Showing posts with label 1989. Show all posts
Showing posts with label 1989. Show all posts

President Osmeña Highway

Location: Quirino Avenue and South Superhighway, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 19 October 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PRESIDENT OSMEÑA HIGHWAY

SA BISA NG BATAS REPUBLIKA BILANG 6760 NA MAY PETSANG SETYEMBRE 25, 1989, ANG LANSANGANG BAYANG ITO AY PINANGALANANG PRESIDENT SERGIO OSMEÑA HIGHWAY.

Juan Cailles (1871-1951)

Location: Amaya Elementary School, Amaya Road, Tanza, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: January 26, 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JUAN CAILLES 
(1871–1951)

MAKABAYAN, REBOLUSYONARYO. ISINILANG SA NASUGBU, BATANGAS, 10 NOBYEMBRE 1871. NAGKAMIT NG TEACHER’S DIPLOMA, PAARALANG NORMAL NG MGA HESWITA, 1890. NAGTURO SA BARYO AMAYA, TANZA, CAVITE HANGGANG SA PAGSIKLAB NG HIMAGSIKANG FILIPINO, 1896. UMANIB SA HUKBO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO AT NAGING BRIGADYER HENERAL, 1897. ISA SA MGA LUMAGDA SA PAGPAPAHAYAG NG KALAYAAN NG PILIPINAS, 12 HUNYO 1898. ITINALAGA SA LAGUNA, 1899. TINALO ANG MGA AMERIKANO SA LABANAN NG MABITAC, 17 SETYEMBRE 1900. SUMUKO SA MGA AMERIKANO, 24 HUNYO 1901. HINIRANG NA GOBERNADOR SIBIL, 1902–1910 AT NAHALAL NA GOBERNADOR NG LAGUNA, 1915–1925; NAGING KINATAWAN NG LALAWIGAN NG MOUNTAIN PROVINCE, 1926–1931; MULING NAHALAL NA GOBERNADOR NG LAGUNA, 1932–1938; PANGALAWANG TAGAPANGULO NG BOARD OF PENSIONS FOR VETERANS, 1940. INSPEKTOR HENERAL NG PHILIPPINE VETERANS ADMINISTRATION, 1941. YUMAO 28 HUNYO 1951.

Enriqueta de Peralta (1882–1940)

Photo courtesy of the Municipality of Dingras, 2022
Location: Doña Josefa Llanes Escoda National Highway cor. Peralta Street, Brgy. Albano, Dingras, Ilocos Norte
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: January 14, 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ENRIQUETA DE PERALTA 
(1882–1940)

MAKATA NG ILOKANDIA, LIDER AT MANGGAGAWANG PANLIPUNAN, IPINANGANAK HUNYO 15, 1882 SA DINGRAS, ILOKOS NORTE. KALIHIM, DINGRAS WOMEN’S CLUB, 1918; TAGASIYASAT, RURAL CREDIT ASSOCIATION NG NORTHERN LUZON, 1919; KINATAWAN, INFANT MORTALITY CONFERENCE SA MAYNILA, 1920. PANGALAWANG PANGULO, ILOKOS NORTE WOMEN’S CLUB, 1922; TAGAPAGTATAG, PUERICULTURE CENTERS NG NORTHERN LUZON AT PANGULO, PROVINCIAL WOMEN’S CLUB OF ILOKOS NORTE, 1923–1938; NAGHARAP SA PAMBANSANG KUMBENSIYON NG WOMEN’S CLUB NG PANUKULANG MAGKAROON NG ARAW NG MGA INA AT KASAMANG NAGTAGUYOD SA LEHISLATURA NG KARAPATAN NG KABABAIHAN SA PAGBOTO. NAMATAY NOONG ABRIL 29, 1940.

