Showing posts with label 2010. Show all posts
Showing posts with label 2010. Show all posts

International Rice Research Institute

© Ryomaandres/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Ryomaandres/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: International Rice Research Institute, Pili Drive, Los Baños, Laguna
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 14, 2010
Marker text (Filipino):
INTERNATIONAL RICE RESEARCH INSTITUTE

NAITATAG MULA SA PAGTUTULUNGAN NG FORD AT ROCKEFELLER FOUNDATION AT NG PAMAHALAAN NG PILIPINAS UPANG MAGLUNSAD NG MALAWAKANG PANANALIKSIK AT PAGPAPAUNLAD NG MAKABAGONG PAMAMARAAN SA PRODUKSYON NG PALAY, 1960. DR. ROBERT F. CHANDLER, JR., UNANG DIREKTOR HENERAL, 1960–1971. KABALIKAT SA PAGLULUNSAD NG GREEN REVOLUTION SA ASYA. MATAGUMPAY NA NAKAPAGLIKHA NG BAGONG URI NG PALAY, IR8 O MIRACLE RICE, NA NAKAPAGPATAAS NG PRODUKSYON NG PALAY SA PILIPINAS, 29 NOBYEMBRE 1966. PANDAIGDIGANG SENTRO NG PAG-AARAL SA AGHAM NG PAGTATANIM NG PALAY.

Marker text (English):
INTERNATIONAL RICE RESEARCH INSTITUTE

ESTABLISHED THROUGH THE COOPERATION OF FORD AND ROCKEFELLER FOUNDATIONS AND THE PHILIPPINE GOVERNMENT TO LAUNCH AN INTENSIVE RESEARCH AND DEVELOPMENT FOR NEW METHODS OF RICE PRODUCTION, 1960. DR. ROBERT F. CHANDLER, FIRST DIRECTOR GENERAL, 1960–1971. PLAYED A MAJOR ROLE IN INITIATING THE GREEN REVOLUTION IN ASIA. SUCCESSFULLY BRED A NEW TYPE OF RICE, IR 8 OR MIRACLE RICE THAT IMPROVED THE PRODUCTION OF RICE IN THE PHILIPPINES, 29 NOVEMBER 1966. IT IS A MAJOR WORLD CENTER OF SCIENTIFIC RESEARCH ON RICE.

College of Agriculture

Location: University of the Philippines Los Baños, Pedro R. Sandoval Avenue cor. Harold Cuzner Royal Palm Avenue, Los Baños, Laguna
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
COLLEGE OF AGRICULTURE

ITINATAG UPANG MAGSAGAWA NG PANANALIKSIK AT PAG-AARAL SA AGRIKULTURA, 6 MARSO 1909. BINUKSAN SA MGA MAG-AARAL, 14 HUNYO 1909. DR. EDWIN B. COPELAND, UNANG DEKANO 1909–1917. ITINAYO ANG PANGUNAHING GUSALI, 21 MAYO 1911. ITINANGHAL NA PANGUNAHING KOLEHIYO NG AGRIKULTURANG TROPIKAL SA PILIPINAS NG UNIVERSITY OF ILLINOIS, 1923. BIENVENIDO MA. GONZALEZ, UNANG FILIPINONG DEKANO 1927–1939. NAGSILBING HIMPILAN NG MGA HAPON, 1941, AT NAGING PIITAN NG MGA BANYAGANG BIHAG. MULING NAGBUKAS, 25 HULYO 1946. NAGING BAHAGI NG BAGONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS LOS BAÑOS SA BISA NG P.D. NO. 58, 20 NOBYEMBRE 1972. GINAWARAN NG RAMON MAGSAYSAY AWARD, 1977. NAGING SENTRO NG KARUNUNGANG PANG-AGRIKULTURA SA ASYA.

Labanan sa Sta. Cruz, Laguna

Location: M. H. del Pilar Street, Santa Cruz, Laguna
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LABANAN SA STA. CRUZ, LAGUNA

SA POOK NA ITO NAKIPAGLABAN ANG MGA GERILYANG WHA-CHI (PHILIPPINE-CHINESE ANTI JAPANESE GUERILLA FORCE) SA MGA PUWERSANG HAPON UPANG MAPALAYA ANG BAYAN NG STA. CRUZ, LAGUNA, 26 ENERO 1945. SA TULONG NG MGA GERILYANG HUKBALAHAP AT HUNTERS ROTC, MATAGUMPAY NA NAKUBKOB ANG SIMBAHANG PINAGKUKUTAAN NG MGA HAPON. SA LABANANG ITO LUBOS NA NAKILALA ANG MGA GERILYANG WHA-CHI SA KANILANG TAPANG SA PAKIKIPAGLABAN NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.

