Roque B. Ablan




Location: Governor Roque B. Ablan, Sr. Shrine, A. Bonifacio Street, Laoag, Ilocos Norte
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: August 9, 2006
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ROQUE B. ABLAN

BAYANI NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ISINILANG SA LAOAG, ILOCOS NORTE, 9 AGOSTO 1906. NAGTAPOS SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS NG PILOSOPIYA, 1929, AT NG ABOGASYA, 1930; PUMASA SA PAGSUSULIT SA BAR NG TAON DING IYON. INIHALAL NA GOBERNADOR NG ILOCOS NORTE, 1937 AT 1941. KASAMA SI TENYENTE FELICIANO MADAMBA, BINUO ANG ABLAN-MADAMBA GUERILLA GROUP OF NORTHERN LUZON, ENERO 1942. NANGUNA SA MGA LABANAN KABILANG ANG MATAGUMPAY NA LABANAN SA PAMPANNIKI, SOLSONA, ILOCOS NORTE, 8 NOBYEMBRE 1941. HULING NAKITA SA LABANAN SA BUMITALAG, PIDDIG, 5 PEBRERO 1943.

Gliceria Marella de Villavicencio (1852–1929)



Location: Taal, Batangas (Region IV-A)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 8 December 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
GLICERIA MARELLA DE VILLAVICENCIO 
(1852–1929)

IPINANGANAK SA TAAL, BATANGAS, 13 MAYO 1852. TINAWAG NA ALING ERIANG AT ITINURING NA ISANG BAYANI NG HIMAGSIKAN NOONG 1896, DAHIL SA KANYANG TULONG NA MORAL AT MATERYAL SA MGA MANGHIHIMAGSIK. ANG KANYANG BAHAY AY NAGSILBING PUNONG HIMPILAN NOONG PANAHON NG HIMAGSIKAN. IPINAGKALOOB NIYA ANG KANYANG KARAPATAN SA SASAKYANG PANDAGAT NA “BULUSAN” NA GINAWANG SASAKYANG PANDIGMA NG MGA MANGHIHIMAGSIK. NAMATAY 28 SETYEMBRE 1929.

Simbahan ng Siquijor



Location: Siqujor, Siquijor
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker Date: May 19, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG SIQUIJOR

ITINATAG ANG PAROKYA NG MGA PARING SEKULAR SA PATRONATO NI SAN FRANCISCO DE ASIS NOONG PEBRERO 1, 1783. INILIPAT SA MGA PARING REKOLETO NOONG 1793. SINIMULAN NI P. SETTEN, ISANG SEKULAR, ANG PAGPAPATAYO NG SIMBAHANG BATO NA PINANGASIWAAN NI P. ALONSO DE LOS DOLORES NOONG 1795–1831. IPINAGAWA ANG KUMBENTO NA KATULAD NG ISANG KUTA UPANG MALABANAN ANG MADALAS NA PAGSALAKAY NG MGA TULISANG-DAGAT.

Bantayan ng Biliran




Location: Biliran Watchtower, Leyte–Biliran Road, Biliran, Biliran
Category: Buildings/Structures
Type: Watchtower
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 10, 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BANTAYAN NG BILIRAN

IPINATAYO SA BUROL NA ITO NI PADRE GASPAR IGNACIO DE GUEVARA KASAMA ANG SIMBAHAN AT KUTA NG NAGSILBING SANTUARYO NG MGA MANANAMPALATAYA, 1765–1774. TANGING NATIRA NANG SUNUGIN NG MGA PIRATANG MORO ANG POOK, 1774. GINAMIT SA PAGPAPALAGANAP NG RELIHIYONG KOMYUNAL SA BILIRAN, LEYTE AT SAMAR. HALIMBAWA NG ARKITEKTURA NA YARI SA KORALES AT BATO NOONG PANAHON NG MGA ESPANYOL. IPINAAYOS, 2000.

