Showing posts with label 1984. Show all posts
Showing posts with label 1984. Show all posts

Kampanaryo ng Jaro*

NHCP Photo Collections, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

Location: Jaro Public Plaza, Jaro, Iloilo City
Category: Buildings/Structures
Type: Bell tower
Status: Level I-National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 2, S. 1984 - Declaring the Jaro Belfry of the Jaro Cathedral in Iloilo City, as a National Landmark
Marker date: 27 November 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KAMPANARYO NG JARO 
 
ITINAYO NG MGA AGUSTINO NA YARI SA LADRILYO AT KORALES SA PANGUNGUNA NI PADRE JUAN AGUADO, OSA, BILANG BANTAYAN AT KAMPANARYO, 1744. NASIRA NG LINDOL, 13 HULYO 1787 AT MULING ITINAYO, 1824–1835. NAGIBA NANG NILINDOL ANG PANAY, 29 HUNYO 1868. ISINAAYOS NI OBISPO MARIANO CUARTERO, OP, NG DIYOSESIS NG JARO, 1881. GUMUHO ANG IKALAWA AT IKATLONG PALAPAG NANG TUMAMA ANG LINDOL NA TINAWAG NA “LADY CAYCAY,” 25 ENERO 1948. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 29 MAYO 1984. ISINAAYOS NG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN, DEKADA 1990, AT NG PAMBANSANG KOMISYONG PANGKASAYSAYAN NG PILIPINAS, 2022.

Padre Jose A. Burgos

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Ferlaw Building, Cabildo Street, Intramuros, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 17 February 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PADRE JOSE A. BURGOS

SA POOK NA ITO NANIRAHAN SI PADRE BURGOS MULA NOONG 1865 HANGGANG 1872 AT NAGTRABAHO PARA SA MGA PAGBABAGO SA SIMBAHAN SA ILALIM NG ESPANYA. NAGING KURA PAROKO NG PARROQUIA DEL SAGRARIO, FISCAL ECLESIASTICO AT PANSAMANTALANG CANONIGO MAGISTRAL NG KATEDRAL NG MAYNILA SA INTRAMOROS. TUNGKOL SA KANYA SI KARDINAL GONZALES, ISANG KASTILA, AY NAGWIKA: “ANG PILIPINAS AY MANGANGAILANGAN PA MARAHIL NG ISAN-DAANG TAON UPANG MAGKAROON NG ISANG ANAK NA MAY KATALINUHANG TULAD NI P. JOSE A. BURGOS.” KASAMA SINA PADRE GOMES AT ZAMORA, SIYA AY NAMATAY NA ISANG MARTIR SA LUNETA NOONG PEBRERO 17, 1872.

Maria Paz Mendoza-Guazon (Quezon City)

Location: PAUW Building, Matalag corner Matalino Streets, Quezon City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 20 October 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MARIA PAZ MENDOZA-GUAZON 

KATANGI-TANGING BABAENG NAGBIGAY DANGAL SA LAHI BILANG MAESTRA, DOKTORA, MANUNULAT AT TAGAPAGTATAG NG MGA MAKABULUHANG SAMAHAN PARA SA MGA PILIPINO. IPINANGANAK SA PANDAKAN, MAYNILA, KINA ISIDRO MENDOZA Y CRUZ AT MACARIA EUGENIO. UNANG BABAENG NAGTAPOS NG MATAAS NA PAARALAN, PHILIPPINE NORMAL SCHOOL, 1905; AT DOKTOR NG MEDISINA, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, 1912. NAG-ARAL AT NAGMASID SA AMERIKA AT EUROPA. KINILALA NG MGA SAMAHAN SA PAGGAGAMOT, SINING, KALINANGAN, AGHAM AT GAWAING SIBIKO. 

