Showing posts with label Palawan. Show all posts
Showing posts with label Palawan. Show all posts

Dulo ng Palawan - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Bataraza, Palawan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
DULO NG PALAWAN

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

MULA SA DAUNGAN NG DYGUASAM (TEGOZZAO SA MAPA NI ANTONIO PIGAFETTA AT SAOCAO SA TALA NI FRANCISCO ALBO), TINATAYANG SITIO TAGUSAO, BARONG-BARONG, BROOKE’S POINT, PALAWAN, BINAYBAY NG EKSPEDISYON ANG KATIMUGANG PALAWAN AT NARATING ANG KATUBIGAN NG BALABAC (BAHAGI NGAYON NG PALAWAN). NAGSILBING GABAY NG EKSPEDISYON ANG PULONG ITO PATUNGONG BRUNEI, 21 HUNYO 1521.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Balabac - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Balabac, Palawan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 11 October 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BALABAC

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

MULA SA DAUNGAN NG DYGUASAM (TEGOZZAO SA MAPA NI ANTONIO PIGAFETTA AT SAOCAO SA TALA NI FRANCISCO ALBO), TINATAYANG SITIO TAGUSAO, BARONG-BARONG, BROOKE’S POINT, PALAWAN, BINAYBAY NG EKSPEDISYON ANG KATIMUGANG PALAWAN AT NARATING ANG KATUBIGAN NG BALABAC (BAHAGI NGAYON NG PALAWAN). NAGSILBING GABAY NG EKSPEDISYON ANG PULONG ITO PATUNGONG BRUNEI, 21 HUNYO 1521.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Tagusao (Dyguazam/Tegozzao) - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Tagusao, Palawan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TAGUSAO (DYGUAZAM/TEGOZZAO)

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

NARATING NG EKSPEDISYON ANG DAUNGA NG DYGUAZAM (TEGOZZAO SA MAPA NI ANTONIO PIGAFETTA AT SAOCAO SA TALA NI FRANCISCO ALBO), TINATAYANG SITIO TAGUSAO, BARONG-BARONG, BROOKE’S POINT, PALAWAN, MATAPOS SILANG ITABOY SA UNANG PINAGDAUNGAN NITO SA PALAWAN (TINATAYANG ABORLAN, PALAWAN). DITO NILA NAKILALA SI BASTIAM, MANGANGALAKAL NA MAALAM SA WIKANG PORTUGES MULA SA MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA). NILISAN NILA ITO UPANG TUMUNGO SA BRUNEI, 21 HUNYO 1521.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Palawan - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Aborlan, Palawan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 22 September 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PALAWAN

RUTA NG EKSPEDISYON MAGALLANES-ELCANO SA PILIPINAS

MULA SA CAGAYAN (NGAYO’Y MAPUN, TAWI-TAWI), TUMUNGO ANG EKSPEDISYON SA PALAWAN (TINATAYA NGAYONG ABORLAN, PALAWAN). SA UNANG TANGKA NILANG DUMAONG DITO, ITINABOY SILA NG MGA TAGA-RITO. TINANGGAP NAMAN SILA NG MAAYOS SA DAUNGAN NG DYGUAZAM (TEGOZZAO SA MAPA NI ANTONIO PIGAFETTA AT SAOCAO SA TALA NI FRANCISCO ALBO), TINATAYANG SITIO TAGUSAO, BARONG-BARONG, BROOKE’S POINT, PALAWAN. INANYAYAHAN SILA NG MGA KATUTUBO NA TUMUNGO SA VAY PALAY CUCARA CAUBAM UPANG MAKIPAGKAIBIGAN SA PINUNO NITO SI JUAN CARVALHO, PINUNO NG EKSPEDISYON. DAHIL SA MAGAGANDANG KARANASAN, INILARAWAN NI PIGAFETTA ANG PALAWAN BILANG TERRA DE PMISSIONE (LUPANG PANGAKO).

ANG PANANDANG PANG-KASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Paglunsad sa Pulong Ramos

Location: Balabac, Palawan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 8 June 1997
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PAGLUNSAD SA PULONG RAMOS

SA LOOK NA ITO LUMUNSAD ANG ANIM NA DALUBHASANG FILIPINO NA RADIO OPERATOR AT TEKNIKO LULAN SA SUBMARINONG REDFIN NG ESTADOS UNIDOS NOONG HUNYO 8, 1944. ANG GRUPONG ITO BUHAT SA 978 SIGNAL SERVICE COMPANY NG ALLIED INTELLIGENCE BUREAU NG HUKBONG SANDATAHAN NG ESTADOS UNIDOS SA PASIPIKO AY NAGSILBING PANGUNANG PANGKAT PARA SA PAGBABALIK NG HUKBONG AMERIKANO UPANG MAPALAYA ANG PALAWAN.

