Showing posts with label Level I. Show all posts
Showing posts with label Level I. Show all posts

Taal Municipal Hall

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Calle Marcela Mariño Agoncillo, Taal, Batangas
Category: Buildings/Structures
Type: Spanish-period municipal building
Status: Level I - National Historical Landmark
Legal basis: NHCP Resolution No. _ s. 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Date declared: 8 December 2024

Bahay ni Wenceslao Vinzons

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
      
Location: 26 Santa Cruz St, Vinzons, Camarines Norte
Category: Buildings/Structures
Type: Building, Declaration marker
Status: National Historical Landmark
Legal basis: NHI Resolution No. 4, s. 1974
Marker date: 28 September 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BAHAY NI WENCESLAO VINZONS

IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN SA BISA NG RESOLUSYON BILANG 4 NG LUPON NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN, 25 OKTUBRE 1974.

Pook ng Lazareto de Mariveles*

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Mariveles, Bataan
Category: Buildings/Structures
Type: Hospital
Status: Level I - National Historical Landmark
Legal basis: NHCP Resolution No. _ s. 2023
Marker date: 22 August 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
POOK NG LAZARETO DE MARIVELES

ITINAYO SA BUNGAD NG LOOK NG MAYNILA UPANG PIGILAN ANG PAGLAGANAP NG KOLERA SA MAYNILA, 1882. ISINAAYOS AT NAGTAYO NANG HIGIT NA MATITIBAY NA GUSALING YARI SA KAHOY AT YERO AYON SA DISENYO NI INHENYERO JUAN FERNÁNDEZ SHAW, 1886. NILISAN NG MGA ESPANYOL, 1898; AT KALAUNA'Y INOKUPA NG HUKBONG REBOLUSYONARYO HANGGANG SA PAGDATING NG MGA AMERIKANO, 1900. PINANGASIWAAN NG MARINE HOSPITAL SERVICE NG ESTADOS UNIDOS SA PAMUMUNO NI DOKTOR J.C. PERRY, 4 ENERO 1900. ISINAAYOS SA PAMAMAGITAN NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA; NAGPATAYO NG MGA PANIBAGONG PASILIDAD TULAD NG OSPITAL, MGA KWARTO, PANTALAN, MGA BAHAY-PALIGUAN AT MGA SILID-DETENSYON; AT BINUKSAN BILANG MARIVELES QUARANTINE STATION, 26 SETYEMBRE 1901. ITINAYO ANG DALAWANG PALAPAG NA KONKRETONG GUSALI NA MAY ISTILONG NEO-KLASIKAL AYON SA DISENYO NI ARKITEKTO ANTONIO TOLEDO, NOBYEMBRE 1941. NAWASAK NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1945. KINUMPUNI SA BISA NG PHILIPPINE REHABILITATION ACT OF 1946. DITO ITINATAG ANG NATIONAL MENTAL HOSPITAL EXTENSION SERVICE NANG IPINAGKALOOB NG KAGAWARAN NG KUWARENTENAS ANG PAMAMAHALA SA ILANG EKTARYANG LUPAIN SA ADMINISTRASYON NITO, 1955. PINANGALANANG MARIVELES MENTAL WELLNESS AND GENERAL HOSPITAL, 2019. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 2023.

Santuario ng Nuestra Señora de Caysasay*

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: Caysasay, Taal, Batangas
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level I - National Historical Landmark
Legal basis: NHCP Resolution No. 12 s. 2024
Marker date: 20 June 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SANTUARIO NG NUESTRA SEÑORA DE CAYSASAY

ITINAYO ANG UNANG SIMBAHANG GAWA SA NIPA AT KAWAYAN BILANG PAGPUPUGAY SA PINANINIWALAANG MILAGROSANG IMAHE NG INMACULADA CONCEPCION NA NALAMBAT SA ILOG NG PANSIPIT NOONG 1603 NA KINALAUNAN AY KINILALANG NUESTRA SEÑORA DE CAYSASAY, 1611. SINIMULANG IPATAYO SA KASALUKUYANG POOK NG MGA AGUSTINO ANG SIMBAHANG YARI SA KORALES SA ILALIM NG PATRONATO NG MILAGROSANG IMAHE NA NOON AY TINAGURIANG NUESTRA SEÑORA DE LA MISERICORDIA, 1639. PINALITAN NG PIEDRA CHINA ANG MATAAS NA HAGDANAN NA NAGDUDUGTONG SA SIMBAHAN PATUNGONG POBLACION NG TAAL SA ILALIM NI PADRE CELESTINO MAYORDOMO O.S.A., 1850. NAGSILBING KANLUNGAN NG MGA NAGSILIKAS NANG PUMUTOK ANG BULKANG TAAL; NASIRA ANG BUBONG, 1754. MULING ISINAAYOS MATAPOS YANIGIN NG LINDOL, 1856. NAWASAK SA MULING PAGPUTOK NG BULKAN, 1911. ITINANGHAL NA DAMBANA NG ARKIDIYOSESIS NG LIPA, 2004. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN, 2020 AT PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 2024. ISINAAYOS NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2024.