Ramon Magsaysay (1907-1957)

NHCP Photo Collection, 2011
Location: Magsaysay Avenue, Iba, Zambales
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
RAMON MAGSAYSAY
(1907–1957)

‘IDOLO NG MASA.’ KILALA SA TAWAG NA ‘THE GUY.’ ISINILANG NOONG AGOSTO 31, 1907 SA IBA, ZAMBALES. NAGKAMIT NG BSC, JOSE RIZAL COLLEGE, MANDALUYONG, RIZAL. PANGKALAHATANG PUNO, ZAMBALES MILITARY DISTRICT, 1942; PANGHUKBONG PUNONG-LALAWIGAN NG ZAMBALES AT ITINAAS SA PAGKA-MEDYOR NI HENERAL DOUGLAS MACARTHUR, 1945; KINATAWAN, 1946–1950; PANGULO NG PILIPINAS, 1953–1957, ISA SA MGA NAGSIKAP UPANG MAPAGTIBAY ANG ROGERS BILL PARA SA MGA BETERANONG FILIPINO AT NAGDALA NITO SA PILIPINAS MULA SA E.U. SUMUPIL NG MGA HUKBALAHAP. NAGTATAG NG PRESIDENT’S ACTION COMMITTEE (PCAC), NATIONAL REHABILITATION AND RESETTLEMENT ADMINISTRATION (NARRA), NATIONAL MARKETING CORPORATION (NAMARCO), AT LAND TENURE ADMINISTRATION (LTA). NAMATAY NOONG MARSO 17, 1957.

Eugenio López (1901-1975)

Contributed by Kjerrymer Andres
Location: Benpres Building, Ortigas, Pasig City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
EUGENIO LÓPEZ 
1901-1975

ISA SA MGA PIONEERING ENTREPRENEURS, MAKABAYAN, LIDER SIBIKO, PILANTROPO. IPINANGANAK NOONG HULYO 20, 1901 SA JARO, ILOILO. NAG-ARAL SA ATENEO; BATSILYER SA BATAS, U.P.; NAGSAGAWA NG IBAYONG PAG-AARAL SA BATAS, HARVARD, MULING ITINATAG ANG EL TIEMPO AT ILOILO TIMES UPANG LABANAN ANG KATIWALIAN. ITINATAG, BUKOD SA IBA PA, ANG ILOILO SHIPPING PANAY AUTOBUS, ILOILO NEGROS AIR EXPRESS, FAR EAST AIR TRANSPORT, PHILIPPINE PORTLAND CEMENT, CHRONICLE BROADCASTING NETWORK, BENPRES CORPORATION, EUGENIO LOPEZ FOUNDATION AT LOPEZ MUSEUM. NATAMO ANG MANILA CHRONICLE, ALTO BROADCASTING SYSTEM, BINALBAGAN-ISABELA SUGAR COMPANY, PAMPANGA SUGAR MILLS, PHILIPPINE TELEPHONE AND TELEGRAPH COMPANY, AT ANG MANILA ELECTRIC COMPANY NA KANYANG NATAMO BUHAT SA MGA AMERIKANO SA PAMAMAGITAN NG MERALCO SECURITIES CORPORATION NA KANYANG ITINATAG, NGAYO’Y FIRST PHILIPPINE HOLDINGS CORPORATION. TUMANGGAP NG MGA GAWAD NA ‘BUSINESSMAN OF THE YEAR AWARD’; OUTSTANDING AND DISTINGUISHED ALUMNUS AT DOCTOR OF LAWS, HONORIS CAUSA, U.P.; PRESIDENTIAL AWARD MERIT FOR ECONOMIC LEADERASHIP; DISTINGUISHED SERVICE AWARD, HARVARD. NAMATAY NOONG HULYO 6, 1975, SAN FRANCISCO, CALIFORNIA.

