Showing posts with label San Juan City. Show all posts
Showing posts with label San Juan City. Show all posts

Victoria Lopez-Araneta

Location: White Cross Orphanage, Col. Bonny Serrano Avenue, San Juan, Metro Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
VICTORIA LOPEZ-ARANETA

LIDER SIBIKO, EDUKADOR, MANUNULAT AT MANGANGALAKAL. ISINILANG SA JARO, ILOILO, 6 MARSO 1907. TAGAPANGULO NG SANGAY PANGKABABAIHAN NG NATIONAL ECONOMIC PROTECTIONISM ASSOCIATION, 1934–1959. TAGAPAGTATAG NG WHITE CROSS, BAHAY-KALINGA PARA SA MGA ANAK NG MAY SAKIT NA TUBERKULOSIS, 13 ABRIL 1936.

KASAMANG NAGTATAG NG FAR EAST AIR TRANSPORT, INCORPORATED (FEATI), 1945; FEATI INSTITUTE OF TECHNOLOGY (NGAYON AY FEATI UNIVERSITY), 1946; ARANETA INSTITUTE OF AGRICULTURE (NGAYON AY LA SALLE-ARANETA UNIVERSITY), 1947; FEATI INDUSTRIES AT REPUBLIC FLOUR MILLS, 1957; AT FEATI BANK AND TRUST COMPANY, 1961.

YUMAO, 16 PEBRERO 1988.

Club Filipino Bulwagang Kalayaan 25 Pebrero 1986

Location: Club Filipino, Club Filipino Avenue cor. Eisenhower Street, Greenhills, San Juan, Metro Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CLUB FILIPINO BULWAGANG KALAYAAN 25 PEBRERO 1986

SA BULWAGANG ITO, ANG UNANG BABAENG NAGING PANGULO NG PILIPINAS, CORAZON C. AQUINO AY NANUMPA KA SUPREME COURT SENIOR JUSITCE CLAUDIO TEEHANKEE. NANUMPA RIN BILANG PANGALAWANG PANGULO, SALVADOR H. LAUREL KAY SUPREME COURT JUSTICE VICENTE ABAD SANTOS. KASINGHALAGA NG ARAW NA ITO ANG PAGLAGDA NG PROKLAMASYONG BILANG 1, ANG PAGPAPAHAYAG NG ATAS PAMPANGULUHAN BILANG 1, AT ANG PAGHIRANG NG ILANG MGA KAGAWAD NG GABINETE AT TASK FORCES PARA TUMULONG SA PANGULO SA PAMAMAHALA NG BAGONG PAMAHALAAN.

Club Filipino

Location: Club Filipino, Club Filipino Avenue cor. Eisenhower Street, Greenhills, San Juan, Metro Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CLUB FILIPINO

ANG CLUB FILIPINO NA ITINATAG UPANG IPAKIPAGLABAN ANG KASARINLAN NG BANSA SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPAYAMAN NG KULTURA, SINING, KARUNUNGAN, KALUSUGAN AT NG PAGKAMAKABAYAN NG MGA MAMAMAYAN. 
ITINATAG NG ISANG PANGKAT NG MGA PILIPINONG MAKABAYAN AT ILUSTRADO SA PANGALANG “EL CLUB FILIPINO INDEPENDIENTE" NOONG 1898, NANG ANG BANDILA NG TATLONG BANSA - FILIPINAS, ESPANYA, AT AMERIKA - AY NAKATAAS SA IBAʼT IBANG PANIG NG KAPULUAN. NAGING UNANG PANGULO NITO SI ISIDRO DE SANTOS; SI HEN. ANTONIO LUNA NAMAN ANG SIYANG INGAT-YAMAN. 

ANG SAMAHANG ITO ANG UNANG NAGBIGAY-PARANGAL SA ARAW NG PAGKA-MARTIR NI RIZAL SA PAMAMAGITAN NG PAGDARAOS NG LUKSANG ALAALA NOONG DISYEMBRE 30, 1898 AT SIYANG NAGING SIMULA NG PAGDIRIWANG NG "RIZAL DAY." 

NATIGIL ANG GAWAIN NG SAMAHAN NANG UMANIB KAY HEN. EMILIO AGUINALDO ANG MARAMI SA MGA KAGAWAD NITO NANG SUMIKLAB ANG DIGMAAN LABAN SA AMERIKA. 

MULING ITINATAG SA BAGONG PANGALANG "EL CLUB INTERNATIONAL" NANG MATAPOS ANG DIGMAAN. IBINALIK ANG PANGALANG “CLUB FILIPINO" PAGKARAAN NG ILANG TAON. 

ANG SAMAHAN AY NANGUNA SA PAGTANGKILIK SA SARILING KULTURA AT SINING; PINAPANATILI ANG PAGGAMIT NG KASUOTANG PILIPINO; AT UNANG NAGTAGUYOD SA MGA KUNSIYERTO NG MGA AWITING PILIPINO AT EKSIBISYON NG MUSIKA AT PINTURANG PILIPINO.

