Showing posts with label Region II. Show all posts
Showing posts with label Region II. Show all posts

Jose Rizal (1861-1896) (Tuguegarao City, Cagayan)



NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

Cagayan Public Information Office, Francis Jorque

Cagayan Public Information Office, Francis Jorque

Location: Rizal Monument, Rizal Park, Tuguegarao City, Cagayan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 19 June 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE RIZAL 
(1861–1896)

PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS. DOKTOR, AGRIMENSOR, DALUBWIKA, MANUNULAT, MAKATA, ESKULTOR AT PINTOR. ISINILANG SA CALAMBA, LAGUNA, 19 HUNYO 1861. MAY-AKDA NG NOLI ME TANGERE (1887) AT EL FILIBUSTERISMO (1891), MGA NOBELANG HIGIT PANG NAGPAALAB SA MGA FILIPINO NA MAGHIMAGSIK LABAN SA ESPANYA. DINAKIP AT IPINATAPON SA DAPITAN, HILAGANG MINDANAO, 6 HULYO, 1892. NAGBOLUNTARYO BILANG MANGGAGAMOT NG PUWERSANG ESPANYOL SA CUBA, 1896, NGUNIT MULING DINAKIP HABANG PATUNGONG ESPANYA SA BINTANG NA REBELYON. BINARIL SA BAGUMBAYAN (NGAYO’Y LIWASANG RIZAL), MAYNILA, 30 DISYEMBRE 1896. PATULOY NA INSPIRASYON PARA SA KALAYAN AT PAGKABANSANG FILIPINO.

Diocese of Nueva Segovia

Location: Lal-loc, Cagayan
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker text:
DIOCESE OF NUEVA SEGOVIA 

THE DIOCESE OF NUEVA SEGOVIA, WHICH WAS FOUNDED ON 14 AUGUST 1599 THROUGH THE EFFORTS OF BISHOP DOMINGO DE SALAZAR IN MADRID AND BY VIRTUE OF A BRIEF ISSUED BY POPE CLEMENT VII HAD ITS FIRST SEAT IN LAL-LOC, CAGAYAN. WHEN IT WAS TRANSFERRED TO VIGAN IT OCCUPIED A BUILDING, WHICH ESCAPED CAPTURE BY THE REBELS WHEN DIEGO SILANG, WHO HAD DEFEATED THE BISHOP’S FORCES WAS KILLED BY VICOS IN 1763. 

THE PRESENT BUILDING, WHICH WAS BUILT IN 1783-1790, ALSO HOUSED THE ECCLESIASTICAL COURT UNTIL 1890, WAS OCCUPIED BY THE REVOLUTIONISTS, WHO IMPRISONED BISHOP JOSE HEVIA CAMPOMANES IN IT, FROM 1896 until 1899; AND WAS USED AS A GARRISON BY THE AMERICAN FORCES UNDER LT. COL. JAMES PARK, 45TH INFANTRY, U.S.A. 

Bayan ng Sto. Niño

Location: Sto. Niño, Cagayan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 15 May 1991
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
BAYAN NG STO. NIÑO

DATING KABARUNGAN, ISANG NAYON NG TABANG NA ITINATAG NI MANUEL FAIRE NOONG 1891. PORMAL NA ITINATAG AT BINIGYAN NG PANGALANG STO. NINO BILANG PARANGAL SA PATRON DITO, NOBYEMBRE 27, 1897. PINANGALANANG FAIRE BILANG PARANGAL SA TAGAPAGTATAG AT UNANG GOBERNADORSILYO NITO SA BISA NG KAUTUSANG PAMPANGASIWAAN BLG. 2390, PEBRERO 28, 1914. IBINALIK BILANG PANGALANG STO. NIÑO, 1969.

Lalloc-Tocolana

Photo from the PIA Cordillera Twitter Account
Location: Lal-lo Church, Real Street, Lal-lo, Cagayan
Category: Buildings/Structures
Type: Building, House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
LALLOC–TOCOLANA

SITE OF THE FORMER CHURCH OF TOCOLANA. IN FORMER TIMES LALLOC HAD THREE PARISHES: THE PARISH OF THE CATHEDRAL WAS SERVED BY THE SECULAR CLERGY UP TO 1788, THE PARISH OF BAGUMBAYAN WAS ENTRUSTED TO THE DOMINICANS BY BISHOP DIEGO DE SORIA IN 1613, AND THE PARISH OF TOCOLANA WAS COMPLETELY ADMINISTERED BY THE DOMINICANS. IN THE DOMINICAN HOSPITAL OF TOCOLANA, THE REV. FRANCISCO DE CAPILLAS, O.P. MINISTERED TO THE SPIRITUAL AND CORPORAL NEEDS OF THE NATIVES OF CAGAYAN.

