Showing posts with label 2013. Show all posts
Showing posts with label 2013. Show all posts

Tiong Se Academy

Location: Philippine Tiong Se Academy, 708 Sta. Elena Street, Binondo, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: June 14, 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TIONG SE ACADEMY

ITINATAG ANG ANGLO CHINESE SCHOOL NI ENGRACIO PALANCA (TANKANG), UNANG TSINONG KONSUL–HENERAL SA BANSA, UPANG TUGUNAN ANG PANGANGAILANGANG PANG-EDUKASYON NG MGA TSINO SA PILIPINAS SA PAMAMAGITAN NG PAGLIKOM NG PONDO MULA SA COMUNIDAD DE CHINO. PORMAL NA NAGBUKAS NG KLASE SA BAKURAN NG IMPERIAL CHINESE CONSULATE GENERAL, 15 ABRIL 1899. INILIPAT ANG PAARALAN SA KALYE SAN FERNANDO, 1899; KALYE SALAZAR, 1909; KALYE SACRISTIA (NGAYO’Y KALYE ONGPIN), 1910 AT KALYE STA. ELENA, 1912. ISINARA NOONG PANANAKOP NG HAPON, 1942 AT MULING BINUKSAN, 1945. NAGING TIONG SE ACADEMY ALINSUNOD SA PILIPINASASYON NG MGA PAARALANG BANYAGA SA BANSA, 24 PEBRERO 1975. NAGSILBING HUWARAN NG SISTEMANG PANG-EDUKASYON NG MGA TSINO AT TSINONG PILIPINO SA PILIPINAS.

Macario L. Peralta, Jr. 30 Hulyo 1913 – 30 Disyembre 1965

Location: Rustico Quimpo Street, Kalibo, Aklan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: July 20, 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MACARIO L. PERALTA, JR. 30 HULYO 
1913 – 30 DISYEMBRE 1965

ISINILANG SA MAYNILA, 30 HULYO 1913. ABOGADO, PINILING MAGING LAANG KAWAL, 1936. ITINALAGANG KUMANDANTE NG 61ST PROVISIONAL REGIMENT NG USAFFE, 1941. HINDI ISINUKO ANG PANAY SA MGA HAPON AT PINAMUNUAN ANG HUKBONG USAFFE DITO, DAANBANWA, LAMBUNAO, ILOILO, 1 HUNYO 1942. ITINATAG ANG FREE PANAY GUERRILLA FORCES, INADLAWAN, DUEÑAS, ILOILO, 1 HULYO 1942. KINILALA NG MGA GERILYERO SA GITNANG PILIPINAS AT BIKOL BILANG PINUNO. NABAWI ANG ILOILO, 20 MARSO 1945. SENADOR, 1949–1955. KALIHIM NG TANGGULANG PAMBANSA, 1962–1965. YUMAO, 30 DISYEMBRE 1965.

Apolinario Mabini (23 Hulyo 1864-13 Mayo 1903)

NHCP Photo Collection, 2013
NHCP Photo Collection, 2013
Location: Mabini Shrine, Polytechnic University of the Philippines-Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
APOLINARIO MABINI 
23 HULYO 1864 – 13 MAYO 1903

BAYANI, REBOLUSYONARYO, MANUNULAT AT PILOSOPONG PULITIKAL. ISINILANG SA TANAUAN, BATANGAS, 23 HULYO 1864. NAG-ARAL NG ABOGASYA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS, 1888–1894. TINAGURIANG “DAKILANG LUMPO” SA PAGLAHOK NIYA SA PAKIKIBAKA SA KOLONYALISMO SA KABILA NG POLIO, NA DUMAPO SA KANYA NOONG 1896. DINAKIP AT IPINIIT SA OSPITAL NG SAN JUAN DE DIOS KAUGNAY SA PAGKILOS NIYA PARA SA REPORMA, 10 OKTUBRE 1896–16 MAYO 1897. SUMANIB SA HIMAGSIKAN LABAN SA ESPANYA. MGA PANGUNAHING AKDA: ANG “EL VERDADERO DECALOGO,” “PROGRAMA CONSTITUCIONAL DE LA REPUBLICA FILIPINA,” AT “ORDENANZAS DE LA REVOLUCION.” NAGING PUNONG TAGAPAYO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO, 1898. NANUNGKULANG PUNONG MINISTRO AT KALIHIM NG UGNAYANG PANLABAS NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 1899. DINAKIP NG MGA AMERIKANO SA KUYAPO, NUEVA ECIJA, 11 DISYEMBRE 1899. IPINATAPON SA GUAM, 15 ENERO 1901. NAGBALIK SA PILIPINAS, 26 PEBRERO 1903, AT TUMANGGING MANUNGKULAN SA KOLONYAL NA GOBYERNO. YUMAO SA NAGTAHAN, MAYNILA, 13 MAYO 1903.