Bahay Ni Crispulo Sideco

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: San Isidro, Nueva Ecija
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level I - National Historical Landmark
Legal basis: NHCP Resolution No. 5 s. 2024
Marker date: 5 April 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BAHAY NI CRISPULO SIDECO

ITINAYO NOONG HULING BAHAGI NG IKALABINSIYAM NA DANTAON. NAGSILBING TAHANAN AT PRESIDENCIA NI PANGULONG EMILIO AGUINALDO NANG ILIPAT SA SAN ISIDRO, NUEVA ECIJA MULA MALOLOS, BULACAN ANG KABISERA NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 29 MARSO 1899. NAGING HIMPILAN NG MGA SUNDALONG AMERIKANO NANG TULUYANG MAKUBKOB ANG BAYAN NG SAN ISIDRO, 17 MAYO 1899. DITO MASUSING PINAGPLANUHAN NI KORONEL FREDERICK FUNSTON ANG PAGDAKIP KAY AGUINALDO NANG SUMUKO ANG PINAGKAKATIWALAAN NIYANG MENSAHERONG SI CECILIO SEGISMUNDO, 1901. GINAWANG KUWARTEL NG MGA SUNDALONG HAPON AT KALAUNAN, NAKALIGTAS SA IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN SA BISA NG RESOLUSYON BILANG 5 NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 29 ENERO 2024.

Kampanaryo ng Jaro*

NHCP Photo Collections, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

Location: Jaro Public Plaza, Jaro, Iloilo City
Category: Buildings/Structures
Type: Bell tower
Status: Level I-National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 2, S. 1984 - Declaring the Jaro Belfry of the Jaro Cathedral in Iloilo City, as a National Landmark
Marker date: 27 November 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KAMPANARYO NG JARO 
 
ITINAYO NG MGA AGUSTINO NA YARI SA LADRILYO AT KORALES SA PANGUNGUNA NI PADRE JUAN AGUADO, OSA, BILANG BANTAYAN AT KAMPANARYO, 1744. NASIRA NG LINDOL, 13 HULYO 1787 AT MULING ITINAYO, 1824–1835. NAGIBA NANG NILINDOL ANG PANAY, 29 HUNYO 1868. ISINAAYOS NI OBISPO MARIANO CUARTERO, OP, NG DIYOSESIS NG JARO, 1881. GUMUHO ANG IKALAWA AT IKATLONG PALAPAG NANG TUMAMA ANG LINDOL NA TINAWAG NA “LADY CAYCAY,” 25 ENERO 1948. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 29 MAYO 1984. ISINAAYOS NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN, DEKADA 1990, AT NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 2022.

Simbahan ng Parokya ng San Jose, Las Piñas (Declaration Marker)

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Las Piñas Church, P. Diego Cera Avenue, Las Piñas City
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship, Declaration marker
Status: Level I-National Historical Landmark
Marker date: February 28, 2014
Installed by; National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG PAROKYA NG 
SAN JOSE, LAS PIÑAS

IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN SA BISA NG RESOLUSYON BLG. 08 NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 15 HULYO 2013.

Mansion House*

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019

NHCP Photo Collection, 2019
Location: The Mansion, V.L. Romulo Drive, Baguio City
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level I-National Historical Landmark
Marker dates: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (Filipino):
MANSION HOUSE

IPINATAYO NI WILLIAM CAMERON FORBES AYON SA DISENYO NI WILLIAM E. PARSONS, 1908, BILANG BAHAGI NG BURNHAM PLAN NG BAGUIO AT NG CITY BEAUTIFUL MOVEMENT. DITO GINANAP ANG SPECIAL SESSION NG PANGALAWANG LEHISLATURA NG PILIPINAS, 1910. NASIRA NOONG PANAHON NG LIBERASYON, 1945. IPINAAYOS, 1947. DITO GINANAP ANG PANGALAWANG PAGPUPULONG NG U.N. ECONOMIC COMMISSION OF ASIA AND THE FAR EAST (ECAFE), 1947; U.N. FOOD AND AGRICULTURE ORGANIZATION (FAO), 1948; AT UNANG PAGPUPULONG NG SOUTHEAST ASIAN UNION (SEAU) NA KILALA BILANG BAGUIO CONFERENCE OF 1950. BAHAY BAKASYUNAN NG MGA AMERIKANONG GOBERNADOR-HENERAL, 1908–1935 AT NG MGA PANGULO NG PILIPINAS MULA KAY MANUEL L. QUEZON HANGGANG SA KASALUKUYAN.

