Showing posts with label 1980. Show all posts
Showing posts with label 1980. Show all posts

Ambrosio Rianzares Bautista (1830-1903)

Location: Biñan, Laguna
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
AMBROSIO RIANZARES BAUTISTA
(1830-1903)

UNANG TAGAPAYO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO NOONG 1898. MAY-AKDA NG PAGPAPAHAYAG NG KALAYAAN NG PILIPINAS (IKA-12 NG HUNYO 1898), AT MASAGISAG NA MAKABAYAN AT TAGPAGPALAGANAP. SIYA AY IPINANGANAK SA BIÑAN, LAGUNA NOONG IKA-7 DISYEMBRE 1830 KINA GREGORIO ENRIQUEZ BAUTISTA AT SILVESTRA ALTAMIRA. NAGTAPOS SIYA NG PANIMULANG PAG-AARAL SA BIÑAN AT NG PAG-AARAL SA BATAS SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS NOONG 1865.

NAGSANAY SIYA SA PAGKAMANANANGGOL SA MAYNILA AT NAGING KILALA SA PAGKAKALOOB NG WALANG BAYAD NA PAGLILINGKOD SA MAHIHIRAP NA MAY USAPIN. ISANG MASIGASIG NA KAGAWAD NG LA LIGA FILIPINA, CUERPO DE COMPROMISARIOS, AT LA PROPAGANDA. SIYA AY DINAKIP NG MGA MAYKAPANGYARIHANG KASTILA AT IPINIIT SA KUTANG SANTIAGO NANG MAGSIKLAB ANG HIMAGSIKAN NOONG 1896. SIYA AY PINALAYA PAGKARAANG IPAGTANGGOL NIYA NANG BUONG NINGNING ANG KANYANG SARILI.

SIYA AY INIHALAL NA IKALAWANG PANGULO NG KONGRESONG PANGHIMAGSIKAN SA TARKAL NOONG IKA-14 NG HULYO 1899. ITINALAGA SIYA BILANG HUKOM NG HUKUMANG UNANG DULUGAN SA PANGASINAN. SIYA AY NAMATAY SA MAYNILA NOONG IKA-4 NG DISYEMBRE 1903.

Bantayog para sa Kapayapaan

Location: Pinaglabanan Shrine, Km. 348 Pan-Philippine Highway, Brgy. Laniton, Basud, Camarines Norte
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BANTAYOG PARA SA KAPAYAPAAN

SA TULAY NA ITO, GANAP NA IKA-4:30 N.U., IKA-18 NG DISYEMBRE 1941, NASAKSIHAN ANG UNANG PAGPAPAPUTOK NG USAFFE CAMARINES NORTE STATION NI W.Q. VINZONS LABAN SA PAMBUNGAD NA HANAY NG LUMULUSOB NA HUKBONG IMPERYAL NG HAPON NA BINUBUO NG 120 SUNDALO. ANG PANGKAT NA ITO NI VINZONS NA KINIKILALA NG APWESPAC BILANG VINZONS DIVISION-TLIRK COMMAND ANG KAUNA-UNAHANG YUNIT NG GERILYA SA PILIPINAS NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ANG UNANG PAKIKIPAGLABANG ITO NG MGA GERILYA AY KINASANGKUTAN DIN NANG LUMAON NG USAFFE RECONNAISSANCE, 51ST DIV. PA., NA BINUBUO NG 16 NA SUNDALO AT PINAMUMUNUAN NG ISANG AMERIKANO AT DALAWANG PILIPINONG OPISYAL AT TINULUNGAN NG MGA BOLUNTARYONG SIBILYAN. ANG BANTAYOG NA ITO AY ITINAYO PARA SA DIYOS AT SA TAO, SA KAPAYAPAAN AT KALAYAAN.

Madre Ignacia del Espiritu Santo

Location: Victoria Street cor. Sta. Lucia Street, Intramuros, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 4, 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MADRE IGNACIA DEL ESPIRITU SANTO

TAGAPAGTATAG NG MGA RELIHIYOSA NG BIRHENG MARIA (RVM), ANG UNANG KONGREGASYONG PANRELIHIYON PARA SA MGA KABABIHAN SA PILIPINAS NA UNANG NAKILALA BILANG BEATERIO DE LA COMPAÑIA DE JESUS NA ITINATAG NOONG 1684 SA DAANG STA. LUCIA SA INTRAMUROS, MAYNILA. ITINAAS BILANG KONGREGASYONG PONTIPIKAL NOONG IKA-17 NG MARSO, 1907. PINAGKALOOBAN NG BUONG PAGPAPATIBAY ANG SALIGANG-BATAS NITO NOONG IKA-12 NG ENERO 1948.

