Showing posts with label 2025. Show all posts
Showing posts with label 2025. Show all posts

Dr. Jose Rizal (1861-1896)

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Niagara Falls, Ontario, Canada
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1998
Marker unveiled: 21 June 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
DR. JOSE RIZAL
(1861-1896)

THE NATIONAL HERO OF THE PHILIPPINES VISITED THIS MAGNIFICENT FALLS AND PAUSED BETWEEN THE TWO ROCKS ON MAY 12, 1888.

Jose Rizal (1861-1896)

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Jose Rizal Park, Samo Road, Brampton City, Ontario, Canada
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 20 June 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE RIZAL
(1861-1896)

A FILIPINO HERO, BORN ON 19 JUNE 1861. DOCTOR, SCIENTIST, WRITER AND EDUCATOR.

AUTHORED WORKS ABOUT THE ILLS OF THE PHILIPPINE COLONIAL SOCIETY OF THE TIME. HE ADVOCATED REFORMS BUT WAS CHARGED WITH REBELLION, SEDITION, AND ILLEGAL ASSOCIATION.

AN ICON OF THE 1896 PHILIPPINE REVOLUTION. HE WAS EXECUTED ON 30 DECEMBER 1896.

HIS MARTYRDOM CONTRIBUTED TO THE BIRTH OF THE FILIPINO NATION.

Jose Rizal (1861-1896)



NHCP Photo Collection, 2025
Location: 55 Waterford Green Common, Winnipeg, Manitoba, Canada
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 19 June 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE RIZAL
(1861-1896)

PHILIPPINE NATIONAL HERO, BORN ON 19 JUNE 1861. PHYSICIAN, POET, WRITER EDUCATOR, LINGUIST, INVENTOR.

AUTHORED NOVELS NOLI ME TANGERE (1887) AND EL FILIBUSTERISMO (1891) WHICH BARED COLONIAL OPRESSION OF THE FILIPINOS. HE ADVOCATED NONVIOLENT STRUGGLE FOR FREEDOM BUT WAS CHARGED WITH INCITING DISSENT.

THE LIVING SOUL OF THE 1896, PHILIPPINE REVOLUTION HE WAS EXECUTED ON 30 DECEMBER 1896.

HIS MARTYRDOM INSPIRED A SENSE OF NATIONHOOD THAT EVENTUALLY LED TO THE PROCLAMATION OF PHILIPPINE INDEPENDENCE IN 1898.

Celso Ledesma Mansion

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Ortiz Street, Ioilo City
Category: Buildings/Structures
Type: Ancestral House
Status: Heritage House
Legal basis: NHCP Resolution No. 27, s. 2024
Marker date: 15 May 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CELSO LEDESMA MANSION

DECLARED A HERITAGE HOUSE PURSUANT TO BOARD RESOLUTION NO. 27, S. 2024 OF THE NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES.

Pambansang Museo Ng Pilipinas



NHCP Photo Collection, 2025

Location: Lapu Lapu Monument, Maria Orosa Street, NM Complex, Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 18 May 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS

ANG DIWA NG PAMBANSANG MUSEO AY NAGSIMULA NANG ITATAG ANG MUSEO BIBLIOTHECA DE FILIPINAS SA BISA NG ISANG REAL NA DECRETO NI REYNA MARIA CRISTINA NG ESPANYA, 12 AGOSTO 1887. PINASINAYAAN, 24 OKTUBRE 1891. UNANG NAGBUKAS SA CALLE GUNAO, QUIAPO, MAYNILA AT KALAUNA'Y LUMIPAT SA CASA DE MONEDA, INTRAMUROS, MAYNILA. ITINULOY NG PAMAHALAANG INSULAR NG ESTADOS UNIDOS SA PILIPINAS ANG PAGTATAG NG PAMBANSANG MUSEO SA PAGBUBUKAS NG INSULAR MUSEUM OF ETHNOLOGY, NATURAL HISTORY AND COMMERCE, 29 OKTUBRE 1901, AT NAKILALA SA IBA'T IBANG PANGALAN. LUBHANG NAPINSALA NOONG IKALAWANG DISGMAANG PANDAIGDIG. PINAG-IBAYO PA ANG SERBISYO SA BAYAN NG PAMBANSANG MUSEO SA BISA NG BATAS REPUBLIKA BLG. 11333, 26 ABRIL 2019. NAGSISILBING TAHANAN NG PAMANA AT PAGKATAONG PILIPINO.

Simbahan ng Jasaan


NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Jasaan, Misamis Oriental
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 23 April 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG JASAAN

IPINATAYO NG MGA PARING REKOLETO ANG UNANG SIMBAHAN SA APLAYA BILANG VISITA NG CAGAYAN SA HILAGANG MINDANAO. NAGING GANAP NA PAROKYA PATRONATO NG INMACULADA CONCEPCION, 1830. INILIPAT ANG PANGANGASIWA NG PAROKYA SA MGA PARING HESWITA SA BISA NG DEKRETO NI REYNA ISABELA II, 1860-1861. INILIPAT ANG PAROKYA SA KASALUKUYAN NITONG LOKASYON. NAGTAYO NG BAGONG SIMBAHAN NA YARI SA KAHOY SA PANGUNGUNA NI FR. JUAN HERAS, SJ AT INAYON ANG DISENSYO MULA SA SIMBAHAN NG SAN IGNACIO SA INTRAMUROS, 1887. PANSAMANTALANG NATIGIL ANG PAGTATAYO DAHIL SA HIMAGSIKANG PILIPINO. BAHAGYANG NASIRA NG LINDOL, 1904. GANAP NA NATAPOS ANG PAGTATAYO NG SIMBAHAN NA YARI SA KAHOY AT LADRILYO, 1938. ISINAAYOS NOONG DEKADA ’80. IDINEKLARA BILANG PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2001. MULING SINIMULAN ANG PAG-AAYOS AT IBINALIK SA ORIHINAL NA DISENYO SA PANGUNGUNA NG JASAAN PARISH RESTORATION & DEVELOPMENT COMMITTEE INC., 2013.

Ambayuan (Bayyo) - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Barangay Bayyo, Bontoc, Mountain Province 
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 6 May 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
AMBAYUAN (BAYYO)
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SA PAMAYANANG ITO, NGAYO'Y BARANGAY BAYYO NG BONTOC, MOUNTAIN PROVINCE, DUMAAN SI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AT ANG KANIYANG HUKBO HABANG IPINAGTATANGGOL ANG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG MGA PILIPINO. UNA SILANG DUMAAN DITO PAAKYAT NG BUNDOK POLIS PATUNGO SA BANAUE, IFUGAO, 6 DISYEMBRE 1899. BUMALIK DITO AT NABALITAAN NA ANG AMERIKANO NA TUMUTUGIS SA KANILA AY NASA KABISERA NA NG BONTOC, 22 DISYEMBRE 1899. MATAPOS IWAN ANG MGA KAPAMILYA SA TALUBIN UPANG BUMALIK SA MAYNILA, MULI SILANG DUMAAN DITO AT UMAKYAT SA BUNDOK POLIS UPANG TULUYAN NANG LISANIN ANG BONTOC PATUNGO SA BANAUE, 24 DISYEMBRE 1899.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.

Talubin - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Barangay Talubin, Bontoc, Mountain Province 
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 6 May 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TALUBIN
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SA PAMAYANANG ITO, NGAYO'Y BAHAGI NG BOTOC, MOUNTAIN PROVINCE, TUMIGIL SI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AT ANG KANIYANG HUKBO HABANG IPINAGTATANGGOL ANG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG MGA PILIPINO, 5-6 DISYEMBRE 1899. MULI SILANG BUMALIK DITO AT NAGPASYANG PABALIKIN SA MAYNILA ANG MGA KAPAMILYA NILANG ISINAMA SA PAGLALAKBAY, 22-24 DISYEMBRE 1899.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.

