Showing posts with label 2017. Show all posts
Showing posts with label 2017. Show all posts

Artillery Memorial

Photo from the Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) Facebook Page

© Roel Balingit/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Changi Gateway, Clark Freeport, Mabalacat, Pampanga
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 11 May 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text: 
ARTILLERY MEMORIAL

DATING KAMPO DAU, NAGING KAMPO DEL PILAR BILANG PARANGAL SA BAYANI NG PASONG TIRAD: SI HENERAL GREGORIO DEL PILAR.

TAHANAN NG “PHILIPPINE ARMY ARTILLERY TRAINING CENTER” MULA MARSO 10, 1937 HANGGANG DISYEMBRE 10, 1941. SA POOK NA ITO SINANAY ANG MGA BAGONG SAPI SA KAWAL NG ARTILERIYA NA NATALAGA SA IBA’T IBANG PANGKAT NG 137TH FA, 237TH FA, 138TH FA, 238TH FA, 139TH FA, 239TH FA, 140TH FA, 240TH FA AT 141ST FA. NASA POOK DING ITO ANG “ARTILLERY SCHOOL FOR RESERVE COMMISSION”.

ANG MAHIGPIT NA PAGSASANAY NA ISINAGAWA RITO AY NAGBUNGA NG ISANG MATAAS NA URI NG PANUNTUNAN SA DISIPLINA, ESPRIT DE CORPS, PAGMAMAHAL SA TUNGKULIN AT BANSA.

ANG ARTILERIYA RIN ANG SIYANG TUMUGON SA TAWAG NG PANGANGAILANGAN PARA IPAGTANGGOL ANG ATING INANG-BAYAN AT NAGLINGKOD NG BUONG GITING AT TAPANG SA LABANAN SA BATAAN AT CORREGIDOR. LUMABAN SA KILUSAN NG MGA PUWERSANG SALUNGAT, DIGMAAN SA KOREA AT VIETNAM, AT SA KAMPANYA SA PAGSUGPO NG INSUREKSYON.

ITO ANG PAMANA NA NAIWAN NG ARTILERIYA NG HUKBONG SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS.

Mansyong Pamintuan

NHCP Photo Collection, 2018
© Judgefloro/Wikimedia Commons
Location: Pamintuan Mansion, Santo Entierro Street cor. Miranda Street, Angeles City, Pampanga
Category: Buildings/Structures
Type: House, NHCP Museum
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 17 August 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MANSYONG PAMINTUAN

IPINATAYO NI MARIANO PAMINTUAN NOONG MGA TAONG 1890. NAGING PUNONG HIMPILAN NG TANGGULAN NG REPUBLIKA NG PILIPINAS LABAN SA PUWERSANG AMERIKANO, MAYO 1899. NAGSILBING PANSAMANTALANG TANGGAPAN NI PANGULONG EMILIO AGUINALDO HABANG INIHAHANDA ANG TARLAC BILANG KABISERA NG REPUBLIKA, HUNYO 1899. SA TAPAT NITO IDINAOS ANG PARADANG MILITAR NOONG BISPERAS NG UNANG ANIBERSAYO NG PROKLAMASYON NG KALAYAAN NG PILIPINAS, 1899. NAGING HIMPILAN NI HENERAL ARTHUR MACARTHUR, AGOSTO 1899. TAHANAN NG MGA PILIPINONG KAMIKAZE NG HUKBONG PANGHIMPAPAWID NG HAPON, 1944–1945. PINAUPAHAN BILANG ANGELES HOTEL, 1948. BINILI NI PEDRO TABLANTE MULA SA PAMILYANG PAMINTUAN, 1959. NAGING EKSTENSIYON NG BAHAY-PAMAHALAAN NG ANGELES, 1964. BINILI NG BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS ANG LOTE HABANG IPINAGKALOOB NG PAMILYANG TABLANTE ANG BAHAY UPANG AYUSIN NG PAMAHALAAN, 1981. ISINALIN SA PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 17 HUNYO 2010. PINASINAYAAN ANG MUSEO NG KASAYSAYANG PANLIPUNAN NG PILIPINAS, 24 AGOSTO 2015.

