Showing posts with label Region IV-B. Show all posts
Showing posts with label Region IV-B. Show all posts

Marking's Guerilla

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026

Location: Morong, Rizal
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 16 February 2026
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MARKING’S GUERILLA

ITINATAG NI MARCOS “MARKING” V. AGUSTIN SA ANTIPOLO, RIZAL UPANG LABANAN ANG PANANAKOP NG HUKBONG HAPON, PEBRERO, 1942. NAKIPAG-ALYANSA SA FILIPINO-AMERICAN IRREGULAR TROOPS UPANG HIGIT NA MAPALAKAS ANG KILUSAN, HUNYO 1942. SUMANIB SI VALERIA “YAY” PANLILIO AT PINAMAHALAAN ANG PAGMANMAN SA GALAW NG MGA MANANAKOP, HULYO 1942. KABILANG SA MGA PUWERSANG GERILYA NA NAGPALAYA SA MGA BILANGGONG PILIPINO AT AMERIKANO SA LOS BAÑOS INTERNMENT CAMP, 23 PEBRERO 1945. PINANGUNAHAN ANG MATAGUMPAY NA PAGBAWI SA PRINSA NG IPO SA NORZAGARAY, BULACAN, 6 -17 MAYO 1945. KARAMIHAN SA MGA KASAPI AY NAGMULA SA MORONG, RIZAL AT AKTIBONG NAKIPAGLABAN SA MGA HAPON SA GITNA AT TIMOG LUZON, AT SA LALAWIGAN NG RIZAL, 1942-1945.

Basilika ng Tayabas

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Basilica Road, Barangay IV, Tayabas City, Quezon
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 October 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BASILIKA NG TAYABAS

ITINATAG NG MGA MISYONERONG PRANSISKANO, 1585. IPINASAAYOS ANG UNANG ISTRUKTURA SA ILALIM NI SAN PEDRO BAUTISTA, 1590. IPINATAYO ANG SIMBAHANG YARI SA BATO AT TISA NA INIALAY SA PATRONATO NI SAN MIGUEL ARKANGHEL, 1600; AT ANG KUMBENTO NA MAY TRONERAS BILANG TUGON SA MGA PANGANGAYAW, 1649. PANSAMANTALANG PINAGLAGAKAN NG LIMBAGAN NG MGA PRANSISKANO, 1703. MULING ITINAYO MATAPOS MAPINSALA NG LINDOL, 1743; PINALAKI AT DUMAAN SA MARAMING PAGSASAAYOS MULA IKA-17 HANGGANG IKA-18 DANTAON. ISA SA LIMANG GUSALING NAGING KUTA NG MGA KASTILA NOONG HIMAGSIKANG PILIPINO. ITINAAS DITO ANG BANDILA NG PILIPINAS MATAPOS SUMUKO SINA GOBERNADOR JOAQUIN PACHECO, 20 OPISYAL AT 175 SUNDALO SA PUWERSA NINA HENERAL MIGUEL MALVAR, ELEUTERIO MARASIGAN AT VICENTE LUKBAN NA NANGUNA SA PAGKUBKOB SA TAYABAS NA TUMAGAL NANG 50 ARAW, 13 AGOSTO 1898. NASIRA ANG KUMBENTONG NAGING HIMPILAN NG MGA HAPON HABANG NAKALIGTAS NAMAN ANG SIMBAHAN SA PINSALA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. UNANG PINAGKALOOBAN NG PANANDANG PANGKASAYSAYAN NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN, 1978 AT ISINAAYOS, 1984. HINIRANG BILANG BASILIKA MENOR NI PAPA JUAN PABLO II, 1988. IDINEKLARANG PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2001.