Marker text (English)
MANSION HOUSE

CONSTRUCTED AT THE INSTANCE OF WILLIAM CAMERON FORBES FOLLOWING THE DESIGN OF WILLIAM E. PARSONS, AS PART OF THE BURNHAM PLAN FOR BAGUIO, 1908, INSPIRED BY THE CITY BEAUTIFUL MOVEMENT. VENUE OF THE SPECIAL SESSION OF THE SECOND PHILIPPINE LEGISLATURE, 1910. DESTROYED DURING THE WAR, 1945. REHABILITATED, 1947. VENUE OF THE U.N. ECONOMIC COMMISSION OF ASIA AND THE FAR EAST (ECAFE), 1947; THE U.N. FOOD AND AGRICULTURE ORGANIZATION (FAO), 1948; AND THE FIRST MEETING OF THE SOUTHEAST ASIAN UNION (SEAU) KNOWN AS THE BAGUIO CONFERENCE OF 1950. SUMMER RESIDENCE OF AMERICAN GOVERNORS-GENERAL, 1908–1935 AND LATER OF PHILIPPINE PRESIDENTS FROM MANUEL L. QUEZON TO THE PRESENT.

Marker text (Ilocano):
MANSION HOUSE

NAIPATAKDER KAS IMPROPONER NI WILLIAM CAMERON FORBES NGA NAITUTOP ITI DISENYO NI WILLIAM E. PARSONS, 1908, KAS PARTE TI PLANO TI BURNHAM TI BAGUIO, NAENGGANYO ITI NAPINTAS NGA BIAG TI SIYUDAD. NAARAMID DITOY TI NAIPANGPANGRUNA A SESYON TI MAIKADUA A LEHISLATURA TI PILIPINAS, 1910. NADADAEL KABAYATAN TI LIBERASYON, 1945. NAISUBLI ITI SIGUD A KASASAAD, 1947. NAARAMID DITOY TI MAIKADUA A GIMONG TI U.N. ECONOMIC COMMISSION OF ASIA KEN TI FAR EAST (ECAFE), 1947; U.N. FOOD AND ORGANIZATION (FAO), 1948; KEN TI UMUNA A GIMONG TI SOUTHEAST ASIAN UNION (SEAU) NGA NABIGBIG KAS BAGUIO CONFERENCE OF 1950. BALAY A PAGBAKASYUNAN DAGITI GOBERNADOR HENERAL NGA AMERIKANO, 1908–1935 KEN DAGITI PRESIDENTE TI PILIPINAS MANIPUD KENNI MANUEL L. QUEZON AGINGGA ITI AGDAMA.

Gusaling Army and Navy Club (Declaration Marker)

NHCP File Photo

NHCP File Photo

NHCP File Photo
Location: T.M. Kalaw Extension, Ermita, Manila (NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: Declaration marker
Status: Level I-National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 2, s. 1991
Marker date: 29 June 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
GUSALING ARMY NAVY CLUB

SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAU­TUSAN BILANG 375,14 ENERO 1974, AT BILANG 1505, 11 HUNYO 1978, ANG GUSALING ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKA­SAYSAYAN, ABRIL 26, 1991.

Malacañang Palace (Declaration Marker)*

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Malacañang Palace, Jose P. Laurel Street, San Miguel, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level I-National Historical Landmark
Legal basis: NHI Resolution No. 2, s 1998
Marker date: 8 June 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (English):
MALACAÑANG PALACE

BY VIRTUE OF RESOLUTION NO. 2, MAY 6, 1998, OF THE NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE AND OF PRESIDENTIAL DECREE NO. 260, AUGUST 1, 1973, MALACAÑANG PALACE IN SAN MIGUEL, MANILA IS DECLARED AS A NATIONAL HISTORICAL LANDMARK.

Marker text (Filipino):
PALASYO NG MALAKANYANG

SA BISA NG RESOLUSYON BILANG 2, MAYO 6, 19989, ANG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN AT AYON SA KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, AGOSTO 1, 1973, ANG PALASYO NG MALAKANYANG SA SAN MIGUEL, MAYNILA AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN.

INALISAN NG TABING NG KAGALANG-GALANG NA PANGULONG FIDEL VALDEZ RAMOS NOONG HUNYO 8, 1998.

