Showing posts with label Buildings/Structures. Show all posts
Showing posts with label Buildings/Structures. Show all posts

Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026

Location: Padre Faura Street, Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Government Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 5 June 2026
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KATAAS-TAASANG HUKUMAN NG PILIPINAS

ITINATAG SA BISA NG ACT NO. 136 NG KOMISYONG TAFT, 11 HUNYO 1901 MATAPOS MAISAWALANG BISA ANG AUDIENCIA TERRITORIAL DE MANILA NA ITINATAG NOONG 1583. ITINALAGA SI CAYETANO S. ARELLANO BILANG UNANG PUNONG HUKOM, 15 HUNYO 1901. GINAMIT NA TANGGAPAN ANG GUSALI NG AUDIENCIA SA INTRAMUROS, 1901. HIGIT NA PINAGTIBAY BILANG PINAKAMATAAS NA HUKUMAN SA KAPULUAN NG PILIPINAS MATAPOS LAGDAAN ANG ADMINISTRATIVE CODE OF THE PHILIPPINES, 10 MARSO 1917. INILIPAT ANG TANGGAPAN SA GUSALI NG AYUNTAMIENTO SA INTRAMUROS, 1938-1945. NAGPATULOY ANG MGA SESYON NG HUKUMAN NOONG PANANAKOP NG MGA HAPON. PANSAMANTALANG GINAMIT ANG GUSALI NG KOMISYON SA BADYET (NGAYO’Y BULWAGANG MABINI) SA MALAKANYANG NANG MAWASAK ANG AYUNTAMIENTO NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1945. LUMIPAT SA BULWAGANG VILLAMOR SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS SA MAYNILA, DEKADA 1950. SUMAILALIM SA REORGANISASYON MATAPOS ANG MAPAYAPANG PAG-AALSA NG TAUMBAYAN SA EDSA, 1986. GINAMIT ANG DATING GUSALI NG AKLATAN NG NATURANG PAMANTASAN BILANG PUNONG TANGGAPAN NG KORTE SUPREMA, 1991.

Simbahan ng Angat

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026


Location: Angat, Bulacan
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 4 May 2026
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG ANGAT

UNANG NAGING BISITA NG QUINGUA, NGAYO'Y PLARIDEL, ITINATAG BILANG HIWALAY NA PAROKYA NA INIALAY SA PATRONATO NI SANTA MONICA SA PANUKALA NG UNANG KURA JUAN MORELOS, O.S.A. (AGUSTINO), 1683 NA SIYA RING NAGPATAYO NG UNANG PAYAK NA ISTRUKTURA. IPINATAYO ANG ISTRUKTURANG YARI SA BATO NI GREGORIO GINER, O.S.A., 1773. PINAGMULAN NG MGA PAROKYA NG BALIWAG, PULILAN, SAN RAFAEL, AT NORZAGARAY. NATAPOS ANG HARAPAN AT TATLONG PALAPAG NA KAMPANARYO, 1802, AYON KAY JOAQUIN MARTINEZ DE ZUÑIGA, O.S.A. ANG MGA GUSALI AY YARI SA BATO AT MAY BUBONG NA TISA NA NAKATIRIK SA ISANG MATAAS NA BAHAGI NG BAYAN NA KAKIKITAAN ANG KABUUAN NG ANGAT, 1803. NAGING UNANG PAROKYANG PINAGLINGKURAN NI MANUEL BLANCO, O.S.A., KUNG SAAN SIYA NAGING BIHASA SA TAGALOG AT NABIGHANI SA LUNTIANG KAPALIGIRAN NA NAGBUNSOD UPANG KANYANG ISULAT ANG FLORA DE FILIPINAS, 1805. NAPINSALA NG LINDOL, 1863 AT IPINAAYOS, 1866. DITO NAGKUBLI ANG MGA GUARDIA CIVIL SA KASAGSAGAN NG HIMAGSIKANG PILIPINO, 1896. PANSAMANTALANG NAGING HIMPILAN NG MGA HUKBONG AMERIKANO NI HENRY WARE LAWTON NOONG DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO, 1899. BILANG PAGDIRIWANG NG IKATLONG DAANG TAONG ANIBERSARYO NG PAGKAKATATAG NG PAROKYA, DUMAAN SA MALAKING PAGSASAAYOS ANG SIMBAHAN AT PATIO, 1981-1983 AT MULING INIALAY, 1984. DUMAAN SA MGA PAGSASAAYOS, 2002, 2013 AT 2016. ITINALAGA BILANG ISA SA LIMANG DAANG JUBILEE CHURCHES SA PAGDIRIWANG NG LIMANDAANG TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS, 2021.

