Showing posts with label 1981. Show all posts
Showing posts with label 1981. Show all posts

Concepcion Felix Rodriguez (1884-1967)

Location: CWL Building, Escoda Street, Malate, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 9 February 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CONCEPCION FELIX RODRIGUEZ (1884-1967)

ISINILANG SA TUNDO, MAYNILA, NOONG IKA-9 NG PEBRERO 1884. 

NAGING PINUNO NG ASOCIACION FEMENISTA. NAKIPAGLABAN PARA SA KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN, NAGING TAGAPAMAHALA SA PIITAN NG MGA BABAE NG HOSPICIO DE SAN JOSE. TUMULONG SA PAGTATATAG NG LA GOTA DE LECHE, NAGTATAG NG PAMBANSANG KALIPUNAN NG MGA KAPISANANG PANGKABABAIHAN NG PILIPINAS AT NG CORRECTIONAL INSTITUTE FOR WOMEN. DAHIL DITO IPONAGKALOOB SYA NG PRESIDENTIAL MEDAL AWARD NG PANGULONG FERDINAND E. MARCOS NOONG 1966. 

NAMATAY NOONG IKA-27 NG ENERO SA GULANG NA 83. 

Ang Simbahan ng Paete

Location: Paete, Laguna
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 13 September 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG SIMBAHAN NG PAETE

SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, AGOSTO 1, 1973 NA SINUSUGAN NG KAUTUSAN BILANG 375, ENERO 14, 1974, ANG SIMBAHANG ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN.

Ariston Bautista Lin 1863–1928

Location: Chinatown Gold Center, 509-11 Ronquillo Street, Plaza Santa Cruz, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ARISTON BAUTISTA LIN 1863–1928

MANGGAGAMOT, PILANTROPO AT MAKABAYAN. SIYA AY IPINANGANAK SA POOK NA ITO NOONG IKA-22 NG PEBRERO 1863 KINA MARIANO A. BAUTISTA AT TERESA LIMPINGCO. NAG-ARAL NG MEDISINA SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS, 30 HUNYO 1891 AT NAGTAPOS NA MAY TITULONG LISENSIYADO AT DOKTOR NG MEDISINA SA UNIVERSIDAD CENTRAL DE MADRID, 20 ABRIL 1892. KINILALANG KLINISTA DAHIL SA PAGBALANGKAS NIYA NG ORIHINAL NA MGA RESETA PARA SA PANGGAGAMOT NG KETONG, KOLERA AT TISIS. NAGING PUNO NG KAGAWARANG KLINIKAL NG KOLEHIYO NG MEDISINA NG PAMANTASAN NG PILIPINAS, 1916–1917. NAGING UNANG PILIPINONG PANGULO NG LUPON NG MGA TAGASURI SA MEDISINA, 1903. KASAMA NINA RIZAL, LUNA, DEL PILAR AT LOPEZ JAENA SA KILUSAN NG PAGPAPALAGANAP. IBINILANGGO SA KUTANG SANTIAGO, 1896. NAGING KAGAWAD NG KONGRESO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 1898. NAMATAY SA MAYNILA NOONG IKA-3 NG MARSO 1928.

Ang Bayan ng Alimodian

Photo contributed by Vincent Valencia
Location: Alvior Street cor. Alesoan–Alimodian Road, Alimodian, Iloilo
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG BAYAN NG ALIMODIAN

ITINATAG NG MGA PARING AGUSTINO NOONG 1754. DATING NASA ILALIM NG PANGANGASIWA NG BAYAN NG LEON NOONG 1904. ITO AY NAGGING NAGSASARILING BAYAN NOONG 1918.

ILANG DAANG MGA MAMAMAYAN ANG PINATAY NG MGA HAPON SA BARANGAY TABAN. SA BARANGAY BALABAGO NAMAN NAGANAP ANG UNANG PAGTAMBANG SA MGA KAAWAY NG KATUTUBONG PANGKAT SA PANAY.