Liberators Guerilla

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Maragondon Town Plaza, Maragondon, Cavite
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: October 25, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text: 
LIBERATORS GUERILLA

ITINATAG NI PATROCINIO Z. GULAPA SA MARAGONDON, CAVITE BILANG SAMAHANG ANTI-HAPON (ANHAP), 8 MAYO 1942. PINALITAN ANG PANGALAN BILANG LIBERATORS GUERILLA SA ILALIM NG PAMUMUNO NI BERT C. FULLER, 17 HULYO 1944. NAGING BAHAGI NG HUNTERS ROTC SA ILALIM NI MARIANO B. VILLANUEVA, 22 NOBYEMBRE 1944. KINILALA NG 11TH AIRBORNE DIVISION BILANG HIWALAY NA YUNIT NG HUNTERS ROTC AT NANGUNA SA PAGLABAN SA MGA HAPON SA CAVITE AT BATANGAS, 15 PEBRERO – 30 APRIL 1945. TUMULONG SA PAGPAPATROLYA SA CAVITE, BATANGAS, AT TAYABAS (NGAYO’Y LALAWIGAN NG QUEZON). KINILALA NG PHILIPPINE-RYUKYU COMMAND, 20 PEBRERO 1945.

Horacio de la Costa, S.J. 1916–1977

Location: Ateneo School of Humanities, University Road, Quezon City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
HORACIO DE LA COSTA, S.J. 
1916–1977

ISINILANG SA MAUBAN, QUEZON, 9 MAYO 1916. NAGTAPOS NG KURSONG BATSILYER NG SINING SA ATENEO DE MANILA, SUMMA CUM LAUDE, 1935, AT NG DOKTORADO SA PILOSOPIYA SA HARVARD UNIVERSITY, 1951. NAGSILBING UNANG DEKANO NG KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM NG ATENEO DE MANILA, 1953–1955, UNANG PILIPINONG PUNO NG SOCIETY OF JESUS SA PILIPINAS, 1964–1970, AT KATULONG PANGKALAHATAN AT TAGAPAYO NG MGA HESWITA SA ROMA, 1970–1975. DAHIL SA MGA AKDANG PANGKASAYSAYAN, GINAWARAN NG REPUBLIC CULTURAL HERITAGE AWARD, 1965. KAGAWAD NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN, 1967–1977. YUMAO, 20 MARSO 1977.

Emilio Jacinto 1875–1899

Location: Magdalena Town Plaza, Magdalena, Laguna
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 14, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
EMILIO JACINTO 
1875–1899

REBOLUSYONARYO AT BAYANI. ISINILANG SA TONDO, MAYNILA, 15 DISYEMBRE 1875. NAG-ARAL SA KOLEHIYO NG SAN JUAN DE LETRAN AT UNIBERSIDAD NG STO. TOMAS. UMANIB SA KATIPUNAN NA MAY PANGALANG PANDIGMA NA PINGKIAN AT NAGING KALIHIM NG SAMAHAN, 1894. SUMULAT NG “KARTILYA,” “KATIPUNAN NANG MANGA A.N.B. – SA MAY NASANG MAKISANIB SA KATIPUNANG ITO.” ISA SA MGA NAGTATAG NG “KALAYAAN,” ANG PAHAYAGAN NG KATIPUNAN, 1896. KASAMANG SUMALAKAY SA SAN JUAN DEL MONTE UPANG KUBKUBIN ANG EL POLVORIN BILANG PAGSISIMULA NG MALAWAKANG PAGHIHIMAGSIK LABAN SA MGA ESPANYOL, 30 AGOSTO 1896. HINIRANG NI BONIFACIO BILANG PUNONG HUKBO SA HILAGA. PINAMUNUAN ANG LABANAN SA MAIMPIS, MAGDALENA, LAGUNA KUNG SAAN MALUBHA SIYANG NASUGATAN, 27 PEBRERO 1898. MAY AKDA NG “GISING NA, MGA TAGALOG!” (1895); “SA BAYANG TINUBUAN” (1896); “A LA PATRIA” (1897); “LIWANAG AT DILIM” AT IBA PA. YUMAO SA STA. CRUZ, LAGUNA, 16 ABRIL 1899.