Mga Guho ng Simbahang Kuta

© Roel Balingit/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Roel Balingit/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Bongabong, Oriental Mindoro
Category: Buildings/Structures
Type: Ruins
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MGA GUHO NG SIMBAHANG KUTA

UNANG NAPAHAYAG SA LIBRO DE REGISTROS NG MGA REKOLETO NOONG 1737 ANG MISYON NG BONGABONG. NAGSILBING PLAZA DE ARMAS KUNG SAAN ANG MGA MAMAMAYAN NG MISYON AY NAGKUBLI TUWING PANAHON NG PANANALAKAY. NASIRA ANG MGA ITO NOONG 1753 AT 1754 NOONG SUMALAKAY ANG MGA MUSLIM DAHIL SA KANILANG PATULOY NA PAGTUTOL SA PANANAKOP NG MGA DAYUHANG ESPANYOL. HALIMBAWA ANG MGA GUHO NG PAGSASAMA-SAMA NG KATANGIANG SIMBAHAN AT KUTA. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 25 HUNYO 2012.

The Aristocrat


NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Roxas Boulevard, Ermita, Manila
Category: Sites/Events
Type: Restaurant
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
THE ARISTOCRAT

NAGSIMULA SA ISANG LUMANG SASAKYANG GINAMIT NI ENGRACIA CRUZ-REYES O ALING ASIANG BILANG TINDAHAN NG MERYENDA NA LUMILIBOT SA LUNETA AT IBA PANG KALAPIT POOK SA MAYNILA, HULYO 1936. DITO ITINATAG ANG UNANG GUSALING KINILALANG THE ADMIRAL DEWEY AT KINALAUNA’Y PINANGALANANG THE ARISTOCRAT, 1939. ISA SA MGA TANYAG NA KAINANG NAGTAMPOK NG MGA LUTUING PILIPINO.

Bayan ng Oton

NHCP Photo Collection, 2013

Location: Oton Municipal Hall, Rizal Street cor. Bonifacio Street, Oton, Iloilo
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 3, 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BAYAN NG OTON

ISA SA MGA SENTRO NG KALAKALAN AT KOMERSIYO SA KABISAYAAN MULA IKA-12 SIGLO HANGGANG DUMATING ANG MGA ESPANYOL. DATING KABISERA NG PROBINSYA NG OGTONG (NGAYO’Y LALAWIGAN NG ILOILO), 1570–1581. NAGSILBING DAUNGAN, PAGAWAAN NG MGA SASAKYANG PANDAGAT AT PINAGKUKUNAN NG MGA PANGANGAILANGAN SA MGA KAMPO NG MGA SUNDALONG ESPANYOL SA MOLUCCAS AT MINDANAO, IKA-16 NA SIGLO. TINANGGAP BILANG PANGATLONG MISYON NG MGA AGUSTINO SA LABAS NG MAYNILA AT CEBU, 3 MAYO 1572. LUBHANG NASALANTA SA PAKIKIDIGMA NG MGA ESPANYOL LABAN SA MGA INGLES (1593), PANANALAKAY AT PANUNUNOG NG MGA OLANDES (1630), AT PAGLUSOB NG MGA MORO NA TUTOL SA PANANAKOP NG MGA ESPANYOL SA MINDANAO (1662).

