Showing posts with label Cebu. Show all posts
Showing posts with label Cebu. Show all posts

Ang mga Agustino Rekoleto sa Pilipinas


NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023


NHCP Photo Collection, 2023

Location: University of San Jose Recoletos (USJ-R), Cebu City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 29, 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:


ANG MGA AGUSTINO REKOLETO SA PILIPINAS

DUMATING SA CEBU ANG UNANG LABINGTATLONG MISYONERONG AGUSTINO REKOLETO SA PANGUNGUNA NI PADRE JUAN DE SAN JERONIMO, 12 MAYO 1606. NAGHIMPIL SA SAN JUAN BAUTISTA DE BAGUMBAYAN (NGAYON AY LIWASANG RIZAL), MAYNILA. NAGING KONGREGASYON ANG MGA REKOLETO, 5 HUNYO 1621.

ITINATAG ANG PROVINCIA DE SAN NICOLAS DE TOLENTINO SA PILIPINAS, 23 NOBYEMBRE 1621. NAGTATAG NG MGA BAYAN AT NAGTAYO NG MGA SIMBAHAN, MOOG, ESTANSYA, PRINSA, TULAY. KALSADA AT PAARALAN SA PILIPINAS. ISINALIN SA KANILA ANG PAMAMAHALA NG MGA PAROKYANG INIWAN NG MGA HESWITA, 1768. LUMAGANAP PA ANG MGA GAWAING PANRELIHIYON MULA SA PILIPINAS PATUNGONG HAPON, TSINA COLOMBIA, TAIWAN AT APRIKA ITINATAG ANG PROVINCIA DE SAN EZEKIEL MORENO, 28 NOBYEMBRE 1998

Simbahan ng Oslob

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Oslob, Cebu
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 23 September 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG OSLOB

ITINATAG NG MGA AGUSTINO BILANG VISITA NG CARCAR, 1599; NAGING VISITA NG BOLJOON, 1690. INILIPAT SA PANGANGALAGA NG MGA HESWITA, 1737, IBINALIK SA MGA AGUSTINO, 1742. IPINATAYO NI PADRE JULIAN BERMEJO, OSA, ANG SIMBAHAN AT KUMBENTONG YARI SA KORALES AT KAHOY AYON SA PLANO NI OBISPO SANTOS GOMEZ MARAÑON, 1830; NATAPOS, 1847. NAGING GANAP NA PAROKYA SA PATRONATO NG INMACULADA CONCEPCION; PADRE JUAN JOSE ARAGONES, OSA, UNANG KURA PAROKO, 1848.  IPINATAYO NI PADRE APOLINAR ALVAREZ, OSA, ANG KAMPANARYO, 1858. NASUNOG, 1942 AT 1955. KINUMPUNI, 1956; MULING ISINAAYOS ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO SA PAKIKIPAGTULUNGAN NG TAUMBAYAN AT SA PANGUNGUNA NI PADRE CONSTANTINO BATOCTOY, 1980. NASUNOG ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO, 2008. MULING ISINAAYOS, 2010.

Humabon

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: P. Burgos Street, Cebu City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 24 May 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
HUMABON

RAHA NG SUGBO, NGAYO'Y CEBU. IPINAKILALA NI RAHA KOLAMBU NG LIMASAWA KAY FERNANDO MAGALLANES, PINUNO NG EKSPEDISYONG MAGALLANES-ELCANO, 7 ABRIL 1521. PINAHINTULUTAN SI MAGALLANES NA MAGTAYO NG PANANDANG KRUS SA CEBU, 10 ABRIL 1521, AT MAGSAGAWA NG BINYAGANG KRISTIYANO RITO, 14 ABRIL 1521. BININYAGAN SIYA SA PANGALANG CARLOS, HANGO SA PANGALAN NG HARI NG ESPANYA. ANG ASAWA NA BININYAGANG JUANA, AT MGA ANAK. SUMUPORTA SA PAGLUSOB NI MAGALLANES SA MACTAN, 26 ABRIL 1521. BIGONG MABAWI ANG MGA LABI NI MAGALLANES AT NG IBA PANG TAUHAN MATAPOS ANG LABANAN SA MACTAN, 27 ABRIL 1521. BINANTAAN NG MGA TAGA-MACTAN NA LULUSUBIN ANG CEBU KUNG HINDI PUPUKSAIN ANG MGA NALALABING KASAPI NG EKSPEDISYON SA CEBU, 29 ABRIL 1521. NANGUNA SA PAGPASLANG SA MGA OPISYAL NG EKSPEDISYON, 1 MAYO 1521.