Kapitolyo ng Bulacan



NHCP Photo Collection, 2026
Location: Malolos, Bulacan
Category: Buildings/Structures
Type: Government building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 23 January 2026
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KAPITOLYO NG BULACAN

UNANG ITINAYO NA MAY ISANG PALAPAG YARI SA OREGON PINE, GUIJO, AT YAKAL MATAPOS ILIPAT ANG KABISERA NG LALAWIGAN SA MALOLOS MULA SA BULAKAN, 1901-1904. NAGKALOOB SI DON ANTONIO S. BAUTISTA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG LUPA NA GINAMIT UPANG MAISAKATUPARAN ANG PLANO NA MAGTAYO NG MAS MALAKING KAPITOLYO, 1906-1908. DITO ITINAYO ANG KASALUKUYANG GUSALING YARI SA KONKRETO, GRANITO, AT MARMOL SA ISTILONG ART DECO AYON SA DISENYO NI ARKITEKTO JUAN M. ARELLANO, 1930. GINAMIT NA HIMPILAN NG MGA HUKBONG HAPONES, NASUNOG AT NASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ISINAAYOS SA PANGUNGUNA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, 1950. MULING ISINAAYOS AT PINALAWIG ANG GUSALI BILANG PAGTUGON SA LUMALAKING PANGANGAILANGAN NG LALAWIGAN, 1991.  

Cebu Normal University

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026

NHCP Photo Collection, 2026
Location: Cebu City
Category: Buildings/Structures
Type: Government building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 20 January 2026
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CEBU NORMAL UNIVERSITY

ISA SA MGA NAUNANG PAARALANG NORMAL NA ITINATAG NG DEPARTMENT OF PUBLIC INSTRUCTION SA ILALIM NG PAMAHALAANG AMERIKANO SA LABAS NG MAYNILA AT KINILALA BILANG CEBU NORMAL SCHOOL, 1902. NAGING UNANG PUNONG GURO SI SAMUEL MACCLINTOCK. IPINATAYO NG BUREAU OF PUBLIC WORKS SA ISTILONG NEOKLASIKAL ANG GUSALING YARI SA KONGKRETO AT KAHOY BATAY SA DISENYO NI ARKITEKTO TOMAS MAPUA, 1923. BINUKSAN, 1924. GINAMIT NA HIMPILAN NG MGA SUNDALONG HAPON, LALO NA NG MGA KEMPEITAI, NANG MAKUBKOB ANG LALAWIGAN NG CEBU; DITO IPINIIT, PINAHIRAPAN AT PINASLANG ANG MGA PILIPINO AT AMERIKANO, 1945. NAKALIGTAS MULA SA PINSALANG DULOT NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT PANSAMANTALANG NAGING KWARTEL NG MGA SUNDALONG AMERIKANO, 1945. MULING BINUKSAN ANG MGA KLASE, 1946. DITO PINASINAYAAN NI PANGULONG DIOSDADO MACAPAGAL ANG PAGLUNSAD SA EKSIBISYON PARA SA PAGDIRIWANG NG IKA-400 ANIBERSARYO NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS, 1965. PINANGALANANG CEBU NORMAL COLLEGE, 1967; NAGING CEBU STATE COLLEGE, 1976; AT ITINALAGANG CEBU NORMAL UNIVERSITY, 1998.

Rizal Memorial Library and Museum

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Osmeña Boulevard, Cebu City
Category: Buildings/Structures
Type: Library
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 5 December 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
RIZAL MEMORIAL LIBRARY AND MUSEUM

IPINATAYO GAMIT ANG PONDONG NALIKOM NG LOS TOCAYOS DE RIZAL SA KARANGALAN NI DR. JOSE RIZAL. DINISENYO NI JUAN M. ARELLANO BILANG GUSALI NG SANGAY NG PHILIPPINE LIBRARY AND MUSEUM SA CEBU, NGAYO’Y PAMBANSANG AKLATAN NG PILIPINAS, SA LUPANG IPINAGKALOOB NI SERGIO OSMEÑA. PINASINAYAAN BILANG RIZAL MEMORIAL LIBRARY, 30 DISYEMBRE 1939. SINARA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT NAGSILBING HIMPILAN NG HUKBONG IMPERYAL NG HAPON. NAGSILBING TAHANAN NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG CEBU HABANG ISINAAYOS ANG BAHAY-PAMAHALAAN MATAPOS ANG DIGMAAN. NAGSILBING GUSALI NG PERPETUAL SUCCOR HOSPITAL, 1950-1959. IPINAAYOS, 2010. MULING BINUKSAN SA PUBLIKO, 8 MAYO 2011. KASALUKUYANG TAHANAN NG CEBU CITY PUBLIC LIBRARY, CEBU CITY MUSEUM, AT CULTURAL AND HISTORICAL AFFAIRS COMMISSION OF CEBU CITY.