Juan Cailles (1871-1951)

NHCP Photo Collection, 2013

NHCP Photo Collection, 2013

NHCP Photo Collection, 2013
Location: Old Laguna Provincial Capitol Building, Pedro Guevarra Avenue, Santa Cruz, Laguna
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JUAN CAILLES 
(1871–1951)

MAKABAYAN, REBOLUSYONARYO. ISINILANG SA NASUGBU, BATANGAS, 10 NOBYEMBRE 1871. NAGKAMIT NG TEACHER’S DIPLOMA, PAARALANG NORMAL NG MGA HESWITA, 1890. NAGTURO SA BARYO AMAYA, TANZA, CAVITE HANGGANG SA PAGSIKLAB NG HIMAGSIKANG FILIPINO, 1896. UMANIB SA HUKBO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO AT NAGING BRIGADYER HENERAL, 1897. ISA SA MGA LUMAGDA SA PAGPAPAHAYAG NG KALAYAAN NG PILIPINAS, 12 HUNYO 1898. ITINALAGA SA LAGUNA, 1899. TINALO ANG MGA AMERIKANO SA LABANAN NG MABITAC, 17 SETYEMBRE 1900. SUMUKO SA MGA AMERIKANO, 24 HUNYO 1901. HINIRANG NA GOBERNADOR SIBIL, 1902–1910 AT NAHALAL NA GOBERNADOR NG LAGUNA, 1915–1925; NAGING KINATAWAN NG LALAWIGAN NG MOUNTAIN PROVINCE, 1926–1931; MULING NAHALAL NA GOBERNADOR NG LAGUNA, 1932–1938; PANGALAWANG TAGAPANGULO NG BOARD OF PENSIONS FOR VETERANS, 1940. INSPEKTOR HENERAL NG PHILIPPINE VETERANS ADMINISTRATION, 1941. YUMAO 28 HUNYO 1951.

Jose Rizal National Monument (1913)*


NHCP Photo Collection, 2006

NHCP Resolution No. 5, s. 2013

NHCP Photo Collection, 2018

NHCP Photo Collection, 2018
Location: Roxas Boulevard, Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Structure, Monument
Status: Level I - National Monument
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text (English):
JOSE RIZAL NATIONAL MONUMENT 
(1913)

ACT NO. 243 GRANTED THE USE OF PUBLIC LAND IN LUNETA AS A SITE FOR THE JOSE RIZAL MONUMENT, 28 SEPTEMBER 1901. THE MONUMENT ENTITLED “MOTTO STELLA,” WAS THE ENTRY OF SWISS SCULPTOR RICHARD KISSLING TO THE INTERNATIONAL DESIGN CONTEST FOR THE RIZAL MONUMENT, 1905–1907. THE MONUMENT WAS CONSTRUCTED OF BRONZE AND GRANITE, 1912. THE REMAINS OF RIZAL WERE TRANSFERRED FROM BINONDO TO THE BASE OF THE MONUMENT, 30 DECEMBER 1912, UNVEILED, 30 DECEMBER 1913. DECLARED A NATIONAL MONUMENT, 15 APRIL 2013 AND NATIONAL CULTURAL TREASURE, 14 NOVEMBER 2013.

Marker text (Filipino):

ANG PAMBANSANG BANTAYOG NI JOSE RIZAL 
1913

INILAAN ANG ISANG PAMPUBLIKONG LUPA PARA SA PAGPAPATAYO NG BANTAYOG NI JOSE RIZAL SA LUNETA SA BISA NG BATAS BLG. 243, 28 SETYEMBRE 1901. DINISENYO ANG BANTAYOG NA MAY TITULONG “MOTTO STELLA” NI RICHARD KISSLING, ISANG SUWISO, BUNGA NG PANDAIGDIGANG PATIMPALAK PARA SA DISENYO NG BANTAYOG, 1905–1907. ITINAYO YARI SA TANSO AT GRANITE, 1912. INILIPAT SA TUNTUNGAN NITO ANG MGA LABI NI RIZAL MULA BINONDO, 30 DISYEMBRE 1912. PINASINAYAAN, 30 DISYEMBRE 1913. IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG BANTAYOG, 15 ABRIL 2013 AT PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN, 14 NOBYEMBRE 2013.