Simbahan ng Dumanjug

NHCP Photo Collection, 2016

NHCP Photo Collection, 2016

NHCP Photo Collection, 2016

NHCP Photo Collection, 2016

NHCP Photo Collection, 2016
Location: Fr. H. Villa Street, Dumanjug, Cebu
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 6 June 2016
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG DUMANJUG

DATING VISITA NG BARILI AT NAGING HIWALAY NA PAROKYA SA PATRONATO NI SAN FRANCISCO DE ASIS, 1854. SA PAMUMUNO NI PADRE MATIAS LUCERO CABRERA AT SA TULONG NG TAUMBAYAN IPINATAYO ANG UNANG SIMBAHAN YARI SA KAHOY AT KOGON. NAITAYO ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN YARI SA KORALES NOONG PANUNUNGKULAN NI PADRE DOROTEO GODINEZ, PARING SEKULAR, SA PAGTUTULUNGAN NG TAUMBAYAN, 1864. ISINAAYOS, DEKADA 1980. NAPINSALA NG LINDOL, 2013. NAISAAYOS, 2016.

Paliparang Lahug, P.A.A.C.

Location: Cebu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1968
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text (Filipino):
PALIPARANG LAHUG, P.A.A.C. 

SA POOK NA ITO NAKAHIMPIL MULA NOONG 1940 HANGGANG 1941, ANG TANGING SANGAY NG HUKBO NG PILIPINAS SA KABISAYAAN AT MINDANAW GABO SUMIKLAB ANG DIGMAAN NOONG 1941; ANG 9TH OBSERVATION AND ATTACK SQUADRON SA PAMUMUNO NI TENYENTE OSCAR SALES; AND 11TH AIR BASE SQUADRON SA PAMUMUNO NI TENYENTE AYA-AY. ANG SANGAY NA ITO, KAGAYA NG NASA MGA PALIPARANG ZABLAN, MANIQUIS AT BATANGAN, AY ITINALAGA SA USAFFE NOONG IKA-15 NG AGOSTO, 1941. 

Marker Text (English):
LAHUG FIELD, P.A.A.C.

ON THIS SITE WERE STATIONED, 1940 TO 1941, THE ONLY PRE-WORLD WAR II PHILIPPINE ARMY CORPS UNITS IN THE VISAYAS AND MINDANAO; 9TH OBSERVATION AND ATTACK SQUADRON UNDER MAJOR SALES; 11TH AIR BASE SQUADRON UNDER LT. VICTOR AYA-AY. THESE UNITS AND ALL OTHER PAAC UNITS IN ZABLAN, MANIQUIS AND BATANGAN FIELDS, WERE INDUCTED INTO THE USAFFE, 15 AUGUST 1941

First Mass in Cebu

Location: Cebu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: Unknown
Marker text: 
FIRST MASS IN CEBU

UNDER THIS ROOF IS PRESERVED A CROSS MARKING THE PLACE WHERE THE FIRST MASS WAS CELEBRATED IN CEBU, SUNDAY, APRIL 14, 1521. IT WAS ATTENDED BY MAGELLAN AND HIS MEN. ON THE SAME PLACE, KING HUMABON OF CEBU, TOGETHER WITH HIS QUEEN, SON AND DAUGHTERS, AND ABOUT 800 OF HIS SUBJECTS, WERE BAPTIZED BY FATHER PEDRO VALDERRAMA.