Ang Bayan ng Solsona

Location: Solsona North Central Elementary School, Solsona, Ilocos Norte
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: January 29, 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ANG BAYAN NG SOLSONA

UNANG KILALA BILANG BAYAN NG SANTIAGO. NAGING BAYAN NG SOLSONA KAPALIT ANG SANTIAGO (NA NAGING BARYO), 1855, PAGKARAANG LUMIKAS ANG MGA NASALANTA NG BAHA. DITO DUMAAN SI HEN. MANUEL TINIO AT ANG KANYANG PANGKAT UPANG IWASAN ANG MGA AMERIKANO, DISYEMBRE 1899. ISINAMA SA BAYAN NG DINGRAS NOONG PANAHON NG AMERIKANO, 1903–1909. NASIRA NG BAHA ANG MALAKING BAHAGI NITO, 1904. NAGING NAGSASARILING BAYAN, 1 ENERO 1910. MULING BINAHA, 1913 AT 1914. NAGING PAROKYA SA ILALIM NG PATRONATO NI ST. JAMES THE GREATER, 1933. DITO MATAGUMPAY NA TINAMBANGAN NG GERILYANG ALBAN-MADAMBA ANG PANGKAT NG MGA HAPON, NOBYEMBRE, 1942. NAGKAROON NG ELEKTRISIDAD, 1970. BINUKSAN ANG TULAY NG SOLSONA DINGRAS, 1977.

Corazon C. Aquino (1933–2009)

Location: P. Burgos Street cor. F. Tañedo Street, Tarlac City, Tarlac
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Marker text:
CORAZON C. AQUINO
(1933–2009)

IKALABING-ISA AT UNANG BABAENG PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 1986–1992. ISINILANG SA MAYNILA, 25 ENERO 1933. MAYBAHAY NI SENADOR BENIGNO “NINOY” AQUINO NA PINASLANG NANG BUMALIK SA PILIPINAS MATAPOS ANG TATLONG TAONG PAMAMALAGI SA ESTADOS UNIDOS UPANG MAGPAGAMOT, 21 AGOSTO 1983. NAGING PANGULO PAGKATAPOS NG 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION. PINAGTIBAY ANG SALIGANG BATAS NG 1987; FAMILY CODE NG 1987; ADMINISTRATIVE CODE NG 1987; AT LOCAL GOVERNMENT CODE NG 1991. NILAGDAAN ANG COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM LAW, 1988. NALAMPASAN ANG ILANG PAGTATANGKANG MAPABAGSAK ANG KANYANG PAMAHALAAN. YUMAO, 1 AGOSTO 2009.

Vicente S. Alvarez (1862–1942)

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023
Location: Don Pablo Lorenzo Street cor. Zaragoza Street, Zamboanga City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Marker text:
VICENTE S. ALVAREZ
(1862–1942)

LIDER REBOLUSYONARYO AT LINGKOD BAYAN. ISINILANG, 5 ABRIL 1862. SUMAPI SA KATIPUNAN, NAGTATAG AT NAMUNO NG SANGAY DITO SA ZAMBOANGA, 1892. NANGUNA SA PAGSUKOL NG MGA PUWERSANG PANDIGMA NG ESPANYA, 7 ABRIL 1899; KUTA NG ZAMBOANGA AT FORT PILAR, 4 MAYO 1899. HINIRANG BILANG BRIDGADYER-HENERAL NI PANGULONG EMILIO AGUINALDO. NAGING KATAAS-TAASANG PINUNO NG REBOLUSYONARYO SA ZAMBOANGA AT BASILAN, HUNYO - DISYEMBERE, 1899. LUMABAN NOONG DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO AT NADAKIP, MARSO 1902. NAGING PANGULO NG KOMITE NG MGA LALAWIGANG MORO PARA SA ST. LOUIS EXPOSITION, 1904. NAGLINGKOD BILANG OPISYAL NG KONSTABULARYA NG PILIPINAS; PANGALAWANG GOBERNADOR NG ZAMBOANGA AT HUWES NG TRIBAL WARDS. YUMAO, 4 NOBYEMBRE 1942.