Fort of San Juan Bautista

Location: Agutaya, Palawan
Category: Buildings/Structures
Type: Structure, Fortification
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
FORT OF SAN JUAN BAUTISTA

SITE OF FORT SAN JUAN BAUTISTA. BUILT OF STONE, QUARE IN FORM, WITH FOUR BASTIONS. BEGUN WITH FINANCIAL ASSISTANCE OF GENERAL ANTONIO DE ROXAS, THIS FORT WAS FINISHED AND MAINTAINED BY THE RECOLLECT AUGUSTINIANS TO PROTECT THE TOWN AGAINST PIRATES. THE PLANS WERE PREPARED BY REV. JUAN DE SAN SEVERO, A. R.

Fort Labo

Location: Labo, Palawan
Category: Buildings/Structures
Type: Fortification
Status: Level II: Historical Marker
Marked Date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marked Text:
FORT LABO 

SITE OF FORT LABO, BUILT IN 1719 BY THE RECOLLECT AUGUSTINIANS TO PROTECT THE TOWN AGAINST PIRATES, THE PLANS WERE PREPARED BY REV. ATILANO DE SAN JOSE, A.R. THE FORT, CONSTRUCTED WITH THE PERMISSION OF GOVERNOR BOBADILLA, WAS DEMOLISHED IN 1720 BY THE ORDER OF GOVERNOR CUESTA.

Church of St. John the Baptist

Location: Agutaya Church, Agutaya, Palawan
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1999
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CHURCH OF ST. JOHN THE BAPTIST

COMPLETED IN 1748, THE CHURCH FORTRESS OF ST. JOHN THE BAPTIST OF AGUTAYA WAS BUILT BY THE AUGUSTINIAN RECOLLECTS AS DEFENSE AGAINST MUSLIM INVASIONS NAMED AS BALUARTE DE SAN JUAN BAUTISTA. IT WAS CONSTRUCTED WITH THE HELP OF THE AGUTAYANONS AND THEIR ENCOMENDERO DON ANTONIO DE ROJAS, WHO DELINEATED AND LAID OUT THE BUILDING. THE FORTRESS WAS EQUIPPED WITH CANNONS, ARQUEBUSES, SLINGERS AND MORTAR WEAPONS. DURING THE SECOND WORLD WAR, THE CHURCH FORTRESS BECAME AN EVACUATION AND REFUGEE CENTER FOR THE PEOPLE OF AGUTAYA.

San Ezekiel Moreno 1848–1906

Location: Puerto Princesa Cathedral, Rizal Avenue, Puerto Princesa
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 8, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SAN EZEKIEL MORENO 
1848–1906

PARING AGUSTINO REKOLETO AT SANTO. ISINILANG SA LA RIOJA, ESPANYA, 9 ABRIL 1848. DUMATING SA MAYNILA, 10 PEBRERO 1870. NAORDENAHANG PARI SA KATEDRAL NG MAYNILA, 2 HUNYO 1871. KABILANG SA MGA NAGTATAG NG BAYAN NG PUERTO PRINCESA BILANG UNANG MISYONERO, KAPELYAN NG MGA MILITAR AT NG COLONYA PENAL, 4 MARSO 1872. MULA 1873 HANGGANG 1885, NAGING KURA PAROKO NG CALAPAN (MINDORO), LAS PIÑAS, SANTO TOMAS (BATANGAS), STA. CRUZ (MAYNILA) AT TAGAPAMAHALA NG HACIENDA NG IMUS. YUMAO SA ESPANYA SA SAKIT NA KANSER, 19 AGOSTO 1906. IDINEKLARANG SANTO NI PAPA JUAN PABLO II DAHIL SA IPINAKITANG KABANALAN, KAPURI-PURING HALIMBAWA, AT TAOSPUSONG PAGSILBI SA MGA KAPUSPALAD AT MGA MAYSAKIT SA PILIPINAS, ESPANYA AT COLOMBIA, 11 OKTUBRE 1992. ITINUTURING NA SANTO AT PATRON NG MGA MAY KANSER.

San Exequiel Moreno (Palawan)

NHCP Photo Collection, 2014
Location: Puerto Princesa City, Palawan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 8 December 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SAN EXEQUIEL MORENO
(1848-1906)

PARING AGUSTINO REKOLETO AT SANTO. ISINILANG SA LA RIOJA, ESPANYA, 9 ABRIL 1848. DUMATING SA MAYNILA, 10 PEBRERO 1870. NAORDENAHANG PARI SA KATEDRAL NG MAYNILA, 2 HUNYO 1871. KABILANG SA MGA NAGTATAG NG BAYAN NG PUERTO PRINCESA BILANG UNANG MISYONERO, KAPELYAN NG MGA MILITAR AT NG COLONYA PENAL, 4 MARSO 1871. MULA 1873 HANGGANG 1885, NAGING KURA PAROKO NG CALAPAN (MINDORO), LAS PIÑAS, SANTO TOMAS (BATANGAS, STA. CRUZ (MAYNILA) AT TAGAPAMAHALA NG HACIENDA NG IMUS. YUMAO SA ESPANYA SA SAKIT NA KANSER, 19 AGOSTO 1906. IDINIKLARANG SANTO NI PAPA JUAN PABLO II DAHIL SA IPINAKITANG KABANALAN, KAPURI-PURING HALIMBAWA, AT TAOSPUSONG PAGSILBI SA MGA KAPUSPALAD AT MGA MAYSAKIT SA PILIPINAS, ESPANYA AT COLOMBIA, 11 OKTUBRE 1992. ITINUTURING NA SANTO AT PATRON NG MGA MAY KANSER.

Culion Leper Colony


NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2014
Location: Culion, Palawan
Category: Sites/Events
Type: Hospital complex and community
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 26 July 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CULION LEPER COLONY

ITINATAG SA BISA NG KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 35 NG PAMAHALAANG AMERIKANO, 22 AGOSTO 1904. NAKARATING DITO ANG UNANG GRUPO NG 365 NA MAY SAKIT NA HANSEN MULA SA BISAYAS, 27 MAYO 1906. IPINATUPAD ANG BATAS BLG. 1711 NA TINIPON ANG MGA MAY SAKIT SA CULION, 12 SETYEMBRE 1907. NAGING PINAKAMALAKI AT MODELONG LEPROSARYO SA BUONG MUNDO AT SENTRO NG PANANALIKSIK SA SAKIT, DEKADA 1920. SIMULA 1927, BUMABA ANG BILANG NG MGA IPINATAPON SA CULION SA PAGBUKAS NG MGA PAGAMUTAN PARA SA SAKIT SA MGA REHIYON. NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, KINUMPISKA NG MGA HAPON ANG PAGKAING NAIMBAK SA ISLA, KAYA’T HIGIT SA 2,000 PASYENTE ANG NAMATAY SA GUTOM AT IBA’T IBANG SAKIT. ANG DATING OSPITAL NG CULION AY NAGING CULION SANITARIUM AND GENERAL HOSPITAL, 2009.

Higinio A. Mendoza (1898-1944)

NHCP Photo Collection, 2011

Location: Puerto Princesa, Palawan
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2011
Marker text:
HIGINIO A. MENDOZA (1898–1944)

LINGKOD BAYAN AT MANGGAGAMOT. ISINILANG SA PUERTO PRINCESA, PALAWAN, 27 HULYO 1898. NAGLINGKOD BILANG GOBERNADOR NG PALAWAN, 1931–1937. NAGTATAG NG MENDOZA GUERILLA UNIT, 21 ENERO 1942. TUMULONG SA PAGLIKAS NG MGA TAONG-BAYAN AT NAKIPAGLABAN SA MGA HAPON. DINAKIP NG MGA HAPON SA TINITIAN, PUERTO PRINCESA (NGAYO’Y BAYAN NG ROXAS), 6 ENERO 1944. HINATULONG MAMATAY SA CANIGARAN, PUERTO PRINCESA, 24 ENERO 1944.

Fort Cuyo




Location: Cuyo, Palawan (Region IV-B)
Category: Buildings/Structures
Type: Fortification
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
FORT CUYO

FORT OF CUYO WAS BUILT ABOUT 1680 BY THE RECOLLECT AGUSTINIANS, ACCORDING TO THE PLANS AND UNDER THE SUPERVISION OF REV. JUAN DE SAN SEVERO, A.R. THE FORT, MADE OF STONE AND MORTAR, WAS SQUARE IN FORM, WITH FOUR BASTIONS.