Simbahan ng San Carlos

© Ramon FVelasquez/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0

© Ramon FVelasquez/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
Location: San Carlos, Pangasinan
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Date of marker unveiling: 8 August 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG SAN CARLOS

ANG SIMBAHANG GAWA SA LADRILLO AY SINIMULANG ITATAG NOONG 1770 SA PAMAMAHALA NI P. AUSINA, SA POOK NA ITO KUNG SAAN INILIPAT ANG KABAYANANG BINALATONGAN, NA PINANGALANANG SAN CARLOS NOONG 1764. PINAKAMALAKING SIMBAHAN SA PILIPINAS SA PANAHONG IYON. NAPINSALA NG LINDOL NOONG 1789, 1796 AT 1799. ANG PAGTATAYO NG KAMPANARYO AT PAGSASAGAWA NG MGA PAGBABAGO AY PINAMAHALAAN NI PADRE ALVAREZ CARROZAL, 1878–1890.

Miguel Zaragoza y Aranquizna (1847-1923)

NHCP Photo Collection, 2020

NHCP Photo Collection, 2020

Location: F.R. Hidalgo Street, Quiapo, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MIGUEL ZARAGOZA Y ARANQUIZNA (1847–1923)

PINTOR, MANUNULAT, MAMBABATAS AT MAKABAYAN. IPINANGANAK SA SAN ISIDRO, NUEVA ECIJA NOONG SETYEMBRE 29, 1847. NAG-ARAL SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA AT ACADEMIA DE DIBUJO Y PINTURA, 1859. ISA SA MGA PENSYONADO NG PAMAHALAAN SA LARANGAN NG SINING NA PINAG-ARAL SA ACADEMIA DE SAN FERNANDO, MADRID, ESPANYA, 1879 AT SA ROMA, 1882. SUMAPI SA KILUSANG PROPAGANDA SA ROMA AT BUMALIK SA ESPANYA, 1885. UMUWI SA PILIPINAS AT MULING BINUHAY ANG MAGASING, LA ILUSTRACION FILIPINA, 1891. ILAN SA KANYANG MGA PINTURA: A ROMAN LABORER; THE DEATH OF ST. FRANCIS XAVIER AT ST. PETER CHAVEZ; HIGHWAY MEN; AT ‘EL VIOLENCELLISTA.’ ANG DALAWA SA LABINGDALAWA NIYANG LAHOK AY NAGWAGI NG GINTO AT PILAK NA MEDALYA SA EKSPOSISYON SA ST. LOUIS, 1904. NAGING PROPESOR: ATENEO MUNICIPAL, 1891; ESCUELA SUPERIOR DE PINTURA, ESCULTURO Y GRABADO, 1893; LICEO DE MANILA, 1900; AT ISA SA UNANG TATLONG PROPESOR NG U.P. SCHOOL OF FINE ARTS, 1909. NAHIRANG NA KAGAWAD SA KONGRESO NG MALOLOS, 1898 AT ISA SA LUMAGDA NG SALIGANG BATAS NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS. NAMATAY NOONG MARSO, 1923.

Manuel Acuña Roxas - Roxas Boulevard

NHCP Photo Collection, 2014

NHCP Photo Collection, 2014

Location: Roxas Boulevard cor. Pedro Gil Street, Malate, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical Marker
Marker date: 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MANUEL ACUÑA ROXAS
(1892–1948)

ORADOR. ESTADISTA, EKONOMISTA, AT MAKABAYAN. IPINANGANAK SA CAPIZ (NGAYO’Y ROXAS CITY), CAPIZ, ENERO 1, 1892. NAGTAPOS NG SEKONDARYANG EDUKASYON, MANILA HIGH SCHOOL, 1910; BATSILYER SA BATAS, PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1913. GOBERNADOR, 1919, AT KINATAWAN NG CAPIZ SA LEHISLATURA, 1922; DELEGADO NG KUMBENSTON KONSTITUSYONAL, 1935: KALIHIM NG PANANALAPI, 1938; SENADOR, 1941. NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, NAGING MEDYOR, 1941; AT BRIGADYER HENERAL, 1945, NG HUKBONG KATIHAN NG PILIPINAS. SENADOR, 1945–1946; PANGULO NG PILIPINAS, 1946–1948. NAMATAY ABRIL 15, 1948.