Villa de Arevalo

Photo contributed by Vincent Valencia
Location: Villa Arevalo Plaza, Osmeña Street cor. Yulo Drive, Arevalo, Iloilo City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 11, 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
VILLA DE AREVALO

ITINATAG NI GOBERNADOR RONQUILLO DE PEÑALOSA NOONG 1581 AT PINANGALANANG “LA VILLA RICA DE AREVALO,” SA ILALIM NG PANGASIWAAN NG OTON. ITO AY NAGING KABISERA NG LALAWIGAN NOONG 1582. SENTRO NG PAGAWAAN NG MGA SASAKYANG-DAGAT. ITO AY NILUSOB NG MGA BRITISH NOONG 1588. DAHIL SA MGA PANANALAKAY NG MGA MUSLIM NOONG 1600 AT NG MGA OLANDES NOONG 1609, 1614, AT 1616, ANG KABISERA AY INILIPAT SA PUNTA, ANG KASALUKUYANG LUNGSOD NG ILOILO. ITO AY GINAWANG IKAAPAT NA URING BAYAN NOONG 1827. SIMULA NOONG HULYO 16, 1937, HANGGANG SA KASALUKUYAN, ITO AY ISA SA MGA DISTRITONG BUMUBUO SA LUNGSOD.

Hen. Paulino Santos (1890–1945)

Location: Plaza Heneral Santos, Pres. Sergio Osmeña Avenue, General Santos City, South Cotabato
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
HEN. PAULINO SANTOS
(1890–1945)

ISINILANG SA CAMILING, TARLAC, NOONG HUNYO 22, 1890 KINA REMIGIO SANTOS AT ROSA TORRES. NAGTAPOS BILANG BALIDIKTORYAN SA AKADEMYA MILITAR NG PILIPINAS NOONG 1914. ITINALAGA BILANG PANGATLONG TENYENTE NG KONSTABULARYA NG PILIPINAS.

BILANG KOMANDANTENG PANLALAWIGAN AT GOBERNADOR, NAPAUNLAD NIYA ANG EDUKASYON, AGRIKULTURA AT KOMUNIKASYON SA LANAO.

NAGING DIREKTOR NG MGA BILANGGUAN; NAGTATAG NG DAVAO PENAL COLONY AT NAGSAGAWA NG MADALIANG PAGLILIPAT NG NEW BILIBID PRISON SA MUNTINLUPA.

NAGING UNANG PUNO NG ESTADO MAYOR NG HUKBONG PILIPINO. PATNUGOT NG NATIONAL LAND SETTLEMENT ADMINSITRATION. SA KANYANG MASIGASIG AT MABISANG PANUNUNGKULAN, ANIM NA PAMAYANAN ANG ITINATAG SA SOUTH COTABATO.

NAMATAY SA KIANGAN, MT. PROVINCE NOONG AGOSTO 29, 1945. BILANG PARANGAL SA KANYA, ANG BAYAN NG BUAYAN (DATI’Y DADIANGAS) AT PINANGALANANG HENERAL SANTOS NA PAGKARAAN AY GINAWANG LUNGSOD.

Paracale

Location: Paracale Municipal Hall, Real Street cor. Candelaria Street, Brgy. Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 20, 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PARACALE

ITINATAG NA MISYON NG MGA PRANSISKANO NOONG 1581. ANG SIMBAHAN AY IPINATAYO NOONG 1611 SA ILALIM NG PATRONANG NUESTRA SEÑORA DE CANDELARIA. NILISAN NG MGA MISYONERO NOONG 1662; NAGBALIK NOONG 1687 HANGGANG SA ILIPAT ANG MISYON NOONG 1696. NOONG 1863, ITO AY PORMAL NA ITINATAG BILANG BAYAN. ANG MGA PRANSISKANO AY NAGBALIK NOONG 1880 AT MULING IPINAGAWA ANG SIMBAHAN NOONG 1886 HANGGANG 1898.

ISANG KORPORASYONG INGLES ANG PINAGKALOOBAN NG MGA KASTILA NG KONSESYON NG MINA SUBALIT NATIGIL NOONG HIMAGSIKAN NG 1896. ANG KALAKASAN NG PAGMIMINA NG GINTO AY NOONG 1936.