TAGAPAGTATAG NG UNANG KILUSAN NG BANAL NA PAGSASANAY PAA SA MGA KABABAIHAN SA DAIGDIG.

ISINILANG KINA JUSEPE INCUA AT MARIA JERONIMA SA BINONDO, MAYNILA AT BININYAGAN NOONG IKA-4 NG MARSO, 1663.

NAMATAY NOONG IKA-10 NG SETYEMBRE, 1748 SA SIMBAHAN NG SAN IGNACIO NA SIYANG PINAGLAGAKAN NG KANYANG MGA LABI.


Club Filipino

Location: Club Filipino, Club Filipino Avenue cor. Eisenhower Street, Greenhills, San Juan, Metro Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CLUB FILIPINO

ANG CLUB FILIPINO NA ITINATAG UPANG IPAKIPAGLABAN ANG KASARINLAN NG BANSA SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPAYAMAN NG KULTURA, SINING, KARUNUNGAN, KALUSUGAN AT NG PAGKAMAKABAYAN NG MGA MAMAMAYAN. 
ITINATAG NG ISANG PANGKAT NG MGA PILIPINONG MAKABAYAN AT ILUSTRADO SA PANGALANG “EL CLUB FILIPINO INDEPENDIENTE" NOONG 1898, NANG ANG BANDILA NG TATLONG BANSA - FILIPINAS, ESPANYA, AT AMERIKA - AY NAKATAAS SA IBAʼT IBANG PANIG NG KAPULUAN. NAGING UNANG PANGULO NITO SI ISIDRO DE SANTOS; SI HEN. ANTONIO LUNA NAMAN ANG SIYANG INGAT-YAMAN. 

ANG SAMAHANG ITO ANG UNANG NAGBIGAY-PARANGAL SA ARAW NG PAGKA-MARTIR NI RIZAL SA PAMAMAGITAN NG PAGDARAOS NG LUKSANG ALAALA NOONG DISYEMBRE 30, 1898 AT SIYANG NAGING SIMULA NG PAGDIRIWANG NG "RIZAL DAY." 

NATIGIL ANG GAWAIN NG SAMAHAN NANG UMANIB KAY HEN. EMILIO AGUINALDO ANG MARAMI SA MGA KAGAWAD NITO NANG SUMIKLAB ANG DIGMAAN LABAN SA AMERIKA. 

MULING ITINATAG SA BAGONG PANGALANG "EL CLUB INTERNATIONAL" NANG MATAPOS ANG DIGMAAN. IBINALIK ANG PANGALANG “CLUB FILIPINO" PAGKARAAN NG ILANG TAON. 

ANG SAMAHAN AY NANGUNA SA PAGTANGKILIK SA SARILING KULTURA AT SINING; PINAPANATILI ANG PAGGAMIT NG KASUOTANG PILIPINO; AT UNANG NAGTAGUYOD SA MGA KUNSIYERTO NG MGA AWITING PILIPINO AT EKSIBISYON NG MUSIKA AT PINTURANG PILIPINO.

NAGTAGUYOD RIN SA PAGPAPAUNLAD NG KARUNUNGAN AT KALUSUGAN. NAGPADALA NG MGA PENSYONADO UPANG MAG-ARAL SA AMERIKA; AT NAGPAUNLAD SA PALAKASAN.

ANG UNANG NAGING TAHANAN NG CLUB AY SA DAANG ALIX (NGAYO’Y LEGARDA); PAGKARAAN, SA PLAZA GOITI. NOONG 1909, SA 1021 AVENIDA RIZAL. LUMIPAT SA STA. MESA KUNG SAAN TUMIGIL SI HEN. TOMOYUKI YAMASHITA NG HUKBONG HAPON AT PAGKARAAN, SI HEN. DOUGLAS MACARTHUR NOONG LIBERATION. BUHAT DITO, ITO AY INILIPAT SA KASALUKUYANG TANGGAPAN NITO SA GREENHILLS, SAN JUAN, METRO MANILA. 