Candido Iban (1863-1897)

NHCP Photo Collection, 2013
Location: Malinao, Aklan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CANDIDO IBAN 
1863–1897

ISINILANG SA LILOAN, MALINAO, CAPIZ (NGAYO’Y BAHAGI NG LALAWIGAN NG AKLAN), OKTUBRE 1863. SUMAPI SA KATIPUNAN PAGBALIK SA MAYNILA MULA AUSTRALIA, 1895. KASAMA SI FRANCISCO DEL CASTILLO, ANG TULONG PINANSYAL NA IBINIGAY ANG NAGBIGAY DAAN UPANG MAKABILI ANG KATIPUNAN NG IMPRENTA PARA SA PAGPAPALIMBAG NG POLYETO AT NG KALAYAAN, ANG PAHAYAGAN NG KATIPUNAN. BUMALIK SA AKLAN UPANG IPALAGANAP ANG KATIPUNAN, 1896. IDINAKIP AT NAKULONG, MARSO 1897. KABILANG SA 19 REBOLUSYONARYO NG AKLAN NA HINATULAN NG KAMATAYAN DAHIL SA REBELYON. BINARIL SA KALIBO, 23 MARSO 1897.

University of the Philippines Manila Complex Historical Landmark*

Map of UP Manila Complex, 2013

Location: Taft Ave. corners Padre Faura and Pedro Gil Streets, Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Health and School facilities
Status: Level I - National Historical Landmark
Declaration year: 2013
Declared by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)

Protected buildings and structures including its settings:
  • Cancer Institute/ Radium Therapy
  • Old Dentistry Building
  • Hilario Lara Hall
  • Fernando Calderon Hall
  • Salcedo Hall
  • National Institute of Health 
  • Philippine General Hospital
  • Nurses' Home
  • Rizal Hall

Manila Science High School

NHCP Photo Collection, 2013

NHCP Photo Collection, 2013
Location: Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker, School
Status: Level II - Historical Marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MANILA SCIENCE HIGH SCHOOL

ANG PILOT SCIENCE HIGH SCHOOL SA BANSA. NAGSIMULA BILANG SPECIAL SCIENCE CLASS (SSC) SA KAMPUS NG MANILA HIGH SCHOOL (MHS), INTRAMUROS, MAYNILA NA KINABILANGAN NG MGA PILING MAG-AARAL NG UNANG ANTAS MULA SA MGA MATAAS NA PAARALANG PAMPUBLIKO NG MAYNILA, NOBYEMBRE 1959. GUMAMIT NG KURIKULUM NG BRONX HIGH SCHOOL OF SCIENCE NG NEW YORK SA PAMUMUNO NI AUGUSTO A. ALZONA, PUNONG-GURO NG MHS. HUMIWALAY ANG SSC MULA SA MHS SA BISA NG RESOLUSYON BLG. 426 NG KAPULUNGANG BAYAN NG MAYNILA, 18 HUNYO 1963. NAGING MANILA SCIENCE HIGH SCHOOL, OKTUBRE 1963. LUMIPAT SA GUSALING H.A. BORDNER, DAANG TAFT, MAYO 1967.

Macario L. Peralta Jr. 30 Hulyo 1913 – 30 Disyembre 1965

NHCP Photo Collection, 2013

NHCP Photo Collection, 2013
Location: Rustico Quimpo Street, Kalibo, Aklan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical Marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MACARIO L. PERALTA, JR. 
30 HULYO 1913 – 30 DISYEMBRE 1965

ISINILANG SA MAYNILA, 30 HULYO 1913. ABOGADO, PINILING MAGING LAANG KAWAL, 1936. ITINALAGANG KUMANDANTE NG 61ST PROVISIONAL REGIMENT NG USAFFE, 1941. HINDI ISINUKO ANG PANAY SA MGA HAPON AT PINAMUNUAN ANG HUKBONG USAFFE DITO, DAANBANWA, LAMBUNAO, ILOILO, 1 HUNYO 1942. ITINATAG ANG FREE PANAY GUERRILLA FORCES, INADLAWAN, DUEÑAS, ILOILO, 1 HULYO 1942. KINILALA NG MGA GERILYERO SA GITNANG PILIPINAS AT BIKOL BILANG PINUNO. NABAWI ANG ILOILO, 20 MARSO 1945. SENADOR, 1949–1955. KALIHIM NG TANGGULANG PAMBANSA, 1962–1965. YUMAO, 30 DISYEMBRE 1965.