Maria Paz Mendoza-Guazon (Manila)

© Ryomaandres/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Ryomaandres/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Island Park, Pres. Quirino Avenue, Pandacan, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 26 May 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MARIA PAZ MENDOZA-GUAZON

BANTOG NA DOKTORA, EDUKADOR, MAMAMAHAYAG AT PILANTROPO, ISINILANG SA PANDACAN, MAYNILA, MAYO 10, 1884, KINA ISIDRO MENDOZA Y CRUZ AT MACARIA EUGENIO. UNANG BABAENG NAGTAPOS NG MATAAS NA PAARALAN, PHILIPPINE NORMAL SCHOOL, 1907; DOCTOR NG MEDISINA, UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, 1912; AT DOKTOR NG MEDISINANG TROPIKAL, GRADUATE SCHOOL OF TROPICAL MEDICINE AND PUBLIC HEALTH, 1916. NAG-ARAL AT NAGMASID SA AMERIKA AR EUROPA. UNANG BABAENG DEKANO NG MGA BABAE, 1916, REHENTE, 1924, AT PROPESOR NG PATHOLOGY AT BACTERIOLOGY, 1927, U.P.; KASAMA SA PAGTATAG AT UNANG BABAENG PANGULO NG ASSOCIATION OF UNIVERSITY OF WOMEN, 1928, AT NG ILANG SAMAHANG PANGGAGAMOT, PANLIPUNAN AT PANG-EDUKASYON AT UNANG PILIPINONG PANGULO NG SOCIETY FOR THE PREVENTION OF CRUELTY TO ANIMALS, 1939. TUMANGGAP NG GAWAD ZOBEL, MAGSAYSAY, 1955; AT GAWAD PAGKILALA KAY PANGULONG FERDINAND E. MARCOS, 1966. NAMATAY, MARSO 10, 1967.

Cayo Alzona (1868 - 1927)

Location: Biñan, Laguna
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 28, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CAYO ALZONA 
(1868-1927)

IPINANGANAK SA BIÑAN, LAGUNA, 23 ABRIL 1868. APO NI BIBIANA MERCADO RIZAL. NAGTAPOS NG A.B., COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN, 1891; LICENCIADO EN JURISPRUDENCIA, MERITISSIMUS SOBRESALIENTE, REAL Y PONTIFICIA UNIVERSIDAD DE SANTO TOMAS, 1895. UNANG PINUNO NG UGNAYANG PANLABAS, GABINETE NI MABINI, REPUBLIKA NG PILIPINAS, PISKAL NA PANLALAWIGAN NG ISABELA AT TAYABAS (NGAYO’Y QUEZON); HUKOM NG HUKUMANG UNANG DULUGAN NG ROMBLON, ANTIQUE, ILOILO, CAVITE AT LAGUNA. NAMATAY SA STA. CRUZ, LAGUNA, 24 AGOSTO 1927. 

Ang Pampangulong Kotse ng Tren

Location: PNR Tutuban Station, Tondo, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Structure
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 31 July 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG PAMPANGULONG KOTSE NG TREN

IPINAGAWA NG MANILA RAILROAD COMPANY (NGAYO'Y PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS) PARA SA PUNONG TAGAPAGPAGANAP NG BANSA SA METROPOLITAN WAGON AND FINANCE CO., LTD. SA BIRMINGHAM, INGLATERA, NOONG 1913. GINAMIT NA SASAKYAN NG PANGULONG MANUEL L. QUEZON NANG MAKIPAGTALAKAYAN SA MGA PINLINO NG PAMAHALAAN TUNGKOL SA MGA ISYUNG PAMBANSA BAGO MAG-IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT NG SUMUNOD NA MGA PANGULO NANG OPISYAL NA DUMALAW SA MGA LALAWIGAN SA HILAGA AT TIMOG LUZON; GAYUNDIN NG ILANG MATATAAS NA PINUNO NG IBANG BANSA TULAD NINA PRINSIPE AKIHITO AT PRINSESA MICHICO NG HAPON, HARING BHUMIBOL ADULYADEJ AT REYNA SIRIKIT NG THAILAND AT HEN. AT GNG. DOUGLAS MACARTHUR. HULING SUMAKAY ANG PANGULONG CARLOS P. GARCIA NANG PASINAYAAN ANG BAYAN NG LUCENA BILANG LUNGSOD NOONG 1961.