Licerio L. Geronimo (1855–1924)

Location: Camp Geronimo, Cabrera Road, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 13, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LICERIO L. GERONIMO (1855–1924)

BAYANI NG LABANAN NG SAN MATEO. IPINANGANAK AGOSTO 27, 1855, SAMPALOC, MAYNILA. PUNO, KAPULUNGANG KATIPUNAN NG WAWA, MONTALBAN; TAGAPAGTATAG, KATIPUNAN SA SAN MATEO AT MARIKINA. NAPAURONG ANG MGA KASTILA NA SUMALAKAY SA PUWERSA NI HENERAL AGUINALDO SA BUNDOK PURAY. NAHIRANG NA MEDYOR HENERAL NG DIBISYON NAKATALAGA SA SAN MATEO, 1898; KOMANDANTE HENERAL NG IKATLONG SONA MILITAR NG LALAWIGAN NG MAYNILA, 1899. BUONG TAPANG NA NAKIPAGLABAN KASAMA ANG KANYANG MGA TIRADORES DE LA MUERTE SA LABANAN NG SAN MATEO KUNG SAAN NAPATAY NIYA SI HENERAL HENRY LAWTON AT IBA PANG OPISYAL NA AMERIKANO. SINUNDAN ITO NG MGA PAGSALAKAY SA IBA’T-IBANG HIMPILAN NG MGA AMERIKANO SA BULAKAN, RIZAL AT MGA KARATIG BAYAN NG MAYNILA. SUMUKO SA MGA AMERIKANO, 1901. NAGTRABAHO SA KONSTABULARYO NG PILIPINAS BILANG 4TH CLASS INSPECTOR, HUNYO 1, 1902. NAGING 3RD LIEUTENANT AT INSPECTOR DISYEMBRE 23, 1902. NAMATAY, ENERO 16, 1924.

Camilo Jacob

Unveiling of the historical marker, 2017. NHCP Photo Collection

Unveiling of the historical marker, 2017. NHCP Photo Collection
Location: Sangguniang Bayan of Polangui, National Road, Poblacion, Polangui, Albay
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 7 March 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CAMILO JACOB

REBOLUSYONARYO AT ISA SA QUINCE MARTIRES NG BIKOL. ISINILANG SA POLANGUI, ALBAY, KALAGITNAAN NG IKA-19 NA SIGLO. NAGING KASAPI NG TRIANGULO, BIKOL, ISANG MASONERIYA SA CAMARINES NA NAGHANGAD NA MAPABUTI ANG KALAGAYAN NG BAYAN. DINAKIP AT NILITIS NG KORTE MILITAR DAHIL SA BINTANG NA REBELYON, 29 DISYEMBRE 1896. BINARIL SA BAGUMBAYAN KASAMA ANG IBA PANG MGA BIKOLANONG NAHATULANG REBELDE NG MGA ESPANYOL, 4 ENERO 1897.

Unang Konsulado Heneral ng Australia sa Pilipinas

Unveiling of the historical marke, 2017. NHCP Photo Collection

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Manila Hotel, 1 Rizal Park, Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 22, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
UNANG KONSULADO HENERAL NG AUSTRALIA SA PILIPINAS

SA UNANG PALAPAG NG MANILA HOTEL BINUKSAN ANG UNANG KONSULADO HENERAL NG AUSTRALIA SA PILIPINAS NA NAGPASIMULA NG DIPLOMATIKONG UGNAYAN SA PAGITAN NG DALAWANG BANSA, 22 MAYO 1946. HERBERT ANTON PETERSON, UNANG KONSUL-HENERAL, 1946–1948. PINASINAYAAN BILANG PAGGUNITA SA IKA-70 ANIBERSARYO NG DIPLOMATIKONG UGNAYAN SA PAGITAN NG PILIPINAS AT AUSTRALIA ALINSUNOD SA PROKLAMASYON BILANG 1282 NA NILAGDAAN NOONG 23 MAYO 2016.