Church of Santa Ana


NHCP Photo Collection, 2011



Location: Sta. Ana, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1936
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker text:
CHURCH OF SANTA ANA

FIRST FRANCISCAN MISSION ESTABLISHED OUTSIDE MANILA, IN 1578. PRESENT CHURCH BUILT UNDER THE SUPERVISION OF VICENTE INGLES, O.F.M. CORNERSTONE LAID ON SEPTEMBER 12, 1720 BY FRANCISCO DE LA CUESTA, ARCHBISHOP OF MANILA AND ACTING GOVERNOR OF THE PHILIPPINES.

Church of Mauban



Location: Mauban, Quezon (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CHURCH OF MAUBAN

THE TOWN, SUCCESSFULLY LOCATED AT THE PINAGBAYANAN, BALAYBALAY, AND SOLEDAD, WAS TRANSFERRED TO THIS SITE IN 1647. THE FIRST CHURCH AND THE FIRST CONVENT, CONSTRUCTED IN 1647, WERE DEMOLISHED IN 1769. THE SECOND CHURCH AND THE SECOND CONVENT WERE COMPLETED IN 1773. THE CONVENT WERE BADLY DAMAGED IN THE EARTHQUAKE OF 1830 AND REBUILT BETWEEN 1836 AND 1945. THE OLD CHURCH COLLAPSED DURING THE EARTHQUAKES OF JULY, 1880. THE PRESENT CHURCH WAS BUILT IN 1891. THE BELFRY, CONSTRUCTED IN 1773, WAS SERIOUSLY DAMAGED DURING THE EARTHQUAKES OF 1880 AND THE PORTION OF WHICH REMAINED WAS PARTIALLY DESTROYED AGAIN BY THE EARTHQUAKE OF AUGUST 20, 1937.

Central United Methodist Church


Location: 694 Kalaw St., Ermita, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 29, 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CENTRAL UNITED METHODIST CHURCH

KAUNA-UNAHANG IGLESIA NG PROTES-TANTE SA PILIPINAS, NAGSIMULA NOONG MARSO 5, 1899 UPANG MANGARAL SA MGA AMERIKANO AT PAGKARAAN SA MGA PILIPINO. PINASINAYAAN ANG UNANG KAPILYA SA POOK NA ITO NOONG DI-SYEMBRE 23, 1901. PINALITAN NG BATONG GUSALI NOONG 1906. INAYOS AT NAGING KATEDRAL NOONG 1932. NASIRA NOONG IKALAWANG DIG-MAANG PANDAIGDIG. MULING ITINAYO TULAD NG DATI RING ANYO AT PINASINAYAAN NOONG DISYEMBRE 25, 1949. PINANGALANAN CENTRAL METHODIST EPISCOPAL CHURCH; PAGKATAPOS CENTRAL STUDENT CHURCH, SUMUNOD CENTRAL METHODIST CHURCH AT SA KASALUKUYAN AY CENTRAL UNITED METHODIST CHURCH.

Organization Of Revolutionary Government


Location: Tanza, Cavite (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: Convent
Status: Level II - Historical marker 
Marker date: 1940
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
Marker text:
ORGANIZATION OF REVOLUTIONARY GOVERNMENT

IN THE HALL OF THE CONVENT OF TANZA ON MARCH 23, 1897, AT ABOUT EIGHT O’CLOCK IN THE EVENING, GEN. E. AGUINALDO AND GEN. MARIANO TRIAS TOOK OATHS AND ASSUMED OFFICE AS PRESIDENT AND VICE PRESIDENT OF THE REVOLUTIONARY GOVERNMENT. GEN. ARTEMIO RICARTE WAS INDUCTED INTO OFFICE AS GENERALISSIMO (CAPTAIN GENERAL) OF THE REVOLUTIONARY FORCES IN THE SAME PLACE ABOUT ONE O’CLOCK THE FOLLOWING MORNING. THEY WERE CHOSEN BY THE REVOLUTIONISTS AT A CONVENTION HELD ON MARCH 22 AT A CONVENTION HELD ON MARCH 22 AT THE CASA-HACIENDA OF TEJEROS. THIS NEW GOVERNMENT REPLACED THE KATIPUNAN.