Casas Consistoriales (Ayuntamiento)




Location: Bureau of Treasury, Cabildo Street cor. A. Soriano Avenue, Intramuros, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Government Building
Status: Level II: Historical marker
Marker date: 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CASAS CONSISTORIALES 
(AYUNTAMIENTO)

IPINATAYONG TAHANAN NG CABILDO AT IBA PANG PINUNO NG PAMAHALAAN NG LUNGSOD NG MAYNILA. INILAGAY ANG PANUKULANG BATO, 1735; NATAPOS, 1738. NASIRA NG LINDOL, 1863; MULING IPINATAYO, 1879. NAGING LUKLUKAN NG PAMAHALAANG KOLONYAL NA KASTILA AT AMERIKANO AT NG UNANG ASAMBLEA NG PILIPINAS. SA SALÓN DE MARMOL NG GUSALING ITO PINASINAYAAN SI SERGIO OSMEÑA BILANG ISPIKER NOONG OKTUBRE 16, 1907, KATUNGKULANG KANYANG HINAWAKAN HANGGANG 1922. NASIRA NANG BOMBAHIN NG HUKBONG HAPON AT AMERIKANO NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.

Heneral Jose Ignacio Paua - Heneral na Tsino sa Himagsikang Pilipino



Location: Legazpi City, Albay (Region V)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker

Marker date: July 12, 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HENERAL JOSE IGNACIO PAUA 
HENERAL NA TSINO SA HIMAGSIKANG PILIPINO

IPINANGANAK SA NAYON NG LAONA, LAMMUA, FOOKIEN, TSINA NOONG ABRIL 29, 1872. DUMATING SA PILIPINAS NOONG 1890. LUMAHOK SA HIMAGSIKANG PILIPINO. INATASAN NI HENERAL EMILIO AGUINALDO SA PAGTATATAG AT PAMAMAHALA NG ISANG ARSENAL AT PAGAWAAN NG ARMAS SA IMUS. BUONG GITING NA NAKIPAGLABAN SA IBA’T IBANG LABANAN SA CAVITE, BULACAN, PAMPANGA, PANGASINAN AT TARLAC. TANGING TSINO NA LUMAGDA SA KONSTITUSYON NG BIYAK-NA-BATO, 1897. ITINALAGANG MANGILAK NG PONDO SA KABIKULAN NOONG DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO. NAKULONG SA KUTANG SANTIAGO. PINALAYA NOONG HUNYO 21, 1900. NANIRAHAN SA MANITO, ALBAY, KUNG SAAN NAHALAL BILANG PRESIDENTE MUNICIPAL. NAMATAY NOONG MAYO 24, 1926.

Mapua Institute of Technology





Location: Mapúa University, Tomas Mapua Hall, Muralla Street, Intramuros, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 21 December 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (Filipino):
TOMAS MAPUA
(1888-1965)

EDUKADOR AT KAUNA-UNAHANG REHISTRADONG ARKITEKTO. IPINANGANAK SA MAYNILA, DISYEMBRE 21, 1888. NAG-ARAL SA ATENEO DE MANILA AT LICEO DE MANILA. NAGTAPOS SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA BOONES PREPARATORY SCHOOL SA BERKELEY, CALIFORNIA, 1907. NAGKAMIT NG TITULONG BATSILYER SA ARKITEKTURA, CORNELL UNIVERSITY, 1911. NAGSIMULA BILANG DRAFTSMAN, 1912-1913 AT PAGKARAAN NAGING TAGAPAMAHALANG ARKITEKTO, 1917-1928 SA KAWANIHAN NG GAWAING BAYAN. NAMAHALA SA PAGPAPATAYO NG ILANG GUSALING PAMPAMAHALAAN. NAGTATAG NG MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY, ENERO 1925. KA-TAGAPAGTATAG AT ISA SA MGA NAGING PANGULO NG PHILIPPINE INSTITUTE OF ARCHITECTS. ISA RIN SA MGA KONSEHAL NG MAYNILA. TUMANGGAP NG GINTONG MEDALYA BILANG PAPURI AT KATIBAYAN SA PARANGAL MULA SA PHILIPPINE INSTITUTE OF ARCHITECTS AT PARANGAL PANGKALINANGAN SA ARKITEKTURA NG LUNGSOD NG MAYNILA, 1964. NAMATAY, DISYEMBRE 22, 1965.