Punong Himpilan ng Hukbong Pampulisya ng Maynila

Location: United Nations Avenue cor. San Marcelino Street, Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: August 7, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PUNONG HIMPILAN NG HUKBONG PAMPULISYA NG MAYNILA

ITINATAG BILANG UNANG PULISYANG SIBIL NG MAYNILA SA BISA NG PROKLAMASYON NI GOBERNADOR WILLIAM H. TAFT, 5 AGOSTO 1901. NAGSILBING MGA PUNONG HIMPILAN ANG ESCUELA MUNICIPAL, INTRAMUROS, 1901–1904; BULWAGANG LUNGSOD NG MAYNILA, 1904–1946; LUMANG KULUNGAN NG BILIBID, 1946–1949; AT ANG KASALUKUYANG HIMPILAN MULA 1949. ITINAYO ANG GUSALING ITO BILANG SOUTH POLICE STATION BAGO ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG; PINAGKUBLIAN NG HUKBONG HAPONES AT NAGING LUGAR NG MATINDING LABANAN, 14–20 PEBRERO 1945; AT ISINAAYOS SA PAMAMAGITAN NG PHILIPPINE REHABILITATION ACT AT ITINALAGANG PUNONG HIMPILAN NG HUKBONG PAMPULISYA NG MAYNILA, 1949.

Easter College

Unveiling of the historical marker, 2017. NHCP Photo Collection

Unveiling of the historical marker, 2017. NHCP Photo Collection
Location: Easter College, Easter Road, Baguio City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 12, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
EASTER COLLEGE

ITINATAG ANG EASTER SCHOOL NI CHARLES HENRY BRENT, OBISPO NG SIMBAHANG EPISKOPAL UPANG MABIGYAN NG PORMAL MA EDUKASYON ANG MGA BATANG LALAKI MULA SA MOUNTAIN PROVINCE, 1906. TUMANGGAP NG MGA BABAENG MAG-AARAL, 1909. SA PAGSISIKAP NI DYAKONESA ANNE HARGREAVES ITINATAG ANG PAGSASANAY SA PAGHAHABI NG TELA PARA SA MGA BABAENG MAG-AARAL. NAGSILBING HIMPILAN NG MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IDINAGDAG ANG SEKONDARYANG EDUKASYON, 1963. NAGING EASTER COLLEGE, 1995.

Pook Kung Saan Sinulat ang “Filipinas”, Liriko ng Pambansang Awit Bautista, Pangasinan

NHCP Photo Collection, 2017
Location: Bautista, Pangasinan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 11, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
POOK KUNG SAAN SINULAT ANG “FILIPINAS”, 
LIRIKO NG PAMBANSANG AWIT 
BAUTISTA, PANGASINAN

SA POOK NA ITO SINULAT SI JOSE PALMA Y VELASQUEZ ANG TULANG “FILIPINAS” NA NAGING LIRIKO SA WIKANG ESPANYOL NG HIMNO NACIONAL FILIPINA, NGAYO’Y PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS. NALATHALA SA PAHAYAGANG LA INDEPENDECIA, 3 SETYEMBRE 1899. ANG NASABING POOK AY ITINATAG BILANG MUNISIPALIDAD NG BAUTISTA NOONG 1900.

Dr. Jose Rizal Memorial Hospital

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Dr. Jose Rizal Memorial Hospital, National Road, Lawaan, Dapitan, Zamboanga del Norte
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: July 13, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
DR. JOSE RIZAL MEMORIAL HOSPITAL

SA BISA NG BATAS BLG. 2663 NA IPINASA NOONG 19 HUNYO 1916, ITINATAG ANG RIZAL MEMORIAL HOSPITAL SA CASA COMANDANCIA. DITO NANIRAHAN SI JOSE RIZAL NANG SIYA AY IPATAPON SA DAPITAN NOONG 1892. ISINAAYOS, 1927–1931. NAGING OSPITAL NG MGA SUNDALO NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. NAGING RIZAL MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL, 1982. INILIPAT SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN NITO, 1991. NAGING DR. JOSE RIZAL MEMORIAL HOSPITAL, 30 HULYO 1996.