Jose Rizal (1861-1896)

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Sariaya Public Plaza, Gov. Sariaya, Quezon
Category: Buildings/Structures
Type: Structure
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 9 October, 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE RIZAL
(1861-1896)

PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS. DOKTOR, AGRIMENSOR, DALUBWIKA, MANUNULAT, MAKATA, ESKULTOR AT PINTOR. ISINILANG SA CALAMBA, LAGUNA, 19 HUNYO 1861. MAY-AKDA NG NOLI ME TANGERE (1887) AT EL FILIBUSTERISMO (1891), MGA NOBELANG HIGIT PANG NAGPAALAB SA MGA PILIPINO NA MAGHIMAGSIK LABAN SA ESPANYA. DINAKIP AT IPINATAPON SA DAPITAN, HILAGANG MINDANAO, 6 HULYO, 1892. NAGBOLUNTARYO BILANG MANGGAGAMOT NG PUWERSANG ESPANYOL SA CUBA, 1896, NGUNIT MULING DINAKIP PATUNGONG ESPANYA SA BINTANG NA REBELYON. BINARIL SA BAGUMBAYAN (NGAYO’Y LIWASANG RIZAL), MAYNILA, 30 DISYEMBRE 1896. PATULOY NA INSPIRASYON PARA SA KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO SA PILIPINAS.

PINASINAYAAN ANG NEOKLASIKONG MONUMENTO NA LIKHA NI EUSEBIO CORTEZ SA LIWASANG DISENYO NI JUAN ARELLANO, 30 DISYEMBRE 1924.

Dulo ng Palawan - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Bataraza, Palawan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
DULO NG PALAWAN

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

MULA SA DAUNGAN NG DYGUASAM (TEGOZZAO SA MAPA NI ANTONIO PIGAFETTA AT SAOCAO SA TALA NI FRANCISCO ALBO), TINATAYANG SITIO TAGUSAO, BARONG-BARONG, BROOKE’S POINT, PALAWAN, BINAYBAY NG EKSPEDISYON ANG KATIMUGANG PALAWAN AT NARATING ANG KATUBIGAN NG BALABAC (BAHAGI NGAYON NG PALAWAN). NAGSILBING GABAY NG EKSPEDISYON ANG PULONG ITO PATUNGONG BRUNEI, 21 HUNYO 1521.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Balabac - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Balabac, Palawan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 11 October 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BALABAC

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

MULA SA DAUNGAN NG DYGUASAM (TEGOZZAO SA MAPA NI ANTONIO PIGAFETTA AT SAOCAO SA TALA NI FRANCISCO ALBO), TINATAYANG SITIO TAGUSAO, BARONG-BARONG, BROOKE’S POINT, PALAWAN, BINAYBAY NG EKSPEDISYON ANG KATIMUGANG PALAWAN AT NARATING ANG KATUBIGAN NG BALABAC (BAHAGI NGAYON NG PALAWAN). NAGSILBING GABAY NG EKSPEDISYON ANG PULONG ITO PATUNGONG BRUNEI, 21 HUNYO 1521.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Tagusao (Dyguazam/Tegozzao) - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Tagusao, Palawan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TAGUSAO (DYGUAZAM/TEGOZZAO)

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

NARATING NG EKSPEDISYON ANG DAUNGA NG DYGUAZAM (TEGOZZAO SA MAPA NI ANTONIO PIGAFETTA AT SAOCAO SA TALA NI FRANCISCO ALBO), TINATAYANG SITIO TAGUSAO, BARONG-BARONG, BROOKE’S POINT, PALAWAN, MATAPOS SILANG ITABOY SA UNANG PINAGDAUNGAN NITO SA PALAWAN (TINATAYANG ABORLAN, PALAWAN). DITO NILA NAKILALA SI BASTIAM, MANGANGALAKAL NA MAALAM SA WIKANG PORTUGES MULA SA MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA). NILISAN NILA ITO UPANG TUMUNGO SA BRUNEI, 21 HUNYO 1521.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Palawan - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Aborlan, Palawan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 22 September 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PALAWAN