Fort Culion



Location: Culion, Palawan (Region IV-B)
Category: Buildings/Structures
Type: Fortification
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
FORT CULION

FORT CULION WAS CONSTRUCTED ABOUT 1740 BY THE RECOLLECT AGUSTINIANS. IT WAS BUILT OF STONE, SQUARE IN FORM, WITH FOUR BASTIONS.

Plaza Cuartel

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010
Location: Puerto Princesa, Palawan (Region IV-B)
Category: Buildings/Structures, Sites/Events
Type: Military Structure, Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 5 March 2005
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PLAZA CUARTEL

ON THIS SITE, ONCE A MILITARY BASE DURING THE SECOND WORLD WAR, SOME 150 AMERICAN PRISONERS OF WAR WERE BURNED TO DEATH BY JAPANESE SOLDIERS, 14 DECEMBER 1944. A FEW SURVIVORS SWAM TO IWAHIG. THE REMAINS OF THOSE WHO DIED WERE BROUGHT AND INTERRED IN A COMMON GRAVE AT THE JEFFERSON BARRACKS NATIONAL CEMETERY, ST. LOUIS COUNTY, MISSOURI, UNITED STATES OF AMERICA, 1952.

Kutang Santa Isabel

NHCP Photo Collection, 2006

NHCP Photo Collection, 2006

NHCP Photo Collection, 2006
Location: Fort Santa Isabel, Rizal Street, Poblacion, Taytay, Palawan
Category: Buildings/Structures
Type: Structure
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 16, 1993
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KUTANG SANTA ISABEL 
(TAYTAY)

UNANG IPINATAYO NA YARI SA KAHOY NG MGA MISYONERONG REKOLETO, 1667. HIMPILAN NG KAMPANYANG PANGKAPAYAPAAN NG MGA KASTILA SA PARAGUA (PALAWAN). SA PAGSUSUMIKAP NI GOBERNADOR FERNANDO MANUEL DE BUSTILLO, MULING IPINATAYO NA YARI SA BATO AT MAY APAT NA TANGGULAN NA NAGPAPARANGAL KINA SANTO TORIBIO, SAN MIGUEL, SAN JUAN AT SANTA ISABEL. NOONG UNANG SANGKAPAT NG IKA-18 DANTAON, PINANGSIWAAN NI DON FERNANDO VELEZ DE ARCE AT NATAPOS NOONG KALAGITNAAN NG DANTAONG DING IYON. ANG KUTANG ITO AY NAGSILBING MATIBAY NA MUOG NA NAGMAMATYAG SA MGA SASAKYANG PANDAGAT NA PANGKALAKAL AT SUMASALAKAY NA MGA TULISANG DAGAT.

Parola ng Cape Melville*

NHCP File Photo
Location: Barangay Melville, Balabac Island, Southern Palawan (Region IV-B)
Category: Buildings/Structures
Type: Lighthouse
Status: Level I- National Historical Landmark
Declared by: National Historical Institute (NHI)

Iwahig Penal Colony*

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2018

NHCP Photo Collection, 2018

NHCP Photo Collection, 2018
Location: Puerto Princesa City, Palawan (Region IV-B)
Category: Buildings/Structures
Type: Penitentiary
Status: Level I- National Historical Landmark
Marker date: 1954
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
IWAHIG PENAL COLONY

ORIGINALLY NAMED IUHUIT PENAL SETTLEMENT, THIS COLONY WAS ESTABLISHED BY THE PHILIPPINE COMMISSION, 16 NOVEMBER 1904. THE SITE WAS SELECTED BY A COMMITTEE COMPOSED OF G.N. WOLFE, W.S. LYON AND ARLINGTON POND, CREATED BY AN EXECUTIVE ORDER OF GOV. GEN. LUKE E. WRIGHT. THE FIRST SUPERINTENDENT WAS AN AMERICAN, R.J. SHIELDS. THE EARLY POLICY OF SENDING THE WORST PRISONERS TO THE PLACE WAS ABANDONED AFTER THE MUTINY OF THIRTY-THREE PRISONERS ON 20 SEPTEMBER 1905. PRISONERS OF GOOD CONDUCT WERE SENT AND GIVEN LANDS, TOOLS AND OTHER SUPPLIES AND IN CERTAIN AREAS THEIR FAMILIES WERE ALLOWED TO LIVE WITH THEM.

RAMON VICTORIO, FIRST FILIPINO SUPERINTENDENT, 1921.