Ang Pagdalaw ni Valenzuela sa Dapitan

NHCP Photo Collection, 2016

NHCP Photo Collection, 2016
Location: Rizal Shrine Dapitan, Zamboanga Del Norte
Category: Sites/Events
Type: Commemorative marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG PAGDALAW NI VALENZUELA SA DAPITAN

NOONG HUNYO 1896, SI DR. PIO VALENZUELA, KILALANG KASAPI NG KATIPUNAN AY IPINADALA SA DAPITAN (NGAYON AY ISANG LUNGSOD SA ZAMBOANGA DEL NORTE) KUNG SAAN IPINATAPON SI DR. JOSE RIZAL. IPINABATID NIYA SA BAYANI ANG MGA BALAK NG KATIPUNAN SUBALIT TINUTULAN NITO ANG ISANG SANDATAHANG HIMAGSIKAN SAPAGKAT ITO AY “MAPAMINSALA AT NAGBUBUNGA NG KAMATAYAN.”

IPINABATID DIN NI VALENZUELA KAY RIZAL NA BINABALAK NG MGA MANGHIHIMAGSIK NA SIYA AY ITAKAS SA HAPON BUHAT SA DAPITAN NA LULAN NG ISANG SASAKYANG-DAGAT. TINANGGIHAN NI RIZAL ANG ALOK AT NAGPAYONG “PARA SA KALIGTASAN NG BAYAN, HINDI NA KAILANGAN ANG BALIKAN PA ANG ISANG TAO LAMANG.” SINABI DIN NI RIZAL NA “ANG MAMATAY AT MAKALUPIG AY NAKAKASIYA, SUBALIT ANG MAMATAY AT MALUPIG AY NAPAKASAKIT.”

PAGKARAANG TUMIGIL NG MAGDAMAG SA DAPITAN, SI VALENZUELA AY NAGBALIK SA MAYNILA AT INIULAT KAY BONIFACIO AT SA IBA PANG MGA PINUNO NG KATIPUNAN ANG KINAHINATNAN NG KANYANG MISYON.

Ang Simbahan ng Pata

© Shubert Ciencia/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 2.0

Location: Namoac, Sanches-Mira, Cagayan
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 18, 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG SIMBAHAN NG PATA

SA PANGAGASIWA NG MGA PARING DOMINIKO NOONG 15 HUNYO 1595, ANG SIMBAHANNG PATA , NA UNANG TINAWAG NA SIMBAHAN NG SANTA MARIA MAGDALENA, AY TINATAG SA NAYON NG PATA.CAGAYAN NINA PADRE MIGUEL DE SAN JACINTO AT GASPAR ZARPATE.

SA POOK NA ITO IPINASYAN NG MGA DOMINIKO N IPAGPATULOY ANG EBANGHELISASYON SA RELIHIYON BAGAMA'T ANG PANAHON AY HINDI KASANG-AYON. NAGING UNANG BINIYAGAN ANG MGA TAUHAN NI SIRIBAN, PUNO NG MGA PANGKAT ETNIKO SA BAYBAYIN NG ILOG VAGAYAN NOONG 1595. UNANG MANGAGARAL NG MGA TAAL NA TAGA CAGAYAN NI PADRE DIEGO DE SORIA NA NAGING OBISPO.
              

Simbahang San Pedro Apostol

© Shubert Ciencia/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 2.0
Location: Vinzons, Camarines Norte
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Date of marker unveiling: 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHANG SAN PEDRO APOSTOL

PINAKAMATANDANG SIMBAHAN SA CAMARINES NORTE. ANG BAYANG ITO AY ITINATAG NG MGA PARING PRANSISKANO NOONG 1581 AT PINANGALANANG TACBOAN. NOONG 1611 ISANG SIMBAHANG NASA PAGTANGKILIK NI SAN PEDRO APOSTOL ANG IPINATAYO NG REB. P. JUAN DE LOSAR, ANG UNANG KURA PAROKO. NOONG 1624 ANG BAYAN AY INILIPAT SA IBANG POOK AT TINAWAG NA INDAN. ISANG BAGONG SIMBAHAN ANG IPINATAYO SA PAGTANGKILIK PA RIN NG UNANG PATRON.

