Tagusao (Dyguazam/Tegozzao) - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Tagusao, Palawan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TAGUSAO (DYGUAZAM/TEGOZZAO)

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

NARATING NG EKSPEDISYON ANG DAUNGA NG DYGUAZAM (TEGOZZAO SA MAPA NI ANTONIO PIGAFETTA AT SAOCAO SA TALA NI FRANCISCO ALBO), TINATAYANG SITIO TAGUSAO, BARONG-BARONG, BROOKE’S POINT, PALAWAN, MATAPOS SILANG ITABOY SA UNANG PINAGDAUNGAN NITO SA PALAWAN (TINATAYANG ABORLAN, PALAWAN). DITO NILA NAKILALA SI BASTIAM, MANGANGALAKAL NA MAALAM SA WIKANG PORTUGES MULA SA MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA). NILISAN NILA ITO UPANG TUMUNGO SA BRUNEI, 21 HUNYO 1521.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

No comments:

Post a Comment