Clemencia Castelo Lopez (1872–1963)


NHCP Photo Collection, 2013

NHCP Photo Collection, 2013

NHCP Photo Collection, 2013
Location: Balayan, Batangas
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CLEMENCIA CASTELO LOPEZ 
(1872–1963)

ISINILANG SA BALAYAN, BATANGAS, 23 NOBYEMBRE 1872. KASAMA ANG KAPATID NA SI SIXTO, NAGTUNGO SA ESTADOS UNIDOS BILANG PANAUHIN NG AMERICAN ANTI-IMPERIALIST LEAGUE, 1902–1903. NANAWAGAN KAY PANGULONG THEODORE ROOSEVELT PARA SA PAGPAPALAYA NG KANYANG MGA KAPATID AT PAGSALUNGAT SA HINDI MAKATARUNGANG PAGDAKIP SA MGA ITO, MARSO 1902. NAGBIGAY NG TESTIMONYA SA SENADO NG ESTADOS UNIDOS UPANG TUTULAN ANG PAGSAKOP SA PILIPINAS, 15 MARSO 1902. NAGTALUMPATI SA PULONG NG NEW ENGLAND WOMEN SUFFRAGE ASSOCIATION, 29 MAYO 1902. BUMALIK SA PILIPINAS, 1904. ISA SA MGA NANGUNA SA PAGTATAG NG ASOCIACION FEMINISTA FILIPINA, 30 HUNYO 1905. TAGAPAGTAGUYOD NG KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN SA PILIPINAS. YUMAO 4 HUNYO 1963.


Ang Simbahan ng Santa Ana

NHCP Photo Collection, 2020

NHCP Photo Collection, 2020
Location: Santa Ana, Pampanga
Category: Buildings/structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical Marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ANG SIMBAHAN NG SANTA ANA

ITINATAG NG MGA MISYONERONG AGUSTINO BILANG BISITA NG ARAYAT, 19 DISYEMBRE 1598. NAGING PAROKYA, 1756. ITINALAGA SI PADRE LORENZO GUERRA BILANG UNANG KURA, 1760. SINIMULANG IPATAYO NI PADRE VICENTE FERRER ANG MGA PANULUKANG BATO NG KASALUKUYANG SIMBAHAN, 1853; NATAPOS SA PANAHON NG PANUNUNGKULAN NI PADRE LUCAS GONZALES, 1857. GINAMIT NG MGA SUNDALONG HAPON ANG KUMBENTO NITO BILANG GARISON HABANG ANG PATIO NG SIMBAHAN AY NAGING LUGAR KUNG SAAN PINARUSAHAN ANG MARAMING GERILYA SA PAMAMAGITAN NG WATER CURE NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.

Quintin Paredes




Location: Bangued, Abra (Region I)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II: Historical marker
Marker date: 23 February 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
QUINTIN PAREDES
(1884–1973)

ISINILANG SA BANGUED, ABRA, 9 SETYEMBRE 1884. NAGTAPOS NG ABOGASYA, ESCUELA DE LEYES, MANILA 1906 AT PAGKADALUBHASA SA ABOGASYA, ESCUELA DE DERECHO, 1910. SOLISITOR HENERAL SA KAWANIHAN NG KATARUNGAN, 1917; ABOGADO HENERAL, 1918. KALIHIM NG KATARUNGAN, 1920–1921. KINATAWAN NG ABRA SA KONGRESO 1925–1927; 1928–1930, 1931–1934,AT 1934–1935. ISPIKER NG KONGRESO, 1933–1935. RESIDENTENG KOMISYONER NG PAMAHALAANG KOMONWELT SA ESTADOS UNIDOS, 1936–1938. NAHALAL BILANG SENADOR, 1941, 1949 AT 1955. NAGING PANGULO NG SENADO, MARSO–ABRIL 1952. YUMAO, 30 ENERO 1973.

Bradford Memorial Church*



NHCP File


Location: Cebu City, Cebu (Region VII)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level I- National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 4, s. 1984
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BRADFORD MEMORIAL CHURCH 
1913

NAGSIMULA BILANG CEBU MISSION STATION SA LUNGSOD NG CEBU NG MGA MISYONERONG PRESBITERO SA PANGUNGUNA NI PAUL FREDERIC JANSEN UPANG IPALAGANAP ANG PROTESTANTISMO SA LALAWIGAN NG CEBU, 1902. SA PAGTATAGUYOD NG MAYBAHAY NI DWIGHT H. DAY, IPINATAYO ANG GUSALING ITO, 1912 AT ITINALAGA, 26 OKTUBRE 1913, BILANG ALAALA SA INANG SI MATILDA R.L. BRADFORD NG FIFTH AVENUE PRESBYTERIAN CHURCH, NEW YORK CITY. NAGING BAHAGI ANG BRADFORD MEMORIAL CHURCH NG UNITED CHURCH OF CHRIST IN THE PHILIPPINES SIMULA 1948.

