Holy Rosary Seminary*

NHCP Photo Collection, 2017

NHCP Photo Collection, 2017

NHCP Photo Collection, 2017
Location: E. Angeles Street, Naga City
Category: Buildings/Structures
Type: Seminary building
Status: Level I - National Historical Landmark
Marker date: 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HOLY ROSARY SEMINARY

DATING CASA DE CLERIGOS NA ITINATAG NI OBISPO ANDRES GONZALES, O.P., SIRKA 1700. IPINATAYO NI OBISPO JUAN ANTONIO DE ORBIGO, O.F.M., ANG BAGONG BAHAY SEMINARYO, 1785; PINANGANLANG SEMINARIO CONCILIAR DE NUEVA CACERES. PINASINAYAAN NI OBISPO DOMINGO COLLANTES, O.P., 1793; NATAPOS NOONG 1845. NASIRA NG BAGYO, 1856; AT TINUPOK NG APOY, 1860. MULING IPINATAYO AT PINALAKI NI OBISPO FRANCISCO GAINZA, O.P., 1862; INILIPAT ANG PAMAMAHALA SA VINCENTIAN FATHERS, 1865. PINANGANLANG SEMINARIO DEL SANTISIMO ROSARIO NI OBISPO FRANCISCO REYES, 1925. BAHAGYANG NASIRA NANG BOMBAHIN NG MGA SUNDALONG HAPON, 1945, AT IPINAAYOS NI ARSOBISPO PEDRO SANTOS. PINANGANLANG HOLY ROSARY SEMINARY SA ILALIM NG KLERIKONG DIYOSESANO, 1964. MALUBHANG NAPINSALA NG BAGYO, IPINAAYOS NI ARSOBISPO TEOPISTO ALBERTO, 1970. BUKOD SA ILANG PAMBANSANG BAYANI, MGA MARTIR AT REBULUSYONARYO, 19 SA MGA OBISPO NA KASALUKUYANG NAKATALAGA SA IBA’T IBANG BAHAGI NG KAPULUAN ANG KATANGI-TANGING KONTRIBUSYON NG SEMINARYONG ITO.

SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGNA NG MGA KAUTUSAN BILANG 375, 14 ENERO 1974, AT BILANG 1505, 11 HUNYO 1978, ANG SEMINARYONG ITO AY IPINAHAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN.

Bahay na Bato in Antique

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

The house prior to its restoration. (NHCP Photo Collection, 2019)

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Gobierno Street, San Jose de Buenavista, Antique 
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Heritage House
Legal basis: NHCP Resolution No. 7, s. 2020
Marker date: 2 February 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BAHAY NA BATO IN ANTIQUE

DECLARED A HERITAGE HOUSE PURSUANT TO NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES BOARD RESOLUTION NO. 7, S. 2020.

Memorare (De La Salle University)

Unveiling of the historical marker, 2020. NHCP Photo Collection

Unveiling of the historical marker, 2020. NHCP Photo Collection

Unveiling of the historical marker, 2019. NHCP Photo Collection
Location: De La Salle University, Taft Avenue, Malate, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 February 2020
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MEMORARE

GINAMIT NG MGA PUWERSANG HAPON ANG DE LA SALLE COLLEGE, NGAYO’Y DE LA SALLE UNIVERSITY, BILANG HIMPILAN NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ANIMNAPU’T WALONG KATAO ANG NAGKANLONG SA PANGUNAHING GUSALI NG KOLEHIYO SA PANAHON NG LABANAN NG MAYNILA. MARAHAS NA PINASLANG NG PUWERSANG HAPON ANG LABINLIMANG CHRISTIAN BROTHERS AT ILAN PANG MGA SIBILYAN, 12 PEBRERO 1945. NAUNA RITO, DINAKIP AT HINDI NA NAKITANG MULI SINA BROTHER EGBERT XAVIER, FSC, DIREKTOR NG KOLEHIYO, AT JUDGE JOSE CARLOS. NASAGIP NG 12TH CAVALRY REGIMENT NG U.S. ARMY ANG MGA TAONG NAKALIGTAS, 15 PEBRERO 1945. ANG PANANDANG ITO AY INIAALAY SA ALAALA NG MGA NAMATAY SA POOK NA ITO.

