Showing posts with label 2014. Show all posts
Showing posts with label 2014. Show all posts

Filamer Christian University

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Roxas City, Capiz
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 8 October 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY
ITINATAG NG MGA MISYONERO SA PANGUNGUNA NINA REV. JOSEPH ROBBINS AT CECILIA SAINZ ANG BAPTIST HOME SCHOOL, ISANG PAARALANG PRIMARYA, SA TAHANAN NI CECILIA SAINZ UPANG TURUAN AT BIGYAN NG TAHANAN ANG MGA BATANG NAULILA SA BAYAN NG CAPIZ (NGAYO’Y ROXAS CITY, CAPIZ), 1904.  INILIPAT SA KASALUKUYANG LOKASYON, 1908. NAGSARA ANG PAARALAN AT GINAMIT BILANG GARISON NG MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. PINANGALANANG FILAMER CHRISTIAN INSTITUTE BILANG PAGKILALA SA PAGKAKAIBIGAN NG MGA PILIPINO AT AMERIKANO, 1948.  BINUKSAN ANG ANTAS NG KOLEHIYO, 1968. TINAWAG NA FILAMER CHRISTIAN COLLEGE, 1985. NAGING UNIBERSIDAD, 2010.

Guho ng Kapilya ng Ermita

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Barangay Ermita, Dumangas, Iloilo
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 13 March 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
GUHO NG KAPILYA NG ERMITA

UNANG IPINATAYO ANG KAPILYA YARI SA NIPA NANG GAWING SENTRO NG PAGMIMISYON SA PANAY ANG ARAUT (NGAYO’Y DUMANGAS) NI PADRE JUAN DE ALVA, O.S.A., 1569. IPINATAYO ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO NA YARI SA BATO SA PATRONATO NI SAN AGUSTIN, 1572. NASUNOG, 1628. MULING IPINATAYO NGUNIT NASIRA NG LINDOL, 1787. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 28 AGOSTO 1989.

Labanan sa Alapan

NHCP Photo Collection, 2019
Location: Shrine of the Ntional Flag, Bucandala-Alapan Road, Imus, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text: 
LABANAN SA ALAPAN

SA POOK NA ITO NG ALAPAN, IMUS, KABITE, NOONG 28 MAYO 1898, NAIPAGTAGUMPAY ANG KAUNAUNAHANG LABANAN SA MGA HANGGANAN NG KAWIT NANG MULING MAGBANGONG-LAKAS LABAN SA ESPANYA ANG HIMAGSIKAN ITINATAG NI HENERAL EMILIO AGUINALDO. ANG LABANANG ITO ANG NAGING PALATANDAAN NG ATING MATAGUMPAY NA PAGPUPUNYAGING MAIBAGSAK ANG PAGHAHARI NG MGA KASTILA AT NG PAGSILANG NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS. SA POOK DIN ITO UNANG IWINAGAYWAY ANG BANDILANG PILIPINO.

Simbahan ng Parokya ng San Jose, Las Piñas (Declaration Marker)

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Las Piñas Church, P. Diego Cera Avenue, Las Piñas City
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship, Declaration marker
Status: Level I-National Historical Landmark
Marker date: February 28, 2014
Installed by; National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG PAROKYA NG 
SAN JOSE, LAS PIÑAS

IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN SA BISA NG RESOLUSYON BLG. 08 NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 15 HULYO 2013.

Francisco "Soc" Rodrigo 1914–1998

© Judgefloro/Wikimedia Commons
Location: Bulakan, Bulacan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: January 29, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
FRANCISCO “SOC” RODRIGO 
1914–1998

GURO, MAMAHAYAG, MANUNULAT AT SENADOR. ISINILANG SA BULAKAN, BULACAN, 29 ENERO 1914. NAG-ARAL SA ATENEO DE MANILA, 1930–1934, AT SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS, 1934–1935. NAGTAPOS NG ABOGASYA SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1938. NAGING SENADOR, 1955–1967. LUMABAN SA BATAS MILITAR AT REHIMENG MARCOS, NAPIIT NANG TATLONG ULIT: NOONG 1972, 1978 AT 1982. MIYEMBRO NG KOMISYON SA SALIGANG BATAS, 1986. ITINAGUYOD ANG WIKANG FILIPINO SA KANYANG MGA TULA, DULA, TALUMPATI, ARTIKULO AT MAGING SA PAGTUTURO. YUMAO, 4 ENERO 1998.