University of the Philippines Cebu College

Location: University of the Philippines Cebu, Gorordo Avenue, Cebu City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 2, 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES CEBU COLLEGE

NAGSIMULA NA JUNIOR COLLEGE OF LIBERAL ARTS SA DATING WARWICK BARRACKS; DR. LAWRENCE WHARTON, UNANG DEKANO, 1918. INILIPAT SA POOK NG PARIAN AT PINANGALANANG JUNIOR COLLEGE OF THE UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES (U.P.); DR. JOSE MIRASOL, UNANG FILIPINONG DEKANO, 1922; AT SA FORT SAN PEDRO, 1925. IPINAGKALOOB NG LALAWIGAN NG CEBU ANG KAMPUS SA LAHUG AT PINASINAYAAN ANG PANGUNAHING GUSALI, 1929. GINAMIT NG PWERSANG HAPONES BILANG PIITAN, 1942–1945; NG U.S. NAVY GENERAL ENGINEERING AT MULING BINUKSAN BILANG PAARLAN, 1945. IPINAAYOS SA TULONG NG U.S.–PHILIPPINE WAR DAMAGE COMMISSION, 1946. IPINASARA NG PAMAHALAAN AT INUPAHAN NG MGA HESWITA BILANG BERCHMANS COLLEGE, 1950. IBINALIK SA U.P., 1963. NAGING BAHAGI NG UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES VISAYAS (UPV), 1986–2010. PINAGKALOOBAN NG U.P. BOARD OF REGENTS NG AUTONOMIYA BILANG U.P. CEBU COLLEGE SA ILALIM NG TANGGAPAN NG PANGULO NG UNIBERSIDAD, 24 SETYEMBRE 2010.

Pagdaong sa Mindoro

Photo contributed by the Municipal Government of San Jose, Occidental Mindoro, 2022

Photo contributed by the Municipal Government of San Jose, Occidental Mindoro, 2022

Photo contributed by the Municipal Government of San Jose, Occidental Mindoro, 2022

Photo contributed by the Municipal Government of San Jose, Occidental Mindoro, 2022

Photo contributed by the Municipal Government of San Jose, Occidental Mindoro, 2022
Location: Bubog Road, Brgy. San Roque, San Jose, Occidental Mindoro
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PAGDAONG SA MINDORO

SA DALAMPASIGAN NG SAN JOSE DUMAONG ANG DATING VISAYAN ATTACK FORCE NA NAHATI BILANG MINDORO ATTACK GROUP SA ILALIM NI ADMIRAL ARTHUR D. STRUBLE, CLOSE COVERING GROUP NI REAR ADMIRAL RUSSELL S. BERKEY; AT MOTOR TORPEDO BOAT GROUP NI LT. COM. N. BURT DAVIS, 15 DISYEMBRE 1944. KASAMA DITO ANG 11,878 COMBAT TROOPS; 9,578 ARMY AIR FORCE; AT 5,901 SERVICE TROOPS SA PAMUMUNO NI GENERAL WILLIAM C. DUNCKEL NA NAGSAGAWA NG MGA PALIPARAN NG PWERSANG PANGHIMPAPAWID PARA SA GAGAWING PAGDAONG SA LINGAYEN, PANGASINAN AT PAGPAPALAYA SA LUZON. KAUGNAY NITO ANG PAGKILALA SA MGA GRUPO NG FILIPINO GERILYA NINA MAJOR RAMON RUFFY, MAJOR SOFRONIO UNTALAN AT CAPTAIN LAWRENCE COOPER UPANG MAGING KAAGAPAY SA PAKIKIPAGLABAN SA MGA PWERSANG HAPONES SA MINDORO.

Eugenio “Geny” Lopez Jr. (1928–1999)

© John Paul Abellera/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
Location: ELJ Communications Center, Eugenio Lopez Jr. Drive cor. Mother Ignacia Avenue, 
Quezon City
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - With Marker
Marker Date: 2010
Marker text:
EUGENIO “GENY” LOPEZ, JR. 
(1928–1999)

IPINANGANAK SA MAYNILA NOONG NOBYEMBRE 4, 1928. NAGTAPOS SA VIRGINIA MILITARY INSTITUTE NOONG 1950. NAKAMIT ANG TITULONG MASTER IN BUSINESS ADMINISTRATION MULA SA HARVARD BUSINESS SCHOOL NOONG 1953. MULA 1956 HANGGANG 1972, ITINATAG NIYA ANG ABS-CBN HANGGANG SA ITO AY TANGHALING PINAKAMALAKING KATIPUNAN NG MEDIA AT BRODKASTING SA PILIPINAS NA MAY 22 HIMPILAN NG RADIO AT ANIM NA HIMPILAN NG TELEBISYON. TAGALATHALA NG MANILA CHRONICLE. NAPIIT DAHIL SA NILIKHANG PARATANG SA LOOB NG MARAMING TAON MULA NOONG NOBYEMBRE 1972. NAKATAKAS MULA SA KANYANG BILANGGUAN SA FORT BONIFACIO NOONG SETYEMBRE 30, 1977 AT NANIRAHAN SA ESTADOS UNIDOS.

