Showing posts with label 1995. Show all posts
Showing posts with label 1995. Show all posts

Philippine Lawyer's Association

Location: J.P. Laurel Street, San Miguel, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 11 August 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PHILIPPINE LAWYER’S ASSOCIATION 

ITINATAG SA MAYNILA NOONG 1945 UPANG PAGYAMANIN ANG PAGKAKAIBIGAN NG MGA KASAPI NITO, IPAGTANGGOL ANG DANGAL NG PROPESYONG LEGAL AT PANATILIHIN ANG ISANG MALAYANG HUDIKATURA SA LAYUNING MAGKAROON NG ISANG PAMAHALAANG PINAIIRAL NG BATAS AT HINDI NG TAO. UNANG PANGULO NITO SI DIOSDADO MACAPAGAL. PINAGKALOOBAN NG KARTA BILANG KORPORASYONG NON-STOCK NOONG 1947, TINAGGAP NA KASAPI NG INTERNATIONAL BAR ASSOCIATION, 1950. NANGUNA SA PAGTATATAG NG FEDERATION OF BAR ASSOCIATIONS OF THE PHILIPPINES, 1953; PHILIPPINE COMMISSION OF JURISTS, 1962; LAW ASSOCIATION FOR ASIA AND THE WESTERN PACIFIC, 1966; ATA NG COORDINATING COUNCIL OF NATIONAL BAR ASSOCIATIONS OF THE JUDICIARY, 1993. TUMULONG SA PANGKALAHATANG KAGALINGAN NG SAMBAYANANG PILIPINO SA PAMAMAGITAN NG PAKIKILAHOK SA MGA ISYUNG PAMBAYAN AT PAGKAKALOOB NG WALANG BAYAD NA PAGTULONG UKOL SA BATAS UPANG MATIYAK ANG PANANAGUMPAY NITO. 

Simbahan ng Las Piñas


NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

Location: Las Piñas Church, P. Diego Cera Avenue, Las Piñas City
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG LAS PIÑAS

ITINATAG BILANG PUEBLO, 1762. INIHIWALAY SA PAROKYA NG PARAÑAQUE, 1775. ITINALAGANG UNANG NANINIRAHANG KURA PAROKO SI P. DIEGO CERA DELA VIRGEN DEL CARMEN, DISYEMBRE 26, 1795. IPINATAYO NIYA ANG SIMBAHANG BATO, 1797–1819 AT ANG ORGANONG YARI SA 902 TUBONG KAWAYAN AT 129 TUBONG LATA, 1816–1824. BAHAGYANG NASIRA NG LINDOL, 1828 AT 1863. DAHIL SA MAGKAKASUNOD NA PAGLINDOL NOONG 1880, ITO AY HINDI NA PINAGDAUSAN NG MISA. IPINAKUMPUNI NOONG 1883 SUBALIT HINDI ITO GANAP NA NAISAAYOS. GINAMIT NA KAMPO NG MGA BIHAG NOONG PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON AT BILANG PAGAMUTAN NOONG LIBERASYON. IBINALIK SA DATING KAAYUSAN SA PAMAMAGITAN NG MAGKASAMANG PAGPUPUNYAGI NG PARISH COMMUNITY AT NG HISTORICAL CONSERVATION SOCIETY, 1962–1977.

Geronima T. Pecson (1896–1989)

© Roel Balingit/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: 18-A Gilmore Avenue, New Manila, Quezon City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: July 31, 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
GERONIMA T. PECSON 
(1896–1989)