Iglesia ni Cristo

© JM Capunitan/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Commonwealth Avenue, Quezon City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: July 24, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
IGLESIA NI CRISTO

ITINATAG BILANG ISANG ORGANISASYONG PANRELIHIYON, 27 HULYO 1914. UNANG IPINANGARAL NI FELIX Y. MANALO SA PUNTA, STA. ANA, MAYNILA. LUMAGANAP SA KAMAYNILAAN, MGA KARATIG-LALAWIGAN AT SA MALALAYONG PULO SA BANSA. NAITAYO ANG UNANG MISYON SA IBAYONG DAGAT SA HAWAII, ESTADOS UNIDOS SA ILALIM NG PAMAMAHALA NI ERAÑO G. MANALO, HULYO 1968. NAKARATING SA IBA’T IBANG BANSA. NAKILALA SA MGA KAPILYA NITONG NATATANGI ANG DISENYO AT ARKITEKTURA. ITINATAGUYOD ANG MGA DOKTRINANG PANRELIHIYON UKOL SA PAGSAMBA SA DIYOS, PAGKAKAISA, PAGKAKAPATIRAN AT PAGKAKAWANGGAWA. NAKAPAGTATAG NG MGA PAMAYANAN AT MGA PASILIDAD PANGKALUSUGAN AT PANG-EDUKASYON.

TANDA NG IKASANDAANG TAONG PAGKAKATATAG.

Pook na Kinamatayan ni Teodora Alonso

Location: San Fernando Street, San Nicolas, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
POOK NA KINAMATAYAN NI TEODORA ALONSO

SA POOK NA ITO NAMATAY SI TEODORA ALONSO, INA NI JOSE RIZAL, NOONG 16 AGOSTO 1911.

St. Paul University Philippines Tuguegarao City

Location: St. Paul University Philippines, Mabini Street, Tuguegarao, Cagayan
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 11, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ST. PAUL UNIVERSITY PHILIPPINES
TUGUEGARAO CITY

ITINATAG NG SISTERS OF ST. PAUL OF CHARTRES BILANG COLEGIO DE SAN PABLO, KALYE RIZAL, 1907. NAGING COLEGIO DEL SAGRADO CORAZON DE JESUS, 1909. BINUKSAN ANG ANTAS NG SEKUNDARYA, 1911. PINANGALANANG SACRED HEART OF JESUS INSTITUTION, 1925. LUMIPAT SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN, 1934. NANGUNA SA PAGBUKAS NG MGA KURSONG PAGTUTURO SA CAGAYAN VALLEY, 1939. GINAMIT NA HOSPITAL AT GARISON NG MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1941–1945. IPINAGPATULOY ANG PAGTUTURO, 1941–1944. BINOMBA NG AMERIKANO, 1945. NAGING ST. PAUL COLLEGE OF TUGUEGARAO, 1949. ITINALAGA BILANG PAMANTASAN, 1982.

Kabisera ng Republika ng Pilipinas Tarlac, Tarlac

Location: Tarlac State University, College of Computer Studies Building, Romulo Boulevard, Brgy. San Vicente, Tarlac City, Tarlac
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: July 14, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KABISERA NG REPUBLIKA NG PILIPINAS 
TARLAC, TARLAC

SA POOK NA ITO DATING NAKATAYO ANG CASA REAL NG TARLAC NA NAGSILBING TANGGAPAN NG PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS SA KASAGSAGAN NG DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO, 21 HUNYO 1899. DITO NILAGDAAN NI PANGULONG EMILIO AGUINALDO ANG MAHAHALAGANG DEKRETO, KABILANG ANG PAGKILALA SA MGA HULING ESPANYOL NA SUMUKO SA BALER, 30 HUNYO 1899; ITINATAG ANG KAWANIHAN NG SALAPING PAPEL, 30 HUNYO 1899; IPINATUPAD ANG BATAS SA PAGKAMAMAMAYAN, 5 AGOSTO 1899; ITINATAG ANG SISTEMANG KOREYO, 29 AGOSTO 1899; BINUO ANG KORTE SUPREMA, 15 SETYEMBRE 1899. LUMISAN ANG PAMAHALAAN BUNSOD NG PAGDATING NG PUWERSANG AMERIKANO, 12 NOBYEMBRE 1899.