NAGBALIK SA PILIPINAS PAGKARAAN NG PEOPLE POWER REVOLUTION NOONG 1986. PINANGUNAHAN ANG MULING PAGTATATAG NG GRUPO NG MGA KUMPANYA NG MGA LOPEZ. NANGUNA SA MGA BAGONG PAKIKIPAGSAPALARAN SA LARANGAN NG TELEKOMUNIKASYON, BRODKASTING, LINGKURANG PANTUBIG AT PAGPAPAUNLAD NG MGA LUPAIN. HINIRANG NA ASIAWEEK BILANG ISA SA 50 PINAKAIMPLUWENSYAL NA LIDER SA ASIA NOONG 1977 AT 1999. NAGING ABALA SA MGA GAWAING PANGKAWANGGAWA AT NAGKALOOB NG KANYANG PANAHON AT TULONG SA MGA PAARALAN, MGA DUKHA, MGA MAYSAKIT AT KAPUS-PALAD NA MGA KABATAAN. NANINIWALA NA ANG PAGLILINGKOD BAYAN ANG TANGING DAHILAN NG PAG-IRAL NG MGA KUMPANYA NG MGA LOPEZ.

NAMATAY SA SAN FRANCISCO, CALIFORNIA NOONG HUNYO 28, 1999.

Old Legislative Building*


NHCP Photo Collection, 2013

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2013

NHCP Resolution No. 8, s. 2010
Location: National Museum of the Philippines, P. Burgos Drive, Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Government building
Status: Level I- National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 8, s. 2010
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
OLD LEGISLATIVE BUILDING

SINIMULANG IPATAYO AYON SA DISENYO NINA RALPH HARRINGTON DOANE AT ANTONIO TOLEDO PARA SA AKLATAN NG PILIPINAS, 1918. PINAGPASYAHANG MAGING GUSALI NG LEGISLATURA AYON SA PAGBABAGO SA PLANO NI JUAN ARELLANO, 1926. DITO GINANAP ANG CONSTITUTIONAL CONVENTION NA PINAMUNUAN NI CLARO M. RECTO, 1934. NANUMPA ANG MGA PANGULO NG PILIPINAS: MANUEL L. QUEZON, 1935; JOSE P. LAUREL, 1943; AT MANUEL A. ROXAS, 1946. NASIRA SA DIGMAAN, 1945. IPINAAYOS SA TULONG NG U.S. PHILIPPINE WAR DAMAGE COMMISSION; AT PINANGALANANG CONGRESS OF THE PHILIPPINES, 1949. NAGING TANGGAPAN NG PUNONG MINISTRO MATAPOS IDIKLARA ANG MARTIAL LAW, 1972; IBINALIK SA KONGRESO, 1987. GINAMIT BILANG TANGGAPAN NG PANGALAWANG PANGULO NG PILIPINAS, SENADO, SANDIGANBAYAN AT OMBUDSMAN. INILIPAT SA PAMBANSANG MUSEO, 12 PEBRERO 1998. IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 30 SETYEMBRE 2010.

The First Congress of the Republic of the Philippines 1946-1949

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Rizal Park Flgpole, Roxas Boulevard, Ermita, Manila
Category: Institution
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 27 January 2010
Marker text:
THE FIRST CONGRESS OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
(1946 – 1949)
THE SENATE

HON. JOSE D. AVELINO
SENATE PRESIDENT
(1946–1949)

HON. MARIANO JESUS CUENCO
SENATE PRESIDENT
(1949)

HON. MELECIO ARRANZ
PRESIDENT PRO-TEMPORE

HON. VICENTE J. FRANCISCO
MAJORITY FLOOR LEADER

HON. CARLOS P. GARCIA
MINORITY FLOOR LEADER

1946 ~ 1947
HON. ALAUYA ALONTO
HON. NICOLAS BUENDIA
HON. PEDRO C. HERNAEZ
HON. DOMINGO IMPERIAL
HON. VICENTE RAMA
HON. EULOGIO RODRIGUEZ, SR.
HON. PROCESO E. SEBASTIAN

1946 ~ 1949
HON. TOMAS CABILI
HON. OLEGARIO B. CLARIN
HON. TOMAS CONFESOR
HON. RAMON DIOKNO
HON. ALEJO MABANAG
HON. ENRIQUE B. MAGALONA
HON. SALIPADA K. PENDATUN
HON. PROSPERO SANIDAD
HON. VICENTE SOTTO
HON. EMILIANO T. TIRONA
HON. RAMON TORRES
HON. JOSE O. VERA

1947 ~ 1949
HON. PABLO ANGELES DAVID
HON. FERNANDO LOPEZ
HON. VICENTE MADRIGAL
HON. CAMILO OSIAS
HON. GERONIMA T. PECSON
HON. CARLOS S. TAN
HON. LORENZO TAÑADA


THE HOUSE OF REPRESENTATIVES

HON. EUGENIO P. PEREZ
SPEAKER

HON. FRANCISCO I. ORTEGA
SPEAKER PRO-TEMPORE

HON. RAUL T. LEUTERIO
MAJORITY FLOOR LEADER

HON. CIPRIANO P. PRIMICIAS
MINORITY FLOOR LEADER

ABRA
HON. QUINTIN PAREDES

AGUSAN
HON. MARCOS M. CALO

ALBAY
HON. EULOGIO V. LAWENKO
HON. TORIBIO P. PEREZ
HON. MARCIAL O. RAÑOLA

ANTIQUE
HON. EMIGDIO V. NIETES

BATAAN
HON. BONIFACIO B. CAMACHO

BATANES
HON. ANASTACIO AGAN

BATANGAS
HON. FELIXBERTO M. SERRANO
HON. PEDRO P. MUÑOZ
HON. JOSE B. LAUREL, JR.

BOHOL
HON. GENERO VISARRA
HON. SIMEON G. TORIBIO
HON. COSME P. GARCIA

BUKIDNON
HON. CARLOS A.H. FORTICH
HON. REMEDIOS O. FORTICH

BULACAN
HON. FLORANTE C. ROQUE
HON. ALEJO S. SANTOS

CAGAYAN
HON. CONRADO V. SINGSON
HON. PAULINO A. ALONZO

CAMARINES NORTE
HON. ESMERALDO ECO

CAMARINES SUR
HON. JUAN Q. MIRANDA
HON. SEBASTIAN C. MOLL, JR.

CAPIZ
HON. RAMON A. ARNALDO
HON. CORNELIO T. VILLAREAL
HON. JOSE M. REYES

CATANDUANES
HON. FRANCISCO A. PERFECTO

CAVITE
HON. JUSTINIANO S. MONTANO

CEBU
HON. JOVENAL ALMENDRAS
HON. VICENTE LOGARTA
HON. MAXIMINO NOEL
HON. AGUSTIN Y. KINTANAR
HON. LEANDRO A. TOJONG
HON. NICOLAS RAFOLS
HON. JOSE V. RODRIGUEZ
HON. MANUELA A. ZOSA

COTABATO
HON. GUMBAY PIANG

DAVAO
HON. APOLINARIO CABIGON

ILOCOS NORTE
HON. DAMASO T. SAMONTE
HON. PEDRO G. ALBANO

ILOCOS SUR
HON. FLORO CRISOLOGO
HON. FIDEL B. VILLANUEVA

ILOILO
HON. JOSE C. ZULUETA
HON. MATEO M. NONATO
HON. OSCAR LEDESMA
HON. TIBURCIO LUTERO
HON. MARIANO PEÑAFLORIDA
HON. JUAN V. BORRA
HON. GAUDENCIO D. DEMAISIP

ISABELA
HON. DOMINGO B. PAQUIRIGAN

LAGUNA
HON. EDUARDO A. BARRETTO
HON. ESTANISLAO A. FERNANDEZ

LANAO
HON. MANALAO A. MINDALANO

LA UNION
HON. FRANCISCO I. ORTEGA
HON. MANUEL T. CASES

LEYTE
HON. CARLOS S. TAN
HON. DOMINGO R. VELOSO
HON. FRANCISCO PAJAO
HON. JUAN R. PEREZ
HON. ATILANO R. CINCO
HON. JOSE R. MARTINEZ

MANILA
HON. JOSE TOPACIO NUEÑO
HON. HERMENEGILDO ATIENZA

MARINDUQUE
HON. TIMOTEO R. RICOHERMOSO

MASBATE
HON. EMILIO ESPINOSA

MINDORO
HON. RAUL T. LEUTERIO

MISAMIS OCCIDENTAL
HON. PORFIRIO G. VILLARIN

MISAMIS ORIENTAL
HON. PEDRO SA. BACULIO

MOUNTAIN PROVINCE
HON. GEORGE K. TAIT
HON. JOSE B. MENCIO
HON. GABRIEL DUNUAN

NEGROS OCCIDENTAL
HON. VICENTE F. GUS
HON. CARLOS HILADO
HON. ELISEO P. LIMSIACO

NEGROS ORIENTAL
HON. LORENZO TEVES
HON. ENRIQUE MEDINA

NUEVA ECIJA
HON. JOSE CANDO
HON. CONSTANCIO P. PADILLA

NUEVA VISCAYA
HON. LEON CABARROGUIS

PALAWAN
HON. SOFRONIO ESPAÑOLA

PAMPANGA
HON. AMADO M. YUZON
HON. LUIS M. TARUC

PANGASINAN
HON. JUAN DE G. RODRIGUEZ
HON. EUGENIO P. PEREZ
HON. PASCUAL M. BELTRAN
HON. CIPRIANO P. PRIMICIAS
HON. CIPRIANO S. ALLAS
HON. NARCISO RAMOS