NOONG 1636 ANG BISITA NG LABO AY ITINATAG NG MGA MISYONERO AT ISINANIB SA INDAN. TAONG 1661 NANG ANG PANGASIWAAN NITO AY IPINAGKALOOB SA KLERIKONG SEKULAR.

PAGKATAPOS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG ANG INDAN AY BINIGYAN NG BAGONG PANGALANG VINZONS NA ISINUNOD KAY WENCESLAO Q. VINZONS, ANG BAYANI NG KABIKULAN NG NAKARAANG DIGMAAN.

ANG KALIWA AT KANANG BAHAGI NG KASALUKUYANG SIMBAHAN AY IPINAGAWA SA PAMAMAGITAN NG TULONG NG MGA NASASAKUPAN NG PAROKYA.

Kutang San Diego

© Nickrds09/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0

© Nickrds09/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0

Location: San Diego Fortress, Gumaca, Quezon
Category: Buildings/Structures
Type: Fortification
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 17,1981 
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
KUTANG SAN DIEGO

YARI SA  TINABTAB NA BATO AT MAY BUBONG NA TISA, ANG KUTANG ITO ANG TANGING NALALABI NA IPINATAYO NG MGA KASTILA SA PANGANGASIWA NG MGA PARING PRANSISKANO NOONG HULING BAHAGI NG IKA-18 SIGLO UPANG IPAGTANGGOL ANG BAYAN LABAN SA PAGSALAKAY NG MGA TULISANG-DAGAT. SA PAGITAN NG DALAWANG MUOG, SI P.FRANCISCO COSTA AY NGPATAYO NOONG 1850 NG MATIBAY NA PADER NA YARI SA APOG AT BATO UPANG  IPAGSANGGALANG ANG BAYAN BUHAT  SA HANGING MULA SA HILAGANG - SILANGAN.

Bulwagang Paraninfo

Main stairs leading to the Paraninfo (now UST Museum)
Location: UST Main Building, Espana, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: Auditorium

Status: Level II - Historical marker
Marker date: December 16, 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BULWAGANG PARANINFO
SA BULWAGANG ITO, PARANINFO, PAMANTASAN NG SANTO TOMAS, NOONG 16 DISYEMBRE 1941, SA ISANG MAIKLING SEREMONYA NA PINANGUNAHAN NINA MEDYOR HENERAL BASILIO J. VALDES, PUNO NG KALULUPAN, HUKBO NG PILIPINAS, AT BRIGADYER HENERAL FIDEL V. SEGUNDO, SUPEREINTENDE, ACADEMYA MILITAR NG PILIPINAS. ANG MGA KLASE NG 1942 AT NG 1943 AY NAKOMISYON SA HUKBO AT PINADALA SA DIGMAAN. ANG MGA KLASE NG 1944 AT NG 1945 NANG LUMAON AY NAPATANYAG BILANG MGA TAGAPAGTATAG AT KASAPI NG MGA PANGKAT NG GERILYA. ANG MGA GURO AY NAGSILISAN AT TUMALAGA SA DIGMAAN, AT ANG AKADEMYA AY NASARA. LABINDALAWA SA MGA OPISYAL AT TATLUMPU'T SIYAM SA MGA KADETENG DUMALO RITO AY NAMATAY SA PAKIKIPAGLABAN SA BATAAN AT SA IBA PANG DAKO NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG.

Nicholas Loney



Location: Iloilo City, Iloilo (Region VI)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
NICHOLAS LONEY
(1826–1869)