Tangcong Vaca Guerilla Unit

NHCP Photo Collection, 2017
Location: San Nicolas Street, Canaman, Camarines Sur
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 8, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TANGCONG VACA GUERILLA UNIT

ITINATAG NI ELIAS V. MADRID SA BARYO SAN NICOLAS, BAYAN NG CANAMAN, LALAWIGAN NG CAMARINES SUR UPANG LABANAN ANG MGA HAPON, 8 MARSO 1942. SI MAJ. JUAN Q. MIRANDA, NAGSILBING NAMUMUNONG OPISYAL AT LEON AUREUS, OPISYAL NA TAGAPAGPATUPAD. TUMULONG SA PAGPAPALAYA SA BAYAN NG NAGA KASAMA ANG IBANG GERILYA, 3 MAYO 1942. NAGING TANYAG SA LABANAN SA TAGUILID PASS SA BAYAN NG PAMPLONA, CAMARINES SUR NA IKINASAWI NG MARAMING SUNDALONG HAPON, 8 NOBYEMBRE 1942. LUMABAN KASAMA ANG IBA PANG HUKBONG GERILYA UPANG PALAYAIN SA PANGALAWANG PAGKAKATAON ANG BAYAN NG NAGA, 13 ABRIL 1945. NAKIPAGLABAN SA MGA HAPON HANGGANG MAPALAYA ANG IBA PANG MGA BAYAN NG CAMARINES SUR, 1945.

Pinagsimulan ng Death March

Unveiling of the historical marker, 2017. NHCP Photo Collection
Location: World War II Death March Memorial Shrine, National Road, Brgy. Poblacion, Mariveles, Bataan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 23, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PINAGSIMULAN NG DEATH MARCH

MAHIGIT 70,000 SUNDALONG PILIPINO AT AMERIKANONG MGA BIHAG NG DIGMAAN NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG ANG NAGSIMULANG MAGMARTSA SA UTOS NG MGA SUNDALONG HAPONES MULA MARIVELES, BATAAN, 10 ABRIL 1942, AT BAGAC, BATAAN, 11 ABRIL 1942. NAKARANAS NG PAGMAMALUPIT, MATINDING PAGOD, GUTOM AT UHAW ANG MGA BIHAG. MARAMI ANG NAMATAY AT ANG IBA AY NAGKASAKIT. PAGDATING SA SAN FERNANDO, PAMPANGA, ISINAKAY SILA SA TREN PATUNGONG CAPAS, TARLAC. IKINASAWI NG MARAMI ANG KAWALAN NG HANGIN BUNGA NG PAGSISIKSIKAN SA MGA BAGON. NAKARATING ANG MGA NATIRANG BUHAY SA CAPAS, TARLAC AT MULING PINAGLAKAD NG ANIM NA KILOMETRO HANGGANG SA BILANGGUAN NG CAMP O’DONNELL, 15 ABRIL 1942. KINIKILALA SA KASAYSAYAN BILANG DEATH MARCH.

Vivencio B. Cuyugan, Sr. 1895–1971

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023
Location: Vivencio Cuyugan Street, Brgy. Del Pilar, San Fernando, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 14, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
VIVENCIO B. CUYUGAN, SR. 
1895–1971

TAGAPAGSULONG NG KATARUNGANG PANLIPUNAN. ISINILANG SA SAN FERNANDO, PAMPANGA, 13 ENERO 1895. ALKALDE NG SAN FERNANDO, 1937–1942 AT 1945. KABILANG SA NAGTATAG NG HUKBO NG BAYAN LABAN SA HAPON (HUKBALAHAP), 1941. TINANGGAL NG MGA AMERIKANO SA PAGKAALKALDE DAHIL SA PAGIGING PINUNO NG HUKBALAHAP, 1945. NAKIISA SA PAGSULONG SA KARAPATAN NG MGA MAGSASAKA AT MANGGAGAWA MATAPOS ANG DIGMAAN. PINARATANGANG KOMUNISTA, IKINULONG, AT PINAHIRAPAN KASAMA NG BUONG PAMILYA, KAMPO CRAME, 1953. YUMAO, 16 MARSO 1971.