QUEZON
HON. FORTUNATO N. SUAREZ
HON. TOMAS B. MORATO

RIZAL
HON. IGNACIO SANTOS DIAZ
HON. LORENZO SUMULONG

ROMBLON
HON. MODESTO FORMILLEZA

SAMAR
HON. AGRIPINO P. ESCAREAL
HON. TITO V. TIZON
HON. ADRIANO D. LOMUNTAD

SORSOGON
HON. PACIFICO F. LIM
HON. TOMAS S. CLEMENTE

SULU
HON. OMBRA AMILBANGSA

SURIGAO
HON. RICARDO NAVARRO

TARLAC
HON. JOSE J. ROY
HON. ALEJANDRO SIMPAUCO

ZAMBALES
HON. RAMON MAGSAYSAY

ZAMBOANGA
HON. JUAN S. ALANO

Labanan sa Baryo Piis, Lucban Quezon

NHCP Photo Collection, 2010
Location: Lucban, Quezon
Category: Sites/Events
Type: Event
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LABANAN SA BARYO PIIS
LUCBAN, QUEZON

SA POOK NA ITO NAGANAP ANG LABANAN SA PAGITAN NG USAFFE 1ST INFANTRY NG 1ST REGULAR DIVISION KASAMA ANG 2ND PLATOON COMPANY C, 194TH TANK BATALLION AT PWERSANG HAPONES NA GALING SA MAUBAN, 26 DISYEMBRE 1941. TUMAGAL ANG LABANAN MULA UMAGA HANGGANG HAPON AT NAKAABOT SA SANGANG-DAANG MAUBAN AT LUCBAN KUNG SAAN DUMATING ANG TATLONG DAANG PHILIPPINE SCOUTS UPANG TUMULONG SA USAFFE. NANAIG SA LABANAN ANG PWERSANG HAPONES, SUBALI’T NAANTALA NITO ANG PAGSULONG SA MAYNILA.

Pedro Abad Santos

NHCP Photo Collection 2019

NHCP Photo Collection 2019
Location: Heroes Hall, San Fernando, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical Marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Institute (NHI)  
Marker text:
PEDRO ABAD SANTOS
(1876–1945)

KILALA SA BANSAG NA DON PERICO. ISINILANG SA SAN FERNANDO, PAMPANGA, 31 ENERO 1876. NAGING MEDYOR SA HUKBONG MAPANGHIMAGSIK SA ILALIM NI HEN. MAXIMINO HIZON NOONG DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO, 1899–1901. NAGLINGKOD BILANG JUEZ DE PAZ NG SAN FERNANDO, PAMPANGA, 1907–1909. KINATAWAN NG IKALAWANG DISTRITO NG PAMPANGA SA ASAMBLEYA NG PILIPINAS, 1916–1922; KAGAWAD, PHILIPPINE INDEPENDENCE MISSION SA ESTADOS UNIDOS, 1922. UNANG WORSHIPFUL MASTER NG PAMPANGA LODGE NO. 48, F&A.M., 1918. NAGTATAG NG PARTIDO SOSYALISTA NG PILIPINAS, 1932; “AGUMAN DING MALDING TALAPAGOBRA” (GENERAL WORKER UNION), 1933 AT PANGALAWANG PANGULO, PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS; 1938–42. DINAKIP NG KEMPEITAI HUKBONG HAPONES AT IKINULONG SA KUTANG SANTIAGO, 25 ENERO 1942. PINALAYA AT SUMANIB SA GERILYA, 1944. YUMAO, 15 ENERO 1945.


University of San Carlos






Location: Pantaleon Del Rosario Street, Cebu City
Category: Association/Institution/Organization
Type: School
Status: Level II: Historical marker
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
UNIVERSITY OF SAN CARLOS

ESTABLISHED AT THE INSTANCE OF BISHOP MATEO JOAQUIN RUBIO DE AREVALO AS SEMINARIO DE SAN CARLOS AT THE FORMER SITE OF COLEGIO SAN ILDEFONSO OF THE JESUITS, 1779. BECAME SEMINARIO CONCILIAR DE SAN CARLOS, 1825. ADMINISTERED BY THE VINCENTIANS AND RENAMED SEMINARIO–COLEGIO DE SAN CARLOS, 1867. SERGIO OSMEÑA, FOURTH PRESIDENT OF THE PHILIPPINES, ONE OF THE FIRST GRADUATES CONFERRED A BACHELOR’S DEGREE, 1894. FORMED AS A CORPORATION UNDER RECTOR JACINTO VILLALAIN, 1911. SEPARATED FROM THE SEMINARY, 1922. TRANSFERRED TO THIS SITE, 1930. PLACED UNDER THE SOCIETY OF THE DIVINE WORD (SVD), 1935. REOPENED AFTER THE SECOND WORLD WAR, 1945. BECAME UNIVERSITY, 1948. FR. AMANTE CASTILLO, FIRST FILIPINO PRESIDENT, 1970.