Ang Parokya ng Sta. Cruz, Tanza, Cavite




Location: Tanza, Cavite (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship 
Status: Level II - Historical marker 
Marker date: May 3, 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG PAROKYA NG SANTA CRUZ, TANZA, CAVITE

ANG PAROKYA NG SANTA CRUZ (NGAYON AY TANZA), CAVITE, AY ITINATAG BILANG ISANG NAGSASARILING PAROKYA NOONG AGOSTO 29,1780. SA SIMULA ITO AY BAHAGI NG BAYAN NG SAN FRANCISCO DE MALABON (NGAYON AY HENERAL TRIAS). ANG TANZA AY KILALA NOON BILANG SANTA CRUZ DE MALABON (TANZA) NOONG ENERO 29,1774. 

UPANG GUNITAIN ANG IKA 200-TAON NG PAGKAKATATAG NITO BILANG PAROKYA, ANG SIMBAHAN AY PINAGING BANAL NOONG IKA-3 NG MAYO 1980 NA ANG PANGUNAHING NAGBASBAS AY SI JAIME CARDINAL SIN NA SIYANG ARSOBISPO NG MAYNILA.

Simbahan ng Molo*





Location: Iloilo City, Iloilo (Region VI)
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: 
Level I- National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 4, s. 1993
Marker date: 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG MOLO

UNANG IPINAGAWANG YARI SA TABIQUE PAMPANGO NA MAY BUBONG NA TISA. PINALITAN NG PANSAMANTALANG SIMBAHANG YARI SA NIPA NI P. JOSE MA. SICHON, 1863. INIHARAP ANG PLANO NG PAGPAPATAYO NG SIMBAHANG BATO, 1866; INAPROBAHAN NI OBISPO MARIANO CUARTERO, 1869. ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN NA MAY ARKITEKTURA NA ISTILONG GOTHIC RENAISSANCE AY IPINATAYO AGAD MAKARAANG APROBAHAN ANG PLANO NITO. INIAALAY SA KARANGALAN NI SANTA ANA. ITO AY NAKILALANG SIMBAHAN NG MGA KABABAIHAN DAHILAN SA MAY 16 NA IMAHEN NG MGA SANTA. DINALAW NI DR. JOSE RIZAL DAHILAN SA MGA BIBLIKONG PINTA, 1896. NAGSILBING SENTRO NG EBAKWASYON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. BAHAGYANG NASIRA NOONG LIBERASYON. INAYOS NI REB. P. MANUEL ALBA SA TULONG NG MGA MANANAMPALATAYA MAKARAAN ANG LIBERASYON.

Ishiwata Bath House




Location: Murcia, Negros Occidental
Category: Buildings/Structures
Type: Thermal Bath House
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 29 April 2006
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ISHIWATA BATH HOUSE

ITINAYO BILANG BAHAGI NG MAMBUKAL RESORT NA MAY DISENYONG NEO-CLASSICAL NI KOKICHI PAUL ISHIWATA, 1927. MULA SA BUNDOK KANLAON ANG TUBIG NA DUMALOY SA ANIM NA KUBOL NA MAY PALIGUAN, MGA TANGING NALALABING ORIHINAL NA ISTRUKTURA.

Ang Simbahan ng Bantayan



Location: Bantayan, Cebu (Region VII)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship 
Status: Level II - Historical marker 
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
ANG SIMBAHAN NG BANTAYAN

ANG SIMBAHANG ITO NA INIALAY SA NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION AY IPINATAYO NG MGA PARING AGUSTINO NOONG IKA-11 NG HUNYO 1580. PAGKARAAN, NAGING PATRON NG SIMBAHAN SI SAN PEDRO APOSTOL AT LUMAWAK ANG SAKOP NG PAROKYA HANGGANG MARIPIPI, PANAMAO AT LIMANGCAWAYAN SA LEYTE. SINUNOG NG MGA MANANALAKAY NA MUSLIM NOONG 1600, ITO AY MULING IPINATAYO NOONG TAON DING IYON AT INILIPAT SA PAMAMAHALA NG MGA SEKULAR.