NAGTAGUYOD RIN SA PAGPAPAUNLAD NG KARUNUNGAN AT KALUSUGAN. NAGPADALA NG MGA PENSYONADO UPANG MAG-ARAL SA AMERIKA; AT NAGPAUNLAD SA PALAKASAN.

ANG UNANG NAGING TAHANAN NG CLUB AY SA DAANG ALIX (NGAYO’Y LEGARDA); PAGKARAAN, SA PLAZA GOITI. NOONG 1909, SA 1021 AVENIDA RIZAL. LUMIPAT SA STA. MESA KUNG SAAN TUMIGIL SI HEN. TOMOYUKI YAMASHITA NG HUKBONG HAPON AT PAGKARAAN, SI HEN. DOUGLAS MACARTHUR NOONG LIBERATION. BUHAT DITO, ITO AY INILIPAT SA KASALUKUYANG TANGGAPAN NITO SA GREENHILLS, SAN JUAN, METRO MANILA. 

Felipe Agoncillo (1859–1941) at Marcela Mariño Agoncillo (1859–1946)

Location: Santuario del Santo Cristo, 183 F. Blumentritt Street, San Juan, Metro Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 29, 1982
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
FELIPE AGONCILLO (1859–1941)
AT 
MARCELA MARIÑO AGONCILLO (1859–1946)

SA LIBINGANG ITO NAKALAGAK ANG MGA LABÍ NG MAG-ASAWANG FELIPE AGONCILLO, UNANG PILIPINONG EMBAHADOR AT MARCELA MARIÑO AGONCILLO, ANG TUMAHI NG UNANG BANDILA NG PILIPINAS.PANG-ALAALANG DAMBANA NG PINAGLABANAN

Ang Club Filipino at ang Partido Nacionalista

Location: Club Filipino, Club Filipino Avenue cor. Eisenhower Street, Greenhills, San Juan, Metro Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 29, 1996
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG CLUB FILIPINO AT ANG PARTIDO NACIONALISTA

SA POOK NA ITO, NOONG 27 NOBYEMBRE 1907, GINANAP ANG VELADA ARTISTICA NA ITINAGUYOD NG CLUB FILIPINO BILANG PARANGAL SA LIMAMPU’T SIYAM NA KAGAWAD NG UNANG PAMBANSANG ASAMBLEYA NG PILIPINAS NA KASAPI SA PARTIDO NACIONALISTA NA NANGAMPANYA AT NAGWAGI SA ILALIM NG PLATAPORMA NILANG ‘MADALIAN, LUBUSAN AT GANAP NA KALAYAAN PARA SA PILIPINAS’ LABAN SA PARTIDO FEDERALISTA NA NAGLALAYON NAMAN SA PAGIGING ISANG GANAP NA ESTADO NG PILIPINAS NG ESTADOS UNIDOS.

El Deposito






Location: Pinaglabanan, San Juan City (Region NCR)
Category: Sites/Events
Type: Site, Water System, NHCP Museum
Link to the museum: Museo El Deposito
Status: Level II - Historical marker      
Marker date: 1972
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
"EL DEPOSITO"

SA POOK NA ITO ITINAYO NG MGA KASTILA ANG TINGGALAN NG TUBIG NA MAY LAWAK NA DALAWANG EKTARYA AT MAY LALIM NA DALAWANDAANG TALAMPAKAN. DITO NAGANAP ANG LABANAN NOONG IKA-30 NG AGOSTO 1896. GINAMIT HANGGANG NOONG PANAHON NG AMERIKANO NANG ITAYO ANG TINGGALAN NG TUBIG SA SAN JUAN AR ANG SALAAN NG TUBIG SA BALARA NA PINAMAHALAAN NG DATING METROPOLITAN WATER DISTRICT.

Almacen de Polvora




Location: San Juan Elementary School, N. Domingo Street cor. A. Luna Street, San Juan City
Category: Buildings/Structures 
Type: Military structure
Status: Level II - Historical marker  
Marker date: 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ALMACEN DE POLVORA

IPINAGAWA NOONG 1781 BILANG PAGHAHANDA LABAN SA ANOMANG PAGSALAKAY NG MGA DAYUHAN SA MAYNILA NI INHENYERO JOSE BELESTA SA KAUTUSAN NI GOBERNADOR-HENERAL BASCO Y VARGAS SA BISA NG ROYAL DECREE NG SETYEMBRE 24, 1779 PARA MAGING IMBAKAN NG MAY 178 HANGGANG ISA NA LIBONG KILOGRAMONG PULBURA. SINALAKAY NG MGA KATIPUNERO SA PAMUMUNO NI ANDRES BONIFACIO NOONG MADALING-ARAW NG AGOSTO 30, 1896. ISANG KASTILANG ARTILYERO AND NAPATAY AT ILAN PA ANG MALUBHANG NASUGATAN

Battle of Pinaglabanan





Location: N. Domingo Street cor. Pinaglabanan Road, San Juan city
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: August 29, 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text: 
BATTLE OF PINAGLABANAN

SA POOK NA ITO NAGANAP ANG MAKASAYSAYANG LABANAN NG MGA PILIPINO AT KASTILA NOONG 30 AGOSTO 1896. DITO UNANG SUMALAKAY ANG MGA KATIPUNERO SA PAMUMUNO NI ANDRES BONIFACIO AT EMILIO JACINTO. SA LABANANG ITO, NA KINASAWIAN NG 153 KATIPUNERO, IPINAKILALA NG MGA PILIPINO NA HANDA SILANG MAG-ALAY NG KANILANG BUHAY ALANG-ALANG SA KALAYAAN NG INANG BAYAN.