Paaralang Pansining at Panghanapbuhay ng Iloilo 1905–1980

Photo contributed by Vincent Valencia
Location: Iloilo Science and Technology University, Burgos Street, La Paz, Iloilo City
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 1, 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PAARALANG PANSINING AT PANGHANAPBUHAY NG ILOILO 
1905–1980

ITINATAG NOONG 1905 NG SANGGUNIANG PAMPAMAHALAAN NG AMERIKA SA PILIPINAS BILANG PAARALANG PANGHANAPBUHAY NG ILOILO SA DAANG IZNART. INILIPAT SA BAKURAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ILOILO NOONG HUNYO 1918. NATAYO SA POOK NA ITO NOONG 1925. ANG MGA GUSALI AT KAGAMITAN AY NASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ISINAAYOS NOONG 1946 SA PAMAMAGITAN NG TANGGAPANG DAMAYANG PANGKALIGTASAN.

Colegio de la Inmaculada Concepcion

Location: Colegio de la Inmaculada Concepcion, 45 Gorordo Avenue, Cebu City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
COLEGIO DE LA INMACULADA CONCEPCION

KAUNA-UNAHANG KATOLIKONG PAARALANG PAMBABAE SA LUNGSOD NG CEBU NA ITINATAG NI REV. P. FERNADO DE LA CANAL NOONG MAYO 30, 880 SA KALYE URDANETA. UNANG PINAMAHALAAN NG HERMANITA DE LA MADE DE DIOS, MGA MADRENG PILIPINO; PINANGASIWAAN NG DAUGHTERS OF CHARITY, 1895. PINAGTIBAY NG KAWANIHAN NG EDUKASYON ANG MGA KURSO, 1911. GINANAP ANG UNANG PAGTATAPOS SA MATAAS NA PAARLAAN, 1923. NASIRA ANG TATLONG PALAPAG NA GUSALI NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. KASALUKUYANG GUSALI AT ITINAYO NOONG 1947.

Simbahan ng Marilao

© JJ Carpio/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
© JJ Carpio/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
© JJ Carpio/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
© Ramon FVelasquez/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
Location: Marilao, Bulacan (Region III)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker 
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG MARILAO

SA SIMULA AY KAPILYA LAMANG, ANG SIMBAHANG ITO AY UNANG PINATAYO NI PADRE VICENTE DE TALAVERA NOONG IKA-21 NG ABRIL 1796 KASABAY NG PAGTATAG NG BAYAN AT PAROKYA NG MARILAO. INILUKLOK NA PINTAKASI NG PAROKYA NITO SI SAN MIGUEL ARKANGHEL. SINIMULANG BAGUHIN AT PALAKIHIN NOONG 1848 AT NATAPOS NOONG 1868. NASUNOG NOONG 1899 NANG PANAHONG NG DIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANO . SINIMULAN ANG PAG SASAAYOS NOONG 1902 AT IBINALIK SA DATING LAKI 0922. NATAPOS NG HISTONG KAYARIAN NUONG 1967 SA PANGANGASIWA NI P. JOSE M. MALAS.

                       

Central Philippine University




Location: Iloilo City, Iloilo (Region VI)
Category: Association/Institution/Organization
Type: School
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 19, 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CENTRAL PHILIPPINE UNIVERSITY

DATING JARO INDUSTRIAL SCHOOL NA ITINATAG NOONG 1905 NG AMERICAN BAPTIST FOREIGN MISSION SOCIETY SA PANGUNGUNA NI DR. WILLIAM O. VALENTINE, ANG UNANG NAGING PUNONG-GURO.

ITO ANG UNANG PAARALAN SA PILIPINAS NA ANG MAG-AARAL AY NAGTRABAHO PARA SA KANILANG EDUKASYON; NAGTATAG NG UNANG PAMAHALAAN NG MGA MAG-AARAL SA BANSA NOONG 1906.