San Ramon Prison and Penal Farm

Photo contributed by Wilmer P. Godoy, 2024

Photo contributed by Wilmer P. Godoy, 2024
Location: Zamboanga City
Category: Buildings/Structures
Type: Prison
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 13 November 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SAN RAMON PRISON AND PENAL FARM

ITINATAG SA PATRONATO NI SAN RAMON NONATO COLONIA PENITENCIARIA AGRICOLA UPANG PALAWAKIN ANG AGRIKULTURA SA PAGGAWA NG MGA BILANGONG  MANGGAGAWA, 31 AGOSTO 1870.  PIITAN NG MGA NAHATULANG KALABAN NG PAMAHALAANG ESPANYOL.  KALAUNA’Y DITO ITINAPON ANG MGA NAGKASALANG KRISTIYANO AT MUSLIM. NASUNOG ANG MGA GUSALI SA LABANAN NG PILIPINO AT ESPANYOL, 1899. IPINAGPATULOY NG MGA AMERIKANO ANG PAMAMAHALA DITO, 1901. PINAMUNUAN NG MORO PROVINCE, 1911, NG DEPARTMENT OF MINDANAO AND SULU, 1914, AT NG BUREAU OF PRISONS, 1915. GINAMIT NG MGA HAPON BILANG PIITAN NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.  ISA SA MGA UNANG KOLONYANG PENAL SA BANSA.

Jose F. Ozamiz (1898–1944)

Location: Town Plaza, Aloran, Misamis Occidental
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE F. OZAMIZ 
(1898–1944)

ISINILANG SA BANISILON, ALORAN, MISAMIS OCCIDENTAL, 5 MAYO 1898. NAGTAPOS NG ABOGASYA SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1921. GOBERNADOR NG MISAMIS OCCIDENTAL, 1929–1931; KINATAWAN SA LEHISLATURA NG PILIPINAS, 1931–1935; KOMBENSYON KONSTITUSYONAL, 1934–1935; PAMBANSANG ASAMBLEYA, 1935–1938. NAIHALAL MULI SA ASAMBLEYA NGUNIT TUMANGGI SA POSISYON UPANG UMANIB SA KILUSANG GERILYA AT HUKBONG AMERIKANO SA AUSTRALIA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. DINAKIP NG MGA HAPON AT IPINIIT SA FORT SANTIAGO AT BILIBID. DINALA SA MANILA CHINESE CEMETERY KUNG SAAN SIYA AT ANG IBA PANG KASAMA AY PINUGUTAN NG ULO AT ITINAPON ANG KANILANG MGA BANGKAY SA ISANG HUKAY LAMANG SA LOOB NG SEMENTERYO, 30 AGOSTO 1944. NATAGPUAN ANG MGA LABI, 1946. INILIPAT ANG MGA LABI AT BINIGYAN NG MARANGAL NA LIBING SA CEMENTERIO DEL NORTE SA MAYNILA, 9 MARSO 1947.

Negros Oriental State University

Location: Negros Oriental State University, Kagawasan Avenue cor. Real Street, Dumaguete, Negros Oriental
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: February 14, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
NEGROS ORIENTAL STATE UNIVERSITY

NAGSIMULA BILANG KLASE SA PAGGAWANG KAHOY SA NEGROS ORIENTAL PROVINCIAL HIGH SCHOOL, 1907. IHINIWALAY ITO UPANG MAGING SEKUNDARYANG PAARALAN NG INDUSTRIAL ARTS AT KALAUNA’Y TINAWAG NA NEGROS ORIENTAL TRADE SCHOOL, 1927. NANGUNA SA PAGTATAGUYOD NG EDUKASYONG TEKNIKAL SA LALAWIGAN. ITINURO DITO ANG KURSONG ELEKTRIKAL AT AWTOMEKANIKS, 1946. BINUKSAN ANG KURSONG PANGKOLEHIYO; NAGING EAST VISAYAN SCHOOL OF ARTS AND TRADE, 1956. NAGKAROON NG KLASENG PANGGABI PARA SA MGA NAKATATANDA AT KABATAANG HINDI NAG-AARAL, 1960. ISINAMA SA PAMAMAHALA NITO ANG NEGROS ORIENTAL AGRICULTURAL SCHOOL, GUIHULNGAN VOCATIONAL SCHOOL, AT BAIS SCHOOL OF FISHERIES; NAGING CENTRAL VISAYAS POLYTECHNIC COLLEGE, 1983. ITINALAGA BILANG PAMANTASAN, 2004.