Eugenio Daza y Salazar (1870–1954)

© Leocvlauzon/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Leocvlauzon/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Real Street, Borongan, Eastern Samar
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
EUGENIO DAZA Y SALAZAR
(1870–1954)

GURO, REBOLUSYONARYO, MAMBABATAS. IPINANGANAK, NOBYEMBRE 15, 1870, BORONGAN, EASTERN SAMAR. NAGKAMIT NG TITULO SA EDUKASYON, ESCUELA NORMAL DE MAESTRO, MAYNILA, 1888. MAKARAANG MAKATAPOS NG EDUKASYON, SIYA AY NAGTURO SA BORONGAN MUNICIPAL SCHOOL AT PAGKARAAN NG LIMANG TAON AY NAGTATAG NG SARILING PAARALAN SA ILALIM NG PAMAMAHALA NG MGA KASTILA. SUMAPI SA KILUSANG HIMAGSIKAN SA SAMAR SA PAGSIKLAB NG HIMAGSIKANG PILIPINO. ITINALAGA NI HENERAL VICENTE LUKBAN NA MAGING PANGKALAHATANG PUNONG-HUKBO NG SILANGANG SAMAR. ISA SA MGA NAGING KASANGKAPAN SA TAGUMPAY NG ISANG MAKASAYSAYANG PANGYAYARING NAGANAP SA BALANGIGA NOONG SETYEMBRE 28, 1901. NAHALAL NA KINATAWAN NG IKATLONG DISTRITO NG SAMAR SA UNANG ASEMBLEA NG PILIPINAS, 1907. NAMATAY DISYEMBRE 16, 1954, CALAMBA, LAGUNA.

Archconfraternity of Nuestra Señora de Aranzazu

Location: Colegio de San Juan de Letran, Muralla Street, Intramuros, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1939
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
ARCHCONFRATERNITY OF NUESTRA SEÑORA DE ARANZAZU

THE ARCHCONFRATERNITY OF NUESTRA SEÑORA DE ARANZAZU WAS SOLEMNLY ESTABLISHED IN THE COLLEGE OF SAN JUAN DE LETRAN ON DECEMBER 16, 1772 BY VIRTUE OF A PONTIFICAL BRIEF, ISSUED BY BENEDICT XIV ON SEPTEMBER 18, 1748.

Bataan and Democracy

NHCP Photo Collection, 2011

NHCP Photo Collection, 2011
Location: Prado Bridge, Km. 96 Jose Abad Santos Avenue, Brgy. Balsic, Hermosa, Bataan
Category: Sites/Events
Type: Site, Event
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1948
Marker text:
BATAAN AND DEMOCRACY

THE LITTLE MOUNTAINOUS PENINSULA OF BATAAN SAVED DEMOCRACY AND THE WHOLE WORLD FROM THE EVIL HANDS OF THE DEVIL.

(FROM THE RADIO BROADCAST OF PRESIDENT FRANKLIN DELANO ROOSEVELT, JANUARY 5, 1945.)

Daang Colon

NHCP Photo Collection, 2010
Location: Colon Street, Cebu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 17 May 1999
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
DAANG COLON

ANG DAANG COLON, KILALA RIN BILANG PARIAN, ANG PINAKAMATANDANG DAAN SA PILIPINAS. IPINATAYO NG MGA KASTILA NA DUMATING SA CEBU NOONG 1565 LULAN NG PLOTANG BINUBUO NG MGA SASAKYANG-DAGAT NA SAN PEDRO, SAN PABLO AT SAN JUAN SA PAMUMUNO NI MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI.

 

Asociacion de Damas de Filipinas Inc. Settlement House

NHCP Photo Collection, 2006
Location: 1451 Quirino Avenue Extension, Paco, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 26 September 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ASOCIACION DE DAMAS DE FILIPINAS, INC. 
SETTLEMENT HOUSE

ANG ASOCIACION DE DAMAS DE FILIPINAS, INC. AY ITINATAG NOONG SETYEMBRE 26, 1913 NG MGA MAYBAHAY NG MGA NANGUNANG KASAPI NG PHILIPPINE COLUMBIAN CLUB BILANG KABABAIHANG PANTULONG O AUKSILYAR NG SAMAHAN NA ANG UNANG PANGULO AY SI DR. HONORIA ACOSTA. ANG MGA UNANG PAGPUPUNYAGI NITO AY UPANG MAKALIKOM NG PONDO PARA SA PAMAYANAN NG MGA MAY KETONG SA CULION, IBA’T IBANG BAHAY-AMPUNAN, MGA NASUNUGAN AT MGA MAHIHIRAP NA NAGPAPASUSONG INA. NOONG 1919 ITINATAG NITO ANG PANIRAHAN SA ISANG PAUPAHANG GUSALI SA ABENIDA RIZAL, MAYNILA UPANG MAGSILBING PANSAMANTALANG KANLUNGAN PARA SA MGA SANGGOL, MGA BATA, HINDI KASAL NA MGA INA AT MGA MATATANDA. INILIPAT SA DAANG BENAVIDES SA SANTA CRUZ NOONG 1926 AT SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN NITO SA DAANG CANONIGO, PACO NOONG 1927.