Ang Madugong Linggo ng Palaspas 1898

NHCP Photo Collection, 2018
Location: Tres de Abril Street, Cebu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1966
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text: 
ANG MADUGONG LINGGO NG PALASPAS 1898

SA POOK NA ITO, NOONG IKA-3 NG ABRIL, 1898 NAGBALIKWAS ANG MGA TAGA SEBU, SA PAMUMUNO NI HEN. PANTALEON VILLEGAS, LABAN SA MGA KASTILA. NAGING MADUGO ANG LABANAN KAYA'T ANG ARAW NG PAGLALABANAN AY TINAWAG NA MADUGONG LINGGO NG PALASPAS

Inscription on the Magsaysay Monument Dedication

Location: Plaza Independencia, Cebu City
Category: Buildings/Structures
Type: Structure
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 25 May 1958
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:

DEDICATED TO THE MEMORY OF PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY BY A GRATEFUL PEOPLE.

ERECTED THROUGH THE SPONSORSHIP OF THE PATRIA AFFILIATED CEBU EMPLOYEES ASSOCIATION, INC. (PACEA) AND FINANCED BY FUNDS CONTRIBUTED BY FRIENDS AND ADMIRERS.

Pagdaong sa Talisay

Source: alltimecebu.com
Location: Talisay, Cebu
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
PAGDAONG SA TALISAY

DITO DUMAONG ANG AMERICAL DIVISION NG U.S. 8TH ARMY NA PINAMUNUAN NINA COM. GEN. WILLIAM H. ARNOLD AT CAPT. ALBERT T. SPRAGUE, SA TULONG NG MGA FILIPINONG GERILYA NG 8TH MILITARY DISTRICT SA PANGUNGUNA NI LT. COL. JAMES M. CUSHING, 26 MARSO 1945. ANG PAGDAONG AY BAHAGI NG OPERASYONG VICTOR II NA IPINATUPAD NI GEN. DOUGLAS MACARTHUR UPANG MABAWI ANG MGA LALAWIGAN NG CEBU, BOHOL AT NEGROS. ITO AY NAGBIGAY-DAAN SA PAGLAYA NG LUNGSOD NG CEBU, 27 MARSO 1945; AT PAGSUKO NG MGA HAPONES SA LALAWIGAN, 28 AGOSTO 1945.

Unang Kasunduan ng Kapyapaan sa Pilipinas

Location: Fort San Pedro, Cebu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 4 June 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
UNANG KASUNDUAN NG KAPAYAPAAN SA PILIPINAS

SA POOK NA ITO, ANG UNANG KASUNDUAN NG KAPAYAPAAN SA PILIPINAS AY NILAGDAAN NINA RAJAH TUPAS NG CEBU AT KAPITAN HENERAL MIGUEL LOPEZ DE LEGASPI NG ESPANYA, NA NAGPAPAHAYAG NG PAGKILALA NG MGA CEBUANO SA KAPANGYARIHAN NG ESPANYA, NG PAGTATANGGOL NG MGA KASTILA SA KANILANG MGA KAAWAY AT NG KANILANG KALKALAN SA GANTIHANG BAYAN.

KAPUWA LUMAGDA NOONG HUNYO 4, 1565 SA HARAP NINA PUNONG TAMUNAN AT MGA ALAGAD NI HARING TUPAS: PISUNCAN, ANG TAGPAGMANA NG KORONA: SICAPETAN: SIBATUMAY: SIMAQUIO: SICABUN: SIBATALA: LILINTI: SICARLIC AT SICAGUMO.

(Source: N.H.I. (1994). Historical Markers Regions V-XII. National Historical Institute.)