University of Eastern Philippines

Location: University of Eastern Philippines, Catarman, Northern Samar
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 12, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
UNIVERSITY OF EASTERN PHILIPPINES

NAGSIMULA BILANG PAARALANG PANLALAWIGAN SA PANGALANG CATARMAN FARM SCHOOL, 1918. NAGING PAARALANG BAYAN DAHIL SA INSULAR AID NG PAMUNUANG PAMBANSA AT TINAWAG NA CATARMAN AGRICULTURAL SCHOOL, 1919; KALAUNAN, CATARMAN AGRICULTURAL HIGH SCHOOL. TUMULONG SA MGA KARATIG NA PAMAYANANG PANG-AGRIKULTURA. NAGSILBING LUGAR PARA SA PAGSASANAY-MILITAR NG PUWERSANG GERILYA AT PANSAMANTALANG HIMPILAN NG MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. PINANGALANANG CATARMAN NATIONAL AGRICULTURAL HIGH SCHOOL, 1951. NAGING SAMAR INSTITUTE OF TECHNOLOGY, 1956. ITINALAGA BILANG UNIBERSIDAD AT TINAWAG NA UNIVERSITY OF EASTERN PHILIPPINES, 1964.

San Ezekiel Moreno 1848–1906

Location: Puerto Princesa Cathedral, Rizal Avenue, Puerto Princesa
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 8, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SAN EZEKIEL MORENO 
1848–1906

PARING AGUSTINO REKOLETO AT SANTO. ISINILANG SA LA RIOJA, ESPANYA, 9 ABRIL 1848. DUMATING SA MAYNILA, 10 PEBRERO 1870. NAORDENAHANG PARI SA KATEDRAL NG MAYNILA, 2 HUNYO 1871. KABILANG SA MGA NAGTATAG NG BAYAN NG PUERTO PRINCESA BILANG UNANG MISYONERO, KAPELYAN NG MGA MILITAR AT NG COLONYA PENAL, 4 MARSO 1872. MULA 1873 HANGGANG 1885, NAGING KURA PAROKO NG CALAPAN (MINDORO), LAS PIÑAS, SANTO TOMAS (BATANGAS), STA. CRUZ (MAYNILA) AT TAGAPAMAHALA NG HACIENDA NG IMUS. YUMAO SA ESPANYA SA SAKIT NA KANSER, 19 AGOSTO 1906. IDINEKLARANG SANTO NI PAPA JUAN PABLO II DAHIL SA IPINAKITANG KABANALAN, KAPURI-PURING HALIMBAWA, AT TAOSPUSONG PAGSILBI SA MGA KAPUSPALAD AT MGA MAYSAKIT SA PILIPINAS, ESPANYA AT COLOMBIA, 11 OKTUBRE 1992. ITINUTURING NA SANTO AT PATRON NG MGA MAY KANSER.

Embahada ng Pilipinas Fujimi, Chiyoda-ku, Tokyo*

© Eugene Alvin Villar/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Eugene Alvin Villar/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: The Kudan, Fujimi, Chiyoda-ku, Tokyo, Japan
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level I - National Historical Landmark
Marker date: March 3, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
EMBAHADA NG PILIPINAS
FUJIMI, CHIYODA-KU, TOKYO

IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN SA BISA NG RESOLUSYON BLG. 1 NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 11 MARSO 2013.

Andres Bonifacio (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897)

NHCP Photo Collection, 2025
Location: National Road, Ivana, Batanes
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
ANDRES BONIFACIO
(30 NOBYEMBRE 1863 – 10 MAYO 1897)