NAGING CENTRAL PHILIPPINE COLLEGE NOONG 1923 AT PAMANTASAN NAMAN NOONG 1953. NASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. MULING BINUKSAN MATAPOS PALAYAIN ANG LUNGSOD NG ILOILO NOONG 1945.

SI DR. REX D. DRILON ANG NAGING UNANG PILIPINONG PANGULO NOONG 1966. HUMALILI SA PANGANGASIWA NITO ANG MGA PILIPINO NOONG 1968.

Patrocinio Gamboa (1865–1953)



Location: Graciano Lopez Jaena Park, E. Lopez Street cor. El 98 Street, Jaro, Iloilo City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PATROCINIO GAMBOA
(1865–1953)

IPINANGANAK SA JARO, ILOILO NOONG IKA-30 NG ABRIL 1865 KINA FERMIN GAMBOA AT LEONARDA VILLAREAL.

MAY KAISIPANG MAKABAYAN NA PINASIGLA NG NOLI AT FILI NI RIZAL. SIYA AY UMANIB SA PANGKAT PANGHIMAGSIKAN SA ILOILO. IPINAKIPAGSAPALARAN NIYA ANG KANYANG BUHAY SA PAGHAHATID NG WATAWAT NG PILIPINAS NA KANYANG GINAWA BUHAT SA JARO PATUNGONG STA. BARBARA KUNG SAAN ITINATAAS ITO NANG PASINAYAAN ANG PANSAMANTALANG PAMAHALAANG PANGHIMAGSIKAN NOONG IKA-17 NG NOBYEMBRE 1898.

TUMULONG SIYA SA PAG-AALAGA SA MGA SUGATAN AT MAYSAKIT NOONG PANAHON NG DIGMAAN LABAN SA MGA AMERIKANO.

SIYA AY NAMATAY NOONG IKA-24 NG NOBYEMBRE 1953 SA MOLO, ILOILO.

Makasaysayang Simbahan ng San Joaquin*


Location: San Joaquin, Iloilo (Region IV)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship 
Status: 
Level I- National Historical Landmark
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MAKASAYSAYANG SIMBAHAN NG 
SAN JOAQUIN

SA BISA NG PAGPAPATIBAY NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN NOONG SETYEMBRE 22, 1977 NA BINIGYAN NG KARAPATAN NG KAUTUSAN NG PANGULO NG PILIPINAS BILANG 260, AGOSTO 1, 1973 NA SINUSUGAN NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 375, ENERO 14, 1974, ANG SIMBAHANG ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN.

Ladislao Bonus (1854–1908)



Location: 1141 Teodoro San Luis Street, Pandacan, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LADISLAO BONUS 
(1854–1908)

ANG “AMA NG OPERANG PILIPINO”, DALUBHASANG MUSIKO, KOMPOSITOR AT GURO SA MUSIKA. SI LADISLAO BONUS AY ISINILANG SA POOK NA ITO NOONG IKA-27 NG HUNYO 1854, KINA PEDRO BONUS AT MARIA MARIANO. MAYKATHA NG UNANG OPERANG PILIPINO ANG “SANDUGONG PANAGINIP” NI PEDRO A. PATERNO, NAGLAPAT NG TUGTUGIN SA “RECUERDOS A LA PATRIA” NI DR. JOSE RIZAL, AT MAYKATHA PA RIN NG MARAMING TUGTUGIN SA SARSUELANG PILIPINO, MISA, ROSARYO KANTADA, GOZO AT MGA KANTAHING-BAYAN NA NAGING DAHILAN UPANG ANG PANDACAN AY KILALANING “MUNTING ITALYA NG PILIPINAS.”

SIYA AY NAMATAY NOONG IKA-28 NG MARSO, 1908.

Ang Parokya ng Sta. Cruz, Tanza, Cavite




Location: Tanza, Cavite (Region IV-A)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship 
Status: Level II - Historical marker 
Marker date: May 3, 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG PAROKYA NG SANTA CRUZ, TANZA, CAVITE

ANG PAROKYA NG SANTA CRUZ (NGAYON AY TANZA), CAVITE, AY ITINATAG BILANG ISANG NAGSASARILING PAROKYA NOONG AGOSTO 29,1780. SA SIMULA ITO AY BAHAGI NG BAYAN NG SAN FRANCISCO DE MALABON (NGAYON AY HENERAL TRIAS). ANG TANZA AY KILALA NOON BILANG SANTA CRUZ DE MALABON (TANZA) NOONG ENERO 29,1774. 

