PAROLA NG SAN BERNARDIN
KILALA BILANG FARO DEL ISLOTE DE SAN BERNARDINO. IPINATAYO SA BISA NG REAL DECRETO NG 13 ABRIL 1885 NA NAG-UTOS NA LAGYAN NG PAROLA ANG MAHAHALAGANG BAYBAYIN SA PILIPINAS. IPINAILALIM SA KATEGORYANG FARO DE TERCERA ORDEN NA NAKAPAGBIBIGAY LIWANAG HANGGANG 19 MILYANG DAGAT. NATAPOS NI INHINYERO GUILLERMO BROCKMANN ANG DISENYO NG PAROLA, 15 OKTUBRE 1891. SINIMULAN ANG KONSTRUKSYON, 16 OKTUBRE 1893. PINASINAYAAN ANG ILAW NG PAROLA, 30 DISYEMBRE 1896. IDINAGDAG ANG PABELYON AT IBA PANG ISTRUKTURA NOONG PANANAKOP NG MGA AMERIKANO. GABAY-TANGLAW NG MGA SASAKYANG PANDAGAT NA DUMADAAN SA KIPOT NG SAN BERNARDINO MULA 1896 HANGGANG SA KASALUKUYAN. ISA SA MGA HALIMBAWA NG ARKITEKTURANG PANDAGAT PILIPINAS NOONG HULING BAHAGI NG IKA-19 DANTAON.
No comments:
Post a Comment