Ang Gusali ng Punonghimpilan sa Pagsasanay Militar ng Mamamayan sa Metropolitan Manila

Location: MTMTC, Makati City
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 1, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG GUSALI NG PUNONGHIMPILAN SA
PAGSASANAY MILITAR NG MAMAMAYAN
SA METROPOLITAN MANILA 

ITINAYO NG MGA AMERIKANO SA KANILANG MGA HUKBO, ANG GUSALING ITO ANG PUNONGHIMPILAN NG DEPARTAMENTO NG PILIPINAS, HUKBO NG ESTADOS UNIDOS SA PAMUMUNO NI HEN. DOUGLAS MACARTHUR, 1928-1930. NASA ILALIM NG DEPARTAMENTONG ITO ANG 45TH AT 57TH PHILIPPINE SCOUTS, 31ST INFANTRY, HARBOR DEFENSE FORCES OF MANILA AT ANG 26TH CAVALRY SA KUTA STOTSENBERG, PAMPANGA. KILALANG MGA MAHAHALAGANG TAGA-PAGTANGGOL NG PILIPINAS NOONG PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPONES. SA PAGHIHIWALAY NG HUKBONG KATIHAN NG PILIPINAS SA PAMAMAHALA NG PINUNO NG SLP, ITO'Y NAGING PUNONGHIMPILAN NG HKP NOONG 1957 AT NG PHILIPPINE DEFENSE FORCES KASAMA ANG EASTERN REGION FIELD FORCES NG SOUTH¬EAST ASIA TREATY ORGANIZATION, 1968-1970. GINAMIT BILANG PUNONGHIMPILAN NG PAGSASANAY MILITAR NG MAMAMAYAN SA METROPOLITAN MANILA SIMULA NOONG 1976.

Enrique T. Virata (1899–1973)

Location: General Yengco Street, Brgy. Medicion II-C, Imus, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: July 14, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ENRIQUE T. VIRATA 
(1899–1973)

KILALANG EDUKADOR, MATEMATIKO AT ESTADISTIKO. IPINANGANAK SA IMUS, CAVITE NOONG 14 HULYO 1899. NAG-ARAL, MGA PAARALANG PUBLIKO SA CAVITE; BALEDIKTORYAN, MANILA HIGH SCHOOL, 1918; A.B., UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, 1919; B.S. (MATEMATIKA), MAGNA CUM LAUDE, 1924; M.A., HARVARD UNIVERSITY, 1925; PH.D., JOHN HOPKINS UNIVERSITY, 1926; AT LL.D. (HONORIS CAUSA), U.P., 1969. PROPESOR; PUNO, KAGAWARAN NG MATEMATIKA; DEKANO, MGA SINING AT AGHAM (BAGUIO), MALALAYANG SINING, PANGANGASIWANG PANGKALAKAL, PAARALANG GRADWADO AT SENTRONG PANG-ESTADISTIKA, U.P. AT PANGALAWANG PANGULONG PAMPANGASIWAAN (EMERITUS) AT NANUNGKULANG PANGULO, U.P. TAGAPANGULO, COMMISSION ON EQUIVALENCE OF DEGREES AMONG PAKISTAN, THAILAND AND THE PHILIPPINES; PANGULO, SOUTHEAST ASIAN INSTITUTIONS FOR HIGHER LEARNING; PUNO, PHILIPPINE DELEGATION, U.N. REGIONAL SEMINAR ON POPULATION PROBLEMS, BANDUNG, INDONESIA; PUNO, R.P. DELEGATION, ASIAN STATISTICIANS, BANGKOK, THAILAND. ISA SA MGA TAGAPAGTATAG, FAMILY PLANNING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES AT PHILIPPINE STATISTICAL SOCIETY. MAHAHALAGANG AKDA: POPULATION OF THE PHILIPPINES, RICE PROBLEM, COLLEGE ALGEBRA AT IBA PA. NAMATAY NOONG 4 HUNYO 1973.