ANG KASALUKUYANG GUSALI AY SINIMULANG GAWIN NOONG 1839 AT NATAPOS NOONG 1863.

Church of Sariaya



Location: Sariaya Church, General Luna Street, Sariaya, Quezon
Category: Buildings/Structures
Type: Building, House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1938
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker text:
CHURCH OF SARIAYA

THE FIRST CHURCH DATES FROM 1599. THE SECOND CHURCH, BUILT IN 1605, WAS REPLACED BY A THIRD IN 1641. IN 1703 THE TOWN WAS TRANSFERRED TO LUMANGBAYAN, BUT THE EARTHQUAKES AND FLOODS OF 1743 DESTROYED THE CHURCH AND THE TOWN AND CAUSED THE PEOPLE TO TRANSFER TO THE PRESENT SITE. THE PRESENT CHURCH WAS BUILT IN 1748.

Church and Monastery of Guadalupe



Location: Nuestra Señora de Gracia Church, 7440 Bernardino Street, Guadalupe Viejo, Makati City
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1937
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker text:
CHURCH AND MONASTERY OF GUADALUPE

THE FOUNDATIONS OF THIS CHURCH AND MONASTERY OF THE AUGUSTINIAN ORDER WERE LAID IN 1601 AND CONSTRUCTION WORK WAS FINISHED IN 1629. NUESTRA SEÑORA DE GUADALUPE WAS CHOSEN TITULAR PATRONESS IN 1603. AFTER THE CHINESE UPRISING OF 1639 THIS SANCTUARY SERVED AS A SEAT OF DEVOTION FOR THE CHINESE. THE BUILDINGS WITHSTOOD THE EARTHQUAKES OF 1645, 1658, 1754 AND 1863; THE MASONRY ROOF OF THE CHURCH COLLAPSED IN THE EARTHQUAKES OF 1880 AND THE STRUCTURE WAS REBUILT IN 1882 BY REV. JOSE CORUJEDO, O.S.A. SITE OF AN ORPHAN ASYLUM AND TRADE SCHOOL ADMINISTERED BY THE AUGUSTINIAN ORDER FOR THE BENEFIT OF THE CHILDREN OF THE VICTIMS OF THE CHOLERA OF 1882. BOTH CHURCH AND MONASTERY WERE GUTTED BY FIRE IN FEBRUARY, 1899, DURING THE EARLY SKIRMISHES BETWEEN AMERICANS AND FILIPINOS.

Memorare - Manila 1945

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010
Location: Intramuros, Manila (Region NCR)
Category: Sites/Events
Type: Memorial
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1996
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MEMORARE – MANILA 1945

THIS MONUMENT IS ERECTED IN MEMORY OF THE MORE THAN 100,000 DEFENSELESS CIVILIANS WHO WERE KILLED DURING THE BATTLE FOR THE LIBERATION OF MANILA BETWEEN FEBRUARY 3 AND MARCH 3, 1945. THEY WERE MAINLY VICTIMS OF HEINOUS ACTS PERPETRATED BY THE JAPANESE IMPERIAL FORCES AND THE CASUALTIES OF THE HEAVY ARTILLERY BARRAGE BY THE AMERICAN FORCES.

THE BATTLE FOR MANILA AT THE END OF WORLD WAR II WAS ONE OF THE MOST BRUTAL EPISODE IN THE HISTORY OF ASIA AND THE PACIFIC.

THE NON-COMBATANT VICTIMS OF THAT TRAGIC BATTLE WILL REMAIN FOREVER IN THE HEARTS AND MINDS OF THE FILIPINO PEOPLE.

