Showing posts with label 1998. Show all posts
Showing posts with label 1998. Show all posts

Dr. Jose Rizal (1861-1896)

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Niagara Falls, Ontario, Canada
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1998
Marker unveiled: 21 June 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
DR. JOSE RIZAL
(1861-1896)

THE NATIONAL HERO OF THE PHILIPPINES VISITED THIS MAGNIFICENT FALLS AND PAUSED BETWEEN THE TWO ROCKS ON MAY 12, 1888.

Pook Kung Saan Itinatag ang Katipunan

Location: Elcano Street, Tondo, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 7 July 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
POOK KUNG SAAN ITINATAG ANG KATIPUNAN

SA POOK NA ITO ITINATAG NOONG IKA-7 NG HUNYO 1892 NI GAT ANDRES BONIFACIO KASAMA SINA LADISLAO DIWA, DEODATO ARELLANO, VALENTIN DIAZ, TEODORO PLATA AT JOSE DIZON ANG KATAAS-TAASANG KAGALANGGALANG KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN (KATIPUNAN), MAKARAAN ILATHALA SA OPISYAL NA PAHAYAGAN NG PAMAHALAAN ANG KAUTUSAN NG PAGPAPATAPON KAY GAT JOSE RIZAL SA DAPITAN. LAYUNIN NG KILUSAN NA MAKAMTAN ANG MATAGAL NANG MINIMITHING KASARINLAN NG PILIPINAS SA PAMAMAGITAN NG ISANG MABAGSIK NA PARAAN.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY INIALAY NG SAMBAYANANG PILIPINO SA PAGDIRIWANG NG IKASANDAANG TAON NG PAGKAKATATAG NG KATIPUNAN.

The Signing of the Terms of Capitulation

Location: Luzurriaga Residence, Bacolod City
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level II - Historical marker
Marker date: November 6, 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
THE SIGNING OF THE TERMS OF CAPITULATION

IN THIS HOUSE, AT 5:00 O’CLOCK IN THE AFTERNOON OF NOVEMBER 6, 1898, THE TERMS OF CAPITULATION WAS SIGNED BETWEEN THE SPANISH AND FILIPINO REPRESENTATIVES SIGNIFYING THE END OF SPANISH RULE IN THE ISLAND OF NEGROS.

THE SPANISH GOVERNMENT WAS REPRESENTED BY ISIDRO DE CASTRO, POLITICO-MILITARY GOVERNOR OF NEGROS, PROVINCIAL FISCAL MANUEL ABENZA, ADMINISTRATOR OF PUBLIC LANDS RAMON ARMANDO, PROVINCIAL REGISTRAR EMILIO MONASTERIO AND NOTARY PUBLIC DOMINGO URETA. THE FILIPINO SIGNERS WERE GENERAL ANICETO LACSON, GENERAL JUAN ARANETA, JOSE MONTILLA AND SIMEON LIZARES.

The Philippine National Flag

Location: Hongkong, China
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 28 May 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
THE PHILIPPINE NATIONAL FLAG

ON THIS SITE, 535 MORRISON HILL, THE PHILIPPINE NATIONAL FLAG WAS SEWN BY MRS. MARCELA MARINO AGONCILLO, WIFE OF THE FIRST FILIPINO DIPLOMAT, FELIPE AGONCILLO, WITH THE HELP OF HER DAUGHTER LORENZA AND MRS. DELFINA HERBOSA NATIVIDAD, NIECE OF DR. JOSE RIZAL. THE FLAG'S DESIGN WAS CONCEIVED BY GEN. EMILIO AGUINALDO, PRESIDENT OF THE REVOLUTIONARY GOVERNMENT OF THE PHILIPPINES AND WAS MADE WITHIN FIVE DAYS BEFORE HE BOARDED THE AMERICAN DISPATCH BOAT, MCCULLOCH ON MAY 17, 1898 ENROUTE TO THE PHILIPPINES. FIRST HOISTED IN THE BATTLE OF ALAPAN ON MAY 28, 1898 AND UNFURLED FOR THE FIRST TIME IN KAWIT, CAVITE DURING THE PROCLAMATION OF PHILIPPINE INDEPENDENCE ON JUNE 12, 1898.

THIS HISTORICAL MARKER IS INSTALLED BY THE GRATEFUL FILIPINO NATION ON THE OCCASSION OF THE CENTENARIES OF THE SEWING OF THE PHILIPPINE FLAG AND THE DECLARATION OF PHILIPPINE INDEPENDENCE ON JUNE 12, 1898.

Site of the Philippine Law School

Location: Philippine Law School Building, Intramuros, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 December 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
SITE OF THE PHILIPPINE LAW SCHOOL

THE PHILIPPINE LAW SCHOOL WAS FOUNDED BY MARIANO P. JHOCSON WITH RICARDO AND SIMEON C. LACSON AS AN EVENING LAW SCHOOL USING ENGLISH AS MEDIUM OF INSTRUCTION IN JUNE 1915. IT WAS ACCREDITED BY THE GOVERNMENT ON FEBRUARY 17, 1916 AND BECAME THE COLLEGE OF LAW OF THE NATIONAL UNIVERSITY IN 1921.