Birthplace of Marcelo H. Del Pilar*


NHCP Photo Collection, 2014
NHCP Photo Collection, 2013
Location: Marcelo H. del Pilar Shrine, Barangay San Nicolas Street, Bulakan, Bulacan
Category: Sites/Events
Type: Site, NHCP museum
Link to the museum: Museo ni Marcelo H. Del Pilar
Status: Level I - National Shrine
Legal Basis: Resolution No. 1, S. 2006
Marker date: January 17, 2012
Marker text:
BIRTHPLACE OF MARCELO H. DEL PILAR

BORN IN BARRIO SAN NICOLAS, TOWN OF BULACAN ON AUGUST 30, 1850 TO JULIAN H. DEL PILAR AND BLASA GATMAYTAN. MARCELO H. DEL PILAR, PATRIOT, WRITER AND EDITOR OF LA SOLIDARIDAD, A NEWSPAPER OF THE PROPAGANDA MOVEMENT PUBLISHED IN SPAIN. DIED IN BARCELONA, JULY 4, 1896.

Dambana ng Kalayaan*

NHCP Photo Collection, 2014

NHCP Photo Collection, 2014

NHCP Photo Collection, 2014
Location: Fort Santiago, Intramuros, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Structure
Status: Level I-National Shrine
Marker date: 30 December 1972
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
DAMBANA NG KALAYAAN

BILANG PAGGUNITA SA ALAALA NI JOSE RI­ZAL AT IBA PANG MGA BAYANING PILIPINO NA NAGBUWIS NG KANILANG BUHAY PARA SA INANG BAYAN. ANG FORT SANTIAGO AY GINAWANG PAM­BANSANG DAMBANA NG KALAYAAN NOONG MARSO 1951 SA BISA NG BATAS NG REPUBLIKA BLG. 597.

Bahay ni Apacible*

NHCP Photo Collection, 2008

NHCP Photo Collection, 2008

NHCP Photo Collection, 2008

NHCP Photo Collection, 2008

NHCP Photo Collection, 2008
NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Leon Apacible Museum, Calle Marcela Mariño Agoncillo, Taal, Batangas
Category: Buildings/Structures
Type: House, NHCP Museum, Declaration marker
Link to the museum: Museo ni Leon Apacible
Status: Level I-National Historical Landmark
Marker date: 25 October 1977
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BAHAY NI APACIBLE

SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, AGOSTO 1, 1973 NA SINUSUGAN NG KAUTUSAN BILANG 375, ENERO 14,1974, ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN.

Labanan sa Zapote*


Location: Zapote Bridge, Aguinaldo Highway, Bacoor, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level I-National Historical Landmark
Marker date: March 10, 2015
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LABANAN SA ZAPOTE

SA LUGAR NA ITO LUMABAN ANG MGA REBOLUSYONARYONG PILIPINO SA DALAWANG LABANAN UPANG MABAWI ANG CAVITE SA MGA ESPANYOL AT PIGILAN ANG TULUYANG PAGSAKOP NG MGA AMERIKANO: UNA, SA PANGUNGUNA NI HEN. EMILIO AGUINALDO LABAN SA MGA ESPANYOL, 17 PEBRERO 1897, NA PINAGWAGIAN NG MGA PILIPINO NGUNIT IKINASAWI NI HEN. EDILBERTO EVANGELISTA; AT ANG HULI, SA PANGUNGUNA NINA HEN. ARTEMIO RICARTE AT MARIANO NORIEL LABAN SA MGA AMERIKANO, 13 HUNYO 1899.

IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN SA BISA NG RESOLUSYON BLG. 11 NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 9 SETYEMBRE 2013.

Unang Paaralang Bayan ng Pasay (Declaration Marker)

© Roel Balingit/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Roel Balingit/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Pasay ALS Community Learning Center, 509 P. Burgos Street, Pasay City
Category: Buildings/Structures
Type: Building, Declaration marker
Status: Level I-National Historical Landmark
Marker date: 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
UNANG PAARALANG BAYAN NG PASAY

SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSAN BILANG 375, 14 ENERO 1974 AT BILANG 1505, 11 HUNYO 1978, ANG PAARALANG ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN, 21 SETYEMBRE 1984.

Embahada ng Pilipinas Fujimi, Chiyoda-ku, Tokyo*

© Eugene Alvin Villar/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Eugene Alvin Villar/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: The Kudan, Fujimi, Chiyoda-ku, Tokyo, Japan
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level I - National Historical Landmark
Marker date: March 3, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
EMBAHADA NG PILIPINAS
FUJIMI, CHIYODA-KU, TOKYO

IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN SA BISA NG RESOLUSYON BLG. 1 NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 11 MARSO 2013.