Bundok Polis - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Bontoc, Mountain Province 
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 6 May 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BUNDOK POLIS
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SA BUNDOK ITO NG BONTOC, MT. PROVINCE, DUMAAN SI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AT ANG KANIYANG HUKBO HABANG IPINAGTATANGGOL ANG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG MGA PILIPINO, 6-7 DISYEMBRE 1899. MULI SILANG DUMAAN DITO PATUNGONG TALUBIN UPANG IWAN ANG MGA KAPAMILYA PABALIK SA MAYNILA, 21-22 DISYEMBRE 1899. SA HULING PAGKAKATAON TINAWID NILA ANG BUNDOK UPANG TULUYANG LISANIN ANG BONTOC PATUNGO NG BANAUE, 24-25 DISYEMBRE 1899.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.

Bontoc - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Bontoc Municipal Hall, Bontoc, Mountain Province
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 5 May 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BONTOC
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SA BAYANG ITO NG BONTOC, MOUNTAIN PROVINCE, LUMAGI SI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AT ANG KANIYANG HUKBO HABANG IPINAGTATANGGOL ANG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG MGA PILIPINO, 3-5 DISYEMBRE 1899.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026. 

Sagada - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Junction of Tetepan Road and Sagada-Besao Road, Barangay Antadao, Sagada Mountain Province
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 4 May 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SAGADA
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SA BAYANG ITO NG SAGADA, MOUNTAIN PROVINCE, DUMAAN SI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AT ANG KANIYANG HUKBO HABANG IPINAGTATANGGOL ANG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG MGA PILIPINO, 3 DISYEMBRE 1899.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026. 

Tadian - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Barangay Población, Tadian, Mountain Province 
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 3 May 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TADIAN
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SA BAYANG ITO NG TADIAN, MOUNTAIN PROVINCE, DUMAAN SI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AT ANG KANIYANG HUKBO HABANG IPINAGTATANGGOL ANG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG MGA PILIPINO, 2 DISYEMBRE 1899.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.

Kayan - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899




Location: Barangay Kayan West, Tadian, Mountain Province
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 3 May 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KAYAN
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SA PAMAYANANG ITO ITO, NGAYO'Y NAHAHATI SA PAGITAN NG KAYAN EAST AT KAYAN WEST, TADIAN, MOUNTAIN PROVINCE, DUMAAN SI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AT ANG KANIYANG HUKBO HABANG IPINAGTATANGGOL ANG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG MGA PILIPINO, 2 DISYEMBRE 1899.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.  

Concepcion Presidencia Building

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Concepcion, Tarlac
Category: Buildings/Structures
Type: Capitol building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 30 April 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CONCEPCION PRESIDENCIA BUILDING

ITINAYO NG BUREAU OF PUBLIC WORKS ANG KONGKRETONG ISTRUKTURA AYON SA DISENYO NI JUAN ARELLANO SA ILALIM NG PAMAMAHALA NI GREGORIO PALMA, 1929. NAPASAILALIM SA MGA HUKBONG HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1941. PANSAMANTALANG NAGING HIMPILAN NG HUKBONG BAYAN LABAN SA HAPON (HUKBALAHAP) NA TUMAGAL NANG TATLONG LINGGO MATAPOS UMALIS ANG MGA HAPON, 1945. NAGING TANGGAPAN NI DATING SENADOR BENIGNO “NINOY” SIMEON AQUINO JR. NANG SIYA’Y MANILBIHAN BILANG ALKALDE, 1956-1959. ITINAMPOK SA DISENYO NG LIMANG DAANG PISO NG NEW DESIGN SERIES NG BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS, 1986-2010. NAKALIGTAS SA PINSALA NG LINDOL AT PAGSABOG NG BULKANG PINATUBO, 1991. ISINAAYOS NG PAMAHALAANG BAYAN NG CONCEPCION, 2007. ANG ISTILO NITO AY IBINATAY SA PRESIDENCIA NG DAVAO NA ITINAYO NOONG 1926.  