Manila Yacht Club



Location: Manila Yacht Club, 2351 Roxas Boulevard, Malate, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: July 20, 2006
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MANILA YACHT CLUB

ITINATAG NINA JAMES C. ROCKWELL, JOSEPH A. THOMAS, AUBREY P. AMES, STEWART A. TAITE AT A.S. HEYWARD, 20 ENERO 1927. NATIGIL ANG OPERASYON SA KASAGSAGAN NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1941–1945. MULING NAGSIMULA AT NAGING AKTIBO SA PAGLALAYAG, ENERO 1946. TUMANGGAP NG MGA BABAENG KASABI, 1947. PUNONG-ABALA SA INTERPORT REGATTA KATULONG ANG ROYAL HONG KONG YACHT CLUB, 1952. KINATAWAN NG PILIPINAS SA OLYMPIC YACHTING EVENTS, 1960. PATULOY NA TUMUTULONG SA HUKBONG PANDAGAT AT NAGSASANAY NG MGA FILIPINONG MANLALARO PARA SA OLYMPICS AT SEA GAMES, 1977 HANGGANG SA KASALUKUYAN.

Marker text (English):
MANILA YACHT CLUB

FOUNDED BY JAMES C. ROCKWELL, JOSEPH A. THOMAS, AUBREY P. AMES, STEWART A. TAITE AND A.S. HEYWARD, 20 JANUARY 1927. SUSPENDED OPERATIONS DURING WORLD WAR II, 1941–1945. RESUMED OPERATIONS, JANUARY 1946. ALLOWED FEMALE MEMBERSHIP, 1947. HOSTED THE INTERPORT REGATTA WITH ROYAL HONG KONG YACHT CLUB AS CO-HOST, 1952; REPRESENTED THE PHILIPPINES IN THE OLYMPIC YACHTING EVENTS, 1960; PROVIDES CONTINUOUS TRAINING AND SUPPORT FOR THE PHILIPPINE NAVY AND PHILIPPINE TEAMS TO THE OLYMPICS AND SEA GAMES, 1977 UP TO THE PRESENT.

Church of Milaor

NHCP Photo Collection

NHCP Photo Collection
Location: Milaor, Camarines Sur (Region V)
Category: Buildings/Strcutures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CHURCH OF MILAOR

THE FIRST CHURCH, STARTED IN 1725 AND COMPLETED IN 1735, WAS DESTROYED BY FIRE IN 1740. THE PRESENT CHURCH WAS CONSTRUCTED IN 1740, ITS BELFRY IN 1840.

Juan Luna National Monument*

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010
Location: Padre Burgos Avenue cor. General Luna Street, Intramuros, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Structure, Monument
Status: 
Level I- National Monument
Marker date: 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (English):
JUAN LUNA Y NOVICIO
(1857–1899)

PAINTER, PATRIOT AND DIPLOMAT. BORN ON OCTOBER 24, 1857 IN BADOC, ILOCOS NORTE. STUDIED AT ATENEO MUNICIPAL DE MANILA, ESCUELA DE BELLAS ARTES AND ESCUELA NAUTICA, MANILA; AND ACADEMIA DE BELLAS ARTES DE SAN FERNANDO, MADRID, SPAIN. PAINTED IN ROME THE FAMOUS “THE DEATH OF CLEOPATRA,” 1881 AND “SPOLIARIUM,” 1884, AND “THE BATTLE OF LEPANTO,” “THE BLOOD COMPACT,” “PEOPLE AND KINGS” AND OTHERS. ASSOCIATE OF JOSE RIZAL, GRACIANO LOPEZ JAENA AND MARCELO H. DEL PILAR IN THE PROPAGANDA MOVEMENT. DIPLOMATIC AGENT OF GEN. EMILIO AGUINALDO, PARIS, 1898. DIED IN HONGKONG ON DECEMBER 7, 1899.