EDUKADOR, AWTOR, SOCIAL WORKER AT UNANG SENADORA. IPINANGANAK, DISYEMBRE 19, 1896. NATAMO ANG KATIBAYAN BILANG GURO SA MATAAS NA PAARALAN, 1919 AT BATSILYER SA AGHAM NG EDUKASYON, 1935 SA PAMANTASAN NG PILIPINAS. NAGTURO SA IBAT IBANG PAARALANG PUBLIKO AT PRIBADO HANGGANG DISYEMBRE, 1941. KAWAKSING KALIHIM TAGAPAGPAGANAP NG PANGULONG MANUEL A. ROXAS, 1946. SENADORA, 1948–1954. NANUNGKULANG PINUNO SA MARAMING SAMAHANG SOSYO-SIBIKO AT KULTURAL. KAGAWAD, LUPONG TAGAPAGPAGANAP NG UNESCO, 1950–1954 AT 1958–1962. PINAMUNUAN ANG KOMISYONG PAMPALATUNTUNAN (PROGRAMME COMMISSION) NG LUPONG TAGAPAGPAGANAP NG UNESCO AT DELEGADO NG PILIPINAS SA PANGKALAHATANG KAPULUNGAN NG UNESCO, 1950, 1951, 1959, 1960, 1964 AT 1980. TUMANGGAP NG MARAMING GAWAD PAGKILALA MULA SA MGA KILALANG INSTITUSYON: DOCTOR OF PEDAGOGY, PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY, 1949; DOCTOR OF HUMANITIES, CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY, 1977 AT PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1979 AT DOCTOR OF EDUCATION, PHILIPPINE NORMAL COLLEGE, 1988; PAWANG HONORIS CAUSA, TAGAPAGTATAG AT TAGAPANGASIWA, FOUNDATION FOR YOUTH DEVELOPMENT IN THE PHILIPPINES, INC., 1966–1989. NAMATAY, HULYO 31, 1989.

Matandang Tahanan ng mga Lacson


NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

Location: Lacson Street, Magalang, Pampanga
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: June 21, 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MATANDANG TAHANAN NG MGA LACSON

IPINATAYO NG MAG-ASAWANG DANIEL LACSON Y OCAMPO, UNANG PRESIDENTE MUNICIPAL NG MAGALANG (1900–1901) AT LUCIA DAVID NOONG MGA TAONG 1923 AYON SA DISENYONG ARKITEKTURAL NA LAGANAP NOONG PANAHONG IYON. SA TAHANANG ITO MAKIKITA ANG TUNAY NA KASININGAN AT KAGALINGAN NG YARING KAPAMPANGAN. NANIRAHAN DIN DIT ANG DALAWA PANG HENERASYON NG MGA PUNONG BAYAN NA SINA DANIEL LACSON Y TAYAG (1968–1986) AT DANIEL LACSON Y LISING (1987 HANGGANG SA KASALUKUYAN).

Battle for Manila in the Scottish Rite Temple

Location: Scottish Rite Temple, Taft Avenue, Malate, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:

DURING THE BATTLE FOR MANILA INSIDE THE PREMISES OF THIS HISTORIC EDIFICE AROUND 200 INNOCENT FILIPINOS WERE HERDED AND MERCILESSLY KILLED BY JAPANESE MARINES. ONE OF THE FEW STRUCTURES TO SURVIVE HEAVY BOMBARDMENT BY THE U.S. ARTILLERY FORCES. THIS TEMPLE HAD BEEN OCCUPIED BY THE KEMPEITAIS AND SERVED AS A PLACE OF TORTURE AND EXECUTION BY JAPANESE MARINES AND MAKAPILIS.

THIS MARKER WAS INSTALLED PURSUANT TO BOARD RESOLUTION NO. 2, S. 1994 OF THE NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE.

Jovita Fuentes

Location: University of the Philippines College of Music, Abelardo Hall, Ylanan Street, Diliman, Quezon City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JOVITA FUENTES 
PEBRERO 15, 1895 - AGOSTO 7, 1978

SIYA ANG UNANG FILIPINA NA NAGPARINGAL SA PANGALAN NG FILIPINAS SA LARANGAN NG MUSIKANG PANDAIGDIG, NANG KANYANG BIHAGIN ANG EUROPA AT AMERIKA SA PAMAMAGITAN NG KANYANG KAGILAGILALAS NA TINIG AT WALANG PINGAS NA KASININGAN SA TANGHALAN NG OPERA.

BILANG MABUNYING MAESTRA NG PAG-AWIT SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS AT IBA PANG PAARALAN AT IBANG PINUNO AT PATNUBAY NG MUSIC PROMOTION FOUNDATION OF THE PHILIPPINES, KANYANG NAGING PANGHABANG-BUHAY NA LAYON ANG PAGSULONG NG MUSIKA NG FILIPINAS AT MGA MUSIKONG FILIPINO.

