NHCP Photo Collection, 2016 |
NHCP Photo Collection, 2016 |
Type: Commemorative marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG PAGDALAW NI VALENZUELA SA DAPITAN
NOONG HUNYO 1896, SI DR. PIO VALENZUELA, KILALANG KASAPI NG KATIPUNAN AY IPINADALA SA DAPITAN (NGAYON AY ISANG LUNGSOD SA ZAMBOANGA DEL NORTE) KUNG SAAN IPINATAPON SI DR. JOSE RIZAL. IPINABATID NIYA SA BAYANI ANG MGA BALAK NG KATIPUNAN SUBALIT TINUTULAN NITO ANG ISANG SANDATAHANG HIMAGSIKAN SAPAGKAT ITO AY “MAPAMINSALA AT NAGBUBUNGA NG KAMATAYAN.”
IPINABATID DIN NI VALENZUELA KAY RIZAL NA BINABALAK NG MGA MANGHIHIMAGSIK NA SIYA AY ITAKAS SA HAPON BUHAT SA DAPITAN NA LULAN NG ISANG SASAKYANG-DAGAT. TINANGGIHAN NI RIZAL ANG ALOK AT NAGPAYONG “PARA SA KALIGTASAN NG BAYAN, HINDI NA KAILANGAN ANG BALIKAN PA ANG ISANG TAO LAMANG.” SINABI DIN NI RIZAL NA “ANG MAMATAY AT MAKALUPIG AY NAKAKASIYA, SUBALIT ANG MAMATAY AT MALUPIG AY NAPAKASAKIT.”
PAGKARAANG TUMIGIL NG MAGDAMAG SA DAPITAN, SI VALENZUELA AY NAGBALIK SA MAYNILA AT INIULAT KAY BONIFACIO AT SA IBA PANG MGA PINUNO NG KATIPUNAN ANG KINAHINATNAN NG KANYANG MISYON.
No comments:
Post a Comment