Felix Galura 1866–1919

Unveiling of the historical marker, 2017. NHCP Photo Collection

Unveiling of the historical marker, 2017. NHCP Photo Collection
Location: Don Honorio Ventura Street cor. San Fernando–Lubao Road, Bacolor, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: October 5, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
FELIX GALURA 
1866–1919

REBOLUSYONARYO AT MANUNULAT. ISINILANG SA BACOLOR, PAMPANGA, 21 PEBRERO 1866. PINUNO NG VOLUNTARIOS DE BACOLOR, 1897–1898. NANGUNA SA PAGKUBKOB SA BACOLOR, NOO’Y KABISERA NG PAMPANGA, NA NAGBIGAY DAAN UPANG MAPALAYA ANG LALAWIGAN MULA SA MAGKASAMANG PUWERSA NG MGA ESPANYOL AT VOLUNTARIOS DE MACABEBE, 3–4 HUNYO 1898. LUMABAN SA MGA AMERIKANO SA ILALIM NI HEN. TOMAS MASCARDO, 1899. PUNONG BAYAN NG BACOLOR, 1909–1918. MANUNULAT SA MGA PAHAYAGANG EL IMPARCIAL AT E MANGABIRAN. ITINAAS ANG ANTAS NG PANITIKAN AT WIKANG KAPAMPANGAN SA KANYANG MGA AKDA. YUMAO, 21 HULYO 1919.

Aurelio Tolentino

Unveiling of the historical marker, 2017. NHCP Photo Collection
Location: Sen. Gil Puyat Avenue, Guagua, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: October 13, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
AURELIO TOLENTINO

REBOLUSYONARYO, MANDUDULA, NOBELISTA AT MAKATA. ISINILANG SA STO. CRISTO, GUAGUA, PAMPANGA, 13 OKTUBRE 1867. KASAMA NINA ANDRES BONIFACIO, EMILIO JACINTO AT IBA PANG KATIPUNERO SA PULONG SA KWEBA NG PAMITINAN, MONTALBAN UPANG TALAKAYIN ANG REBOLUSYON, ABRIL 1895. DINAKIP MATAPOS SUMIKLAB ANG REBOLUSYON, SETYEMBRE 1896. ISA SA MGA LUMAGDA SA MGA AMERIKANO SA PAMAMAGITAN NG PAGSUSULAT NG MGA SUBERSIBONG AKDA. ILAN SA KANYANG MGA SINULAT AY ANG KAHAPON, NGAYON AT BUKAS, 1902; BAGONG KRISTO, 1907; BUHAY, 1909; AT NG LA PATRIA, EL LIBERAL, EL PUEBLO AT EL IMPARCIAL. NAGTATAG NG PAHAYAGANG PILIPINAS. ISINULONG ANG KAPAKANAN NG MGA MAMAMAYAN SA PAMAMAGITAN NG PAGBUBUO NG SAMAHAANG KATIMAWAAN. ITINATAG ANG EL PARNASO FILIPINO, ISANG SURIAN SA PAG-AARAL NG PANITIKANG TAGALOG, PANULAAN AT DEKLAMASYON. YUMAO, 5 HULYO 1915.