Simboryo ng Taguig

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

Location: Sta. Ana Cemetery, Barangay Tuktukan, Taguig City
Category: Buildings/Structures
Type: Chapel
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 21 November 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBORYO NG TAGUIG

ITINAYO ALINSUNOD SA KAUTUSAN NI HARING CARLOS IV NG ESPANYA NA MAGKAROON NG HIWALAY NA LUGAR ANG MGA SEMENTERYO MULA SA MGA SIMBAHAN BILAG PAGTUGON SA MGA EPIDEMYA NOONG IKA-19 DANTAON SA MGA KOLONYA. NASIRA NG LINDOL, 1882. ISINAAYOS SA PANGUNGUNA NI PADRE GUILLERMO DIAZ, OSA, 1885. NAGSILBING HIMPILAN NG HUKBO NI HENERAL ARTEMIO RICARTE AT GINAMIT NA KWARTEL NG PWERSANG AMERIKANO NOONG DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO, 1899-1901. ISINAAYOS SA PANGUNGUNA NG ARKDIYOSESIS NG MAYNILA. MULA SA MGA DEKADA 1980 HANGGANG 1990, BAHAGI NG KOMPLEKS NG SIMBAHAN NG SANTA ANA NA IDINEKLARANG MAHALAGANG YAMANG PANGKALINANGAN NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2017. ISA SA MGA NATATANGING KAPILYA BATO SA BANSA NA SILINDRIKONG SIMBORYO.

Casa Tribunal De Patnongon

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Patnongon, Antique
Category: Buildings/Structures
Type: Government building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 29 August 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CASA TRIBUNAL DE PATNONGON

UNANG ITINAYO GAWA SA KAWAYAN, PAWID AT KAHOY MATAPOS NA MULING MAGING GANAP NA BAYAN ANG PATNONGON MULA SA SIBALON, NGAYO’Y SIBALOM, 1841. SINIMULANG IPATAYO ANG KASALUKUYANG DALAWANG PALAPAG NA GUSALING GAWA SA BATO SA PAMAMAGITAN NG POLO Y SERVICIOS, 1874; AT NATAPOS SA HULING BAHAGI NG IKA-19 NA DAANTAON. NAGSILBING TRIBUNAL AT BAHAY PAMAHALAAN HANGGANG SAKUPIN NG MGA SUNDALONG HAPON ANG BAYAN NG PATNONGON; GINAMIT NA HIMPILAN KUNG SAAN IPINIIT AT PINAHIRAPAN ANG MGA PILIPINO AT AMERIKANO, 1943-1945. LUBHANG NAPINSALA NG SUNOG NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. NANATILING MGA GUHO HANGGANG SA ISINAAYOS NG PAMBANSANG KOMISYONG PAGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 2023-2025. ISA SA MGA NATATANGING LUMANG PAMPUBLIKONG ISTRUKTURANG GAWA SA BATO SA LALAWIGAN NG ANTIQUE. 

Basilika ng Tayabas

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Basilica Road, Barangay IV, Tayabas City, Quezon
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 October 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BASILIKA NG TAYABAS

ITINATAG NG MGA MISYONERONG PRANSISKANO, 1585. IPINASAAYOS ANG UNANG ISTRUKTURA SA ILALIM NI SAN PEDRO BAUTISTA, 1590. IPINATAYO ANG SIMBAHANG YARI SA BATO AT TISA NA INIALAY SA PATRONATO NI SAN MIGUEL ARKANGHEL, 1600; AT ANG KUMBENTO NA MAY TRONERAS BILANG TUGON SA MGA PANGANGAYAW, 1649. PANSAMANTALANG PINAGLAGAKAN NG LIMBAGAN NG MGA PRANSISKANO, 1703. MULING ITINAYO MATAPOS MAPINSALA NG LINDOL, 1743; PINALAKI AT DUMAAN SA MARAMING PAGSASAAYOS MULA IKA-17 HANGGANG IKA-18 DANTAON. ISA SA LIMANG GUSALING NAGING KUTA NG MGA KASTILA NOONG HIMAGSIKANG PILIPINO. ITINAAS DITO ANG BANDILA NG PILIPINAS MATAPOS SUMUKO SINA GOBERNADOR JOAQUIN PACHECO, 20 OPISYAL AT 175 SUNDALO SA PUWERSA NINA HENERAL MIGUEL MALVAR, ELEUTERIO MARASIGAN AT VICENTE LUKBAN NA NANGUNA SA PAGKUBKOB SA TAYABAS NA TUMAGAL NANG 50 ARAW, 13 AGOSTO 1898. NASIRA ANG KUMBENTONG NAGING HIMPILAN NG MGA HAPON HABANG NAKALIGTAS NAMAN ANG SIMBAHAN SA PINSALA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. UNANG PINAGKALOOBAN NG PANANDANG PANGKASAYSAYAN NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN, 1978 AT ISINAAYOS, 1984. HINIRANG BILANG BASILIKA MENOR NI PAPA JUAN PABLO II, 1988. IDINEKLARANG PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2001.

