Showing posts with label National Monument. Show all posts
Showing posts with label National Monument. Show all posts

Bantayog ng Gomburza*

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

Location: Burgos Street, Ermita, Manila
Category: Structure
Type: National Monument
Status: Level I: National Monument
Date of marker unveiling: 17 February 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BANTAYOG NG GOMBURZA

IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG BANTAYOG NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 21 ENERO 2021.

ANG PANANDANG ITO AY INILAGAY BILANG PAGGUNITA SA IKA-150 ANIBERSARYO NG PAGBITAY KINA PADRE MARIANO GOMES, PADRE JOSE BURGOS AT PADRE JACINTO ZAMORA.

Apolinario Mabini National Monument*

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2013

NHCP Photo Collection, 2021
Location: National Library Complex, Mabini Street corner Kalaw Avenue, Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Monument
Status: Level I - National Monument
Marker date: 2015
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
APOLINARIO MABINI (1864–1903)

BAYANI, REBOLUSYONARYO, MANUNULAT AT PILOSOPONG PULITIKAL. ISINILANG SA TANAUAN, BATANGAS, 23 HULYO 1864. NAG-ARAL NG ABOGASYA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS, 1888–1894. TINAGURIANG “DAKILANG LUMPO” SA PAGLAHOK NIYA SA PAKIKIBAKA SA KOLONYALISMO SA KABILA NG POLIO, NA DUMAPO SA KANYA NOONG 1896. DINAKIP AT IPINIIT SA OSPITAL NG SAN JUAN DE DIOS KAUGNAY SA PAGKILOS NIYA PARA SA REPORMA, 10 OKTUBRE 1896–16 MAYO 1897. SUMANIB SA HIMAGSIKAN LABAN SA ESPANYA. MGA PANGUNAHING AKDA: ANG “EL VERDADERO DECALOGO,” “PROGRAMA CONSTITUCIONAL DE LA REPUBLICA FILIPINA,” AT “ORDENANZAS DE LA REVOLUCCION.” NAGING PUNONG TAGAPAYO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO, 1898. NANUNGKULANG PUNONG MINISTRO AT KALIHIM NG UGNAYANG PANLABAS NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 1899. DINAKIP NG MGA AMERIKANO SA KUYAPO, NUEVA ECIJA, 11 DISYEMBRE 1899. IPINATAPON SA GUAM, 15 ENERO 1901. NAGBALIK SA PILIPINAS, 26 PEBRERO 1903, AT TUMANGGING MANUNGKULAN SA KOLONYAL NA GOBYERNO. YUMAO SA NAGTAHAN, MAYNILA, 13 MAYO 1903.

IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG BANTAYOG, 30 MARSO 2015, ALINSUNOD SA RESOLUSYON BILANG 2, S. 2015 NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS.

Jose Rizal National Monument (1913)*


NHCP Photo Collection, 2006

NHCP Resolution No. 5, s. 2013

NHCP Photo Collection, 2018

NHCP Photo Collection, 2018
Location: Roxas Boulevard, Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Structure, Monument
Status: Level I - National Monument
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text (English):
JOSE RIZAL NATIONAL MONUMENT 
(1913)

ACT NO. 243 GRANTED THE USE OF PUBLIC LAND IN LUNETA AS A SITE FOR THE JOSE RIZAL MONUMENT, 28 SEPTEMBER 1901. THE MONUMENT ENTITLED “MOTTO STELLA,” WAS THE ENTRY OF SWISS SCULPTOR RICHARD KISSLING TO THE INTERNATIONAL DESIGN CONTEST FOR THE RIZAL MONUMENT, 1905–1907. THE MONUMENT WAS CONSTRUCTED OF BRONZE AND GRANITE, 1912. THE REMAINS OF RIZAL WERE TRANSFERRED FROM BINONDO TO THE BASE OF THE MONUMENT, 30 DECEMBER 1912, UNVEILED, 30 DECEMBER 1913. DECLARED A NATIONAL MONUMENT, 15 APRIL 2013 AND NATIONAL CULTURAL TREASURE, 14 NOVEMBER 2013.

Marker text (Filipino):

ANG PAMBANSANG BANTAYOG NI JOSE RIZAL 
1913

INILAAN ANG ISANG PAMPUBLIKONG LUPA PARA SA PAGPAPATAYO NG BANTAYOG NI JOSE RIZAL SA LUNETA SA BISA NG BATAS BLG. 243, 28 SETYEMBRE 1901. DINISENYO ANG BANTAYOG NA MAY TITULONG “MOTTO STELLA” NI RICHARD KISSLING, ISANG SUWISO, BUNGA NG PANDAIGDIGANG PATIMPALAK PARA SA DISENYO NG BANTAYOG, 1905–1907. ITINAYO YARI SA TANSO AT GRANITE, 1912. INILIPAT SA TUNTUNGAN NITO ANG MGA LABI NI RIZAL MULA BINONDO, 30 DISYEMBRE 1912. PINASINAYAAN, 30 DISYEMBRE 1913. IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG BANTAYOG, 15 ABRIL 2013 AT PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN, 14 NOBYEMBRE 2013.