INIHAYAG SIYANG PAMBANSANG ALAGAD NG SINING PARA SA MUSIKA NOONG TAONG 1976 NG REPUBLIKA NG FILIPINAS.

Labanan sa Mabitac

NHCP Photo Collection, 1995
Location: Siniloan–Mabitac Road, Mabitac, Laguna
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: October 27, 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA MABITAC

SA POOK NA ITO NAGANAP ANG ISANG MADUGONG LABANAN NG HUKBONG PILIPINO SA PAMUMUNO NI HENERAL JUAN CAILLES AT HUKBONG AMERIKANO SA PAMUMUNO NI KOLONEL CHEATHAM NOONG SETYEMBRE 17, 1900. NAGTAGUMPAY ANG MGA PILIPINO SA LABANANG ITO.

Ramos House Lingayen, Pangasinan

Location: Lingayen, Pangasinan
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
RAMOS HOUSE 
LINGAYEN, PANGASINAN

FOR MANY YEARS ON THIS SITE WAS LOCATED THE RENTED FAMILY HOUSE OF NARCISO RAMOS (LAWYER, JOURNALIST, STATESMAN AND DIPLOMAT) AND ANGELA VALDEZ (FORMER ENGLISH SUPERVISOR OF PANGASINAN VOCATIONAL HIGH SCHOOL).

IT WAS HERE THAT THEIR ELDEST CHILD FIDEL, AND FIRST DAUGHTER LETICIA, WERE BORN, RAISED AND SPENT THEIR FORMATIVE YEARS: FIDEL, FORMER CHIEF OF STAFF OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES, FORMER SECRETARY OF NATIONAL DEFENSE AND IN 1992 ELECTED 12TH PRESIDENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, LETICIA RAMOS SHAHANI, AMBASSADOR, SENATOR AND SENATE PRESIDENT PRO-TEMPORE. GLORIA RAMOS DA RODDA, THEIR THIRD CHILD AND A PHILIPPINE CONSUL, WAS BORN IN THE PANGASINAN PROVINCIAL HOSPITAL IN DAGUPAN.

THE HOUSE WAS DESTROYED DURING WORLD WAR II AND THE PRESENT STRUCTURE, WHICH NOW HOUSES FAMILY MEMENTOS, WAS CONSTRUCTED IN JANUARY 1995 THROUGH THE DONATIONS OF THE RAMOS FOUNDATION AND THE AGPOON FAMILY.

Dr. Jose P. Rizal (1861–1896)

Photo contributed by Ryan Lita, 2022

Photo contributed by Ryan Lita, 2022

Photo contributed by Ryan Lita, 2022

Photo contributed by Ryan Lita, 2022
Location: Leopold Hof Building, Franz Josefs Kai 31–33 cor. Morzinplatz 4, First District, Vienna, Austria
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: June 19, 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
DR. JOSE P. RIZAL
(1861–1896)

DR. JOSÉ P. RIZAL, PHILIPPINISCHER NATIONALHELD, WOHNTE VOM 20. BIS 24. MAI 1887 IM HOTEL METROPOLE, DAS SICH AN DIESER STELLE BEFAND. EIN ÖSTERREICHISCHER LEHRER, PROFESSOR FERDINAND BLUMENTRITT, UNTERSTÜTZTE RIZALS AKTION IN EUROPA GEGEN DIE SPANISCHE KOLONIALHERRSCHAFT.