BAYANI AT REBOLUSYONARYO. ISINILANG SA TONDO, MAYNILA, 30 NOBYEMBRE 1863. SUMAPI SA MASONERIYA AT LA LIGA FILIPINA, 1892. NAGTATAG NG KATAASTAASAN KAGALANGGALANG NA KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN O KATIPUNAN, ISANG LIHIM NA KILUSAN NA ANG PANGUNAHING ADHIKAIN AY MAPAGKAISA ANG LAHAT NG MGA PILIPINO AT ITAGUYOD ANG ISANG BAYANG MALAYA SA PAMAMAGITAN NG PAGHIHIMAGSIK, 7 HULYO 1892. PINAMUNUAN ANG PAGSISIMULA NG MALAWAKANG PAGHIHIMAGSIK LABAN SA MGA ESPANYOL, AGOSTO 1896. SUMALAKAY SA SAN JUAN DEL MONTE UPANG KUBKUBIN ANG POLVORIN, 30 AGOSTO 1896. PINATAY SA MARAGONDON, CAVITE, 10 MAYO 1897. KINIKILALA BILANG SUPREMO NG KATIPUNAN AT AMA NG HIMAGSIKAN.

Batanes High School

Photo from the Facebook public group, Maroonian Ako! (BHS,BNHS and BNSHS)

© Andre Ryan Maceda/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Batanes National Science High School, BNHS Road, Basco, Batanes
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BATANES HIGH SCHOOL

ITINATAG SA BASCO, BATANES UPANG MAGKAROON NG SEKONDARYANG PAARALAN SA LALAWIGAN, 1917. NAGTAPOS ANG MGA UNANG MAG-AARAL, 1928. PANSAMANTALANG ISINARA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1942–1945; MULING BINUKSAN MATAPOS ANG DIGMAAN, 1946. NAGING BATANES HIGH SCHOOL, 18 HUNYO 1964. GINAWANG BATANES NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL, 22 AGOSTO 2000.

Casa Real

© Adkranz/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Andre Ryan Maceda/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Batanes Provincial Capitol Building, National Road, Basco, Batanes
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CASA REAL

IPINAGAWA SA KAHOY NG MGA ESPANYOL NOONG IKA-18 SIGLO. IPINAGAWA SA BATO NI GOB. JOSE SERRA, 1872. DITO NAMATAY SI JULIAN FORTEA, ANG HULING GOBERNADOR ESPANYOL NG BATANES, NOONG SALAKAYIN NG MGA KATIPUNERO ANG CASA REAL, 18 SETYEMBRE 1898. NAGSILBING KABISERA NG MGA PINUNO NG BATANES NOONG PANAHON NG MGA ESPANYOL HANGGANG KASALUKUYAN.

Vera’s Guerilla Tayabas

Location: Lopez, Quezon
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 7, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
VERA’S GUERILLA TAYABAS

TINATAG NI KAPITAN EPIFANIO VERA SA SITIO CABONG, PERIS, GUINAYANGAN, TAYABAS (BUENAVISTA, QUEZON NGAYON), 7 MAYO 1942, AT NAGHIMPIL SA LALAGUNA, LOPEZ, TAYABAS. SUNOD NA PINANGUNAHAN NI SARHENTO GAUDENCIO VERA ANG MGA OPERASYONG GERILYA LABAN SA MGA HAPON SA TANGWAY NG BONDOC, TAYABAS, 1942–1945. NAGBIGAY NG MAHAHALAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA MGA KAGANAPAN SA TAYABAS, 1944–1945. TAGAPAGPALAYA NG LOPEZ, 31 MARSO 1945, AT CALAUAG, TAYABAS, ABRIL 1945. NANGUNA SA MULING PAGBUBUKAS NG 17 PAMAHALAANG BAYAN SA TANGWAY NG BONDOC. TUMULONG SA REHABILITASYON NG TAYABAS, CAMARINES NORTE AT CAMARINES SUR MATAPOS ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.

Tanda ng Ika-Sandaang Taong Pagkakatatag

Location: Marinduque National High School, Boac, Marinduque
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 24, 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TANDA NG IKA-SANDAANG TAONG PAGKAKATATAG

NAGSIMULA BILANG BOAC HIGH SCHOOL, 1913. NANGUNA SA PAGTATAGUYOD NG SEKONDARYANG EDUKASYON SA MARINDUQUE. KALAUNA’Y TINAWAG NA MARINDUQUE HIGH SCHOOL AT MARINDUQUE PROVINCIAL HIGH SCHOOL. NAGSILBING GARISON NG MGA HAPON. SINUNOG NG MGA GERILYA AT MGA SUNDALONG AMERIKANO NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. NAGING MARINDUQUE NATIONAL HIGH SCHOOL, 1982.