Tulay ng San Juan




Location: San Juan City, Metro Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: Bridge
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
TULAY NG SAN JUAN

SA TULAY NA ITO, NOONG 29 ENERO 1899, NAGTAGPO SINA KOL. LUCIANO SAN MIGUEL, FILIPINONG KOMANDANTE SA POOK NA IYON, AT COL. JOHN STOTSENBURG, COMMANDER, FIRST NEBRASKA VOLUNTEER INFANTRY, U.S. ARMY, UPANG ILATAG ANG HANGGANANG SAKOP NG MGA PUWERSANG FILIPINO AT AMERIKANO. PAGKARAANG SUMIKLAB ANG DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO SA PANULUKAN NG SOCIEGO AT SILENCIO, STA. MESA, MAYNILA NOONG 4 PEBRERO 1899, NAGLABANAN ANG DALAWANG PUWERSA SA TULAY NA ITO, 5 PEBRERO 1899.

First Shot in Filipino-American War



Location: San Juan Bridge, San Juan City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1941
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
FIRST SHOT IN FILIPINO–AMERICAN WAR

HERE, AT 9:00 O’CLOCK IN THE EVENING OF FEBRUARY 4TH, 1899, PRIVATE WILLIAM GRAYSON OF THE FIRST NEBRASKA VOLUNTEERS FIRED THE SHOT THAT STARTED THE FILIPINO–AMERICAN WAR.

Church of San Juan del Monte

NHCP Photo Collection
Location: Santuario del Santo Cristo, 183 F. Blumentritt Street, San Juan City
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1937
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker text:
CHURCH OF SAN JUAN DEL MONTE

THE CHURCH AND CONVENT WERE BUILT IN 1602-1604 BY THE DOMINICAN PROVINCE OF THE MOST HOLY ROSARY ON A SITE DONATED BY CAPTAIN JULIAN DE CUENCA. BOTH BUILDINGS WERE BURNED DURING THE CHINESE UPRISING OF 1639. THE NEW CHURCH AND CONVENT, CONSTRUCTED IN 1641, WERE SET ON FIRE IN JULY 1763 DURING THE BRITISH OCCUPATION OF MANILA. THE PRESENT CHURCH AND CONVENT, CONSTRUCTED IN 1774, WERE USED BY THE INSURGENT FORCES OF THE REVOLUTION OF 1898. THIS SANCTUARY IS THE SEAT OF THE CONFRATERNITY OF SANTISIMO CRISTO DE SAN JUAN DEL MONTE APPROVED BY POPE INNOCENT X ON MARCH 4, 1648.

Ang Simbahan ng San Juan del Monte

NHCP Photo Collection
NHCP Photo Collection

NHCP Photo Collection
NHCP Photo Collection, 2018
NHCP Photo Collection, 2018
NHCP Photo Collection, 2018
Location: Pinaglabanan Church, 140 Pinaglabanan Street, San Juan City
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 31 March 1974
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
ANG SIMBAHAN NG SAN JUAN DEL MONTE

BINALANGKAS AT ITINAYO NI ARKITEKTO LUIS ARELLANO NOONG 1896 SA TULONG NINA MARIANO ARTIAGE AT MARTIN OCAMPO. NASIRA NOONG PANAHON NG HIMAGSIKAN; IPINAAYOS NI RAMON J. FERNANDEZ PAGKARAAN NG DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO AT NAGING PAROKYA NG SAN JUAN. ANG SIMBAHAN AY PINALAKI AT MULING IPINAAYOS NOONG 1951 SA PAMUMUNO NG KURA PAROKO, P. HERNANDO ANTIPORDA. ANG PAGBABAGO AY GINAWA NI ARKITEKTO OTILIO A. ARELLANO NA SIYANG NAGSIKAP UPANG MAPANATILI ANG ORHINAL NA NABE AT HARAPAN NITO.

Pang-alaalang Dambana ng Pinaglabanan*





© Eugene Alvin Villar/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 1.0
Location: Pinaglabanan Road, San Juan City (NCR)
Category: Sites/Events
Type: Site, NHCP Museum
Link to the museum: Museo ng Katipunan
Status: Level I- National Shrine
Marker date: 30 August 1976
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PANG-ALAALANG DAMBANA NG PINAGLABANAN

GINAWANG PAMBANSANG DAMBANA SA BISA NG UTOS PAMPANGULO BLG. 260, AGOSTO 1, 1973.

ANG POOK AT BANTAYOG AY SINIMULANG ITAYO NG PANG-ALAALANG KOMISYON NG PINAGLABANAN NA ITINATAG SA BISA NG UTOS TAGAPAGPAGANAP BLG. 394. INILIPAT SA PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN NOONG PEBRERO 4, 1974.