La Casa de Doña Ana

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019
Location: Quezon Avenue, Lucban , Quezon
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LA CASA DE DOÑA ANA

SA POOK NA ITO IPINATAYO NG MAG-ASAWANG PEDRO NEPOMUCENO Y VILLASEÑOR AT ANA MARIA HERRERA Y DE LA CONCEPCION ANG ISANG MALAKING BAHAY NA BATO SA ESTILONG NEO-CLASSICAL ILANG TAON MAKARAAN ANG KANILANG KASAL NOONG 1842. NAG-IISANG YARI SA GANITONG ESTILO SA BUONG BAYAN NG LUCBAN ANG BAHAY AY PABORITONG TULUYAN NG MGA KILALANG PANAUHIN MULA SA MAYNILA AT MGA KARATIG BAYAN. LALONG KILALA SA TAWAG NA LA CASA DE DOÑA ANA BILANG PARANGAL SA BUTIHING MAYBAHAY NG NAGTATAG NG HOSPICIO DE POBRES DE LUCBAN. ISANG INSTITUSYONG KANYANG ITINAGUYOD SA PAMAMAGITAN NG KANYANG PERSONAL NA PAGKALINGA SA MAHIHIRAP AT MGA MAYSAKIT. BINILI NG MAG-ASAWANG MARCELO DEALO AT EDUVIGES VELOSO, 1946. MULING IPINAGAWA NG MGA TAGAPAGMANANG SINA ANTONIO AT MILADA DEALO-VALDE, 1994 AT PINANGANLANG LA DOÑA ANA.

Cesar Lacson Locsin Ancestral House

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2004

Location: Rizal Street, Silay, Neglos Occidental
Category: Building/Structure
Type: House
Status: Level II - Heritage House
Legal basis: Resolution No. 3 s. 1993
Marker date: 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CESAR LACSON LOCSIN ANCESTRAL HOUSE

THIS IS A HERITAGE HOUSE PURSUANT TO BOARD RESOLUTION NO. 3 DATED APRIL 6 1993 OF THE NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES.

In Memoriam, Thomasites




Location: Manila North Cemetery, Main Avenue, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Memorial

Status: Level II - Historical marker  
Marker date: 21 August 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
IN MEMORIAM – THOMASITES

DEDICATED TO THE MEMORY OF THE AMERICAN SCHOOL TEACHERS WHOSE MORTAL REMAINS LIE BENEATH THIS HALLOWED GROUND KNOWN AS THE AMERICAN LITTLE TEACHERS PLOT AND THOSE OTHERS WHO REST IN UNKNOWN AND UNMARKED GRAVES IN VARIOUS PARTS OF THE COUNTRY, AS A TOKEN OF THE FILIPINO PEOPLES ESTEEM OF THEIR DEDICATIONS AND SELF-SACRIFICES.

THE FIRST GROUP OF AMERICAN TEACHERS NUMBERING ABOUT 48 ARRIVED IN THE PHILIPPINES ON BOARD THE SS SHERIDAN IN JULY 1901. THE SUCCEEDING 540 EDUCATORS ARRIVED ON AUGUST 21, 1901 ON SS THOMAS LEAVING BEHIND THEIR HOMES AND FAMILY AND WORKED TIRELESSLY FOR THE EDUCATION OF THE FILIPINO PEOPLE AND THE IMPROVEMENT OF THE EDUCATIONAL SYSTEM IN THE COUNTRY.


Francisco V. Guilledo (1901-1925)




Location: Manila North Cemetery, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker

Status: Level II - Historical marker  
Marker date: 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
FRANCISCO V. GUILLEDO (1901–1925)

KILALA SA PANGALANG PANCHO VILLA. ANG UNANG PILIPINONG KAMPEON SA DIBISYONG FLYWEIGHT SA BOKSING. ISINILANG SA ILOG, NEGROS OCCIDENTAL NOONG AGOSTO 1, 1901. NAGSIMULA BILANG HANDYMAN SA STABLE NI FRANCISCO VILLA AT PAGKARAAN AY NAGSIMULANG MAGSANAY SA PAMAMAHALA NITO UNANG PROPESYONAL NA NAKIPAGLABAN SA BOKSING AT NAGWAGI SA GULANG NA 17 TAON, 1918. NATAMO ANG PAGKILALA NG DAIGDIG, DISYEMBRE 3, 1921. NAGING BAGONG KAMPEON NG AMERIKA, SETYEMBRE 15, 1922 HANGGANG 1925. NAMATAY NOONG HULYO 14, 1925. ANG KANYANG PANGALAN AY IDINAGDAG SA HALL OF FAME NG RING MAGAZINE, 1961.