Luis Taruc 1913–2005

Location: San Luis Freedom Park, Mexico–San Luis Road, San Luis, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: June 21, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LUIS TARUC 
1913–2005

MAKABAYAN AT TAGAPAGTANGGOL NG KARAPATAN NG MGA MAGSASAKA AT MANGGAGAWA. ISINILANG SA SAN LUIS, PAMPANGA, 21 HUNYO 1913. LUMALIM ANG PANANAW NIYA SA KAWALAN NG KATARUNGANG PANLIPUNAN NANG SIYA’Y SUMALI SA AGUMAN DING MALDANG TALAPAGOBRA AT PARTIDO SOSYALISTA NG PILIPINAS, 1936. IPINIIT DAHIL SA PAGLAHOK SA MGA WELGA NG MGA MANGGAGAWA SA PAMPANGA, 1937 AT 1941. KASAMA SA MGA NAGTATAG AT NAGING PINUNO NG HUKBO NG BAYAN LABAN SA HAPON, 29 MARSO 1942. NAHALAL NA KINATAWAN NG IKALAWANG DISTRITO NG PAMPANGA NGUNIT PINATALSIK SA PUWESTO, KASAMA ANG IBA PANG KAPARTIDO SA ILALIM NG DEMOCRATIC ALLIANCE, DAHIL SA PAGKONTRA SA BELL TRADE ACT NA NAGBIGAY NG KAPANGYARIHAN SA ESTADOS UNIDOS NA MANGHIMASOK SA EKONOMIYA AT LIKAS-YAMAN NG BANSA, 1946. NAGUNA SA PAKIKIBAKA LABAN SA PAMAHALAAN, 1949. SUMUKO SA PAMAHALAAN SA PAGHIMOK NI RAMON MAGSAYSAY, 17 MAYO 1954. BINIGYAN NG AMNESTIYA, 11 SETYEMBRE 1988. YUMAO, 4 MAYO 2005.

Pacific Commercial Company Building

© Ramon FVelasquez/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Ryomaandres/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Juan Luna Street cor. Muelle de la Industria Street, Binondo, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Commercial building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PACIFIC COMMERCIAL COMPANY BUILDING

IPINATAYO NG PACIFIC COMMERCIAL COMPANY AT INTERNATIONAL BANKING CORPORATION, AYON SA DISENYO NG MURPHY, MCGILL, AND HAMLIN OF NEW YORK AND SHANGHAI. NATAPOS, HULYO 1922, AT PINASINAYAAN 13 NOBYEMBRE 1922. MINSANG NABILI NI ENRIQUE ZOBEL, AT NAKILALA BILANG AYALA BUILDING, 1940–1959. ISINAAYOS NG LBC PROPERTIES, INC., 2007. ISA SA MGA NANANATILING GUSALI NA ITINAYO NOONG IKA-20 SIGLO SA BAYBAYIN NG ILOG PASIG.

Ferdinand E. Marcos (1917-1989)

NHCP Photo Collection, 2017

NHCP Photo Collection, 2017
Location: Batac, Ilocos Norte
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 10 September 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
FERDINAND E. MARCOS 
1917–1989

PANGULO. ISINILANG SA SARRAT, ILOCOS NORTE, 11 SETYEMBRE 1917, AT NANIRAHAN SA BATAC. NAGTAPOS NG ABOGASYA SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1939. NANGUNA SA PAGSUSULIT SA PAGKA-ABOGADO, 1939. KASAPI NG 14TH INFANTRY USAFIP-NL NG KILUSANG GERILYA, 1944–1945. NANUNGKULANG KINATAWAN NG IKALAWANG DISTRITO NG ILOCOS NORTE, 1949–1959; SENADOR, 1959–1965. PANGULO NG SENADO, 1963–1965. PANGULO NG PILIPINAS, 1965–1986. ISINAILALIM ANG PILIPINAS SA BATAS MILITAR, 1972–1981. NAGPATUPAD NG MGA PROGRAMA, PROYEKTO, AT BATAS SA ILALIM NG BALANGKAS NG “BAGONG LIPUNAN”. BUNSOD NG EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION, 25 PEBRERO 1986, NAMALAGI SA HAWAII, ESTADOS UNIDOS. YUMAO, 28 SETYEMBRE 1989.