Juan Luna National Monument*

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010
Location: Padre Burgos Avenue cor. General Luna Street, Intramuros, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Structure, Monument
Status: 
Level I- National Monument
Marker date: 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (English):
JUAN LUNA Y NOVICIO
(1857–1899)

PAINTER, PATRIOT AND DIPLOMAT. BORN ON OCTOBER 24, 1857 IN BADOC, ILOCOS NORTE. STUDIED AT ATENEO MUNICIPAL DE MANILA, ESCUELA DE BELLAS ARTES AND ESCUELA NAUTICA, MANILA; AND ACADEMIA DE BELLAS ARTES DE SAN FERNANDO, MADRID, SPAIN. PAINTED IN ROME THE FAMOUS “THE DEATH OF CLEOPATRA,” 1881 AND “SPOLIARIUM,” 1884, AND “THE BATTLE OF LEPANTO,” “THE BLOOD COMPACT,” “PEOPLE AND KINGS” AND OTHERS. ASSOCIATE OF JOSE RIZAL, GRACIANO LOPEZ JAENA AND MARCELO H. DEL PILAR IN THE PROPAGANDA MOVEMENT. DIPLOMATIC AGENT OF GEN. EMILIO AGUINALDO, PARIS, 1898. DIED IN HONGKONG ON DECEMBER 7, 1899.

BY VIRTUE OF PRESIDENTIAL DECREE NO. 260, 1 AUGUST 1973, AS AMENDED BY PRESIDENTIAL DECREE NO. 375, 14 JANUARY 1974, AND NO. 1505, 11 JUNE 1978. THIS MONUMENT IS DECLARED A NATIONAL HISTORICAL MONUMENT.

Marker text:
JUAN LUNA Y NOVICIO
(1857–1899)

PINTOR, MAKABAYAN AT DIPLOMAT. ISINILANG NOONG OKTUBRE 24, 1857 SA BADOC, ILOCOS NORTE. NAG-ARAL SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA, ESCUELA DE BELLAS ARTES AT ESCUELA NAUTICA, MAYNILA; AT ACADEMIA DE BELLAS ARTES DE SAN FERNANDO, MADRID, ESPANYA. IPININTA SA ROMA ANG KILALANG “THE DEATH OF CLEOPATRA,” 1881, AT “SPOLIARIUM,” 1884; AT “THE BATTLE OF LEPANTO,” “THE BLOOD COMPACT,” “PEOPLE AND KINGS,” ATBP.. KASAMA NINA JOSE RIZAL, GRACIANO LOPEZ JAENA AT MARCELO H. DEL PILAR SA KILUSANG PROPAGANDA. SUGONG PANDIPLOMATIKO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO, PARIS, 1898. NAMATAY SA HONGKONG NOONG DISYEMBRE 7, 1899.

SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BLG. 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSAN NG PANGULO BLG. 375, 14 ENERO 1974, AT BLG. 1505, 11 HUNYO 1978, ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG BANTAYOG PANGKASAYSAYAN.

Jorge Barlin National Monument*




Location: Barlin National Park, Baao, Camarines Sur (Region V)
Category: Buildings/Structures
Type: Structure, Monument
Status: Level I- National Monument
Marker date: April 23, 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JORGE BARLIN Y IMPERIAL

UNANG PILIPINONG OBISPO. IPINANGANAK SA BAAO, CAMARINES SUR, ABRIL 23, 1850. INORDENANG PARI, 1874 AT PAGKARAAN AY HINIRANG NA CAPELLAN DE SOLIO AT MAYORDOMO NG KATEDRAL NG NUEVA CACERES. KURA PAROKO NG SIRUMA, CAMARINES SUR, 1880, AT LIBOG, ALBAY, 1883; VICARIO FORANEO NG LALAWIGAN NG SORSOGON AT KURA PAROKO NG KABISERA NITO, 1887. NAMAHALA NG LALAWIGAN NG SORSOGON, TAGAPAGTANGGOL NG MGA KARAPATAN NG SIMBAHANG KATOLIKO. PINAGKALOOBAN NG MITRA NG CACERES SA LIHIM NA KONSISTORYO NG VATICANO, DISYEMBRE 14, 1905, AT KINONSEGRAHANG OBISPO SA MAYNILA, HUNYO 29, 1906. NAG-IMBOKASYON SA PAGBUBUKAS NG ASEMBLEYA NG PILIPINAS, OKTUBRE 16, 1907 NAMATAY SA ROMA, SETYEMBRE 4,1909.

SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILAN 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MG KAUTUSAN BILANG 375, 15 ENERO 1974, AT BILANG 1505, 11 HUNYO 1978, ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG BANTAYOG.

First Rizal Monument in the Philippines*

NHCP Photo Collection, 2008

NHCP Photo Collection, 2008
NHCP Photo Collection, 2008
Location: Daet, Camarines Norte (Region V)
Category: Buildings/Structure
Type: Monument, Structure
Status: Level I - National Monument
Legal basis: Resolution No. 12, S. 2008
Declared by: National Historical Institute (NHI)
Marker date: 1961
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:

FIRST RIZAL MONUMENT IN THE PHILIPPINES. ERECTED BY VOLUNTARY CONTRIBUTIONS OF THE PEOPLE OF CAMARINES NORTE, LED BY LT. COL. ILDEFONSO ALEGRE AND LT. COL. ANTONIO SANZ OF THE REVOLUTIONARY ARMY. UNVEILED ON 30 DECEMBER 1898.

Quezon Memorial Shrine and National Monument*

NHCP Photo Collection

NHCP Photo Collection

NHCP Photo Collection
Location: Diliman, Quezon City (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: NHCP Museum
Link to the museum: Museo ni Manuel Quezon
Status: Level I- National Shrine
Legal bases: E.O. No. 79 s. 1945, Resolution No. 4, s. 2015
Marker date: August 19, 1990
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PAMBANSANG PANG-ALAALANG DAMBANA NI QUEZON
(1990)

DATING NASA ILALIM NG PAMAMAHALA NG QUEZON MEMORIAL COMMITTEE NA ITINATAG SA BISA NG KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 79, DISYEMBRE 17, 1945 NG PANGULONG SERGIO OSMENA, UPANG MANGILAK NG SALAPI SA PAGPA-PAGAWA NG BANTAYOG NG PANGULONG QUEZON. SINIMULAN NG KAWANIHAN NG GAWAING BAYAN ANG PAGPAPAGAWA NG DAMBANA,1952. INIILIPAT ANG PAMAMAHALA SA PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN SA BISA NG ATAS PAMPANGULO BIG. 1, SETYEMBRE 24,1972, NA SIYANG NAGPATULOY NG PAGPAPATAPOS SA ILANG BAHAGI NG DAMBANA. IPINAHAYAG NA ISANG PAMBANSANG DAMBANA, ENERO 14,1974. INILIPAT ANG MGA LABI NG PANGULONG QUEZON AT ANG DAMBANA AY PORMAL NA BINUKSAN SA MADLA, AGOSTO 19,1978 KAUGNAY NG PAGDIRIWANG NG KANYANG IKA-100 TAONG KAARAWAN.

Bonifacio National Monument*

NHCP Photo Collection (Photo enhanced, background deleted)
NHCP Photo Collection 2018
NHCP Photo Collection 2018



Location: Rotunda, Caloocan City (NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: Structure, Monument
Status: Level I- National Monument
Legal basis: Resolution No. 9, S. 2002
Marker date: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BANTAYOG NI ANDRES BONIFACIO

IPINATAYO SA BISA NG ACT NO. 2760, 23 PEBRERO 1918 BILANG ALAALA KAY ANDRES BONIFACIO, NAGTATAG NG KATIPUNAN (7 HULYO 1892) AT PINUNO NG HIMGSIKANG FILIPINO NG 1896. INILAPAT ANG CORNERSTONE SA PANGUNGUNA NI AURORA A. QUEZON, 30 NOBYEMBRE 1929. DINISENYO NG PAMBANSANG ALAGAD NG SINING, GUILLERMO E. TOLENTINO, 1930. PINASINAYAAN, 30 NOBYEMBRE 1933. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG BANTAYOG NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN, 14 AGOSTO 2002, AT PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN NG PAMBANSANG MUSEO, 30 NOBYEMBRE 2009. SUMASAGISAG SA DIWANG MAKABAYAN NG MGA FILIPINO.

Jose P. Laurel National Monument*

NHCP Photo Collection, 2009
Location: Sto. Tomas, Batangas (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: Monument
Status: Level I- National Monument
Legal basis: NHI Resolution No. 3, s. 1984
Declared by: National Historical Institute (NHI)