IPINANGANAK SA PLYMOUTH, DEVONSHIRE, INGLATERRA NOONG 1826, SIYA AY NAGTUNGO SA MAYNILA BILANG MANGANGALAKAL NOONG 1851. ITINALAGA SIYA BILANG UNANG BISE-KONSUL NA INGLES SA ILOILO NOONG 1856 PAGKARAANG IPAHAYAG NA ITO’Y ISANG PANDAIGDIG NA DAUNGAN. MALAKI ANG NAITULONG NIYA SA PAGPAPAUNLAD NG PANAY AT NEGROS, LALO NA SA INDUSTRIYA NG ASUKAL, SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG MGA MAKABAGONG ILUHAN NG TUBO AT PAGBIBIGAY NG TULONG NA PANANALAPI SA MGA MAGTATANIM NG TUBO. ANG KANYANG BAHAY-KALAKAL, ANG LONEY AND COMPANY ANG KAUNAUNAHAGANG KOMPANYA NG DAYUHAN SA ILOILO. PINAGBUTI NIYA ANG MGA KALUWAGANG PANDAUNGAN AT NAGSAGAWA NG UNANG TUWIRANG EKSPORTASYON NG ASUKAL BUHAT SA ILOILO NOONG 1859. LUBHANG NAWIWILI SA PAGPAPAUNLAD NG PANGANGALAKAL AT INDUSTRIYA. SINIMULAN NIYA ANG ILANG PAGBABAGO BUHAT SA PAMAHALAANG KASTILA. SIYA AY NAMATAY NOONG ABRIL 22, 1869 AT INILIBING SA ILOILO.

Simbahan ng Hagonoy




Location: Hagonoy, Bulacan (Region III)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 5, 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHAN NG HAGONOY

ANG BAYAN AY ITINATAG NG MGA PARING AGUSTINO NOONG 1581. YARI SA MAGAGAANG KAGAMITAN, ANG UNANG SIMBAHAN AY IPINAGAWA SA ILALIM NG PATRONANG SI SANTA ANA. UNANG PARI NITO SI PADRE DIEGO ORDOÑEZ VIVAR. PAGKARAAN, ANG SIMBAHAN AY BINAGO AT GINAMITAN NG MGA BATO AT LADRILYO, SINA PADRE JOAQUIN MARTINEZ ZUÑIGA, KILALANG MANANALAYSAY NA AGUSTINO, AT PADRE MARIANO SEVILLA, ISANG MALIKHAING MANUNULAT NA TAGALOG, AY NAGING MGA KURA PAROKO NG BAYANG ITO.

ANG SIMBAHAN AY IPINAAYOS NOONG 1936–1963; BINAGO NOONG 1968 AT INIHANDOG SA PANGINOON NOONG IKA 25 NG HULYO 1970.
ANG BAYAN NG LILIW

ITINATAG ANG BAYANG ITO NOONG 29 AGOSTO 1571, SA PAMUMUNO NI GAT TAYAW. ANG BAHAY-PAMAHALAAN AY MULING ITINAYO NOONG 1928. NAKILAHOK SA HIMAGSIKAN LABAN SA KASTILA SA PAMUMUNO NI KORONEL BUENAVENTURA DIMAGUILA, NAGING ISA SA MGA BASE NG KILUSAN NG ILANG PANGKAT NG GERILYA NI PANGULONG QUEZON, FIL-AMERICAN AT IBA PA LABAN SA MGA HAPON.

Nagcarlan Underground Cemetery Historical Landmark*

NHCP Photo Collection

Location: Nagcarlan, Laguna (Region IV-A)
Category: Buildings/Structure

Type: Cemetery, NHCP Museum
Link to the museum: Museo sa Ilalim ng Lupa ng Nagcarlan
Status: 
Level I- National Historical Landmark
Marker date: 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SEMENTERYO SA ILALIM NG LUPA NG NAGCARLAN

ANG NAIIBA AT NAG IISANG SEMENTERYONG ITO SA PILIPINAS AY ITINAYONG MGA MISYONERONG  PRANSISKANO SA PANGANGASIWA NI PADRE VICENTE VELLOC NOONG 1845, KASABAY NG PAGTATAYONG MULI NG PINALAKING SIMBAHAN NI SAN BARTOLOME AT PAGTATAYO NG KUMBENTO. DITO NG PULONG NG PALIHIM ANG MGA PINUNO NG HIMAGSIKAN SA LAGUNA NOONG 1896.

SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULO BILOANG 260, AGOSTO 1, 1973, NA SINUSUGAN NG KAUTUSAN BILANG 1515, HUNYO 11, 1978, ANG SEMENTERYONG ITO AY IPINAHAYAG NA PAMBASANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN.