![]() |
NHCP Photo Collection, 2024 |
![]() |
NHCP Photo Collection, 2024 |
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 23 April 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG JASAAN
IPINATAYO NG MGA PARING REKOLETO ANG UNANG SIMBAHAN SA APLAYA BILANG VISITA NG CAGAYAN SA HILAGANG MINDANAO. NAGING GANAP NA PAROKYA PATRONATO NG INMACULADA CONCEPCION, 1830. INILIPAT ANG PANGANGASIWA NG PAROKYA SA MGA PARING HESWITA SA BISA NG DEKRETO NI REYNA ISABELA II, 1860-1861. INILIPAT ANG PAROKYA SA KASALUKUYAN NITONG LOKASYON. NAGTAYO NG BAGONG SIMBAHAN NA YARI SA KAHOY SA PANGUNGUNA NI FR. JUAN HERAS, SJ AT INAYON ANG DISENSYO MULA SA SIMBAHAN NG SAN IGNACIO SA INTRAMUROS, 1887. PANSAMANTALANG NATIGIL ANG PAGTATAYO DAHIL SA HIMAGSIKANG PILIPINO. BAHAGYANG NASIRA NG LINDOL, 1904. GANAP NA NATAPOS ANG PAGTATAYO NG SIMBAHAN NA YARI SA KAHOY AT LADRILYO, 1938. ISINAAYOS NOONG DEKADA ’80. IDINEKLARA BILANG PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2001. MULING SINIMULAN ANG PAG-AAYOS AT IBINALIK SA ORIHINAL NA DISENYO SA PANGUNGUNA NG JASAAN PARISH RESTORATION & DEVELOPMENT COMMITTEE INC., 2013.
No comments:
Post a Comment