BY VIRTUE OF PRESIDENTIAL DECREE NO. 260, 1 AUGUST 1973, AS AMENDED BY PRESIDENTIAL DECREE NO. 375, 14 JANUARY 1974, AND NO. 1505, 11 JUNE 1978. THIS MONUMENT IS DECLARED A NATIONAL HISTORICAL MONUMENT.

Marker text:
JUAN LUNA Y NOVICIO
(1857–1899)

PINTOR, MAKABAYAN AT DIPLOMAT. ISINILANG NOONG OKTUBRE 24, 1857 SA BADOC, ILOCOS NORTE. NAG-ARAL SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA, ESCUELA DE BELLAS ARTES AT ESCUELA NAUTICA, MAYNILA; AT ACADEMIA DE BELLAS ARTES DE SAN FERNANDO, MADRID, ESPANYA. IPININTA SA ROMA ANG KILALANG “THE DEATH OF CLEOPATRA,” 1881, AT “SPOLIARIUM,” 1884; AT “THE BATTLE OF LEPANTO,” “THE BLOOD COMPACT,” “PEOPLE AND KINGS,” ATBP.. KASAMA NINA JOSE RIZAL, GRACIANO LOPEZ JAENA AT MARCELO H. DEL PILAR SA KILUSANG PROPAGANDA. SUGONG PANDIPLOMATIKO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO, PARIS, 1898. NAMATAY SA HONGKONG NOONG DISYEMBRE 7, 1899.

SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BLG. 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSAN NG PANGULO BLG. 375, 14 ENERO 1974, AT BLG. 1505, 11 HUNYO 1978, ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG BANTAYOG PANGKASAYSAYAN.

Heneral Candido Tria Tirona

NHCP Photo Collection, 2002

NHCP Photo Collection, 2002

NHCP Photo Collection, 2002

Location: Kawit Church, Kaligtasan Street, Kawit, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: August 29, 1956
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:

DITO SA KAWIT, KABITE, ISINILANG NOONG IKA-29 NG AGOSTO 1862 SI 

HENERAL CANDIDO TRIA TIRONA

MAKABAYAN, MANGHIHIMAGSIK, BAYANI. ANAK NINA ESTANISLAO TIRONA AT JUANA MATA. TUMULONG SA PAGPAPALAGANAP NG KATIPUNAN SA KABITE. KASAMA NI HENERAL EMILIO AGUINALDO SA UNANG PAGSALAKAY SA MGA KASTILA SA KAWIT. KALIHIM DIGMA SA SANGGUNIANG BAYAN NG MAGDALO NG KATIPUNAN SA KABITE. NAMATAY NA ISANG TUNAY NA BAYANI SA NAPABANTOG NA LABANAN SA BINAKAYAN, KAWIT NOONG IKA-10 NG NOBYEMBRE 1896.

Andres Bonifacio 1863-1897




NHCP Photo Collection, 2009
Location: Divisoria, Tondo, Manila (Region NCR)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1974
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
ANDRES BONIFACIO 
1863–1897

ISINILANG SA POOK NA ITO NONG IKA-30 NG NOBYEMBRE, 1863. LUMAKI SA PAGDARALITA NGUNIT NATUTO SA SARILING PAGSISIKAP AT LIKAS NA KATALINUHAN. LUMABAS SA MGA DULANG TAGALOG SA PAMAMAHALA NG TEATRO PORVENIR SA TROZO. ITINATAG ANG MAPANGHIMAGSIK NA KATIPUNAN NANG MANGA ANAK NANG BAYAN NOONG IKA-7 NG HULYO, 1892 NA ANG LAYO’Y MAKAMTAN ANG KASARINLAN NG BAYAN. NAMUNO SA PAGHIHIMAGSIK LABAN SA MGA KASTILA NOONG 1896 NA HUMANTONG SA REPUBLIKA NG PILIPINAS NOONG 1899.

NAMATAY SA KABITE NOONG IKA-10 NG MAYO, 1897.