In Memory of the Victims in Fort Santiago





Location: Intramuros, Manila (Region NCR)
Category: Site/Event
Type: Memorial
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
IN MEMORY OF THE VICTIMS AT FORT SANTIAGO

ON THIS SITE LIE THE MORTAL REMAINS OF APPROXIMATELY 600 FILIPINOS. THEIR BODIES WERE FOUND INSIDE A NEARBY DUNGEON WHERE VICTIMS OF THE ATROCITIES PERPETRATED BY THE JAPANESE IMPERIAL FOCES WERE IMPRISONED DURING THE LAST DAYS OF FEBRUARY 1945.

THE MEMORY OF ALL THESE UNKNOWN VICTIMS OF JAPANESE ATROCITIES WILL LIVE FOREVER IN THE HEARTS AND MINDS OF THE FILIPINO PEOPLE.

National Historical Institute



Location: T.M. Kalaw St., Ermita, Manila (Region NCR) 
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 30, 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE

ITINATAG BILANG HISTORICAL RESEARCH AND MARKERS COMMITEE (KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 451, OKTUBRE 23, 1933) NG GOBERNADOR HENERAL FRANK MURPHY UPANG LAGYAN NG PIRMIHANG PANANDA ANG ATING MGA MAKASAYSAYANG POOK, PANGYAYARI AT MGA DAKILANG TAO NG NAGDAANG PANAHON. NAGING PHILIPPINE HISTORICAL COMMITTEE SA BISA NG KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 91, ENERO 23, 1937, SAMANTALA, KAUGNAY NG PAGDIRIWANG NG IKA-100 TAONG KAPANGANAKAN NG ATING PAMBANSANG BAYANI, ITINATAG ANG JOSE RIZAL NATIONAL CENTENNIAL COMMISSION (KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 52, AGOSTO 10, 1954) NA NAGING RIZAL PRESIDENTIAL COMMITTEE PAGKARAAN NAGING NATIONAL HEROES COMMISSION (KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 28, DISYEMBRE 27, 1962). BINUWAG KASAMA ANG PHILIPPINE HISTORICAL COMMITTEE AT NAGPANIBAGONG-TATAG SA PANGALANG NATIONAL HISTORICAL COMMITTEE (BATAS NG REPUBLIKA BLG. 4368, HUNYO 19, 1965). NAGING NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE ALINSUNOD SA INTEGRATED REORGANIZATION PLAN NG SANGAY TAGAPAGPAGANAP NG PAMAHALAAN AYON NA RIN SA ITINATADHANA NG KAUTUSAN NG PANGULO BLG. 1, SETYEMBRE 24, 1972. ANG PAGTATAYO NG KASALUKUYANG GUSALI AY SINIMULAN NOONG 1989 AT NATAPOS NOONG 1993. NASA GUSALING ITO ANG MUSEO NG KASAYSAYAN NG PILIPINAS.

Liberation of Manila



Location: Plaza Aviles, J.P. Laurel Street, San Miguel, Manila (Region NCR) 
Category: Sites/Events
Type: Event
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 27, 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:

LIBERATION OF MANILA


LATE IN THE AFTERNOON OF FEBRUARY 3, 1945 TWO GROUPS OF THE FLYING COLUMNS OF THE 1 ST CAVALRY DIVISION, INCLUDING THE ATTACHED 44TH TANK BATALLION, ENTERED MANILA, WITH THE FIRST GROUP TAKING POSSESSION OF MALACANANG PALACE AND THE SECOND GROUP LIBERATING THE AMERICAN AND OTHER ALLIED CIVILIAN INTERNEES AT THE UNIVERSITY OF STO. TOMAS. THEY WERE FOLLOWED BY THE 37TH INFANTRY DIVISION, WHICH RESCUED ALLIED CIVILIAN INTERNEES AND PRISONERS OF WAR AT BILIBID PRISON. FROM THE SOUTH THE 11TH AIRBORNE DIVISION CLOSED IN ON MANILA. THE JAPANESE IMPERIAL FORCES WERE ANNIHILATED BY FEBRUARY 24.