Marker text (English):
TOMAS MAPUA
(1888-1965)

EDUCATOR AND FIRST REGISTRERED ARCHITECT. BORN IN MANILA, DISYEMBRE 21, 1888. STUDIED IN ATENEO DE MANILA AND LICEO DE MANILA. COMPLETED SECONDARY EDUCATION AT BOONES PREPARATORY SCHOOL IN BERKELEY, CALIFORNIA, 1907. OBTAINED DEGREE OF BACHELOR IN ARCHITECTURE, CORNELL UNIVERSITY, 1911. STARTED AS DRAFTSMAN, 1912-1913 AND THEN BECAME SUPERVISING ARCHITECT, 1917-1928 AT BUREAU OF PUBLIC WORKS. SUPERVISED CONSTRUCTION OF SEVERAL GOVERNMENT BUILDINGS, ESTABLISHED MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY, ENERO 1925. CO-FOUNDER AND ONE OF THE PRESIDENTS OF THE PHILIPPINE INSTITUTE OF ARCHITECTS. ALSO ONE OF THE FIRST COUNCILORS OF MANILA AWARDED A GOLD MEDAL OF HONOR AND A CERTIFICATE OF RECOGNITION BY THE PHILIPPINE INSTITUTE OF ARCHITECTS AND CULTURAL AWARD IN ARCHITECTURE BY THE CITY OF MANILA, 1964. DIED, DISYEMBRE 22, 1965.

Ang Pagpapalaya ng Maynila



Location: Postigo St., Intramuros, Manila (Region NCR)
Category: Sites/Events
Type: Site of an Important Event
Status: Level II - Historical marker
Marker dte: February 3, 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG PAGPAPALAYA NG MAYNILA

ANG PAGLUNSAD NG HUKBONG AMERIKANO SA LINGAYEN ENERO 3, 1945 ANG SIMULA NG PAGLAYA NG MAYNILA AT MGA KARATIG POOK SA GITNANG LUZON. PINANGUNAHAN NG IKA-37 IMPANTERIYA NA PINALAKAS NG UNANG KABALYARIA AT MGA GERILYANG PILIPINO ANG PAGSALAKAY SA MAYNILA NOONG PEBRERO 3, 1945. ANG MADUGONG LABANANG NAGANAP AY NAGING SANHI NG PAGKAMATAY NG LIBU-LIBONG MAMAMAYAN AT PAGKASIRA NG MARAMING GUSALI SA INTRAMUROS AT SA IBANG PANIG NG LUNSOD.

Ang Casa Real



Location: Dapitan, Zamboanga del Norte
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG CASA REAL

ITO ANG POOK NA KINATATAYUAN NG CASA REAL, ANG OPISYAL NA TAHANAN AT GUSALING PAMPANGASIWAAN NG GOBERNADOR PULITIKO-MILITAR NG PUROK. DITO NANAHANAN SI JOSE RIZAL BILANG TAPON MULA NOONG 17 HULYO 1892 HANGANG MARSO 1893 NANG ILIPAT SIYA SA TALISAY, NA NGAYO’Y DAPITAN RIZAL SHRINE.

CASA REAL

THIS IS THE SITE OF THE CASA REAL, OFFICIAL RESIDENCE AND ADMINISTRATION BUILDING OF THE POLITICO-MILITARY GOVERNOR OF THE DISTRICT. HERE, JOSE RIZAL LIVED AS AN EXILE FROM JULY 17, 1892 TO MARCH, 1893 WHEN HE WAS TRANSFERRED TO TALISAY, NOW THE RIZAL DAPITAN SHRINE.