RUTA NG EKSPEDISYON MAGALLANES-ELCANO SA PILIPINAS

MULA SA CAGAYAN (NGAYO’Y MAPUN, TAWI-TAWI), TUMUNGO ANG EKSPEDISYON SA PALAWAN (TINATAYA NGAYONG ABORLAN, PALAWAN). SA UNANG TANGKA NILANG DUMAONG DITO, ITINABOY SILA NG MGA TAGA-RITO. TINANGGAP NAMAN SILA NG MAAYOS SA DAUNGAN NG DYGUAZAM (TEGOZZAO SA MAPA NI ANTONIO PIGAFETTA AT SAOCAO SA TALA NI FRANCISCO ALBO), TINATAYANG SITIO TAGUSAO, BARONG-BARONG, BROOKE’S POINT, PALAWAN. INANYAYAHAN SILA NG MGA KATUTUBO NA TUMUNGO SA VAY PALAY CUCARA CAUBAM UPANG MAKIPAGKAIBIGAN SA PINUNO NITO SI JUAN CARVALHO, PINUNO NG EKSPEDISYON. DAHIL SA MAGAGANDANG KARANASAN, INILARAWAN NI PIGAFETTA ANG PALAWAN BILANG TERRA DE PMISSIONE (LUPANG PANGAKO).

ANG PANANDANG PANG-KASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Paglunsad sa Pulong Ramos

Location: Balabac, Palawan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 8 June 1997
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PAGLUNSAD SA PULONG RAMOS

SA LOOK NA ITO LUMUNSAD ANG ANIM NA DALUBHASANG FILIPINO NA RADIO OPERATOR AT TEKNIKO LULAN SA SUBMARINONG REDFIN NG ESTADOS UNIDOS NOONG HUNYO 8, 1944. ANG GRUPONG ITO BUHAT SA 978 SIGNAL SERVICE COMPANY NG ALLIED INTELLIGENCE BUREAU NG HUKBONG SANDATAHAN NG ESTADOS UNIDOS SA PASIPIKO AY NAGSILBING PANGUNANG PANGKAT PARA SA PAGBABALIK NG HUKBONG AMERIKANO UPANG MAPALAYA ANG PALAWAN.

Fort of San Juan Bautista

Location: Agutaya, Palawan
Category: Buildings/Structures
Type: Structure, Fortification
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
FORT OF SAN JUAN BAUTISTA

SITE OF FORT SAN JUAN BAUTISTA. BUILT OF STONE, QUARE IN FORM, WITH FOUR BASTIONS. BEGUN WITH FINANCIAL ASSISTANCE OF GENERAL ANTONIO DE ROXAS, THIS FORT WAS FINISHED AND MAINTAINED BY THE RECOLLECT AUGUSTINIANS TO PROTECT THE TOWN AGAINST PIRATES. THE PLANS WERE PREPARED BY REV. JUAN DE SAN SEVERO, A. R.

Isinilang Sa Pook Na Ito, 10 Ng Marso 1869 Macario Adriatico

Location: Calapan, Oriental, Mindoro
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1949
Installed by: Philippine Historical Committee (PHC)
Marker text:
ISINILANG SA POOK NA ITO, 10 NG MARSO 1869 
MACARIO ADRIATICO

MANANANGGOL, MANANALUMPATI, MANUNULAT, MAMBABATAS, ANAK NINA LUCIANO ADRIATICO AT NATALIA GONZALES. UNANG KINATAWAN NG MINDORO SA ASAMBLEA FILIPINA. MAKATLONG NAHALAL, 1907-1916. KAGAWAD NG LUPON SA KODIGO. UNANG KAGAWAD NA PILIPINO, AKADEMYA REAL NG WIKA SA MADRID. PATNUGOT NG AKLATAN AT MUSEO NG PILIPINAS, 1917-1919. YUMAO SA MAYNILA, 14 ABRIL, 1919.

Marinduque Revolutionary Force

Location: Torrijos, Marinduque
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 13, 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MARINQUDUE REVOLUTIONARY FORCE 

AFTER THE OUTBREAK OF THE HOSTILITIES BETWEEN THE FILIPINOS AND AMERICANS ON FEBRUARY 4, 1899, THE MARINDUQUE REVOLUTIONARY FORCE, COMPOSED OF INFANTRY AND MILITIA BATTALIONS, WAS ORGANIZED BY GOV. MARTIN LARDIZABAL PURSUANT TO THE ORDER OF GEN. MARIANO TRIAS OF THE SOUTHERN COMMAND ON MAY 6 1900, THE INFANTRY BATALLION WAS CONVERTED INTO FOUR GUERILLA UNITS. 