IN A SOLEMN CEREMONY IN MALACANANG AT ELEVEN O'CLOCK IN THE MORNING OF FEBRUARY 27, 1945, GENERAL DOUGLAS MACARTHUR RESTORED THE SEAT OF THE COMMONWEALTH GOVERNMENT - MANILA, THE CAPITAL OF THE PHILIPPINES, TO PRESIDENT SERGIO OSMENA, SR.


AFTER THE GRUESOME CARNAGE OF CIVILIANS NUMBERING ABOUT 100,000 AND THE COSTLY PHYSICAL DEVASTATION OF THE CITY, THE BATTLE OF MANILA ENDED ON MARCH 3, 1945.


TO ALL THESE INNOCENT VICTIMS OF WORLD WAR II, THE MOST IMPORTANT LEGACY THEY BEQUEATHED TO US IS THE REAL MEANING OF PEACE AND FREEDOM.

Kapilya ni San Nicolas de Tolentino


NHCP Photo Collection, 2006

© Ryomaandres/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: La Huerta, Parañaque City (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical Marker
Marker date: May 7, 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KAPILYA NI SAN NICOLAS DE TOLENTINO

IPINATAYONG YARI SA TISA AT BATO NG MGA PARING AGUSTINO NOONG 1776 SA KARANGALAN NI SAN NICOLAS DE TOLENTINO. GINAMIT BILANG BARRACKS AT IMBAKAN NG MGA GAMIT PANDIGMA NG MGA KAWAL KASTILA NOONG PANAHON NG HIMAGSIKAN. INAYOS, 1958-1960; MULING INAYOS, PINAGANDA AT PINALAMUTIAN NG MGA MANANAMPALATAYA NG LA HUERTA, 1993-1995. SA KAPILYANG ITO NAGKAROON NG BUHAY ANG MAKULAY NA PAGDIRIWANG NG TRADISYONG SUNDUANAT CARACOL NA NGAYO'Y HINAHANGAAN NG MGA TURISTANG DAYUHAN AT LOKAL.

Ang Bahay ng mga Nakpil at Bautista*

NHCP Photo Collection, 2009
NHCP Photo Collection, 2012
Location: Quiapo, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: 
Level I- National Historical Landmark
Declaration: Resolution No. 9, s. 2011
Marker date: May 9, 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG BAHAY NG MGA NAKPIL AT BAUTISTA

IPINATAYO NI ARISTON BAUTISTA LIN (1863-1928) AT NG KANYANG MAYBAHAY NA SI PETRONA NAKPIL SA PAMAMAGITAN NG KILALANG ARKITEKTONG SI ARCADIO ARELLANO NOONG 1914.

SI DR. BAUTISTA AY ISANG MANGGAGAMOT, PILANTROPO AT IMBENTOR NG ISANG GAMOT NA PANLABAN SA KOLERA. NANIRAHAN DIN DITO SINA JULIO NAKPIL (1877-1960), REBOLUSYONARYO AT KOMPOSITOR NG MGA AWIT NG KATIPUNAN; KANYANG ASAWANG SI GREGORIA DE JESUS (1875-1943), LAKAMBINI NG KATIPUNAN AT BIYUDA NI ANDRES BONIFACIO; KANILANG ANAK NA SI JUAN (1899-1986) AT PINSANG BUO NITONG SI ANGEL (1914-1979), NA PAWANG MGA TANTAG NA ARKITEKTO.

SA BAHAY DING ITO AY DATING KATATAGPUAN NG PLATERIA NAKPIL NA DINADAYO SA MGA MASUSING PANINDANG MGA ALAHAS.

Rizal Park (Bagumbayan) Historical Site*

Photo from www.maps.google.com
NHCP Photo Collection
Location: Ermita, Manila (Region)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: 
Level I- National Historical Site
Legal basis: Resolution No, 7, s. 1995
Declared by: National Historical Institute (NHI)

Vicente Conlu Montelibano Ancestral House

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010
Location: Silay City, Negros Occidental
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Heritage House
Marker date: 1995
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
VICENTE CONLU MONTELIBANO ANCESTRAL HOUSE

THIS IS A HERITAGE HOUSE PURSUANT TO BOARD RESOLUTION NO. 3 DATED APRIL 6, 1993 OF THE NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES.