARMM. Show all posts
Showing posts with label Region BARMM. Show all posts

Jose Abad Santos (1886-1942)

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Malabang, Lanao del Sur
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 6 March 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE ABAD SANTOS
1886 – 1942

ISINILANG SA SAN FERNANDO, PAMPANGA, 19 PEBRERO 1886. GINAMPANAN NANG SABAY ANG TUNGKULIN BIILANG PUNONG MAHISTRADO NG KATAAS-KATAASANG HUKUMAN NG PILIPINAS AT KALIHIM NG PANANALAPI, PAGSASAKA, AT KOMERSIYO NANG SUMIKLAB ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1941-1942. PINILING MAGPAIWAN SA PILIPINAS AT HINIRANG NI PANGULONG MANUEL QUEZON BILANG TAGAPANGALAGA NG PAMAHALAANG KOMONWELT NA MAY LUBOS NA KAPANGYARIHAN BILANG PANGULO NG PILIPINAS MULA 19 PEBRERO 1942 HANGGANG SA MADAKIP NG MGA HAPON SA CARCAR, CEBU, 10 ABRIL 1942. DINALA SA MALABANG, NGAYO’Y BAYAN NG LANAO DEL SUR, AT DITO PINASLANG NOONG 1 MAYO 1942 DAHIL SA PATULOY NA PAGTANGGING MAKIISA SA HUKBONG IMPERYAL NG HAPON. HINDI NA NATAGPUAN PA ANG KANIYANG MGA LABI. 

Pagtatanggol sa Marawi

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Lanao People's Park, Marawi City, Lanao del Sur
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 18 August 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PAGTATANGGOL SA MARAWI 

SA PAMUMUNO NI AMAI PAKPAK, PINUNO NG MGA MARANAW, BUONG GITING NA IPINAGTANGGOL ANG MARAWI SA PAGSALAKAY NG MAHIGIT 1.200 SUNDALO NG ESPANYA SA ILALIM NI GOBERNADOR HENERAL VALERIANO WEYLER, 21 AGOSTO 1891. SINUNOG NG MGA ESPANYOL ANG KOTA MARAWI AT AGAD DING NILISAN SA PANGAMBANG BALIKAN SILA NG MAS MALAKING PUWERSA NI AMAI PAKPAK. MULING HINARAP NI AMAI PAKPAK AT NG MGA MARANAW ANG MGA ESPANYOL, 10 MARSO 1895. INILUNSAD NI GOBERNADOR HENERAL RAMON BLANCO ANG MAHIGIT 5000 SUNDALO AT ANG APAT NA KANYONERO SA LAWA NG LANAO. SA LABANANG ITO, NAPASAKAMAY NG MGA ESPANYOL ANG MARAWI AT NASAWI ANG MARAMING TAGAPAGTANGGOL NITO. KABILANG NA SI AMAI PAKPAK. ISA ITO SA PINAKAMALAKING LABANAN PARA SA KASARINLAN BAGO SUMIKLAB ANG HIMAGSIKANG PILIPINO NG 1896. ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY INAALAY SA ALAALA NG MGA MARTIR NG KALAYAAN SA KOTA MARAWI AT PAGTATAMPOK SA PAPEL NG BANGSAMORO SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS.

Labanan sa Marawi 1891

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Lanao People's Park, Marawi City, Lanao del Sur
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 18 August 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LABANAN SA MARAWI 1891 

DITO SA KOTA MARAWI NAGANAP ANG LABANAN SA PAGITAN NG MGA MANDIRIGMANG MARANAW NA PINAMUMUNUAN NI AMAI PAKPAK AT NG HUKBO NI GOB. HEN. VALERIANO WEYLER NA MAY 1.242 SUNDALO NA DUMAONG SA ILIGAN SAKAY NG MGA BARKONG MANILA. CEBU, SAN QUINTIN, AT MARQUEZ DE DUERO, 21 AGOSTO 1891. NAKUBKOB NG MGA ESPANYOL ANG KOTA SA LOOB NG DALAWANG ORAS NA LABANAN SINUNOG NG MGA ESPANYOL ANG KOTA BAGO BUMALIK NG ILIGAN DAHIL S SA NAKAAMBANG PAGBABALIK NI AMAI PAKPAK NA MAY MAS MALAKAS NA PUWERSA.

Kota Marawi

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: City Gymnasium, Marawi City Hall, Marawi City, Lanao del Sur
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 18 August 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KOTA MARAWI

ITINATAG SA HILAGANG BAHAGI NG LAWA NG LANAO NA NAPAPALIGIRAN NG MGA LANTAKA SA ILALIM NI DATO AKADIR AKOBAR (AMAI PAKPAK) TINANGKANG KUBKUBIN NG HUKBO NI GOB. HEN. VALERIANO WEYLER, 1891. NA NABAWI AT PINATATAG PA NI AMAI PAKPAK. MULING NILUSOB NG HUKBO NI GOB. HEN. RAMON BLANCO GAMIT ANG APAT NA MGA BANGKANG KANYONERO NA DINALA SA LAWA NG LANAO AT MAHIGIT NA 5000 SUNDALO. 1895. NAMATAY SA LABANAN ANG MARAMING MANDIRIGMA SA MAGKABILANG PANIG KASAMA SI AMAI PAKPAK 10 MARSO 1895. NAGING KAMPO NG MGA ESPANYOL HANGGANG 1898. NAGING KAMPO NG MGA AMERIKANO MATAPOS MALATAGAN ANG KALSADA MULA ILIGAN AT MAKIPAGKAIBIGAN SA MGA MARANAO. 1903. NAGING CAMP KEITHLEY SA ALAALA NI CORPORAL GUY FURNANDO KEITHLEY AT PINALAWIG HANGGANG DANSALAN. 1905. SINAKOP NG MGA HAPON. 1942-1945. IDINEKLARA BILANG MILITARY RESERVATION. 1953. NAGING CAMP AMAI PAKPAK. 1982. IGINAWAD ANG BAHAGI NG LUPAIN NG KAMPO PARA SA MGA GUSALI NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG MARAWI. 1991.

Amai Pakpak

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Amai Pakpak Central Elementary School, Marawi City, Lanao del Sur
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 18 August 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ΑΜΑΙ ΡΑΚΡΑΚ 

MANDIRIGMA AT MARTIR NG ΚALAYAAΝ. ΚILALA BILANG DATO AKADIR AKOBAR NG MGA MARANAW SA HILAGANG BAHAGI NG LAWA NG LANAO. IPINANGANAK SA BUADI SA KAYO, MARAWI, NGAYO'Y LUNGSOD SA LANAO DEL SUR. AT KINILALA BILANG AMAI PAKPAK. MAGITING NA IPINAGLABAN ANG KASARINLAN NG MGA MARANAW SA MGA LABANAN SA MARAWI MULA SA PANANAKOP NG HUKBO NI GOB. HEN. VALERIANO WEYL 1891, AT SA HUKBO NI GOB. HEN. RAMON BLANCO,. NASAWI AT YUMAO SA LABANAN SA MARAWI. 10 MARSO 1895.

Sheik Karimol-Makdum Mosque in Tubig-Indangan, Simunol, Tawi-Tawi

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023
Location: Tubig-Indangan, Simunol, Tawi-Tawi
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: National Historical Landmark
Marker date: 7 November 2023
Marker text:
SHEIK KARIMOL-MAKHDUM MOSQUE 
IN TUBIG-INDANGAN, SIMUNUL, TAWI-TAWI

DECLARED AS A NATIONAL HISTORICAL LANDMARK BY VIRTUE OF BOARD RESOLUTION NO. 4 ON 13 AUGUST 1998 OF THE NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE, NOW THE NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES AND REPUBLIC ACT 10573 OF 24 MAY 2013.

Burial Site Of Sheik Karimol -Makhdum In Sibutu, Tawi-Tawi

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023
Location: Sibutu, Tawi-Tawi
Category: Sites/Events
Type: Burial site
Status: National Shrine
Marker date: 7 November 2023
Marker text:
BURIAL SITE OF SHEIK KARIMOL-MAKHDUM
 IN SIBUTU, TAWI-TAWI 

DECLARED AS A NATIONAL SHRINE BY VIRTUE OF BOARD RESOLUTION NO. 6 ON 23 SEPTEMBER 1993 OF THE NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE, NOW THE NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES.

Oblates of Notre Dame

Location: OND, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 May 2009
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
OBLATES OF NOTRE DAME

ITINATAG NINA GEORGE DION, OMI, D.D. AT GERARD MONGEAU, OMI, D.D. SA LUNGSOD NG COTABATO, 1956. SINA SR. MA. ESTRELLA ADRE AT SR. MARY ROSE B. QUIJANO ANG MGA UNANG KASAPI. NAGSIMULA BILANG, INSTITUSYONG LAKYO. NAGING SOCIETY OF COMMON LIFE OF THE DIOCESAN RIGHTS, 28 NOBYEMBRE 1964; AT RELIGIOUS INSTITUTE OF PONTIFICAL RIGHT, 21 ENERO 1986. NAGLILINGKOD SA NAPAPANAHON AT MAKABULUHANG MINISTRI SA LOOB AT LABAS NG PILIPINAS BILANG KATUWANG SA PAGPAPALAGANAP NG EBANGHELYO LALO NA SA MAHIHIRAP.

Maguindanao - Ruta ng Ekspedisyong Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Old Cotabato City Hall, Cotabato City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MAGUINDANAO

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

INILARAWAN NI ANTONIO PIGAFETTA, TAGATALA NG EKSPEDISYON, ANG MAGUINDANAO BILANG MAYAMANG LUNGSOD NG COTABATO, DATING SENTRO NG SULTANATO NG MAGUINDANAO. BALAK NG EKSPEDISYON NA MAGHANAP DITO NG GAGABAY SA KANILA PATUNGO SA MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA), OKTUBRE 1521. SA KATUBIGAN NITO NAKASAGUPA NG EKSPEDISYON ANG MGA MANDIRIGMA NG MAGUINDANAO. ISA SA NABIHAG NG EKSPEDISYON AY ANG KAPATID NG PINUNO NG MAGUINDANAO NA NAGSABING PAMILYAR ITO SA MALUKU AT ITINURO ANG DIREKSYON PATUNGO ROON. AYON PA RITO, KILALA NITO SI FRANCISCO SERRAO, ANG PORTUGES NA KAIBIGAN NI FERNANDO MAGALLANES AT KUMUMBINSI DITO NA TUMUNGO SA MALUKU.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Cawit - Ruta ng Ekspedisyong Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Cawit, Zamboanga City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 27 December 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CAWIT

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

MULA SA BASILAN, NARATING NG EKSPEDISYON ANG KATUBIGAN NG CAUIT (CAWIT, LUNGSOD NG ZAMBOANGA), OKTUBRE 1521. AYON KAY ANTONIO PIGAFETTA, TAGATALA NG EKSPEDISYON, TUMUTUBO SA MGA POOK NA ITO NG MINDANAO ANG MAGAGANDANG URI NG KANELA. ANG MGA PATALIM BUHAT SA PALAWAN AY IPINAGPALIT DITO NG EKSPEDISYON PARA SA KANELA, HINDI SILA NAGTAGAL SA BAHAGING ITO DAHIL SINAMANTALA NILA ANG MAGANDANG IHIP NG HANGIN, NAGLAYAG SILA PAHILAGANG-KANLURAN (TANGWAY NG ZAMBOANGA) AT SUNOD NA NARATING ANG KATUBIGAN NG SULTANATO NG MAGUINDANAO.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Tagima (Basilan) - Ruta ng Ekspedisyong Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Isabela City, Basilan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TAGIMA (BASILAN)

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

MULA SA SULU, TINAHAK NG EKSPEDISYON ANG PULO NG TAGIMA, NGAYO'Y BASILAN. SA PAG-ASANG MATUNTON NILA ANG DIREKSYON PATUNGONG MALUKU, NOO'Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA), OKTUBRE 1521.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Cagayan (Mapun) - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Mapun, Tawi-Tawi
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 6 September 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CAGAYAN (MAPUN) 

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

PANSAMANTALANG NAGPAHINGA ANG EKSPEDISYON SA CAGAYAN (NGAYO’Y MAPUN, TAWI-TAWI), HABANG TINATAWID NILA ANG DAGAT SULU UPANG HANAPIN ANG MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA), MAYO 1521. INILARAWAN ANG MGA TAGA-RITO BILANG MGA MUSLIM AT BILANG MATATAPANG NA MANDIRIGMA. PINAYUHAN SILANG TUMUNGO SA PALAWAN UPANG DOON MAKIPAGKALAKALAN NG MGA PANGANGAILANGAN.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Jose Abad Santos (1886-1942)

Location: Malabang, Lanao Del Sur
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: Unknown
Marker text:
JOSE ABAD SANTOS 
(1886-1942)

JURIST, STATESMAN, PATRIOT, HERO, MARTYR; AS REPRESENTATIVE OF THE PRESIDENT OF THE PHILIPPINES COMMONWEALTH DURING THE FIRST DAYS OF THE OCCUPATION, EXECUTED BY THE ENEMY AT MALABANG, LANAO, 7 ON MAY 1942 FOR REFUSING TO TAKE OATH OF ALLEGIANCE TO THE JAPANESE EMPIRE

Camp Brigadier General Salipada K. Pendatun

Location: Camp Parang, Parang, Maguindanao del Norte
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 29 January 1991
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CAMP BRIGADIER GENERAL SALIPADA K. PENDATUN

FORMERLY CAMP PARANG, RENAMED AFTER BRIG. GEN. SALIPADA K. PENDATUN BY HOUSE BILL NO. 53 OF THE REGIONAL LEGISLATIVE ASSEMBLY OF THE AUTONOMOUS REGION IN MUSLIM MINDADAO (ARMM) AND THE GENERAL ORDER NO. 1472 OF THE COMMANDING GENERAL OF THE PNP DATED OCTOBER 25, 1991. HERO OF THE SECOND WORLD WAR, FOUNDER OF THE BOLO BATTALION IN COTABATO BASIN, LATER, BUKIDNON-COTABATO FORCE, PROPONENT OF NATIONAL UNITY, FREEDOM AND LIBERTY. THIS CAMP IS DEDICATED IN HIS HONOR.

Prinsesa Tarhata Kiram

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2020
Location: Taglibi Road, Jolo, Sulu
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 August 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PRINSESA TARHATA KIRAM

MAKABAYAN, ISINILANG SA MAIMBUNG, SULU, 1904. PAMANGKIN AT AMPON NG SULTAN NG SULU, JAMALUL KIRAM II. UNANG PENSYONADONG BABAENG MUSLIM, 1920, NA NAGTAPOS SA STATE UNIVERSITY OF ILLINOIS, ESTADOS UNIDOS. KASAMA ANG KANYANG ASAWA, DATU TAHIL, ISINAGUPA ANG KRIS LABAN SA BARIL SA MAKASAYSAYANG LABANAN NG TAUSUG AT AMERIKANO, KASAMA SI SENADOR HADJI BUTU RASUL, TUMUTOL SA BACON BILL, 1927, NA MAGHIWALAY ANG MINDANAO AT SULU. PINAMUNUAN ANG MGA TAGA-PAGMANA SA PAGTALIKOD SA MGA KARAPATAN SA SABAH UPANG HUMIGIT ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA MALAYSIA, TAGAPAYO NI REAR ADMIRAL ROMULO ESPALDON, ISLAMIC AFFAIRS REGIONAL COMMISSION, REHIYON 9. KOMPOSITOR NG AWIT TAUSUG, NAPABATOG SA “JOLO FAREWELL.” PINARANGALAN NG KAWANIHAN NG KOREO ANG KANYANG LARAWAN SA TATLONG PISONG SELYO, 1984. NAMATAY, MAYO 23, 1979, SA GULANG NA 75.

Labanan sa Bud Dajo

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Capitol Site, Jolo, Sulu
Category: Site/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2004
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA BUD DAJO

LABANAN SA PAGITAN NG MGA MUSLIM AT HUKBONG AMERIKANO MULA 6 MARSO HANGGANG 8 MARSO 1906, BILANG PAGTUTOL NG MGA MUSLIM SA PAMAMALAKAD AT PAGPATAW NG BUWIS NG MGA AMERIKANO. NANG MATAPOS ANG LABANAN, MAY ISANG LIBONG MANDIRIGMANG MUSLIM ANG NAPATAY KABILANG ANG MGA BABAE AT BATA SAMANTALANG 21 ANG NAPATAY SA PANIG NG MGA AMERIKANO. DITO NAGTAPOS ANG SERYE NG MGA LABNANA NA NAGSIMULA NOONG 1903 SA PAMUMUNO NI PANGLIMA HASSAN, PAGPAPATUNAY NG PAGMAMAHAL NG MGA MUSLIM SA KALAYAAN.

Turtle Islands

Location: Turtle Islands Municipal Hall, Taganak Island, Turtle Islands, Tawi-Tawi
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text: 
TURTLE ISLANDS

ANG MGA PULONG ITO AY PINAUPAHAN NG SULTAN NG SULU SA BRITISH NORTH BORNEO COMPANY NOONG 22 ENERO 1878. NAGING BAHAGI NG PILIPINAS NOONG 10 DISYEMBRE 1898 AYON SA KASUNDUAN NG PARIS NA NILAGDAAN NG ESPANYA AT ESTADOS UNIDOS. PATULOY NA PINAMAHALAAN NG BRITISH NORTH BORNEO COMPANY AYON SA KASUNDUANG NILAGDAAN NOONG 1932 NG ESTADOS UNIDOS AT GRAN BRETANYA. PINAGKAYARIAN DING IBABALIK SA MAY-ARI PAGKATAPOS MAPAGPATALASTASAN ANG NANGUNGUPAHAN SA LOOB NG ISANG TAON. INILIPAT SA REPUBLIKA NG PILIPINAS NOONG 16 OKTUBRE 1947.

Marker text (English):
TURTLE ISLANDS

THESE ISLETS WERE LEASED BY THE SULTAN OF SULU ON 22 JANUARY 1878 TO THE BRITISH NORTH BORNEO COMPANY. BECAME PART OF THE PHILIPPINES BY VIRTUE OF THE TREATY OF PARIS, 10 DECEMBER 1898, BETWEEN SPAIN AND THE UNITED STATES. LESSEE CONTINUED ADMINISTERING THEM UNDER THE 1932 UNITED STATES–GREAT BRITAIN TREATY TO BE RELINQUISHED TO OWNER UPON A YEAR’S NOTICE. TRANSFERRED TO THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, 16 OCTOBER 1947.


Salipada K. Pendatun (1912–1985)

NHCP Photo Collection
Location: Salipada K. Pendatun tomb, General Salipada K. Pendatun, Maguindanao del Sur
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2012
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SALIPADA K. PENDATUN
(1912–1985)

ISINILANG SA PIKIT, COTABATO, 3 DISYEMBRE 1912. NAGTAPOS NG ABOGASYA SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS AT PUMASA SA PHILIPPINE BAR, 1938. HINIRANG BILANG KASAPI NG LUPONG PANLALAWIGAN NG COTABATO, 1938; NAHALAL, 1940. NAKOMISYON BILANG 3RD LIEUTENANT, PHILIPPINE ARMY RESERVE FORCE AT NAPABILANG SA USAFFE BAGO SUMIKLAB ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. KASAMA SI DATU UDTOG MATALAM, NAGTATAG NG ISANG PUWERSANG GERILYA LABAN SA MGA HAPON SA COTABATO. HINIRANG BILANG GOBERNADOR NG COTABATO PAGKATAPOS NG DIGMAAN. NAHALAL BILANG SENADOR, 1946–1949; TAGAPAYO, ADMINISTRASYONG QUIRINO, 1950–1953; KINATAWAN NG LALAWIGAN NG COTABATO SA KONGRESO, 1958–1961; 1962–1965; 1966–1969; 1970–1972; SPEAKER PRO TEMPORE, 1962–1967; KINATAWAN NG MAGUINDANAO SA REGULAR BATASANG PAMBANSA AT SPEAKER PRO TEMPORE, 1984–1985. YUMAO, 27 ENERO 1985.

Notre Dame Archdiocesan Seminary



Location: Quezon Avenue, Barangay Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
Category: Association/Institution/Organization
Type: School
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
NOTRE DAME ARCHDIOCESAN SEMINARY
ARCHDIOCESE OF COTABATO

ITINATAG NI ARSOBISPO GERARD MONGEAU, OMI, DD, SA KIDAPAWAN, 1960. FR. WILLIAM MCGRATH, OMI, UNANG RECTOR. INILIPAT SA REBUKEN, SULTAN KUDARAT, MAGUINDANAO, 1963. BINASBASAN NI RUFINO J. CARDINAL SANTOS, 1964. KILALA RIN BILANG NULING SEMINARY. MAKARAAN ANG “MISSIONARY ERA” NAGPATULOY NA TUMULONG UPANG MAKAPAGPATAPOS NG MGA LOKAL NA PARI NA MAGLILINGKOD SA ARCHDIOCESE OF COTABATO, DIOCESE OF KIDAPAWAN AT SA IBA PANG PANIG NG MUNDO. NAGING INSTRUMENTO SA PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMO AT PAGKAKAWANGGAWA SA MGA MARALITA SA MINDANAO.

Sultan Dipatuan Kudarat (c. 1590–1671)




Location: Tantawan Park, Sinsuat Avenue, Cotabato City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 19, 2004
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SULTAN DIPATUAN KUDARAT 
C. 1590–1671

IKAPITONG SULTAN NG MAGUINDANAO. KILALA SA MGA TALA NG ESPANYOL BILANG CORRALAT. NAMUNO MULA 1619 HANGGANG 1671. PINAGBUKLOD ANG MGA PINUNONG MUSLIM AT NAKIPAGKAISA SA SULTANATO NG SULU. LUMABAN SA MGA ESPANYOL, 1635–1645. NAGING TANGING PINUNO NG MALAWAK NA BAHAGI NG MINDANAO KABILANG ANG DAVAO, COTABATO AT ZAMBOANGA. NILAGDAAN ANG KASUNDUANG PANGKAPAYAPAAN NA NAGBUNGA NG ILANG TAONG KATIWASAYAN SA MINDANAO, 1645. KINILALA NA WALANG TAKOT NA TAGAPAGTANGGOL NG PANANAMPALATAYANG ISLAM AT UMUUSBONG NA KALAYAAN NG PILIPINAS. NAMATAY, 1671.