WHEN GOV. LARDIZABAL BECAME ILL, HE APPOINTED CAPT. MAXIMO ABAD AS CHIEF OF THE MARINDUQUE REVOLUTIONARY FORCE. THEY DEFEATED THE AMERICAN FORCES IN THE BATTLE OF PAYE IN BOAC ON JULY 31, 1900 AND IN THE BATTLE OF PULANG LUPA IN TORRIJOS ON SEPTEMBER 13, 1900. ON MARCH 1901, GOV. LARDIZABAL, CAPT. PEDRO MADRIGAL AND LT. GUMERSINDO DELA SANTA WERE CAPTURED AND TAKEN TO MANILA WHERE THEY WERE INCARCERATED AT FORT SANTIAGO. THIS EVENT WAS FOLLOWED BY THE TREACHEROUS CAPTURE OF GEN. EMILIO AGUINALDO IN PALANAN, ISABELA ON MARCH 23, 1901. ON APRIL 15, 1901, COL. ABAD AND THE REMAINING REVOLUTIONARY FORCE OF MARINDUQUE SURRENDERED TO THE AMERICAN FORCES IN BOAC.    

Fort Labo

Location: Labo, Palawan
Category: Buildings/Structures
Type: Fortification
Status: Level II: Historical Marker
Marked Date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marked Text:
FORT LABO 

SITE OF FORT LABO, BUILT IN 1719 BY THE RECOLLECT AUGUSTINIANS TO PROTECT THE TOWN AGAINST PIRATES, THE PLANS WERE PREPARED BY REV. ATILANO DE SAN JOSE, A.R. THE FORT, CONSTRUCTED WITH THE PERMISSION OF GOVERNOR BOBADILLA, WAS DEMOLISHED IN 1720 BY THE ORDER OF GOVERNOR CUESTA.

Church of St. John the Baptist

Location: Agutaya Church, Agutaya, Palawan
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1999
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CHURCH OF ST. JOHN THE BAPTIST

COMPLETED IN 1748, THE CHURCH FORTRESS OF ST. JOHN THE BAPTIST OF AGUTAYA WAS BUILT BY THE AUGUSTINIAN RECOLLECTS AS DEFENSE AGAINST MUSLIM INVASIONS NAMED AS BALUARTE DE SAN JUAN BAUTISTA. IT WAS CONSTRUCTED WITH THE HELP OF THE AGUTAYANONS AND THEIR ENCOMENDERO DON ANTONIO DE ROJAS, WHO DELINEATED AND LAID OUT THE BUILDING. THE FORTRESS WAS EQUIPPED WITH CANNONS, ARQUEBUSES, SLINGERS AND MORTAR WEAPONS. DURING THE SECOND WORLD WAR, THE CHURCH FORTRESS BECAME AN EVACUATION AND REFUGEE CENTER FOR THE PEOPLE OF AGUTAYA.

Pagdaong sa Mindoro

Photo contributed by the Municipal Government of San Jose, Occidental Mindoro, 2022

Photo contributed by the Municipal Government of San Jose, Occidental Mindoro, 2022

Photo contributed by the Municipal Government of San Jose, Occidental Mindoro, 2022

Photo contributed by the Municipal Government of San Jose, Occidental Mindoro, 2022

Photo contributed by the Municipal Government of San Jose, Occidental Mindoro, 2022
Location: Bubog Road, Brgy. San Roque, San Jose, Occidental Mindoro
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PAGDAONG SA MINDORO