ANG PANIRAHAN AY NAGING KANLUNGAN NG MGA NAGSISILIKAS. NAGING PAGAMUTAN AT KLINIKA PARA SA MGA MAMAMAYAN NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, PAGKATAPOS NG DIGMAAN, ANG GUSALI AY SUMAILALIM SA PAGBABAGONG-AYOS. ISANG DAGDAG NA GUSALI NA MAY MGA MAKABAGONG KAGAMITAN ANG IPINATAYO MULA 1955 HANGGANG 1963. ANG AKLATAN AT PAARALAN PARA SA MGA BATA AY PINASINAYAAN NOONG 1997. ANG SALIGANG BATAS NITO AY SINUSUGAN NOONG ENERO 15, 1998 UPANG IBILANG ANG MGA KARAGDAGANG INTERES.

Site of the ratification of the Malolos Constitution

Location: Barasoain Church, Malolos, Bulacan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:

MULA SA KANYANG TANGGAPAN SA KUMBENTONG ITO NOONG ENERO 21, 1899 SI HENERAL EMILIO AGUINALDO Y FAMY, PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AY NAGPAHAYAG NG PAGKAKABISA NG SALIGANG BATAS NG MALOLOS NA ANG MALAKING BAHAGI AY BINALANGKAS NI FELIPE G. CALDERON AT PINAGTIBAY NG KONGRESO NG HIMAGSIKAN NA NAGPULONG SA SIMBAHAN NG BARASOAIN NOONG SETYEMBRE 15, 1898. SA PAMAMAGITAN NG ISANG UTOS NA INILAGDA NOONG OKTUBRE 19, 1898, ITINATAG DITO NI HENERAL AGUINALDO ANG LITERARIO-CIENTIFICA UNIVERSIDAD DE FILIPINAS AT HINIRANG NA UNANG REKTOR SI JOAQUIN GONZALEZ.

Jose Rizal 1861-1896 (Calamba Church)

Location: Calamba, Laguna
Category: Sites/Events
Type: Site, Baptistery
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1960
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
JOSE RIZAL
1861–1896

SI JOSÉ RIZAL AY BININYAGAN NI P. RUFINO COLLANTES SA PABINYAGANG ITO NG SIMBAHAN NG CALAMBA, NOONG IKA-22 NG HUNYO NG 1861, AT NAGING INAAMA SA BINYAG SI P. PEDRO CASAÑAS.

Church of Sarrat

Archival photos from the Diocese of Laoag (captured, 2019)

Archival photos from the Diocese of Laoag (captured, 2019)
Location: Santa Monica Parish, Sarrat, Ilocos Norte
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1958
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Note: The historical marker was lost after a massive earthquake damaged the facade of the church in 1983.
Marker text:
CATHOLIC CHURCH OF SARRAT

FORMERLY NAMED CHURCH OF SAN MIGUEL IN COMMEMORATION OF THE ARRIVAL AT SARRAT OF THE FIRST MISSIONARIES ON THE FEAST OF SAN MIGUEL 29 SEPTEMBER 1724; NOW NAMED SARRAT BY THE PHILIPPINE LEGISLATURE IN 1916, RESTORED THE ORIGINAL NAME OF THE TOWN, SARRAT. FIRST CONVENT CONSTRUCTED 1769 SERVED AS TEMPORARY CHURCH; DESTROYED BY FIRE 16 MARCH 1816; CHURCH AND TOWER WERE CONSTRUCTED 1779; ANOTHER CONVENT WAS BUILT UNDER THE SUPERVISION OF FATHER VICENTE BERRAGRO AND FINISHED MAY 1817; BURNED AGAIN 18 OCTOBER 1882; A THIRD CONVENT WAS BUILT AND COMPLETED JUNE 1896.

Colon Street

© StephenPamorada/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
Location: Colon Street, Cebu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 16 October 1961
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
COLON STREET

COLON STREET, KNOWN ALSO AS THE PARIAN, IS THE OLDEST STREET IN THE PHILIPPINES. IT WAS BUILT BY THE SPANIARDS WHO ARRIVED AT CEBU IN 1565 ON THE FLEET COMPOSED OF THE VESSELS SAN PEDRO, SAN PABLO AND SAN JUAN UNDER THE COMMAND OF MIGUEL LOPEZ DE LEGASPI.

