Location: University of San Jose Recoletos (USJ-R), Cebu City
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 29, 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ANG MGA AGUSTINO REKOLETO SA PILIPINAS
DUMATING SA CEBU ANG UNANG LABINGTATLONG MISYONERONG AGUSTINO REKOLETO SA PANGUNGUNA NI PADRE JUAN DE SAN JERONIMO, 12 MAYO 1606. NAGHIMPIL SA SAN JUAN BAUTISTA DE BAGUMBAYAN (NGAYON AY LIWASANG RIZAL), MAYNILA. NAGING KONGREGASYON ANG MGA REKOLETO, 5 HUNYO 1621.
ITINATAG ANG PROVINCIA DE SAN NICOLAS DE TOLENTINO SA PILIPINAS, 23 NOBYEMBRE 1621. NAGTATAG NG MGA BAYAN AT NAGTAYO NG MGA SIMBAHAN, MOOG, ESTANSYA, PRINSA, TULAY. KALSADA AT PAARALAN SA PILIPINAS. ISINALIN SA KANILA ANG PAMAMAHALA NG MGA PAROKYANG INIWAN NG MGA HESWITA, 1768. LUMAGANAP PA ANG MGA GAWAING PANRELIHIYON MULA SA PILIPINAS PATUNGONG HAPON, TSINA COLOMBIA, TAIWAN AT APRIKA ITINATAG ANG PROVINCIA DE SAN EZEKIEL MORENO, 28 NOBYEMBRE 1998
No comments:
Post a Comment