SA DALAMPASIGAN NG SAN JOSE DUMAONG ANG DATING VISAYAN ATTACK FORCE NA NAHATI BILANG MINDORO ATTACK GROUP SA ILALIM NI ADMIRAL ARTHUR D. STRUBLE, CLOSE COVERING GROUP NI REAR ADMIRAL RUSSELL S. BERKEY; AT MOTOR TORPEDO BOAT GROUP NI LT. COM. N. BURT DAVIS, 15 DISYEMBRE 1944. KASAMA DITO ANG 11,878 COMBAT TROOPS; 9,578 ARMY AIR FORCE; AT 5,901 SERVICE TROOPS SA PAMUMUNO NI GENERAL WILLIAM C. DUNCKEL NA NAGSAGAWA NG MGA PALIPARAN NG PWERSANG PANGHIMPAPAWID PARA SA GAGAWING PAGDAONG SA LINGAYEN, PANGASINAN AT PAGPAPALAYA SA LUZON. KAUGNAY NITO ANG PAGKILALA SA MGA GRUPO NG FILIPINO GERILYA NINA MAJOR RAMON RUFFY, MAJOR SOFRONIO UNTALAN AT CAPTAIN LAWRENCE COOPER UPANG MAGING KAAGAPAY SA PAKIKIPAGLABAN SA MGA PWERSANG HAPONES SA MINDORO.

San Ezekiel Moreno 1848–1906

Location: Puerto Princesa Cathedral, Rizal Avenue, Puerto Princesa
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 8, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SAN EZEKIEL MORENO 
1848–1906

PARING AGUSTINO REKOLETO AT SANTO. ISINILANG SA LA RIOJA, ESPANYA, 9 ABRIL 1848. DUMATING SA MAYNILA, 10 PEBRERO 1870. NAORDENAHANG PARI SA KATEDRAL NG MAYNILA, 2 HUNYO 1871. KABILANG SA MGA NAGTATAG NG BAYAN NG PUERTO PRINCESA BILANG UNANG MISYONERO, KAPELYAN NG MGA MILITAR AT NG COLONYA PENAL, 4 MARSO 1872. MULA 1873 HANGGANG 1885, NAGING KURA PAROKO NG CALAPAN (MINDORO), LAS PIÑAS, SANTO TOMAS (BATANGAS), STA. CRUZ (MAYNILA) AT TAGAPAMAHALA NG HACIENDA NG IMUS. YUMAO SA ESPANYA SA SAKIT NA KANSER, 19 AGOSTO 1906. IDINEKLARANG SANTO NI PAPA JUAN PABLO II DAHIL SA IPINAKITANG KABANALAN, KAPURI-PURING HALIMBAWA, AT TAOSPUSONG PAGSILBI SA MGA KAPUSPALAD AT MGA MAYSAKIT SA PILIPINAS, ESPANYA AT COLOMBIA, 11 OKTUBRE 1992. ITINUTURING NA SANTO AT PATRON NG MGA MAY KANSER.

Manuel T. Albero y Azores (1893–1973)

Location: Corcuera Municipal Hall, J. Fajilago Street, Poblacion, Corcuera, Romblon
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 30, 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MANUEL T. ALBERO Y AZORES
(1893–1973)

AMA NG LOCAL AUTONOMY BILL. IPINANGANAK NOONG SETYEMBRE 13, 1893 SA CAPIZ (ROXAS CITY), CAPIZ. NAGTAMO NG A.B., BALEDIKTORYAN, SA INSTITUTO FILIPINO, 1911, AT LL.B. SA ESCUELA DE DERECHO (MANILA LAW COLLEGE), 1918. HUKOM NG JONES, ROMBLON, 1918–1920; GOBERNADOR NG ROMBLON, 1928–1934; KINATAWAN SA KONSTITUSYONAL KUMBENSYON AT KAGAWAD SA EXECUTIVE POWER COMMITTEE, 1935; AT HUKOM NG MGA HUKUMANG PAMPUROK NG JONES–CORCUERA–CONCEPCION, 1939–1958. TUMULONG PARA MATATAG ANG CORCUERA, 1931, AT NG MAGDIWANG, 1933. NAMATAY NOONG PEBRERO 1, 1973.