Capture of General Aguinaldo

Location: Palanan, Isabela
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1962
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CAPTURE OF GENERAL AGUINALDO

ON THIS SITE STOOD THE HOUSE WHERE A BAND OF MACABEBE SCOUTS AND FOUR AMERICAN OFFICERS UNDER GENERAL FREDERICK FUNSTON AFFECTED THE CAPTURE OF GENERAL AGUINALDO IN THE AFTERNOON OF 23 MARCH 1901.

Fort Lalloc

Location: Lal-loc, Cagayan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1938
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker text:
FORT LLALOC

SITE OF FORMER SAN FRANCISCO BUILT PRIOR TOM1755 AND MAINTAINED BY THE GOVERNMENT FOR PROTECTION OF THE CITY OF NUEVA SEGOVIA OR LALLOC FOUNDED IN 1581. THIS FORT HOUSES A POWDER AND AMMUNITION MAGAZINE.

Labanan sa Pasong Balete

Location: Dalton Pass, Brgy. Tactac, Santa Fe, Nueva Vizcaya
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 13, 2005
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA PASONG BALETE

PINANGYARIHAN NG LABANAN SA PAGITAN NG MGA AMERIKANO AT MGA HAPON UPANG MAKONTROL ANG CAGAYAN VALLEY, 21 PEBRERO HANGGANG MAYO 1945. SINALAKAY NG MAGKAKASAMANG PUWERSA NG IKA-25 DIBISYON NG ESTADOS UNIDOS, MGA GERILYANG PILIPINO NA KASAPI NG LUZON GUERILLA FORCES (LGAF) SA ILALIM NI KOLONEL ROBERT LAPHAM, AT MGA TSINO, AT NAITABOY ANG PANGKAY NG SHOBU NG MGA HAPON NA PINAMUNUAN NI HENERAL TOMOYUKI YAMASHITA. UMURONG ANG NALALABING HUKBONG HAPON SA PASONG BALETE AT NAGTUNGO SA GITNANG CORDILLERA. DUMATING ANG UNANG PATRULYA NG MGA AMERIKANO SA PASONG BALETE, 9 MAYO 1945. IDINEKLARANG BUKAS SA ALLIED FORCES, 13 MAYO 1945. PINANGANLANG PASONG DALTON BILANG PARANGAL KAY BRIGADYER HENERAL JAMES L. DALTON II NA NAPATAY NG ISANG SNIPER NOONG 16 MAYO 1945 HABANG NAGSASAGAWA NG IBAYONG PAGSISIYASAT SA PASONG BALETE MAKARAAN ANG LABANAN.

Fernando M. Maramag (1893–1936)

Location: Rizal Park, Rizal Street, Ilagan, Isabela
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: January 21, 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
FERNANDO M. MARAMAG
(1893–1936)

KINILALANG ISA SA MGA PANGUNAHING MANANALAYSAY NG KANYANG PANAHON AT DALUBHASANG EDITORYALISTA. IPINANGANAK NOONG ENERO 21, 1893 SA ILAGAN, ISABELA, ANG BAYANG ITINATAG NG KANYANG NINUNO NA KAPANGALAN NIYA. ISA SA MGA UNANG PILIPINONG NAGING DALUBHASA SA WIKANG INGLES. ANG KANYANG MGA SANAYSAY AT TULA AY NABANTOG DAHIL SA DINGAL, KAWASTUAN AT KAGANDAHAN NG MGA PANGUNGUSAP. ANG KANYANG MGA EDITORYAL SA THE TRIBUNE NA KANYANG PINAMATNUGUTAN HANGGANG SA KANYANG KAMATAYAN NOONG OKTUBRE 23, 1936, AY NAGLALAMAN NG MATATALIM NA PUNA TUNGKOL SA MGA PAMBANSANG SULIRANIN AT PANGYAYARI.