Saint James Church


Location: St. James Church, Dapitan, Zamboanga Del Norte
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (Filipino and English):

SA POOK NA ITO NG SIMBAHAN NG SAN JAIME NA IPINAGAWA NG MGA HESWITA NOONG 1871, TUMAYO SI JOSE RIZAL TUWING LINNGO UPANG MAKINIG NG MISA SA BUONG PANAHON NG KANYANG PAGKAPATAPON SA DAPITAN, 1892–1896.

ON THIS SPOT OF SAINT JAMES CHURCH CONSTRUCTED BY THE JESUITS IN 1871, JOSE RIZAL STOOD WHILE HEARING MASS EVERY SUNDAY DURING HIS EXILE IN DAPITAN IN 1892–1896.

Dito Lumusad si Rizal





Location: Sunset Boulevard, Dapitan, Zamboanga del Norte
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI) 
Marker text:
DITO LUMUNSAD SI RIZAL

SA DALAMPASIGANG ITO NG STA. CRUZ, LUMUNSAD SI JOSE RIZAL NOONG IKA-7 NG GABI, IKA-17 NG HULYO, 1892 UPANG SIMULAN ANG BUHAY-TAPON SA DAPITAN. KASAMA NI KAPITAN DELGRAS ANG TATLONG KAWAL NG ARTILYERYA AY NAGLAKAD SINA RIZAL SA DAANG PATUNGO SA CASA REAL. DITO SIYA IPINAKILALA KAY DON RICARDO CARNICERO, ANG KASTILANG GOBERNADOR MILITAR NG PUROK.

SITE WHERE RIZAL LANDED

ON THIS BEACH OF STA. CRUZ, JOSE RIZAL LANDED AT 7:00 O’CLOCK PM ON JULY 17, 1892 TO BEGIN THE LIFE AN EXILE IN DAPITAN. WITH CAPTAIN DELGRAS AND THREE ARTILLERY MEN, THEY WALKED THROUGH STA. CRUZ STREET WITH A “FAROL DE COMBATE” TO THE CASA REAL WHERE HE WAS PRESENTED TO DON RICARDO CARNICERO, SPANISH MILITARY GOVERNOR OF THE DISTRICT.

Church of Tumauini*



Location: Tumauini (Region II)
Category: Building
Type: House of Worship
Status: 
Level I- National Historical Landmark
Marker date:1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (Filipino):
ANG SIMBAHAN NG TUMAUINI

UNANG IPINATAYONG YARI SA KAHOY NI PADRE FRANCISCO NUÑEZ, O.P., AT INIALAY SA PATRONATO NI SAN MATIAS, 1702. NAHIWALAY SA CABAGAN AT NAGING ISANG GANAP NA BAYAN, 1751. ANG SIMBAHANG BATO NA MAY PABILOG NA KAMPANARYO, ANG KAISA-ISANG URI NITO SA PILIPINAS AY IPINATAYO NI PADRE DOMINGO FORTO, 1783 AT GANAP NA NATAPOS 1805. NAGING KABISERA NG ISABELA SA LOOB NA MAIKLING PANAHON, 1880’S. BAHAGYANG NASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT IPINAAYOS NG MGA TAPAT NA MANANAMPALATAYA NG TUMAUINI.

SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, AGOSTO 1, 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSAN BILANG 375, 14 ENERO 1974, AT BILANG 1505, HUNYO 11, 1978. ANG SIMBAHANG ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN, 24 PEBRERO 1989.

Marker text (English):
CHURCH OF TUMAUINI

FIRST BUILT OF LIGHT MATERIALS BY FRAY FRANCISCO NUÑEZ, O.P. AND DEDICATED TO THE PATRON SAINT SAN MATIAS, 1707. SEPARATED FROM CABAGAN AND BECAME A REGULAR PARISH, 1751. THE CHURCH OF STONE WITH A UNIQUE CYLINDRICAL BELL TOWER, THE ONLY OF ITS KIND IN THE PHILIPPINES WAS CONSTRUCTED BY FATHER DOMINGO FORTO, 1783 AND COMPLETED, 1805. BECAME THE CAPITAL OF ISABELA FOR SOMETIME IN 1880’S. PARTLY DAMAGED DURING WORLD WAR II AND REPAIRED INTO ITS ORIGINAL FORM BY THE FAITHFUL OF TUMAUINI.

