Location: Macahambus Cave, Cagayan de Oro
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 4 June 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA BUROL NG MAKAHAMBUS
SA POOK NA ITO, HUNYO 4, 1900, ANG HUKBONG PANGHIMAGSIKAN NG BATALYONG MINDANAO SA PANGUNGUNA NI TENYENTE CRUZ TAAL NA NASA ILALIM NG PAMUMUNO NI KOL. APOLINAR VELEZ Y RAMOS AY NAGWAGI SA KANILANG MADUGONG PAKIKIPAGLABAN SA MGA SUNDALONG AMERIKANO NA KABILANG SA IKA-40 IMPANTERYANG PINAMUMUNUAN NI KAPITAN THOMAS MILLER AT NG DAGDAG NA PANGKAT NA PINANGUNGUNAHAN NI KAPITAN WALTER B. ELLIOT. ANG PAGKATALONG ITO NG MGA AMERIKANO SA LABANAN SA MAKAHAMBUS AY BUNGA NG MAHUSAY NA PAMAMARAAN AT DISIPLINA SA SARILI NG MGA NAGTANTANGGOL NA MGA REBOLUSYONARYONG PILIPINO. UMANI ANG MGA PILIPINO NG PAGHANGA MULA SA MGA AMERIKANO, DAHIL SA KANILANG GINAWANG PAKIKITUNGO SA MGA BIHAG NG DIGMA.
No comments:
Post a Comment