University of the Philippines Cebu College

Location: University of the Philippines Cebu, Gorordo Avenue, Cebu City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 2, 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES CEBU COLLEGE

NAGSIMULA NA JUNIOR COLLEGE OF LIBERAL ARTS SA DATING WARWICK BARRACKS; DR. LAWRENCE WHARTON, UNANG DEKANO, 1918. INILIPAT SA POOK NG PARIAN AT PINANGALANANG JUNIOR COLLEGE OF THE UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (U.P.); DR. JOSE MIRASOL, UNANG FILIPINONG DEKANO, 1922; AT SA FORT SAN PEDRO, 1925. IPINAGKALOOB NG LALAWIGAN NG CEBU ANG KAMPUS SA LAHUG AT PINASINAYAAN ANG PANGUNAHING GUSALI, 1929. GINAMIT NG PWERSANG HAPONES BILANG PIITAN, 1942–1945; NG U.S. NAVY GENERAL ENGINEERING AT MULING BINUKSAN BILANG PAARLAN, 1945. IPINAAYOS SA TULONG NG U.S.–PHILIPPINE WAR DAMAGE COMMISSION, 1946. IPINASARA NG PAMAHALAAN AT INUPAHAN NG MGA HESWITA BILANG BERCHMANS COLLEGE, 1950. IBINALIK SA U.P., 1963. NAGING BAHAGI NG UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES VISAYAS (UPV), 1986–2010. PINAGKALOOBAN NG U.P. BOARD OF REGENTS NG AUTONOMIYA BILANG U.P. CEBU COLLEGE SA ILALIM NG TANGGAPAN NG PANGULO NG UNIBERSIDAD, 24 SETYEMBRE 2010.

Katedral ng Cebu

Location: Cebu Metropolitan Cathedral, P. Burgos Street, Cebu City
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 23 November 2016
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KATEDRAL NG CEBU

ITINAYO ANG UNANG KATEDRAL GAWA SA KAHOY AT NIPA, AT NAGING SENTRO NG DIYOSESIS NG CEBU, 1595. ITINANGHAL NA ARSOBISPADO ANG CEBU, AT NAGING METROPOLITAN CATHEDRAL, 1934. TANGING ANG HARAPAN, KAMPANARYO AT PALIBOT NA PADER NG SIMBAHAN ANG NANATILING NAKATAYO MATAPOS MASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. MULING BINUO SA PANAHON NI ARSOBISPO JULIO KARDINAL ROSALES, 1950.

Colegio de la Inmaculada Concepcion

Location: Colegio de la Inmaculada Concepcion, 45 Gorordo Avenue, Cebu City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
COLEGIO DE LA INMACULADA CONCEPCION

KAUNA-UNAHANG KATOLIKONG PAARALANG PAMBABAE SA LUNGSOD NG CEBU NA ITINATAG NI REV. P. FERNADO DE LA CANAL NOONG MAYO 30, 880 SA KALYE URDANETA. UNANG PINAMAHALAAN NG HERMANITA DE LA MADE DE DIOS, MGA MADRENG PILIPINO; PINANGASIWAAN NG DAUGHTERS OF CHARITY, 1895. PINAGTIBAY NG KAWANIHAN NG EDUKASYON ANG MGA KURSO, 1911. GINANAP ANG UNANG PAGTATAPOS SA MATAAS NA PAARLAAN, 1923. NASIRA ANG TATLONG PALAPAG NA GUSALI NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. KASALUKUYANG GUSALI AT ITINAYO NOONG 1947.

Lapulapu

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

Location: Liberty Shrine, Lapu-Lapu City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II: Historical marker
Date of marker unveiling: 27 April 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LAPULAPU
ISA SA MGA PINUNO NG MACTAN. NANINDIGANG NAGSASARILI AT MALAYA ANG KANIYANG BAYAN MULA SA KAPANGYARIHAN NG HARI NG ESPANYA AT HINDI KINILALA ANG PAGTALAGA NI FERNANDO MAGALLANES KAY RAHA HUMABON BILANG PINAKAMATAAS NA PINUNO NG CEBU AT MACTAN. PINANGUNAHAN NIYA ANG PAGTATANGGOL SA MACTAN MULA KAY MAGALLANES, 27 ABRIL 1521. SA PAMUMUNO NIYA, NAPATAY NG MGA MANDIRIGMA NG MACTAN SI MAGALLANES AT WALO NITONG KAWAL, KASAMA ANG APAT NA TAUHAN NI HUMABON. TUMAGGI SIYA SA PAKIUSAP NI HUMABON NA IBIGAY ANG BANGKAY NI MAGALLANES SA EKSPEDISYON.