Philippine Post Office

NHCP Photo Collection, 2015


Location: Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Government institution
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2 June 1994
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PHILIPPINE POST OFFICE

ITINATAG BILANG TANGGAPAN NG KOREO SA MAYNILA, 1767; ITINAAS BILANG DISTRITONG PANGKOREO NG ESPANYA, 1779; NAGPANIBAGONG-TATAG , 5 DISYEMBRE 1837; NAGING PANGUNAHING SENTRONG PANGKOREO, 1838. NAGING KASAPI NG UNIVERSAL POSTAL UNION, 1877. ITINATAG BILANG LINGKURANG PANGKOREO SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULONG EMILIO AGUINALDO, 1898. MULING ITANATAG BILANG KAWANIHAN SA ILALIM NG KAGAWARAN NG PANGANGALAKAL SA BISA NG BATAS NG KOMISYON NG PILIPINAS BLG. 426, 15 SETYEMBRE 1902. ITINAYO ANG KASALUKUYANG GUSALI NA MAY ARKITEKTURANG NEO-KLASIKO, 1926. NASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG; MULING IPINATAYO, 1946. PINANGALANANG POSTAL SERVICES OFFICE SA PANGANGASIWA NG KAGAWARAN NG TRANSPORTASYON AT KOMUNIKASYON SA BISA NG KAUTUSANG PAMPANGASIWAAN BLG. 125, 13 ABRIL 1987; AT PHILIPPINE POSTAL CORPORATION SA BISA NG BATAS NG REPUBLIKA BLG. 7354, 3 ABRIL 1992.

University of Santo Tomas (Main Building)


NHCP Photo Collection, 2013
NHCP Photo Collection, 2013
Location: UST Main Building, University of Santo Tomas Campus, España Boulevard, Sampaloc, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: School building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1935
Installed by: Historical Research and Markers Committee
Marker text:
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

FOUNDED IN 1611 BY LEGACY OF ARCHBISHOP MIGUEL DE BENAVIDES. AUTHORIZED TO CONFER DEGREES IN 1624. GRANTED UNIVERSITY PRIVILEGES IN 1645 BY INNOCENT X UPON PHILIP IV’S REQUEST. MADE A ROYAL UNIVERSITY IN 1785 BY CHARLES III AND A PONTIFICAL UNIVERSITY IN 1902 BY LEO XIII. OLDEST UNIVERSITY UNDER THE AMERICAN FLAG. THIS BUILDING DESIGNED AND CONSTRUCTED UNDER THE SUPERVISION OF REV. ROQUE RUAÑO, O.P., WAS SOLEMNLY INAUGURATED ON JULY 2, 1927.

Jose Rizal 1861-1896 (University of Santo Tomas)

NHCP Photo Collection, 2013
Location: Location: Arch of the Centuries, University of Santo Tomas, España Boulevard, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1960
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
JOSE RIZAL 
1861–1896

JOSE RIZAL, ALUMNO DE LA REAL Y PONTIFICIA UNIVERSIDAD DE SANTO TOMAS DE MANILA, FILIPINAS, 1877–1882.

Marker text:

Manuel L. Quezon 1878-1944 (University of Santo Tomas)

NHCP Photo Collection,2013
Location: Arch of the Centuries, University of Santo Tomas, España Boulevard, Manila
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1961
Marker text:
MANUEL L. QUEZON 
1878–1944

PRIMER PRESIDENTE DE LA MANCOMUNIDAD DE FILIPINAS. ALUMNO DE LA REAL Y PONTIFICIA UNIVERSIDAD DE SANTO TOMAS, MANILA, FILIPINAS, 1894–1898.

Lunsod ng San Pablo

NHCP Photo Collection, 2011
Location: San Pablo, Laguna
Category: Sites/Events
Type: Site, Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1954
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
LUNSOD NG SAN PABLO

TINAWAG NA SAMPALOK BAGO ITINATAG NG MGA PARING AGUSTINO NA PAROKYA NG SAN PABLO, 1596. GINAWANG BAYAN, 1647; BARTOLOME MAGHAYON, UNANG GOBERNADORSILYO. NAPALIPAT ANG PANGANGASIWA NG PAROKYA SA MGA PRANSISKANO, 1734, AT SA MGA SEGLARES, 1898. NAGHIMAGSIK ANG MGA MAMAMAYAN SA PAMUMUNO NI HENERAL MIGUEL MALVAR, 1896. NASAKOP NG MGA AMERIKANO 1899. INOCENTES MARTINEZ, NAHIRANG NA PANGULONG BAYAN. MARCOS PAULINO, UNANG HALAL NA PANGULONG BAYAN, 1902. NAGING LUNSOD, 1940, SA BISA NG BATAS NA INIHARAP NG KINATAWANG TOMAS DIZON. POTENCIANO MALVAR, UNANG ALKALDE.