UPANG GUNITAIN ANG IKA 200-TAON NG PAGKAKATATAG NITO BILANG PAROKYA, ANG SIMBAHAN AY PINAGING BANAL NOONG IKA-3 NG MAYO 1980 NA ANG PANGUNAHING NAGBASBAS AY SI JAIME CARDINAL SIN NA SIYANG ARSOBISPO NG MAYNILA.

Ang Simbahan ng Bantayan



Location: Bantayan, Cebu (Region VII)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship 
Status: Level II - Historical marker 
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
ANG SIMBAHAN NG BANTAYAN

ANG SIMBAHANG ITO NA INIALAY SA NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION AY IPINATAYO NG MGA PARING AGUSTINO NOONG IKA-11 NG HUNYO 1580. PAGKARAAN, NAGING PATRON NG SIMBAHAN SI SAN PEDRO APOSTOL AT LUMAWAK ANG SAKOP NG PAROKYA HANGGANG MARIPIPI, PANAMAO AT LIMANGCAWAYAN SA LEYTE. SINUNOG NG MGA MANANALAKAY NA MUSLIM NOONG 1600, ITO AY MULING IPINATAYO NOONG TAON DING IYON AT INILIPAT SA PAMAMAHALA NG MGA SEKULAR.

ANG KASALUKUYANG GUSALI AY SINIMULANG GAWIN NOONG 1839 AT NATAPOS NOONG 1863.

Simbahan ng Badoc

NHCP Photo Collection, 2008

NHCP Photo Collection, 2008
Location: Badoc, Ilocos Norte (Region I)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 2, 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG SIMBAHAN NG BADOC

ITINAYO NG MGA PARING AGUSTINO. DATING KAPILYA NG SINAIT NOONG 1591, NAGING PAROKO NOONG 1714 SA PAGTATAGUYOD NI SAN JUAN BAUTISTA. ANG SIMBAHAN AT ANG KUMBENTO NA KAPWA YARI SA BATO AT TISA AY MATIBAY AT ARTISTIKONG NAITAYO SA PANGANGASIWA NI REB. P VALENTIN BEOVIDE. ANG SIMBAHANG ITO AY ISA SA MGA BAHAY DALANGINAN NA NILOOBAN NG MGA SAMBAL NOONG PANAHON NG PAGHIHIMAGSIK NI ANDRES MALONG NOONG 1660-1661.


SI JUAN LUNA (1857-1899), ANG PANGUNAHING PINTOR NA PILIPINO, AY BININYAGAN SA SIMBAHANG ITO NOONG IKA-27 NG OKTUBRE, 1857. ANG KANYANG MGA KAPATID NA SINA NUMERIANA AT MANUEL ANDRES AY KAPWA BININYAGAN SA SIMBAHAN DING ITO.

Sheik Makhdum Mosque*


NHCP Photo Collection, 2009

NHCP Photo Collection, 2009

NHCP Photo Collection, 2009

Location: Tubig Indangan, Simunol, Tawi-Tawi (Region ARMM)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level I- National Historical Landmark
Marker date: November 7, 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SHEIK MAKHDUM MOSQUE

SINASABI NG MGA MANANALAYSAY NA ISLAM AY PINALAKAS SA PILIPINAS NI SHE MAKHDUM, ISANG MISYONERONG ARABE, UNANG LUMUNSAD SA TUBIG-INDANGAN, SIMUNUL SA PULO NG TAWI-TAWI NOONG 1380. DITO N IPINATAYO ANG KAUNA-UNAHANG SIMBAHANG MUSLIM SA KAPULUAN NG PILIPINAS NA HANGANG SA KASALUKUYAN AT NAKATAYO BILAN BAHAGI NG MULING IPINAGAWANG "TAHANAN NI ALLAH:" PINANINIWALAANG ANG ORIHINAL NA SIMBAHAN AY NAGTAGAL NG HUMIGIT-KUMULAN SA 500 TAON. ANG ORIHINAL NA HALIGI AY YARI SA IPIL AT PINANGANGALAGAAN HANGGANG SA KASALUKUYAN.