Simbahan ng San Jose Del Monte

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: San Jose Del Monte, Bulacan
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 13 February 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG SAN JOSE DEL MONTE

ITINATAG NG MGA PRANSISKANO BILANG VISITA NG MEYCAUAYAN GAMIT ANG MGA PAYAK NA MATERYALES. NAGING HIWALAY NA PAROKYA AT INIALAY SA PATRONATO NI SAN JOSE DE OBRERO, IKA -11 PEBRERO 1752. ITINAYO ANG SIMBAHANG YARI SA ADOBE SA UNANG BAHAGI NG IKA-19 DANTAON. NAPINSALA NG SUNOG, 13 PEBRERO 1822. NAIPATAYONG MULI SA TULONG PINANSYAL NG MGA MAMAMAYAN. PATULOY RING NAKATANGGAP NG PINANSYAL NA SUPORTA MULA SA PAROKYA NG MEYCAUAYAN HANGGANG 1853. INILARAWAN SA ISANG SIPI NG LA ILUSTRACION FILIPINA ANG BAGONG TAYONG GUSALI BILANG ‘DE MEDIANA ARQUITECTUR’ DAHIL SA KATAMTAMANG LAKI NITO, 1860. NAGING POOK-LABANAN AT NAPINSALA SA LABANAN NG MGA HUKBONG PILIPINO AT SUNDALONG ESPANYOL, 1896, AT NADATNANG NAPINSALA NG SUNOG, 1899. NAGING PIITAN NG MGA PILIPINONG LUMABAN SA MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. DUMAAN SA PAGSASAAYOS, 1976. NAPINSALA NG LINDOL, 1990. ISINAILALIM SA MALAWAKANG MODERNISASYON BILANG TUGON SA LUMALAGONG BILANG NG MANANAMPALATAYA, 1997. ANG KAMPANARYO ANG TANGING KAKIKITAANG BAHAGI NG LUMANG SIMBAHAN.

Kapitolyo ng Bukidnon

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Bukidnon
Category: Buildings/Structures
Type: Capitol building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 20 March 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KAPITOLYO NG BUKIDNON

SINIMULANG IPATAYO NG BUREAU OF PUBLIC WORKS ANG UNANG GUSALI NA YARI SA KAHOY BILANG TUGON SA PAGHIWALAY NG LALAWIGAN NG BUKIDNON MULA SA AGUSAN, NA NGAYO’Y AGUSAN DEL NORTE AT DEL SUR, SA BISA NG BATAS BILANG 2408, 1917. ITINAYO ANG KASALUKUYANG GUSALING GAWA SA KONGKRETO AT KAHOY ALINSUNOD SA DISENYO NI ARKITEKTO JUAN M. ARELLANO. PINASINAYAAN SA PANGUNGUNA NI GOBERNADOR ANTONIO V. RUBIN, 25 PEBRERO 1933. INILUKLOK SA TAPAT NITO ANG TAGDAN NG BANDILA, 1934. ISINAAYOS MATAPOS ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, SA PAMAMAGITAN NG PHILIPPINE REHABILITATION ACT OF 1946. ISA SA MGA NATATANGING KAPITOLYO SA MINDANAO NA NAPANATILI ANG MGA ELEMENTONG ISTILONG NEOKLASIKAL MULA SA KANYANG PAGKATATAG.

Bauang - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Bauang, La Union
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 19 March 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
BAUANG
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SA BAYANG ITO NG BAUANG, LA UNION, DUMAAN SI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AT ANG KANIYANG HUKBO HABANG IPINAGTATANGGOL ANG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG MGA PILIPINO, 17 NOBYEMBRE 1899.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026. 

Tubao - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Municipal Plaza, Tubao, La Union
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 18 March 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
TUBAO
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SA BAYANG ITO NG TUBAO, LA UNION, LUMAGI SI EMILIO AGUINALDO, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AT ANG KANIYANG HUKBO HABANG IPINAGTATANGGOL ANG KALAYAAN AT PAGKABANSA NG MGA PILIPINO, 16 – 17 NOBYEMBRE 1899.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG AMBAG SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.