Ricardo M. Paras, Jr. (1891–1984)

Location: Boac, Marinduque
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2003
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
RICARDO M. PARAS, JR.
(1891–1984)

PUNONG MAHISTRADO NG KATAAS-TAASANG HUKUMAN NG PILIPINAS. DALUBHASA SA BATAS. IPINANGANAK SA BOAC, MARINDUQUE, 17 PEBRERO 1891. NAGLINGKOD SA MGA LALAWIGAN NG SAMAR, ILOCOS SUR, ABRA AT PANGASINAN. NAGRETIRO, 17 PEBRERO 1961. KILALA SA KANYANG MGA AKLAT AT SULATIN UKOL SA HURISPRUDENSYA NG PILIPINAS. YUMAO, 10 OKTUBRE 1984.

Pilar Hidalgo Lim

Location: Boac Municipal Hall, Boac, Marinduque
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 24, 1982
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PILAR HIDALGO LIM

IPINANGANAK SA BOAC, MARINDUQUE, 24 MAYO 1893. BALEDIKTORYAN, MANILA HIGH SCHOOL, 1910. UNANG BABAENG NAGTAPOS NANG MAY KARANGALAN, UP, 1913. MGA TITULONG PANDANGAL: K.S. SA GAWAING PANLIPUNAN, CEU, 1949; DOKTOR SA PAGTUTURO, DLSC, 1964, AT PWU, 1967. MAYBAHAY NG BAYANING SI HEN. VICENTE LIM. NANGUNA, PAGBOTO NG MGA BABAE AT REHABILITASYON NG MGA SALANTA. PANGULO: NFWC, 1931–41; GSP, 1957–63; PFRD, 1949–51, 1953–57; CEU, 1953–73. TUMANGGAP NG PINAKATANGING GAWAD: ALUMNA, UP 1955; INA, NFWC, 1960; DAKILANG GURO, 1968; ANAK NG BOAC, MARINDUQUE, 1973. NAMATAY, 10 DISYEMBRE 1973.

Salvador del Mundo

Location: Boac Municipal Hall, Boac, Marinduque
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 24, 1982
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SALVADOR DEL MUNDO

IPINANGANAK SA BOAC, MARINDUQUE, 28 OKTUBRE 1902, BATSILYER SA AGHAM SA KIMIKA, SUMMA CUM LAUDE, U.P., 1925; DALUBHASA SA AGHAM, BERLIN, 1932; AT DOKTOR SA PILOSOPIYA, U.S.T., 1934. PENSYONADO NG PAMAHALAAN SA HAPON AT ALEMANYA; PUNONG KIMIKO, LABORATORYO NG SERAMIKA, KAWANIHAN NG AGHAM; TAGAPAMAHALANG PAMPRODUKSYON, CERAMICS INDUSTRIES OF THE PHILIPPINES; AT PROPESOR NA TAGAPANAYAM, U.P. AT U.S.T. INIHALAL NA KASAPI DAHIL SA KANYANG MAHAHALAGANG PANANALIKSIK PANG-AGHAM, DEUTSCHE KERAMISCHE GESELLSCHAFT, BERLIN, AT PHILIPPINE SCIENTIFIC SOCIETY. NAMATAY, 13 PEBRERO 1945.

Liwasan ng Kalayaan

Location: Mercader Street cor. 1 de Noviembre Street, Boac, Marinduque
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 6, 1975
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LIWASAN NG KALAYAAN

DATING KINATATAYUAN NG CASA REAL NOONG PANAHON NG MGA KASTILA AT PAGKATAPOS AY NAGING PRESIDENCIA, SA POOK NA ITO PINATAY ANG MGA REBOLUSYONARYONG KINABIBILANGAN NINA KAPITAN HERMENEGILDO FLORES AT REMIGIO MEDINA NOONG 1897. DITO RIN NILAGDAAN NI KORONEL MAXIMO ABAD AT KAPITAN H.H. BANDHOLTZ NOONG IKA-25 NG ABRIL 1901 ANG KASUNDUANG NAGWAKAS SA DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO SA MARINDUQUE.