Ang Pagdakip kay Heneral Emilio Aguinaldo

Unveiling of the historical marker, 2001. NHCP Photo Collection
NHCP Photo Collection, 2026
Location: Poblacion, Palanan, Isabela
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2001
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG PAGDAKIP KAY HENERAL EMILIO AGUINALDO

SA BAHAY NA NAKATAYO SA POOK NA ITO NADAKIP SI HENERAL EMILIO AGUINALDO NG ISANG PANGKAT NG ISKAWT MACABEBE KASAMA ANG DATING OPISYAL NG HUKBO NI AGUINALDO NA SINA HILARIO TAL PLACIDO AT LAZARO SEGOVIA AT APAT NA AMERIKANO SA PAMUMUNO NI BRIGADYER HENERAL FREDERICK FUNSTON NOONG HAPON NG MARSO 23, 1901.

INILAGAY ANG PANANDANG PANGKASAYSAYAN NOONG IPAGDIWANG ANG IKA-100 TAON NG MAKASAYSAYANG PANGYAYARING ITO.

St. Paul University Philippines Tuguegarao City

Location: St. Paul University Philippines, Mabini Street, Tuguegarao, Cagayan
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 11, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ST. PAUL UNIVERSITY PHILIPPINES
TUGUEGARAO CITY

ITINATAG NG SISTERS OF ST. PAUL OF CHARTRES BILANG COLEGIO DE SAN PABLO, KALYE RIZAL, 1907. NAGING COLEGIO DEL SAGRADO CORAZON DE JESUS, 1909. BINUKSAN ANG ANTAS NG SEKUNDARYA, 1911. PINANGALANANG SACRED HEART OF JESUS INSTITUTION, 1925. LUMIPAT SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN, 1934. NANGUNA SA PAGBUKAS NG MGA KURSONG PAGTUTURO SA CAGAYAN VALLEY, 1939. GINAMIT NA HOSPITAL AT GARISON NG MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1941–1945. IPINAGPATULOY ANG PAGTUTURO, 1941–1944. BINOMBA NG AMERIKANO, 1945. NAGING ST. PAUL COLLEGE OF TUGUEGARAO, 1949. ITINALAGA BILANG PAMANTASAN, 1982.

Andres Bonifacio (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897)

NHCP Photo Collection, 2025
Location: National Road, Ivana, Batanes
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ANDRES BONIFACIO
(30 NOBYEMBRE 1863 – 10 MAYO 1897)

BAYANI AT REBOLUSYONARYO. ISINILANG SA TONDO, MAYNILA, 30 NOBYEMBRE 1863. SUMAPI SA MASONERIYA AT LA LIGA FILIPINA, 1892. NAGTATAG NG KATAASTAASAN KAGALANGGALANG NA KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN O KATIPUNAN, ISANG LIHIM NA KILUSAN NA ANG PANGUNAHING ADHIKAIN AY MAPAGKAISA ANG LAHAT NG MGA PILIPINO AT ITAGUYOD ANG ISANG BAYANG MALAYA SA PAMAMAGITAN NG PAGHIHIMAGSIK, 7 HULYO 1892. PINAMUNUAN ANG PAGSISIMULA NG MALAWAKANG PAGHIHIMAGSIK LABAN SA MGA ESPANYOL, AGOSTO 1896. SUMALAKAY SA SAN JUAN DEL MONTE UPANG KUBKUBIN ANG POLVORIN, 30 AGOSTO 1896. PINATAY SA MARAGONDON, CAVITE, 10 MAYO 1897. KINIKILALA BILANG SUPREMO NG KATIPUNAN AT AMA NG HIMAGSIKAN.

Batanes High School

Photo from the Facebook public group, Maroonian Ako! (BHS,BNHS and BNSHS)

© Andre Ryan Maceda/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Batanes National Science High School, BNHS Road, Basco, Batanes
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BATANES HIGH SCHOOL

ITINATAG SA BASCO, BATANES UPANG MAGKAROON NG SEKONDARYANG PAARALAN SA LALAWIGAN, 1917. NAGTAPOS ANG MGA UNANG MAG-AARAL, 1928. PANSAMANTALANG ISINARA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1942–1945; MULING BINUKSAN MATAPOS ANG DIGMAAN, 1946. NAGING BATANES HIGH SCHOOL, 18 HUNYO 1964. GINAWANG BATANES NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL, 22 AGOSTO 2000.

Casa Real

© Adkranz/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Andre Ryan Maceda/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Batanes Provincial Capitol Building, National Road, Basco, Batanes
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CASA REAL

IPINAGAWA SA KAHOY NG MGA ESPANYOL NOONG IKA-18 SIGLO. IPINAGAWA SA BATO NI GOB. JOSE SERRA, 1872. DITO NAMATAY SI JULIAN FORTEA, ANG HULING GOBERNADOR ESPANYOL NG BATANES, NOONG SALAKAYIN NG MGA KATIPUNERO ANG CASA REAL, 18 SETYEMBRE 1898. NAGSILBING KABISERA NG MGA PINUNO NG BATANES NOONG PANAHON NG MGA ESPANYOL HANGGANG KASALUKUYAN.

Kapilya ng San Jacinto

NHCP Photo Collection, 1993
© JJ Carpio/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Mabini Street cor. Legazpi Street, Tuguegarao, Cagayan
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1982
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KAPILYA NG SAN JACINTO

ITINAYO NG MGA DOMINIKANO NOONG 1604 SA KARANGALAN NI SAN JACINTO. MULING ITINAYO NI FRAY BERNABE DE LA MAGDALENA AT PINASINAYAAN NOONG AGOSTO 16, 1724. DITO ITINATAG AT IPINAG-UTOS NI DON JOSEPH ARZADUN DE REBOLLEDO NG AUDIENCIA REAL DE MANILA ANG PONDONG PAMPAMAYANAN AT ALITUNTUNIN SA MAMAMAYAN NG CAGAYAN NOONG 1739. PINALAMUTIHAN NG MGA MAMAMAYAN SA PAMAMATNUBAY NI GOBERNADORSILYO DOMINGO BALINO AT PINANGANLANG HERMITA DE PIEDRA DE SAN JACINTO NOONG 1772. GINAMIT NA KUWARTEL NG MGA MANGHIHIMAGSIK AT KANLUNGAN NG MGA SUNDALONG AMERIKANO NOONG DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO. KASALUKUYANG PINAMAMAHALAAN NG ST. PAUL SISTERS.

Ang Simbahan ng Pata

© Shubert Ciencia/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 2.0

Location: Namoac, Sanches-Mira, Cagayan
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 18, 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG SIMBAHAN NG PATA

SA PANGAGASIWA NG MGA PARING DOMINIKO NOONG 15 HUNYO 1595, ANG SIMBAHANNG PATA , NA UNANG TINAWAG NA SIMBAHAN NG SANTA MARIA MAGDALENA, AY TINATAG SA NAYON NG PATA.CAGAYAN NINA PADRE MIGUEL DE SAN JACINTO AT GASPAR ZARPATE.

SA POOK NA ITO IPINASYAN NG MGA DOMINIKO N IPAGPATULOY ANG EBANGHELISASYON SA RELIHIYON BAGAMA'T ANG PANAHON AY HINDI KASANG-AYON. NAGING UNANG BINIYAGAN ANG MGA TAUHAN NI SIRIBAN, PUNO NG MGA PANGKAT ETNIKO SA BAYBAYIN NG ILOG VAGAYAN NOONG 1595. UNANG MANGAGARAL NG MGA TAAL NA TAGA CAGAYAN NI PADRE DIEGO DE SORIA NA NAGING OBISPO.
              

Dominican Hill and Retreat House

NHCP Photo Collection, 2019
NHCP Photo Collection, 2019
NHCP Photo Collection, 2019
NHCP Photo Collection, 2019
Location: Dominican Hill Retreat House, Dominican Hill Road, Baguio City
Category: Buildings/Structures
Type: Ruins, Structure
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
DOMINICAN HILL AND RETREAT HOUSE (1915)

IPINATAYO BILANG BAHAY BAKASYUNAN NG MGA DOMINIKANO SA DOMINICAN HILL SA BAGUIO, 1913–1915. IDINISENYO NI FR. ROQUE RUAÑO , O.P.; PINASINAYAAN, 1915. GINAWANG PAARALAN AT PINANGALANANG COLEGIO DEL SANTISSIMO ROSARIO, 1915–1918. NAGSILBING KANLUNGAN NG MGA PAMILYA AT PARING DOMINIKANO NOONG PANAHON NG HAPON, 1942–1945. GINAMIT NG MGA HAPON BILANG HULING TANGGULAN, 1945. BINOMBA NG MGA SUNDALONG AMERIKANO, ABRIL 1945; IPINAAYOS, 1945–1947. GINAWANG DIPLOMAT HOTEL, 1973–1987. INILIPAT ANG PAGMAMAMAY-ARI SA LUNGSOD NG BAGUIO, 2005.

Batanes Bisumi Fighters (1944)

NHCP Photo Collection, 2019
NHCP Photo Collection, 2019
NHCP Photo Collection, 2019
Location: Sabtang, Batanes
Category: Association/Institution/Organization
Type: Organization
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BATANES BISUMI FIGHTERS 
(1944)

ITINATAG BILANG SANGAY NG HUNTERS-ROTC SA LALAWIGAN NG BATANES UPANG LABANAN ANG MGA HAPON, ENERO 1944. PINANGALANANG BISUMI FIGHTERS NA KUMAKATAWAN SA ANIM NA BAYAN SA BATANES: BASCO, IVANA, SABTANG, UYUGAN, MAHATAO AT ITBAYAT. NAPASAKAMAY NG MGA GERILYA ANG GARISON NG MGA HAPON SA LABANAN SA BAYAN NG SABTANG, 25 ABRIL 1945. NILUSOB AT NABAWI ANG SABTANG NG MAS MALAKING PUWERSA NG HAPON, 17 MAYO 1945. NAHULI AT PINASLANG ANG KARAMIHAN SIMULA 12 HUNYO 1945.

Jose Rizal (1861-1896) Batanes

NHCP Photo Collection 2019
NHCP Photo Collection 2019
Location: Basco, Batanes
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE RIZAL 
(1861–1896)

PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS. DOKTOR, AGRIMENSOR, DALUBWIKA, MANUNULAT, MAKATA, ESKULTOR AT PINTOR. ISINILANG SA CALAMBA, LAGUNA, 19 HUNYO 1861. MAY-AKDA NG NOLI ME TANGERE (1887) AT EL FILIBUSTERISMO (1891), MGA NOBELANG HIGIT PANG NAGPAALAB SA MGA FILIPINO NA MAGHIMAGSIK LABAN SA ESPANYA. DINAKIP AT IPINATAPON SA DAPITAN, HILAGANG MINDANAO, 6 HULYO, 1892. NAGBOLUNTARYO BILANG MANGGAGAMOT NG PUWERSANG ESPANYOL SA CUBA, 1896, NGUNIT MULING DINAKIP HABANG PATUNGONG ESPANYA SA BINTANG NA REBELYON. BINARIL SA BAGUMBAYAN (NGAYO’Y LIWASANG RIZAL), MAYNILA, 30 DISYEMBRE 1896. PATULOY NA INSPIRASYON PARA SA KALAYAN AT PAGKABANSANG FILIPINO.

Simbahan ng Mahatao

NHCP Photo Collection 2019
NHCP Photo Collection 2019
NHCP Photo Collection 2019
Location: Mahatao, Batanes
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG MAHATAO

ITINAYO SA ILALIM NG PATRONAHE NI SAN CARLOS BORROMEO, 1787. NASIRA NG BAGYO, 1872. MULING ITINAYO NI P. CRESENCIO POLO, O.P., 1873. ITINAAS NG MGA KATIPUNERO ANG BANDILA NG KATIPUNAN SA KAMPANARYO, 19 SETYEMBRE 1898. PINALITAN NG BUBONG NA YERO, IKA-20 SIGLO. TINANGGAL ANG KORO, NOONG MGA TAONG 1990. IPINAHAYAG NG PAMBANSANG MUSEO BILANG YAMANG PANGKALINANGAN, 31 HULYO 2001.MARIANO PONCE

Church of Pamplona, Cagayan

NHCP Photo Collection
Location: Pamplona, Cagayan (Region II)
Category: Buildings/Strcutures
Type: House of Worship

Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
CHURCH OF PAMPLONA

CONSTRUCTED, 1614,AS CHURCH OF MASSI, UNDER THE DIRECTION OF MIGUEL MARTIN DE SAN JACINTO, O.P. PARTLY DESTROY BY EARTHQUAKE 1721. REPAIRED BY FR. JOSE CANO,O.P. SAME MUNICIPALITIES A BULACAN AND MASSI WERE UNITED 1842, UNDER THE SAME PAMPLONA. FIRST ELECTION OF TOWN OFFICIALS TOOK PLACE IN THE PREMISES,1901, BY STANDING VOTES.