National Defense College of the Philippines

Unveiling of the historical marker, 2013

Unveiling of the historical marker, 2013

Unveiling of the historical marker, 2013
Location: DND Compound, Quezon City
Category: Association/Institution/Organization
Type: School
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
NATIONAL DEFENSE COLLEGE OF THE PHILIPPINES

SA MITHIING BUMUO NG MATIBAY NA SAMAHAN AT KOOPERASYON MULA SA MGA MILITAR AT SIBILYAN SA PAG-AARAL NG PAMBANSANG KATIWASAYAN, ITINATAG ANG NATIONAL DEFENSE COLLEGE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES SA BISA NG ATAS TAGAPAGPAGANAP BILANG 44 NI DATING PANGULONG DIOSDADO MACAPAGAL, 12 AGOSTO 1963. NAGBUKAS NG UNANG KLASE, 15 PEBRERO 1966. NAGING NATIONAL DEFENSE COLLEGE OF THE PHILIPPINES MATAPOS LAGDAAN NI DATING PANGULONG FERDINAND MARCOS ANG ATAS NG PANGULO BILANG 190, 13 MAYO 1974. NAPASAILALIM SA PANGANGASIWA NG KALIHIM NG TANGGULANG PAMBANSA SA PAMAMAGITAN NG ATAS NG PANGULO BILANG 452, 13 MAYO 1974.

Labanan sa Malinta 26 Marso 1899



Location: Maysan Road, Valenzuela, Metro Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 22, 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LABANAN SA MALINTA
26 MARSO 1899

NAGANAP ANG SAGUPAAN NG MGA SUNDALONG PILIPINO AT AMERIKANO HINDI KALAYUAN SA SIMBAHAN NG MALINTA, KUNG SAAN NAPASLANG ANG ILANG KAWAL NG 22ND U.S. INFANTRY KABILANG SI COL. HARRY C. EGBERT, 26 MARSO 1899. BAGAMAN NADEPENSAHAN NG MGA PILIPINO SA UNANG BAHAGI ANG KANILANG POSISYON SA MALINTA, KALAUNA’Y NAPILITAN SILANG UMATRAS PAHILAGA SA PAGLUSOB NG DAGDAG NA KAWAL NG PUWERSANG AMERIKANO.

Labanan sa Macabebe



Location: Macabebe, Pampanga
Category: Sites/Events
Type: Battle site 
Status: Level II - Historical marker  
Marker date: 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LABANAN SA MACABEBE

SINALAKAY NG MGA REBOLUSYONARYO SA PAMUMUNO NI HEN. ISIDORO TORRES ANG UMATRAS NA PUWERSANG ESPANYOL SA MACABEBE, 25 HUNYO 1898. NAKUHA ANG ARTILERIYA NG MGA ESPANYOL, 28 HUNYO 1898.

Pagdakip kay Heneral Ananias Diokno




Location: Brgy. Dalipdip, Altavas, Aklan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 30 August 2013
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PAGDAKIP KAY HENERAL ANANIAS DIOKNO

DITO SA ALTAVAS SA AKLAN (DATI’Y JIMENO AT NOO’Y BAHAGI NG CAPIZ) DINAKIP SI ANANIAS DIOKNO NG MGA AMERIKANO, 1901. KILALA SA TAGURING “HENERAL PANDAGAT,” NAMUNO SA HUKBONG EKSPEDISYON NG PANAY, AGOSTO 1898; MATAGUMPAY NA NAKIPAGLABAN SA MGA ESPANYOL SA PULO NG PANAY. ITINALAGANG GOBERNADOR POLITIKO-MILITAR NG CAPIZ AT LUMAHOK SA PAKIKIPAGLABAN NG MGA GERILYA SA DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO, 1899.