AMONG ITS ILLUSTRIOUS ALUMNI WERE PRESIDENT CARLOS GARCIA, SENATORS ARTURO TOLENTINO AND VICENTE PATERNO, PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL STUDIED HIS FIRST TWO YEARS OF LAW IN THIS SCHOOL.

Concordia College

© Roel Balingit/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

Location: Paco, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 14 September 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CONCORDIA COLLEGE

SA KOLEHIYONG ITO, ITINATAG NI DONYA MARGARITA DE AYALA NOONG 1868 AT PINANGASIWAAN NG DAUGHTERS OF CHARITY, NAG-ARAL ANG TATLONG BUTIHING KAPATID NG PAMBANSANG BAYANING SI DR. JOSE RIZAL NA SINA SATURNINA, SOLEDAD AT OLYMPIA. DITO NAKILALA NI RIZAL ANG KANYANG UNANG PAG-IBIG SA KATAUHAN NI SEGUNADA KATIGBAK, GAYUNDIN SI LEONOR RIVERA NA PINAG-UKULAN NIYA NG TUNAY NA PAGMAMAHAL AT BINIGYANG-BUHAY SA KANYANG WALANG KAMATAYANG NOBELANG NOLI ME TANGERE.

Malacañang Palace (Declaration Marker)*

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Malacañang Palace, Jose P. Laurel Street, San Miguel, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Building
Status: Level I-National Historical Landmark
Legal basis: NHI Resolution No. 2, s 1998
Marker date: 8 June 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (English):
MALACAÑANG PALACE

BY VIRTUE OF RESOLUTION NO. 2, MAY 6, 1998, OF THE NATIONAL HISTORICAL INSTITUTE AND OF PRESIDENTIAL DECREE NO. 260, AUGUST 1, 1973, MALACAÑANG PALACE IN SAN MIGUEL, MANILA IS DECLARED AS A NATIONAL HISTORICAL LANDMARK.

Marker text (Filipino):
PALASYO NG MALAKANYANG

SA BISA NG RESOLUSYON BILANG 2, MAYO 6, 19989, ANG PAMBANSANG SURIANG PANGKASAYSAYAN AT AYON SA KAUTUSAN NG PANGULO BILANG 260, AGOSTO 1, 1973, ANG PALASYO NG MALAKANYANG SA SAN MIGUEL, MAYNILA AY IPINAHAYAG NA PAMBANSANG PALATANDAANG MAKASAYSAYAN.

INALISAN NG TABING NG KAGALANG-GALANG NA PANGULONG FIDEL VALDEZ RAMOS NOONG HUNYO 8, 1998.

Memorary (Naval Battle on the Coastline of Cavite of Manila)

Location: Philippine Navy Headquarters, Roxas Bolulevard, Malate, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 February 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
MEMORARE

THIS HISTORICAL MARKER IS DEDICATED TO ALL THE SPANISH AND FILIPINO SAILORS WHO DIED AND PERISHED IN ACTION DURING THE NAVAL BATTLE OF THE COASTLINE OF CAVITE IN MANILA BAY ON MAY 1, 1898, ESPECIALLY THOSE WHO FOUGHT TO THE END UNDER ADMIRAL PATRIRIO MONTOJO AND, THOUGH DEFEATED, WON THE ADMIRATION OF THE SPANIARDS AND ADVERSARIES FOR THEIR HEROIC STAND AGAINST THE SUPERIOR AMERICAN NAVAL FORCE.

UNVEILED ON THE OCCASION OF THE CENTENNIAL CELEBRATION OF PHILIPPINE INDEPENDENCE BY HIS EXCELLENCY FIDEL VALDEZ RAMOS PRESIDENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES AND HIS MAJESTY KING JUAN CARLOS OF SPAIN, THIS 12 FEBRUARY 1998, TO FOSTER THE FRIENDSHIP AND CLOSE COOPERATION BETWEEN SPAIN AND THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES.

Camilo Osias

Location: Balaoan, La Union
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 17 March 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CAMILO OSIAS