Villa Escudero

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Villa Escudero, Kilometer 91, Pan-Philippine Highway, Tiaong, Quezon
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: June 3, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (Filipino):
VILLA ESCUDERO

SUMASAKOP SA MALAWAK NA LUPAING BAHAGI NG LUNGSOD NG SAN PABLO SA LAGUNA AT MGA BAYAN NG TIAONG AT DOLORES SA QUEZON. NABILI NOONG 1880 NI PLACIDO ESCUDERO, ISANG KASTILANG ASAWA NI CLAUDIA MARASIGAN. DITO NIYA KINUPKOP ANG MGA MANGHIHIMAGSIK LABAN SA MGA KASTILA AT AMERIKANO NOONG 1897–1901. DITO RIN PINATULOY NI ARSENIO, KANYANG ANAK AT ASAWA NI ROSARIO ADAP, ANG MARAMING KAWAL PILIPINO AT AMERIKANO NANG UMURONG BUHAT TIMOG NOONG 1941 AT TUMUNGO SA BATAAN; GAYUNDIN ANG MARAMI SA KANILA NANG TUMALILIS SA BATAAN. DITO PA RIN BINUO NI ARSENIO ANG ISANG PULUTONG NG MGA GERILYA LABAN SA HAPON NOONG 1942. SA PAGKUPKOP NG MAG-AMA SA MGA SUNDALO SILA’Y DINAKIP AT PINAHIRAPAN NG KANI-KANILANG KAAWAY. ISANG MAKASAYSAYANG VILLA NG KALAYAAN NOONG PANAHON NG KASTILA, AMERIKANO AT HAPON.

Marker text (English):
VILLA ESCUDERO

OCCUPYING A VAST TRACT OF LAND THAT IS PART OF SAN PABLO CITY IN LAGUNA AND THE TOWNS OF TIAONG AND DOLORES IN QUEZON, VILLA ESCUDERO WAS PURCHASED IN 1880 BY PLACIDO ESCUDERO, A SPANIARD, AND HIS WIFE CLAUDIA MARASIGAN. IT SERVED AS A SANCTUARY TO THE REVOLUTIONIST AGAINST THE SPANIARDS AND THE AMERICANS, 1897–1901. ARSENIO ESCUDERO AND HIS WIFE ROSARIO ADAP PROVIDED REFUGE TO FILIPINO AND AMERICAN SOLDIERS WHO RETREATED FROM THE SOUTH AND PROCEEDED TO BATAAN IN 1941. FOR ORGANIZING A GROUP OF GUERILLAS WHO FOUGHT AGAINST THE JAPANESE IN 1942, BOTH PLACIDO AND ARSENIO ESCUDERO WERE ARRESTED AND TORTURED BY THE ENEMY. A HISTORICAL VILLA OF FREEDOM DURING THE SPANISH, AMERICAN AND JAPANESE OCCUPATION.

Albino C. Dimayuga (1869–1946)

Location: 176 Esteban Mayo Street, Lipa, Batangas
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 14, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ALBINO C. DIMAYUGA 
(1869–1946)

MAMAMAHAYAG, MAKATA AT MANUNULAT. ISINILANG NOONG SETYEMBRE 14, 1869 SA LIPA, BATANGAS. NAG-ARAL SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA. PATNUGOT SA TAGALOG NG COLUMNAS VOLANTES, ISANG PAHAYAGAN SA LIPA NOONG PANAHON NG DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO, 1899. SUMULAT SA LA VANGUARDIA, TALIBA, VOX POPULI AT KAYUMANGGI. KARAMIHAN SA KANYANG MGA TULA AT SANAYSAY AY NANUNUDYO O MAY-ARAL TUNGKOL SA KALAGAYANG PAMPULITIKA, PANLIPUNAN AT PANGKABUHAYAN NANG PANAHONG IYON. ILAN SA KANYANG MAHAHALAGANG SINULAT: KISLAP NG KALAYAAN, PAGSULAT AT PAGBIGKAS SA WIKANG TAGALOG, AT TUNGKOL SA MGA TITIP. NAGSALIN DIN SA TAGALOG NG “MI ULTIMO ADIOS” NI RIZAL. NAMATAY NOONG HUNYO 3, 1946.

Fidel A. Reyes (1878–1967)

Location: 223 P. Torres Street cor. G.A. Solis Street, Lipa, Batangas
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: May 3, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
FIDEL A. REYES 
(1878–1967)

IPINANGANAK SA LUNGSOD NG LIPA, BATANGAS, NOONG MAYO 3, 1878. NAGTAPOS NG A.B., COLEGIO DE SAN JUAN DE LETRAN, 1895 AT B.S. PHAR. PAMANTASAN NG SANTO TOMAS, 1902. PATNUGOT NG LA VANGUARDIA AT EL RENACIMIENTO. NAGBUNYAG NG MGA KATIWALIAN NG PAMAHALAANG AMERIKANO SA KANYANG EDITORIAL NA “AVES DE RAPINA”, NA PUMUKAW SA PAMBANSANG KAMALAYAN. KINATAWAN, ASAMBLEYA NG PILIPINAS, 1912, AT UNANG PILIPINONG DIREKTOR , KAWANIHAN NG PANGANGALAKAL AT INDUSTRIYA, 1918–1929. NAGKALOOB NG LOTE SA LUNGSOD NG LIPA PARA SA KAUNAUNAHANG SOS CHILDREN’S VILLAGE SA PILIPINAS. NAMATAY SETYEMBRE 10, 1967.

Unang Paaralang Bayan ng Pasay (Declaration Marker)

© Roel Balingit/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Roel Balingit/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Pasay ALS Community Learning Center, 509 P. Burgos Street, Pasay City
Category: Buildings/Structures
Type: Building, Declaration marker
Status: Level I-National Historical Landmark
Marker date: 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
UNANG PAARALANG BAYAN NG PASAY

SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, 1 AGOSTO 1973, NA SINUSUGAN NG MGA KAUTUSAN BILANG 375, 14 ENERO 1974 AT BILANG 1505, 11 HUNYO 1978, ANG PAARALANG ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN, 21 SETYEMBRE 1984.

Vicente S. Manansala (1910–1981) [Rizal]

NHCP Photo Collection
Location: 73 Gloria Street, San Carlos Heights, Binangonan, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 22 January 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
VICENTE S. MANANSALA
(1910–1981)

BANTOG NA PINTOR AT MIYURALISTA. ISINILANG SA MACABEBE, PAMPANGA, NOONG ENERO 22, 1910. NAGTAPOS NG FINE ARTS SA PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1930. TAGAGUHIT AT LAY-OUT ARTIST NG PHILIPPINES HERALD, PHOTO NEWS, LIWAYWAY AT SATURDAY EVENING NEWS, NAGWAGI NG UNANG GANTIMPALA ANG KANYANG “POUNDING RICE,” 1940, AT “BARUNG-BARONG NO. 1,” 1950. TUMANGGAP NG OUTSTANDING U.P. ALUMNI AWARD, 1957; REPUBLIC CULTURAL HERITAGE AWARD, 1963; AT ARAW NG MAYNILA PATNUBAY NG KALINANGAN AWARD, 1970. GUMUHIT NG MIYURAL “FREEDOM OF THE PRESS,” “STATIONS OF THE CROSS,” “AGHAM AT HUMANIDAD,” ATBP. GINAWARAN PAGKAMATAY BILANG ISANG NATIONAL ARTIST, 1981. NAMATAY NOONG AGOSTO 22, 1981.

Manuel Colayco (1906–1945)

Location: Derham Park, F.B. Harrison Street cor. Derham Street, Pasay City
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 29 May 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MANUEL COLAYCO 
(1906–1945)

LAWYER, EDITOR, SOLDIER AND FREEDOM FIGHTER. A LAW GRADUATE OF UST WHERE HE TAUGHT FOR SEVERAL YEARS AND LATER BECAME EDITOR OF THE COMMONWEALTH. WHEN THE PACIFIC WAR BROKE OUT, HE JOINED THE USAFFE SOUTH IN BATAAN. SUFFERED IN THE DEATH MARCH AND AT CAPAS CONCENTRATION CAMP. AFTER HIS RELIEF ON JUNE 30, 1942, HE JOINED THE ALLIED INTELLIGENCE BUREAU AND BECAME COMMANDING OFFICER OF THE MANILA UNIT. HE WAS FATALLY WOUNDED AT THE UST MAIN GATE WHILE GUIDING THE AMERICAN FORCES TO LIBERATE THE U.S.T. INTERNMENT CAMP ON FEBRUARY 3, 1945 AND SUBSEQUENTLY DIED IN LEGARDA ELEMENTARY SCHOOL ON FEBRUARY 10, 1945. HE WAS AWARDED A BRONZE MEDAL BY THE AMERICAN ARMY, AND A MEDAL OF FREEDOM BY THE U.S. GOVERNMENT, 1948.

Prinsesa Tarhata Kiram

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2020
Location: Taglibi Road, Jolo, Sulu
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 August 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PRINSESA TARHATA KIRAM

MAKABAYAN, ISINILANG SA MAIMBUNG, SULU, 1904. PAMANGKIN AT AMPON NG SULTAN NG SULU, JAMALUL KIRAM II. UNANG PENSYONADONG BABAENG MUSLIM, 1920, NA NAGTAPOS SA STATE UNIVERSITY OF ILLINOIS, ESTADOS UNIDOS. KASAMA ANG KANYANG ASAWA, DATU TAHIL, ISINAGUPA ANG KRIS LABAN SA BARIL SA MAKASAYSAYANG LABANAN NG TAUSUG AT AMERIKANO, KASAMA SI SENADOR HADJI BUTU RASUL, TUMUTOL SA BACON BILL, 1927, NA MAGHIWALAY ANG MINDANAO AT SULU. PINAMUNUAN ANG MGA TAGA-PAGMANA SA PAGTALIKOD SA MGA KARAPATAN SA SABAH UPANG HUMIGIT ANG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA MALAYSIA, TAGAPAYO NI REAR ADMIRAL ROMULO ESPALDON, ISLAMIC AFFAIRS REGIONAL COMMISSION, REHIYON 9. KOMPOSITOR NG AWIT TAUSUG, NAPABATOG SA “JOLO FAREWELL.” PINARANGALAN NG KAWANIHAN NG KOREO ANG KANYANG LARAWAN SA TATLONG PISONG SELYO, 1984. NAMATAY, MAYO 23, 1979, SA GULANG NA 75.

Vicente L. del Fierro (1903–1960)

Location: Plaza Vicente del Fierro, Vicente del Fierro Street, Gagalangin, Tondo, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 6, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
VICENTE L. DEL FIERRO (1903–1960)

TINAGURIANG “DEL FIRE”—ISANG HALIGI AT TAGAPAGTANGGOL NG KALAYAAN NG PAMAMAHAYAG SA PILIPINAS. IPINANGANAK NOONG DISYEMBRE 15, 1903 SA CASTILLEJOS, ZAMBALES, AT NANIRAHAN NG 30 TAON SA GAGALANGIN, TONDO, MAYNILA. NAGTAPOS NG A.B. JOURNALISM SA PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1924. PATNUGOT, PHILIPPINE COLLEGIAN; MAMAHAYAG, TRIBUNE AT PHILIPPINES HERALD; UNANG PATNUGOT, HERALD MID-WEEK MAGAZINE AT MONDAY MAIL; AT TAGALATHALA AT PATNUGOT, ZAMBALES REPORTER AT STAR REPORTER. PINAGKALOOBAN NG NATIONAL PRESS CLUB NG GAWAD NG KATANGITANGING PAGLILINGKOD SA PAMAMAHAYAG, 1958. NAMATAY NOONG 28 AGOSTO 1960.

Sacred Heart College

Location: Sacred Heart College Compound Lucena City, Quezon 
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 10, 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:    
SACRED HEART COLLEGE

PINAKAMATANDANG PAARALANG KATOLIKO SA LALAWIGAN NG QUEZON. ITINATAG NI HERMAN FAUSTA LABRADOR  SA TAHANAN NI DON GREGORIO MERCHAN, ABRI 27, 1884. INILIPAT SA DAUGHTERS OF CHARITY ST. VINCENT DE PAUL, ABRIL 14 1937; NAGTURO NG JUNIOR NORMAL COURSE, 1941, AT MULA SA PAGIGING AKADEMYA AY NAGING KOLEHIYO. NGTAYO NG UNANG GUSALI SA PANULUKAN NG MGA DAANG MERCHAN AT PALMA, 1947; ANG IKSTENSIYON NITO SA PANULUKAN NG MGA DAANG ENRIQUE AT UNION, 1950; ISANG LALONG MALAKING GUSALI SA DAANG ILAYA, 1958; ANG DALAWANG PALAPAG NA ANEKS NIT 1961; ISA PANG TATLONG PALAPAG NA GUSALI PARA SA DEPARTAMENTO NG KOLEHIYO , 1970; AT ISA PANG DALAWANG PALAPAG PARA SA ANEKS NITO, 1981. NAGTATAG NG SENTRONG PANKAINLARAN NG HERMANA FAUSTA, ISANG MALAWAK NA PROGRAMA NG PAMAYANAN, 1975, AT PINAGKALOOBAN NG PAGKILALA NG PAASCU 1982.