Old Capitol Building of Iloilo




Location: Iloilo City, Iloilo (Region VI)
Category: Buildings/Structures
Type: Government building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
OLD CAPITOL BUILDING OF ILOILO

DATING CASA REAL NA YARI SA KAHOY AT BATO NOONG PANAHON NG MGA ESPANYOL. NAGING KAPITOLYO NANG ITINATAG ANG PAMAHALAANG SIBIL NG LALAWIGAN NG ILOILO, 11 ABRIL 1901. MARTIN T. DELGADO, REBOLUSYONARYO, UNANG GOBERNADOR, 1901–1904. GINAMIT NG MGA PWERSANG HAPONES NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1942–1945. ISINAAYOS ANG ILANG BAHAGI NG GUSALI, MGA TAONG 1960’S. MULING IPINAAYOS MATAPOS MASUNOG ANG GUSALI, 4 NOBYEMBRE 1998. NAGING SENTRO SA PAGTATAGUYOD NG LALAWIGAN NG ILOILO, 1901–2001.

Notre Dame Archdiocesan Seminary



Location: Quezon Avenue, Barangay Rebuken, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
Category: Association/Institution/Organization
Type: School
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
NOTRE DAME ARCHDIOCESAN SEMINARY
ARCHDIOCESE OF COTABATO

ITINATAG NI ARSOBISPO GERARD MONGEAU, OMI, DD, SA KIDAPAWAN, 1960. FR. WILLIAM MCGRATH, OMI, UNANG RECTOR. INILIPAT SA REBUKEN, SULTAN KUDARAT, MAGUINDANAO, 1963. BINASBASAN NI RUFINO J. CARDINAL SANTOS, 1964. KILALA RIN BILANG NULING SEMINARY. MAKARAAN ANG “MISSIONARY ERA” NAGPATULOY NA TUMULONG UPANG MAKAPAGPATAPOS NG MGA LOKAL NA PARI NA MAGLILINGKOD SA ARCHDIOCESE OF COTABATO, DIOCESE OF KIDAPAWAN AT SA IBA PANG PANIG NG MUNDO. NAGING INSTRUMENTO SA PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMO AT PAGKAKAWANGGAWA SA MGA MARALITA SA MINDANAO.

Honorio Lopez (1875-1958)



Location: Plaza Moriones, Moriones Street cor. Nicolas Zamora Street, Tondo, Manila
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Marker text:
HONORIO LOPEZ
(1875–1958)

MANDUDULA AT REBOLUSYONARYO. ISINILANG SA STA. CRUZ, MAYNILA, 30 DISYEMBRE 1875 AT LUMAKI SA TONDO. NAGTAPOS NG BACHILLER EN ARTES SA COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN. SUMAPI SA HIMAGSIKANG FILIPINO. NAGING TINYENTE KOLONEL AT HEPE NG REHIMYENTO IMPANTERIYA RAXA MATANDA “VIBORA”, SA ILALIM NG PAMUMUNO NI HEN. ARTEMIO RICARTE. NAGPATULOY NG PAKIKIBAKA LABAN SA MGA AMERIKANO, 1899. MAY-AKDA NG CALENDARIONG FILIPINO “DIMASALANG”. KASAMA NI JUAN ABAD NA NAGTATAG NG LA JUVENTUD FILIPINA, ISANG KUMPANYA NA NAGTATANGHAL NG MGA DULANG MAKABAYAN. NAGING PATNUGOT NG PAHAYAGANG LIBRE, LA PATRIA AT LA CONSOLIDACION NOONG PANAHON NG MGA AMERIKANO. PROPESOR NG AGRIMENSURA AT SEGUNDA ENSEÑANZA; DIREKTOR NG KOLEHIYO, INSTITUTO PATRIO, CA. 1907–09. ASESOR TECNICO, COMITE CENTRAL NG UNION AGRARIA DE FILIPINAS. NAHALAL NA KONSEHAL NG MAYNILA, 1916–1919. HINIRANG NA KASAPI NG VETERANS PENSION BOARD, 1954. KATULONG NA TEKNIKAL NINA PANGULONG RAMON MAGSAYSAY AT CARLOS P. GARCIA. YUMAO, 3 HULYO 1958. IPINANGALAN SA KANYA ANG NORTH BAY BOULEVARD SA TONDO NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG MAYNILA, BILANG PARANGAL SA KANYANG LEGADO, 1 PEBRERO 1967.