Jose Rizal (1861-1896)

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Sariaya Public Plaza, Gov. Sariaya, Quezon
Category: Buildings/Structures
Type: Structure
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 9 October, 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE RIZAL
(1861-1896)

PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS. DOKTOR, AGRIMENSOR, DALUBWIKA, MANUNULAT, MAKATA, ESKULTOR AT PINTOR. ISINILANG SA CALAMBA, LAGUNA, 19 HUNYO 1861. MAY-AKDA NG NOLI ME TANGERE (1887) AT EL FILIBUSTERISMO (1891), MGA NOBELANG HIGIT PANG NAGPAALAB SA MGA PILIPINO NA MAGHIMAGSIK LABAN SA ESPANYA. DINAKIP AT IPINATAPON SA DAPITAN, HILAGANG MINDANAO, 6 HULYO, 1892. NAGBOLUNTARYO BILANG MANGGAGAMOT NG PUWERSANG ESPANYOL SA CUBA, 1896, NGUNIT MULING DINAKIP PATUNGONG ESPANYA SA BINTANG NA REBELYON. BINARIL SA BAGUMBAYAN (NGAYO’Y LIWASANG RIZAL), MAYNILA, 30 DISYEMBRE 1896. PATULOY NA INSPIRASYON PARA SA KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO SA PILIPINAS.

PINASINAYAAN ANG NEOKLASIKONG MONUMENTO NA LIKHA NI EUSEBIO CORTEZ SA LIWASANG DISENYO NI JUAN ARELLANO, 30 DISYEMBRE 1924.

Celso Ledesma Mansion

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Ortiz Street, Ioilo City
Category: Buildings/Structures
Type: Ancestral House
Status: Heritage House
Legal basis: NHCP Resolution No. 27, s. 2024
Marker date: 15 May 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CELSO LEDESMA MANSION

DECLARED A HERITAGE HOUSE PURSUANT TO BOARD RESOLUTION NO. 27, S. 2024 OF THE NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES.

Simbahan ng Jasaan


NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Jasaan, Misamis Oriental
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 23 April 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG JASAAN

IPINATAYO NG MGA PARING REKOLETO ANG UNANG SIMBAHAN SA APLAYA BILANG VISITA NG CAGAYAN SA HILAGANG MINDANAO. NAGING GANAP NA PAROKYA PATRONATO NG INMACULADA CONCEPCION, 1830. INILIPAT ANG PANGANGASIWA NG PAROKYA SA MGA PARING HESWITA SA BISA NG DEKRETO NI REYNA ISABELA II, 1860-1861. INILIPAT ANG PAROKYA SA KASALUKUYAN NITONG LOKASYON. NAGTAYO NG BAGONG SIMBAHAN NA YARI SA KAHOY SA PANGUNGUNA NI FR. JUAN HERAS, SJ AT INAYON ANG DISENSYO MULA SA SIMBAHAN NG SAN IGNACIO SA INTRAMUROS, 1887. PANSAMANTALANG NATIGIL ANG PAGTATAYO DAHIL SA HIMAGSIKANG PILIPINO. BAHAGYANG NASIRA NG LINDOL, 1904. GANAP NA NATAPOS ANG PAGTATAYO NG SIMBAHAN NA YARI SA KAHOY AT LADRILYO, 1938. ISINAAYOS NOONG DEKADA ’80. IDINEKLARA BILANG PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2001. MULING SINIMULAN ANG PAG-AAYOS AT IBINALIK SA ORIHINAL NA DISENYO SA PANGUNGUNA NG JASAAN PARISH RESTORATION & DEVELOPMENT COMMITTEE INC., 2013.