Katedral ng Tuguegarao


NHCP Photo Collection 2018

NHCP Photo Collection 2018

NHCP Photo Collection 2018

NHCP Photo Collection 2018


Location: Tuguegarao, Cagayan (Region II)
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: July 15, 1982
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG KATEDRAL NG TUGUEGARAO

ANG PARING DOMINIKO AY DUMATING SA CAGAYAN VALLEY NOONG 1600 AT SINIMULAN ANG KANILANG MISYON SA TUGUEGARAO NOONG 9 MAYO 1604. UNANG BIKARYO SI P. TOMAS VILLA, O.P. ANG SIMBAHAN NA MAY KAMPANARYO AY IPINAGAWA NI REB. ANTONIO LOBATO, O.P. SIMULA NOONG 1761 HANGGANG 1767 SA TULONG NG MGA MANANAMPALATAYA. ITO ANG PINAKAMALAKING SIMBAHAN SA CAGAYAN.

ANG DIYOSESIS AY ITINATAG NG PAPA PIO X NOONG 10 ABRIL 1910 AT ITINALAGA SI MONS. MAURICIO P. FOLEY BILANG UNANG OBISPO NITO NOONG 6 DISYEMBRE 1911.

NAGIBA NOONG PANAHON NG PAGPAPALAYA NOONG 1945, ANG KATEDRAL AY MULING IPINATAYO NI MONS. CONSTANCE JURGENS. ANG NASIRANG KAMPANARYO AT MGA KAMPANA AY MULING ISINAAYOS NG MGA MANANAMPALATAYA AT NG KNIGHTS OF COLUMBUS.

No comments:

Post a Comment