Pagsanjan

NHCP Photo Collection, 2009

Location: Pagsanjan, Laguna
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1953
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
PAGSANJAN

FORMERLY A BARRIO OF LUMBANG. ORGANIZED INTO A MUNICIPALITY, 1668. FRANCISCO UMALI, FIRST GOBERNADORCILLO. BECAME CAPITAL OF LAGUNA, 1688–1858. TOWN GATE CONSTRUCTED, 1878–1880; INAUGURATED, 1984, BY DON PEDRO A. PATERNO. OCCUPIED BY THE REVOLUTIONISTS, 1896; BY THE AMERICANS, 1899; BY THE JAPANESE, 1942. LIBERATED, 1945, BY THE FILIPINOS, LED BY MANUEL SORIANO.

Mahayhay

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010
Location: Majayjay, Laguna
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1971
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
MAHAYHAY

NAGING ENKOMIYENDA NOONG IKA-14 NG NOBYEMBRE, 1571. SI GASPAR OSORIO ANG UNANG PUNONG BAYAN NOONG 1594. SA BAYANG ITO NAGKASAKIT AT NAMATAY SI EMILIO JACINTO, “ANG UTAK NG KATIPUNAN,” HABANG PINAMUMUNUAN ANG MGA PILIPINO LABAN SA MGA AMERIKANO NOONG IKA-16 NG ABRIL, 1899.

Site of the Proclamation of Philippine Independence

NHCP Photo Collection, 2011

NHCP Photo Collection, 2011
Location: Emilio Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Commemorative marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 June 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (English):

SITE OF THE PROCLAMATION OF PHILIPPINE INDEPENDENCE

ON JUNE 12, 1898, PHILIPPINE INDEPENDENCE WAS PROCLAIMED FROM THE CENTER WINDOW OF THE ORIGINAL HOUSE OF THE FAMILY OF GENERAL EMILIO AGUINALDO Y FAMY, PRESIDENT OF THE FIRST PHILIPPINE REPUBLIC AND LEADER OF THE REVOLUTION AGAINST SPAIN AND AMERICA. THROUGH THE READING OF THE ACTA DE LA PROCLAMACION DE LA INDEPENDENCIA DEL PUEBLO FILIPINO BY AMBROSIO RIANZARES BAUTISTA. DURING THIS OCCASION, THE PHILIPPINE FLAG MADE IN HONGKONG BY DOÑA MARCELA MARINO DE AGONCILLO WAS OFFICIALLY UNFURLED AS THE BAND OF SAN FRANCISCO DE MALABON PROUDLY PLAYED THE MARCHA NACIONAL FILIPINA (NOW THE PHILIPPINE NATIONAL ANTHEM) COMPOSED BY JULIAN FELIPE.

THIS HISTORICAL MARKER IS INSTALLED BY THE GRATEFUL FILIPINO PEOPLE IN OBSERVANCE OF THE CENTENNIAL OF THE PROCLAMATION OF PHILIPPINE INDEPENDENCE. UNVEILED BY HIS EXCELLENCY PRESIDENT FIDEL VALDEZ RAMOS ON JUNE 12, 1998.

Marker text (Filipino):

POOK NG PAGPAPAHAYAG NG KASARINLAN NG PILIPINAS

NOONG HUNYO 12, 1898. BUHAT SA GITNANG BINTANA NG ORIHINAL NA TAHANAN NG MGA AGUINALDO IPINAHAYAG NI HENERAL EMILIO AGUINALDO Y FAMY, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS AT PUNO NG HIMAGSIKAN LABAN SA ESPANYA AT SA AMERIKA, ANG KASARINLAN NG PILIPINAS SA PAMAMAGITAN NG PAGBASA NG ACTA DE LA PROCLAMACION DE LA INDEPENDENCIA DEL PUEBLO FILIPINO NA SINULAT NI AMBROSIO RIANZARES BAUTISTA. SA PAGKAKATAONG ITO, ANG WATAWAT NG PILIPINAS NA TINAHI NI DONYA MARCELA MARINO DE AGONCILLO SA HONGKONG AY OPISYAL NA IWINAGAYWAY HABANG BUONG PAGMAMALAKING TINUTUGTOG NG BANDA NG SAN FRANCISCO DE MALABON ANG MARCHA NACIONAL FILIPINA (NGAYO’Y PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS) NA KINATHA NI JULIAN FELIPE.

ANG TANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY INIAALAY NG SAMBAYANANG PILIPINO SA PAGDIRIWANG NG IKASANDAANG TAON NG PAGPAPAHAYAG NG KASARINLAN NG PILIPINAS. INALISAN NG TABING NG KAGALANG-GALANG NA PANGULONG FIDEL VALDEZ RAMOS NOONG HUNYO 12, 1898.

