Showing posts with label Cagayan De Oro. Show all posts
Showing posts with label Cagayan De Oro. Show all posts

Labanan sa Burol ng Makahambus

Location: Macahambus Cave, Cagayan de Oro
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 4 June 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA BUROL NG MAKAHAMBUS

SA POOK NA ITO, HUNYO 4, 1900, ANG HUKBONG PANGHIMAGSIKAN NG BATALYONG MINDANAO SA PANGUNGUNA NI TENYENTE CRUZ TAAL NA NASA ILALIM NG PAMUMUNO NI KOL. APOLINAR VELEZ Y RAMOS AY NAGWAGI SA KANILANG MADUGONG PAKIKIPAGLABAN SA MGA SUNDALONG AMERIKANO NA KABILANG SA IKA-40 IMPANTERYANG PINAMUMUNUAN NI KAPITAN THOMAS MILLER AT NG DAGDAG NA PANGKAT NA PINANGUNGUNAHAN NI KAPITAN WALTER B. ELLIOT. ANG PAGKATALONG ITO NG MGA AMERIKANO SA LABANAN SA MAKAHAMBUS AY BUNGA NG MAHUSAY NA PAMAMARAAN AT DISIPLINA SA SARILI NG MGA NAGTANTANGGOL NA MGA REBOLUSYONARYONG PILIPINO. UMANI ANG MGA PILIPINO NG PAGHANGA MULA SA MGA AMERIKANO, DAHIL SA KANILANG GINAWANG PAKIKITUNGO SA MGA BIHAG NG DIGMA.

Pagtataas ng Watawat ng Pilipinas sa Cagayan de Misamis 10 Enero 1899

Location: Cagayan de Oro
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: January 13, 2015
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PAGTATAAS NG WATAWAT NG PILIPINAS SA CAGAYAN DE MISAMIS
10 ENERO 1899

ITINAAS ANG WATAWAT NG PILIPINAS SA CASA REAL NG CAGAYAN DE MISAMIS (NGAYO’Y CAGAYAN DE ORO) BILANG SAGISAG NG PAGKILALA SA PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO, 10 ENERO 1899. TINAWAG NI GOBERNADOR JOSE ROA Y CASAS NG LALAWIGAN NG MISAMIS ANG PAGDIRIWANG NA YAON BILANG “LA FIESTA NACIONAL” SA KANYANG LIHAM KAY HEN. AGUINALDO, 26 ENERO 1899. TANDA ITO NG MASIGLANG PAGDIRIWANG NG MAMAMAYAN SA KALAYAAN NG PILIPINAS.

Labanan sa Burol Agusan

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Cagayan de Oro City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 14 May 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA BUROL AGUSAN

SA POOK NA ITO, MAYO 14, 1900, ANG UNANG KUMPANYA NG LAKAS PANGHIMAGSIKAN NG BATALYONG MINDANAO SA PANGUNGUNA NI KAPITAN VICENTE ROA Y RACINES AT MGA KABALYERIYA SA PAMUMUNO NI SARHENTO ULDARICO AKUT KASAMA ANG MGA MACHETEROS, AY MADUGONG NAKIPAGLABAN SA MGA SUNDALONG AMERIKANO NG IKA-40 REHIMYENTO NG BOLUNTARYONG IMPANTERYA NG ESTADOS UNIDOS NA PINANGUNAHAN NI KAPITAN WALTER B. ELLIOT. SI KAPITAN ROA, KASAMA ANG IBA PANG MAKABAYANG PILIPINO AY BUONG KABAYANIHANG NAMATAY SA LABANANG ITO.

Labanan sa Cagayan de Misamis

Location: Capistrano Street corner Gaerlan Street, Cagayan de Oro
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 7 April 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA CAGAYAN DE MISAMIS

BAGO MAGBUKANG-LIWAYWAY NOONG ABRIL 7, 1900, ANG LAKAS PANGHIMAGSIKAN NG BATALYONG MINDANAO SA PAMUMUNO NI HENERAL NICOLAS CAPISTRANO AY NAGSAGAWA NG ISANG BIGLAANG PAGSALAKAY SA IKA-40 REHIMIYENTO NA BINUBUO NG MGA BOLUNTARYO NG ESTADOS UNIDOS SA PAMUMUNO NI MEDYOR JAMES CASE. SA PAGTATANGGOL SA KANILANG MINAMAHAL NA BANSA. ILANG DAANG MAGIGITING NA PILIPINONG MANGHIHIMAGSIK ANG NAMATAY SA LABANANG ITO.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY BUONG PUSONG INIAALAY NG SAMBAYANANG PILIPINO SA MAGIGITING NA TAGAPAGTANGGOL NG KALAYAAN NG CAGAYAN DE MISAMIS SA PAGGUNITA SA IKASANDAANG TAON NG MAKASAYSAYANG LABANANG ITO.

Macabalan Wharf

Location: Macabalan Wharf, Cagayan de Oro
Category: Buildings/Structures
Type: Structure
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 13 March 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MACABALAN WHARF

IPINATAYO NG MGA ESPANYOL SA CAGAYAN DE MISAMIS IKA-LABINSIYAM NA SIGLO. NAGSILBING DAUNGAN NG MGA SASAKYANG PANDAGAT MULA MAYNILA, CEBU, MARIBOJOC, ILOILO AT ROMBLON. NAGING KUTANG TANGGULAN NG MGA CAGAYANON UPANG PIGILAN ANG PAGSAKOP NG MGA AMERIKANO SA CAGAYAN DE MISAMIS, ENERO–MARSO 1900. NASAKOP NG MGA AMERIKANO, 25 ABRIL 1900. DITO DUMAONG SINA HEN. DOUGLAS MACARTHUR AT PAMILYA MULA CORREGIDOR, 13 MARSO 1942. TUMUNGO SA DEL MONTE AIRFIELD, BUKIDNON AT LUMPIPAD PATUNGONG AUSTRALYA, 17 MARSO 1942.

Casa del Chino Ygua (Balay nga Bato)

Location: Casa del Chino Ygua, Hayes Street corner Velez Street, Cagayan de Oro City
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 7 April 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CASA DEL CHINO YGUA (BALAY NGA BATO)

IPINAGAWA NOONG 1882 NA YARI SA LADRILYONG INANGKAT SA TIMOG TSINA NI SIA YGUA NOONG ENERO 10, 1899. NAGTIPUN-TIPON SA HARAPAN NG BAHAY NA ITO ANG MGA KALAHOK SA MARINGAL NA PARADA SA CAGAYAN DE MISAMIS BILANG PAGKILALA SA PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO NI HENERAL AGUINALDO. SINAKOP AT INOKUPAHAN NG IKA-40 REHIMIYENTO NG MGA BOLUNTARYO NG ESTADOS UNIDOS. NILUSOB NG BATALYONG MINDANAO SA PAMUMUNO NI HENERAL NICOLAS CAPISTRANO NA NAGTANGKANG PALAYAIN ANG CAGAYAN DE MISAMIS NOONG ABRIL 7, 1900. MARAMING PILIPINONG MANGHIHIMAGSIK ANG NAPATAY SA BAHAY NA ITO NOONG LABANAN SA CAGAYAN DE MISAMIS AT INILIBONG SA LIKOD BAHAY NITO.