BINANTAAN NIYA SI HUMABON NA SASALAKAYIN ANG CEBU KUNG HINDI ITO MAKIKIISA SA PAGPASLANG SA NALALABING KASAMAHAN NI MAGALLANES SA CEBU, 29 ABRIL 1521. BILANG TUGON, ISANG PIGING ANG HINANDA NI HUMABON SA CEBU AT DOON PINATAY ANG MGA PINUNO AT ILANG KASAPI NG EKSPEDISYON, 1 MAYO 1521.

Fernando Magallanes

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

Location: Liberty Shrine, Lapu-Lapu City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II: Historical marker
Date of marker unveiling: 27 April 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
FERNANDO MAGALLANES
ISINILANG SA PORTUGAL. UNANG NAGSILBI SA HUKBONG DAGAT NG PORTUGAL SA APRIKA AT TIMOG-SILANGANG ASYA. NAGPANUKALA KAY CARLOS I, HARI NG ESPANYA, NA BAHAGI NG IMPERYONG ESPANYOL ANG MALUKU NA KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA NOON (NGAYO’Y SAKOP NG INDONESYA) SA ILALIM NG KASUNDUAN SA TORDESILLAS. ITINALAGANG PINUNO NG EKSPEDISYONG ESPANYOL NA IPINADALA SA MALUKU GAMIT ANG RUTANG KARAGATANG ATLANTIKO AT PASIPIKO, 1519-1521. NAKIPAGSANDUGO KAY COLAMBU, RAHA NG MAZAUA (LIMASAWA, SOUTHERN LEYTE), 28 MARSO 1521. NAGPAKILALA NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS. NAGKALOOB SA IMAHEN NG SANTO NIŇO KAY JUANA, ASAWA NI HUMABON. NANGAKO KAY RAHA HUMABON NG PROTEKSYONG MILITAR AT ITINALAGA ITO BILANG PINAKAMATAAS NA PINUNO NG CEBU AT MACTAN. HINDI SIYA KINILALA NI LAPULAPU, ISA SA MGA PINUNO NG MACTAN. LINUSOB ANG MACTAN AT DOON NASAWI, 27 ABRIL 1521. NAIKOT NG KANIYANG EKSPEDISYON ANG DAIGDIG SA UNANG PAGKAKATAON, 1522.

Mactan - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021

Location: Liberty Shrine, Lapu-Lapu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Date of marker unveiling: 27 April 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text: 
MACTAN

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

MATAPOS ANG BINYAGANG KRISTIYANO SA CEBU, 14 ABRIL 1521, IPINASUNOG NI FERNANDO MAGALLANES, PINUNO NG EKSPEDISYON, ANG BULAIA (BUAYA, LUNGSOD NG LAPU-LAPU) DAHIL SA DI PAGKILALA SA KANIYA AT SA KAPANGYARIHAN NI RAHA HUMABON. IPINADALA NI ZULA, ISA SA MGA PINUNO NG MACTAN, ANG ANAK NITO SA CEBU NA SIYANG NAG-ULAT KAY MAGALLANES NA AYAW KILALANIN NI LAPULAPU, PINUNO NG MACTAN, ANG HARI NG ESPANYA AT ANG PAGKAKATALAGA KAY HUMABON BILANG PINAKAMATAAS NA PINUNO NG CEBU AT MACTAN. DITO NAGANAP ANG LABANAN KUNG SAAN NAPATAY NG MGA MANDIRIGMA NG MACTAN SI MAGALLANES, 27 ABRIL 1521.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Cebu - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021


Location: Plaza Sugbu, Cebu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Date of marker unveiling: 7 April 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CEBU