Apolinario Mabini (23 Hulyo 1864-13 Mayo 1903)

NHCP Photo Collection, 2013
NHCP Photo Collection, 2013
Location: Mabini Shrine, Polytechnic University of the Philippines-Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
APOLINARIO MABINI 
23 HULYO 1864 – 13 MAYO 1903

BAYANI, REBOLUSYONARYO, MANUNULAT AT PILOSOPONG PULITIKAL. ISINILANG SA TANAUAN, BATANGAS, 23 HULYO 1864. NAG-ARAL NG ABOGASYA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS, 1888–1894. TINAGURIANG “DAKILANG LUMPO” SA PAGLAHOK NIYA SA PAKIKIBAKA SA KOLONYALISMO SA KABILA NG POLIO, NA DUMAPO SA KANYA NOONG 1896. DINAKIP AT IPINIIT SA OSPITAL NG SAN JUAN DE DIOS KAUGNAY SA PAGKILOS NIYA PARA SA REPORMA, 10 OKTUBRE 1896–16 MAYO 1897. SUMANIB SA HIMAGSIKAN LABAN SA ESPANYA. MGA PANGUNAHING AKDA: ANG “EL VERDADERO DECALOGO,” “PROGRAMA CONSTITUCIONAL DE LA REPUBLICA FILIPINA,” AT “ORDENANZAS DE LA REVOLUCION.” NAGING PUNONG TAGAPAYO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO, 1898. NANUNGKULANG PUNONG MINISTRO AT KALIHIM NG UGNAYANG PANLABAS NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 1899. DINAKIP NG MGA AMERIKANO SA KUYAPO, NUEVA ECIJA, 11 DISYEMBRE 1899. IPINATAPON SA GUAM, 15 ENERO 1901. NAGBALIK SA PILIPINAS, 26 PEBRERO 1903, AT TUMANGGING MANUNGKULAN SA KOLONYAL NA GOBYERNO. YUMAO SA NAGTAHAN, MAYNILA, 13 MAYO 1903.



Makati

© Roel Balingit/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Old Makati City Hall Building, J. P. Rizal Avenue cor. Angono Street, Makati
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 11 November 1991
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MAKATI

DATING SA[N] PEDRO MAKATI (SAMPIRO), ISANG VISITA NG STA. ANA DE SAPA, NOONG 1578. IPINAGKALOOB BILANG ENCOMIENDA KAY KAPITAN PEDRO DE BRITO, 1608; NAGING BAYAN, 1670. ISINAMA SA LALAWIGAN NG RIZAL SA PAMAMAGITAN NG BATAS BLG. 137, HUNYO 11, 1901. PINANGANLANG MAKATI SA PAMAMAGITAN NG BATAS BLG. 2390, 1914. ISINAMA SA KALAKHANG MAYNILA SA BISA NG KAUTUSANG PAMPANGASIWAAN BLG. 400, ENERO 1, 1942; IBINALIK BILANG BAYAN NG RIZAL, 1945. MULING NAGING BAHAGI NG KALAKHANG MAYNILA SA ILALIM NG KAUTUSANG PAMPANGLUHAN BLG. 940, MAYO 29, 1976.

Ang Bayan ng Mauban

NHCP Photo Collection, 2010

Location: Mauban, Quezon
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG BAYAN NG MAUBAN

ITINATAG NG MGA PRANSISKANO NOONG 1583 SA PINAGBAYANAN (NGAYO’Y LUYA-LUYA). INILIPAT SA BALAY-BALAY UPANG MAKAIWAS SA MGA PIRATANG MORO. MULING INILIPAT NOONG 1678 SA SULIDA, ANG KASALUKUYANG POOK. PINANGALANANG MAUBAN SUSOG KAY GAT UBAN, ANG TAGAPAGTANGGOL NG BAYAN SA MGA MORO. ITINATAG ANG SANGAY NG KATIPUNAN SA NAYON NG SAN MIGUEL, 1896; ANG DEPOSITO NG TUBIG, 1810; ANG PANTALAN, 1930; AT ANG SEAWALL, 1935. NILUSOB NG HUKBONG HAPON, DISYEMBRE 24, 1941, AT NAPALAYA NG HUKBONG AMERIKANO, 1945.

Lucban (1578–1978)


NHCP Photo Collection, 2011

Location: Lucban, Quezon
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 14 May 1978
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LUCBAN
(1578–1978)

ITINATAG NG MGA PARING PRANSISKANO NOONG 1578 AT NAGING REGULAR NA PAROKYA AT BAYAN NOONG 1595. NANG PANAHONG ITO IPINATAYO ANG UNANG SIMBAHAN SA PATRONATO NI SAN LUIS OBISPO AT UNANG GOBERNADORSILYO SI MARCOS TIGLA.