Insular Life




Location: Alabang, Muntinlupa City (Region NCR)
Category: Association/Institution/Organization
Type: Private Company
Status: Level II - With Marker
Marker Date: November 25, 2010
Marker text:
INSULAR LIFE

UNANG KUMPANYANG FILIPINO SA PAGSESEGURO SA PILIPINAS, ITINATAG BILANG INSULAR LIFE ASSURANCE CO., LTD. SA MAYNILA, 25 NOBYEMBRE 1910. ANTONIO MA. BARRETTO, UNANG PANGULO. UNANG OPISINA, LACK & DAVIS BLDG., ECHAGUE, SANTA CRUZ, MAYNILA. NAGKAROON NG SARILING GUSALI, PLAZA MORAGA, BINONDO, 1931. NAGBUKAS NG SANGAY, HONOLULU, 1934, LUNGSOD NG CEBU, UNANG TANGGAPANG PANGDISTRITO NITO, 1938. SINAKOP ANG FILIPINAS LIFE ASSURANCE CO., 1943. NAGPATULOY ANG OPERASYON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1941–1945. SINAKOP ANG OCCIDENTAL LIFE INSURANCE CO. OF CALIFORNIA SA PILIPINAS, 1954. UNANG NAGBIGAY NG SEGURONG PANG-INDUSTRIYAL, 1958. LUMIPAT ANG OPISINA SA MAKATI, 1963; SA MUNTINLUPA, 2001.

Lumang Simbahan ng Palapag

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010
Location: Palapag, Northern Samar (Region V)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship 
Status: Level II - Historical marker 
Marker date: March 16, 2010
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LUMANG SIMBAHAN NG PALAPAG

ITINATAG NG MGA HESWITA BILANG MISYON NG CABO DE ESPIRITU SANTO SA HILAGANG SAMAR SA PATRONATO NG NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION, 1605. IPINATAYO ANG UNANG SIMBAHAN NA YARI SA KAHOY AT NIPA. DITO NAGSIMULA ANG HIMAGSIKAN NI AGUSTIN SUMUROY NA LUMAGANAP SA IBANG BAHAGI NG SAMAR AT LEYTE, 1 HUNYO 1649. TINAPOS NI IGNACIO ALCINA, S.J. ANG SIMBAHANG MAY HUGIS KRUS, KUMBENTO AT KUTA NA YARI SA KORALES AT BATO BILANG TANGGULAN SA MGA PIRATA, 1663. DITO TUMULOY ANG MGA HESWITA, PRANSISKANO, AT DOMINIKANO NA LULAN NG GALYONG “CONCEPCION” NA DUMAONG SA PALAPAG, 1666. ISINAILALIM SA PAMAMAHALA NG MGA PARING PRANSISKANO, 1768–1941. HULING GINAMIT NANG MATAPOS ANG BAGONG SIMBAHAN, MGA TAONG 1970. IPINATAYO SA HARAPAN NITO ANG MALAKING KRUS BILANG ALAALA SA IKA-400 NA TAONG PAGKAKATATAG NG KRISTYANISMO SA HILAGANG SAMAR, 1995.

Simbahan ng Sibonga

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010
Location: Sibonga, Cebu (Region VII)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship 

Status: Level II - Historical marker 
Marker date: December 2, 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG SIBONGA

ITINATAG BILANG VISITA NG CARCAR NG MGA MISYONERONG AGUSTINO, 1690. NAGING PAROKYA SA PATRONATO NG NUESTRA SEÑORA DEL PILAR DE ZARAGOZA, 1830. IPINAGAWA ANG UNANG SIMBAHAN YARI SA KAHOY AT NIPA, AYON SA DISENYO NI OBISPO SANTOS GOMEZ MARAÑON NG CEBU. IPINATAYO NI PADRE PROSPERO PUERTO ANG KUMBENTO YARI SA BATO AT KORALES, 1839, AT SINIMULAN ANG PAGPAPATAYO NG KASALUKUYANG SIMBAHAN YARI SA BATO AT KORALES SA ARKITEKTURANG NEO-GOTHIC, 1866. IPINAGPATULOY NINA PADRE JUAN ALONSO, 1868–1881; ENRIQUE MAGAZ, 1881–1890; EMILIANO DIEZ, 1890–1898. MULING IPINAAYOS ANG SIMBAHAN NI PADRE FRANCISCO LATORRE AT PINASINAYAAN NI ARSOBISPO JEREMIAS HARTY NG MAYNILA, 17 NOBYEMBRE 1907. GINAWA NI RAYMUNDO FRANCIA NG CEBU ANG MGA OBRANG BIBLIKO AT TROMPE L’OEIL SA KISAME NG SIMBAHAN, 1924.