BY VIRTUE OF PRESIDENTIAL DECREE NO. 260, 1 AUGUST 1973, AS AMENDED BY EXECUTIVE ORDER NOS. 375, 14 JANUARY 1974, AND NO. 1505, 11 JUNE 1976. THIS CHURCH WAS DECLARED A NATIONAL HISTORICAL LANDMARK, 24 FEBRUARY 1989.

Simbahan ng Dumangas*

NHCP Photo Collection
Photo contributed by Vincent Valencia
Location: Dumangas, Iloilo (Region VI)
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: 
Level I- National Historical Landmark
Marker date: August 28, 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG DUMANGAS

IPINATAYONG KASAMA ANG KUMBENTO NI PADRE MARTIN DE RADA, O.S.A.,1572 SA PATRONATO NI SAN AGUSTIN, NASUNOG, 1628; MULING IPINATAYO NGUNIT NASIRA NG LINDOL, 1787; PAMULING IPINATAYO MAY GOTHIC AT BYZANTINE ORDER NI PADRE FERNANDO LLORENTE, 1887 AT GANAP NA NATAPOS NOONG PANAHON NG PANUNUNGKULAN NI PADRE RAFAEL MURILLO, 1896. SA LUMANG SIMBAHAN SINIMULAN NG PAMBANSANG SURIANG 'PANGKASAYSAYAN ANG PAGPAPAAYOS NG DATI'Y PINAKA-ARTISTIKONG SIMBAHAN SA BUONG PANAY. SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260,1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSAN BILANG 375,14 ENERO 1974, AT BILANG 1505, 11 HUNYO 1978, ANG SIMBAHANG ITO AY IPINAHAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN, MAYO 1983.         

Ang Kapilya ng Ermita*

NHCP Photo Collection, 2009
NHCP Photo Collection
Location: Barangay Ermita, Dumangas, Iloilo
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: 
Level I- National Historical Landmark
Marker date: August 26, 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG KAPILYA NG ERMITA

SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSAN BILANG 375,14 ENERO 1974, AT BILANG 1505, 11 HUNYO 1978, ANG KAPILYANG ITO AY IPINAHAYAG NG PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN.

Capas Concentration Camp National Shrine*

NHCP Photo Collection




Location: Barangay O’Donnell, Capas, Tarlac (Region III)
Category: Sites/Events
Type: Memorial
Status: Level I- National Shrine
Legal basis: Resolution No. 1, s. 1989
Marker date: 2002
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CAPAS CONCENTRATION CAMP

ITINATAG NOONG 1940 BILANG CAMP O’DONNELL. NAGSILBING BILANGGUAN NG MAHIGIT NA 40,000 KAWAL PILIPINO AT 9,000 KAWAL AMERIKANO NA BIHAG NG DIGMA NA DUMANAS NG DEATH MARCH. HUMIGIT-KUMULANG SA 30,000 ANG NAMATAY SA KAMPONG ITO SANHI NG SAKIT AT IBAYONG PAHIRAP MULA ABRIL HANGGANG HUNYO 1942. INILIBING SA IISANG HUKAY ANG MGA NASAWING BAYANI. NAKILALA SA PANGALANG CAPAS CONCENTRATION CAMP. NAGING BAHAGI NG CLARK AIR BASE MILITARY RESERVATION MAKARAAN ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IBINALIK SA REPUBLIKA NG PILIPINAS 9 ABRIL 1982. IPINAHAYAG NA ISANG PAMBANSANG DAMBANA 9 OKTUBRE 1991.