NOONG 1629, ANG BAYAN AY INILIPAT SA KASALUKUYANG KINALALAGYAN NITO. IPINATAYO ANG BAHAY PAMAHALAAN NA YARI SA APOG AT BATO NOONG 1703 NA TINUPOK NG APOY NOONG SETYEMBRE 9, 1859. ANG KASALUKUYANG BAHAY PAMAHALAAN AY ITINAYO MATAPOS ANG MALAKING SUNOG NOONG HUNYO 13, 1968.

NOONG PANAHON NG KASTILA, NG AMERIKANO AT NG HAPON, MARAMING ANAK NG LUKBAN ANG NAKIPAGLABAN SA KALAYAAN AT KARAPATAN NG MGA PILIPINO. NANGUNA SA KILUSANG ITO SI APOLINARIO DE LA CRUZ, KINIKILALANG DAKILANG ANAK NG BAYAN AT NG BANSA.

Ang Bayan ng Obando

© Judgefloro/Wikimedia Commons
Location: Obando, Bulacan
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 19 May 1973
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
ANG BAYAN NG OBANDO

UNANG NAKILALA SA TAWAG NA BARYO CATANGALAN SAKOP NG MEYCAWAYAN. NAGING SAKOP NG POLO NANG ANG HULI AY HUMIWALAY SA MEYCAWAYAN NOONG 1623. NAGING BAYAN NG OBANDO NOONG MAYO 14, 1753, SA BISA NG KAUTUSANG INILAGDA NI GOBERNADOR HENERAL JOSE FRANCISCO DE OBANDO Y SOLIS. LUBUSANG NAHIWALAY SA BAYAN NG POLO NOONG 1754 NANG SANG-AYUNAN ANG PAGIGING BAYAN NITO NINA FRANCISCO MORALES Y MOZARABE, GOBERNADOR NG LALAWIGANG BULAKAN AT KAMAHAL-MAHALANG REBERENDO ALEJANDRO FERRER, MINISTRONG PANLALAWIGAN. SI PADRE MANUEL DE OLIVENCIA ANG UNANG KURA PAROKO AT SI DIEGO SAN DIEGO ANG NAGING UNANG ALKALDE. ANG KAPISTAHAN AY TUWING IKA 17–18 NG MAYO.

Bayan ng Rodriguez

© Judgefloro/Wikimedia Commons
Location: Rodriguez Municipal Hall, J.P. Rizal Street, Rodriguez, Rizal
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BAYAN NG RODRIGUEZ

ITINATAG BILANG BAYAN NG MONTALBAN MULA SA APAT NA BARYO NG BAYAN NG SAN MATEO, 27 ABRIL 1871. SA YUNGIB NG PAMITINAN NAGANAP ANG MGA LIHIM NA PAGPUPULONG NG KATIPUNAN. LUMAHOK SA HIMAGSIKAN LABAN SA MGA ESPANYOL, 1898. DITO NAGANAP ANG LABANAN SA PAGITAN NG MGA FILIPINO AT AMERIKANO SA PAMUMUNO NI HEN. LICERIO GERONIMO, 1899. ISINAMA SA SAN MATEO, OKTUBRE 1903–1908. NAGING NAGSASARILING BAYAN, 1 ENERO 1909. PINANGALANANG RODRIGUEZ BILANG PARANGAL KAY EULOGIO “AMANG” RODRIGUEZ, SR. NA DATING PUNONG LALAWIGAN NG RIZAL (1916–1922), 27 HUNYO 1982.

Ang Bayan ng Taal (1572)


NHCP Photo Collection, 2024
Location: Portico of the Taal Municipal Hall, Calle Marcela Mariño Agoncillo, Taal, Batangas
Category: Sites/Events
Type: Site, Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1972
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
ANG BAYAN NG TAAL
(1572)

UNANG ITINATAG SA POOK NG BALANGON NOONG 1572. DAHIL SA MADALAS NA PAGPUTOK NG BULKAN AY INILIPAT ANG BAYAN SA KASALUKUYANG POOK. NAGING KABISERA NOONG 1732 KAYA’T TAAL ANG IPINANGALAN SA BUONG LALAWIGAN. NANG MULING MASIRA ANG BAYAN DAHIL SA PAGPUTOK NG BULKAN NOONG 1754, ANG KABISERA AY INILIPAT SA BATANGAN AT ISINUNOD DITO ANG PANGALAN NG LALAWIGAN. ANG BULKAN NG TAAL, NA PINAKAMALIIT SA BUONG DAIGDIG, AT NASA GITNA NG LAWA NG BONBON AT SA BUNGANGA NG BULKAN AY MAY ISANG PULONG NASA ISA PANG MALIIT NA LAWA. PUMUTOK ANG BULKAN NOONG 1634, 1635, 1641, 1709, 1718, 1723, 1731, 1749, 1754, 1867, 1874, 1880, 1911 AT 1965. ANG NGAYO’Y MGA BAYAN NG LEMERY, SAN LUIS, AGONCILLO, SAN NICOLAS, AT STA. TERESITA AY DATING SAKOP NG TAAL.

Bayan ng Amadeo

© Ramon FVelasquez/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
Location: Amadeo Municipal Hall, Mabini Street, Amadeo, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BAYAN NG AMADEO

DATING BARRIO NG SILANG NA TINAWAG NA GITNANG PULO, NAKILALA NANG LUMAON BILANG MASILAO, NAGSARILI NOONG HULYO 15, 1872 AT PINANGANLANG AMADEO BILANG PARANGAL SA HARING AMADEO NG ESPANYA. INIHIWALAY SA PAROKYA NG SILANG AT ISINAILALIM SA PATRONAHE NI SANTA MARIA MAGDALENA SA BISA NG KAUTUSAN BLG. 424 NI REB. P. PEDRO PAYO, ARSOBISPO NG MAYNILA, MAYO 1, 1884. ISINANIB SA SILANG SA PAMAMAGITAN NG BATAS BLG. 947 NG KOMISYON NG PILIPINAS, OKTUBRE 15, 1903. MULING ITINATAG BILANG HIWALAY AT NAGSASARILING BAYAN, 1915. UNANG HINIRANG AT INIHALAL NA ALKALDE SI JERONIMO BAYOT.

Katedral ng Borongan

© Joelaldor/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Leocvlauzon/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Borongan, Eastern Samar
Category: Building/Structure
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 7 September 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KATEDRAL NG BORONGAN

ANG ORIHINAL NA SIMBAHAN NA YARI SA ESKOMBRO AY IPINATAYO NI PADRE FRANCISCO DIEZ NOONG MGA TAONG 1710 BILANG PARANGAL SA MAHAL NA BIRHEN NG NATIVIDAD. ANG PAMAMAHALA SA SIMBAHAN AY INILIPAT NG MGA PARING HESWITA SA MGA PARING PRANSISKANO NOONG 1768. TINUPOK NG APOY NOONG 1773 AT MULING IPINATAYO AT PINALAKI SA PANGANGASIWA NG PADRE ROQUE DE OSMA NOONG 1781. NOONG 1853 ISANG BILOG NA KAMPANARYO ANG IDINAGDAG NI PADRE JUAN NAVARETTE. ANG DISENYO NG SIBAHAN AY GINAWANG HUGIS KRUS NI PADRE ANTONIO SANCHEZ NOONG 1873. NOONG 1887, ANG BUBONG AY BINAGO AT PINALITAN NG SINK O METAL NI PADRE ARSENIO FIGUEROA.

NOONG 1939, INILIPAT ANG PANGANGASIWA SA SIMBAHAN NG MGA PARING PRANSISKANO SA UNANG PILIPINONG KURA PAROKO NA SI PADRE FRANCISCO PALOMERAS NA NAGDAGDAG NG IKALAWANG PALAPAG SA KAMPANARYO. ANG IKATLONG PALAPAG AY IPINAGAWA NI PADRE POTENCIANO ORTEGA NOONG 1950.

NAGING KATEDRAL NG BORONGAN NOONG 1961. ITO AY NAGKAROON NG MALAWAKANG PAGBABAGO AT PAGPAPALAKI NOONG 1962 SA PAMAMAGITAN NG KAPITA-PITAGANG REBERENDO VICENTE P. REYES, D.D., UNANG OBISPO NG BORONGAN. SA KASALUKUYAN ANG BILOG NA KAMPANARYO ANG TANGING BAHAGI NG LUMANG SIMBAHAN NA NANANATILI.

Parokya ni Sta. Maria Magdalena

© Judgefloro/Wikimedia Commons


© Ramon FVelasquez/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
Location: Amadeo, Cavite
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PAROKYA NI STA. MARIA MAGDALENA

INIHIWALAY SA SILANG NI ARSOBISPO PEDRO PAYO, O.P. NOONG MAYO 1, 1884 ANG PAROKYA NG AMADEO SA ILALIM NG PATRONATO NI STA. MARIA MAGDALENA. NAGING UNANG KURA PAROKO SI P. INOCENCIO HONORIO NG BULAKAN. IPINATAYO ANG SIMBAHANG BATO NI P. AGAPITO ICHOGOYEN NOONG 1889. NAGSILBING BILANGGUAN NG MGA GERILYA NA KUNG SAAN 19 SA KANILA ANG PINATAY NG MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. PINALAKI NI P. EUGENIO MARCELO NOONG 1954 AT BINASBASAN NI ARSOBISPO RUFINO D. SANTOS NOONG ABRIL 19, 1959. IPINAGDIWANG ANG IKASANDAANG TAON NG PAROKYA AT BAYAN NGAYONG 1984.