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

DUMAONG ANG EKSPEDISYON SA CEBU, ISANG AKTIBONG POOK-KALAKALAN NA PINAMUMUNUAN NI RAHA HUMABON, 7 ABRIL 1521. NAGPABINYAG ANG RAHA AT IBA PANG MAMAMAYAN BILANG KRISTIYANO, 14 ABRIL 1521. TINANGGAP DIN NI JUANA, ASAWA NI HUMABON, ANG IMAHEN NG SANTO NIÑO MULA KAY FERNANDO MAGALLANES, PINUNO NG EKSPEDISYON. TINANGGAP NILA ANG MGA AMBAG PARA SA PAGLALAYAG MULA SA MGA PINUNONG KUMILALA SA KAPANGYARIHAN NI RAHA HUMABON.

MATAPOS MAPATAY NG MGA MANDIRIGMA NG MACTAN SI MAGALLANES, HINALAL BILANG BAGONG PINUNO NG EKSPEDISYON SI DUARTE BARBOSA, 27 ABRIL 1521. SUMAPI SI HUMABON SA MGA TAGA-MACTAN AT PINASLANG ANG ILAN SA MGA KASAPI NG EKSPEDISYON, 1 MAYO 1521.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Ticobon - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: San Francisco, Cebu
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Date of marker unveiling: 5 April 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TICOBON

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

BUHAT SA LEYTE, GINABAYAN NG TATLONG PULO NG CAMOTES (BAHAGI NGAYON NG LALAWIGAN NG CEBU), ANG RUTA NG EKSPEDISYON PATUNGONG CEBU, 6 ABRIL 1521. ISA SA MGA PULONG ITO AY ANG TICOBON (BAHAGI NGAYON NG SAN FRANCISCO, CEBU). BUHAT SA DAKONG ITO, NATANAW NA ANG CEBU KUNG SAAN SILA MAKIKIPAGKALAKAL NG MGA PANGANGAILANGAN SA PAGLALAKBAY PATUNGONG MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA).

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Poro - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021

Location: Sitio Mactang, Esperanza, Poro, Cebu
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Date of marker unveiling: 6 April 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PORO

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

MULA SA DAKONG LEYTE, TINAHAK NG EKSPEDISYON ANG PULO NG PORO (BAHAGI NGAYON NG LALAWIGAN NG CEBU), 6 ABRIL 1521. PANSAMANTALANG HUMINTO ANG EKSPEDISYON SA KATUBIGAN NITO UPANG HINTAYIN ANG MGA BALANGAY NI RAHA COLAMBU NA GUMAGABAY SA KANILA PATUNGONG CEBU. MULA RITO, TUMULOY ANG EKSPEDISYON SA CEBU UPANG MAKIPAGKALAKALAN NG MGA PANGANGAILANGAN SA PAGLALAKBAY PATUNGONG MALUKU, NOO’Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA).

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.

Ponson - Ruta ng Ekspedisyon Magallanes-Elcano sa Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Barangay Liberty, Gibusong Island, Loreto, Dinagat Islands
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Date of marker unveiling: 6 April 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PONSON

RUTA NG EKSPEDISYONG MAGALLANES–ELCANO SA PILIPINAS

NAISULAT NI ANTONIO PIGAFETTA, TAGAPAGTALA NG EKSPEDISYON, NA DINAANAN NILA ANG PULO NG PONSON (KINATATAGPUAN NGAYON NG PILAR, CEBU MATAPOS BAYBAYIN ANG KAHABAAN NG LEYTE 6 ABRIL 2021. MULA SA KATUBIGAN NG PULONG ITO TUMULOY ANG EKSPEDISYON SA CEBU UPANG MAKIPAGKALAKALAN NG MGA PANGANGAILANGAN PARA SA PAGLALAKBAY SA MALUKU, NOO'Y KILALANG PINAGMUMULAN NG MGA PAMPALASA (BAHAGI NGAYON NG INDONESYA).

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-500 ANIBERSARYO NG UNANG PAG-IKOT SA DAIGDIG.