Ang Bayan ng Mauban

NHCP Photo Collection, 2010

Location: Mauban, Quezon
Category: Sites/Events
Type: Town
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG BAYAN NG MAUBAN

ITINATAG NG MGA PRANSISKANO NOONG 1583 SA PINAGBAYANAN (NGAYO’Y LUYA-LUYA). INILIPAT SA BALAY-BALAY UPANG MAKAIWAS SA MGA PIRATANG MORO. MULING INILIPAT NOONG 1678 SA SULIDA, ANG KASALUKUYANG POOK. PINANGALANANG MAUBAN SUSOG KAY GAT UBAN, ANG TAGAPAGTANGGOL NG BAYAN SA MGA MORO. ITINATAG ANG SANGAY NG KATIPUNAN SA NAYON NG SAN MIGUEL, 1896; ANG DEPOSITO NG TUBIG, 1810; ANG PANTALAN, 1930; AT ANG SEAWALL, 1935. NILUSOB NG HUKBONG HAPON, DISYEMBRE 24, 1941, AT NAPALAYA NG HUKBONG AMERIKANO, 1945.

Parokya ni Sta. Maria Magdalena

© Judgefloro/Wikimedia Commons


© Ramon FVelasquez/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
Location: Amadeo, Cavite
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PAROKYA NI STA. MARIA MAGDALENA

INIHIWALAY SA SILANG NI ARSOBISPO PEDRO PAYO, O.P. NOONG MAYO 1, 1884 ANG PAROKYA NG AMADEO SA ILALIM NG PATRONATO NI STA. MARIA MAGDALENA. NAGING UNANG KURA PAROKO SI P. INOCENCIO HONORIO NG BULAKAN. IPINATAYO ANG SIMBAHANG BATO NI P. AGAPITO ICHOGOYEN NOONG 1889. NAGSILBING BILANGGUAN NG MGA GERILYA NA KUNG SAAN 19 SA KANILA ANG PINATAY NG MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. PINALAKI NI P. EUGENIO MARCELO NOONG 1954 AT BINASBASAN NI ARSOBISPO RUFINO D. SANTOS NOONG ABRIL 19, 1959. IPINAGDIWANG ANG IKASANDAANG TAON NG PAROKYA AT BAYAN NGAYONG 1984.

Basilika Menore ng Inmaculada Concepcion

NHCP Photo Collection, 2017

NHCP Photo Collection, 2017

Location: Batangas City
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: January 15,1984
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
 BASILIKA MENOR NG INMACULADA CONCEPCION

IPINATAYO ANG UNANG SIMBAHAN  NI P. DIEGO MOJICA, PASTOR NA AGUSTINONG CALAPAN, MINDORO NOONG 1581 AT INIALAY SA IMMACULADA CONCEPCION DE NUESTRA SENORA BILANG PAROKYA , INILAGAY NOONG 1601 ANG PUNDASYON BATO NG IKALAWANG SIMBAHAN N IPINAGAWA NG MGA PARI NOONG 1682-1721. IDINAGDAG 1693 ANG KUMBENTO MAY ARTILERIYA UPANG MAITABOY ANG MGA TULISANG DAGAT. GINIBA PAG KARAAN NG 179 NA TAON AT  MULING IPINATAYO NI p. PEDRO CUESTA NOONG 1851 BINASBASAN  NOONG PEBRERO 2,1857. ITINALAGA BILANG BASILIKA MENOR NOONG PEBRERO 13,1948 AT NAGDIWANG NG IKASANDAANG TAON NOONG 1957.