MANUNULAT, EDUKADOR, AT ESTADISTA. ISINILANG SA BALAOAN, LA UNION, MARSO 23, 1889. ISA SA MGA PENSIONADO SA ESTADOS UNIDOS, 1905. NAGKAMIT NG TEACHER'S DIPLOMA, WESTERN ILLINOIS STATE NORMAL SCHOOL, 1908, A.B., B.S.E., AT GRADUATE DIPLOMA IN ADMINISTRATION AND SUPERVISION, PAWANG SA COLUMBIA UNIVERSITY, E.U., 1910. UNANG PILIPINONG SANGAY TAGAPAMAHALA NG MGA PAARALAN, 1915-16; UNANG KATULONG DIREKTOR NG EDUKASYON, 1919-21; KAGAWAD, UNANG MISYONG PANGKALAYAAN SA E.U., 1921., UNANG PANGULO, NATIONAL UNIVERSITY, 1921-34; NAHALAL NA SENADOR, 1925, 1947 AT 1961; NANINIRAHANG KOMISYONADO SA E.U., 1929-35; KINATAWAN, UNANG DISTRITO NG LA UNION, PAMBANSANG ASAMBLEA NG PILIPINAS AT KUMBENSYONG KONSTITUSYONAL, 1934; TAGPANGULO, PAMBANSANG LUPON NG EDUKASYON, 1941; TAGAPAGTATAG, OSISAS COLLEGES SA LA UNION AT TARLAC, 1945. MAY-AKDA NG ILANG AKLAT TUNGKOL KAY RIZAL; NAGSALIN SA INGLES NG NOLI AT FILI. PINAGKALOOBAN DOCTOR OF LAWS, OTTERBEIN COLLEGE, E.U., 1934, AT DOCTOR NG PEDAGOGY, NATIONAL UNIVERSITY, 1961. HONORIS CAUSA. TUMANGGAP NG GAWAD RIZAL PRO-PATRIA, 1961; ANCIENT ORDER OF SIKATUNA NA MAY RANGGONG DATU 1973. NAMATAY, MAYO 20, 1976.

Luisiana

Location: Luisiana Municipal Hall, Rizal Street cor. Mabini Street, Luisiana, Laguna
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LUISIANA

UNANG NAKILALA SA PANGALANG NASUNOG, DATING SITIO NG MAJAYJAY NOONG 1678. NAGING VISITA NOONG 1837. SIBIL NA INIHIWALAY NOONG 1848 AT TINAGLAY ANG BAGONG PANGALANG LUISIANA BILANG PARANGAL KINA DON LUIS BERNARDO, ANG UNANG TINIENTE ABSOLUTO, AT KANYANG MAYBAHAY NA SI DOÑA ANA. PINAGKALOOBAN NG EKLESIASTIKAL AT GANAP NA PAGSASARILI SA BISA NG ISANG DIKRETO BUHAT SA PAMAHALAANG KOLONYAL NG ESPANYA, ABRIL 3, 1854. NAPANATILI HANGGANG SA KASALUKUYANG ANG KATATAGAN AT KAUNLARAN MULA NANG PAGSASARILI NITO NOONG 1854.

Mababang Paaralang Pedro Guevara

NHCP Photo Collection
Location: Pedro Guevara Elementary School, San Fernando Street cor. Numancia Street, San Nicolas, Manila
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 1, 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MABABANG PAARALANG PEDRO GUEVARA

IPINATAYO NG PAMAHALAANG MILITAR NG AMERIKA NOONG 1898 BILANG ISA SA MGA UNANG PAARALANG PRIMARYA SA MAYNILA. NAGING UNANG MGA GURO NITO ANG MGA SUNDALONG AMERIKANO. MATATAGPUAN SA KINATATAYUAN NG MGA KOMISARYO NA DATING PAMILIHAN NG MGA SEDA NA BUHAT SA TSINA. ANG ALCAICERIA DE SAN FERANDO. NAKILALA BILANG PAARALANG PRIMARYA NG SAN NICOLAS. SI DR. WALTER WILLIAM MARQUARDT ANG NAGING UNANG SUPERBISOR NITO AT SI TRANQUILINO BUENAVENTURA NAMAN ANG UNANG FILIPINONG PUNONG-GURO. ITINAYO ANG PAARALANG INTERMEDYA NG SAN NICOLAS NOONG HUNYO 1917. PINAGSAMA ANG MGA PAARALANG PRIMARYA AT INTERMEDYA AT KINILALA BILANG PAARALANG ELEMENTARYA NG SAN NICOLAS NOONG 1930. BINIGYAN NG BAGONG PANGALANG MABABANG PAARALANG PEDRO GUEVARA NOONG 1938. ANG PANGUNAHING GUSALI AY GINAWANG GARISON NG MGA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. IPINAAYOS AT NAGPATAYO NG MGA BAGONG GUSALI PAGKARAAN NG DIGMAAN.

Asociacion de Damas de Filipinas Inc. Settlement House

NHCP Photo Collection, 2006
Location: 1451 Quirino Avenue Extension, Paco, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 26 September 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ASOCIACION DE DAMAS DE FILIPINAS, INC. 
SETTLEMENT HOUSE

ANG ASOCIACION DE DAMAS DE FILIPINAS, INC. AY ITINATAG NOONG SETYEMBRE 26, 1913 NG MGA MAYBAHAY NG MGA NANGUNANG KASAPI NG PHILIPPINE COLUMBIAN CLUB BILANG KABABAIHANG PANTULONG O AUKSILYAR NG SAMAHAN NA ANG UNANG PANGULO AY SI DR. HONORIA ACOSTA. ANG MGA UNANG PAGPUPUNYAGI NITO AY UPANG MAKALIKOM NG PONDO PARA SA PAMAYANAN NG MGA MAY KETONG SA CULION, IBA’T IBANG BAHAY-AMPUNAN, MGA NASUNUGAN AT MGA MAHIHIRAP NA NAGPAPASUSONG INA. NOONG 1919 ITINATAG NITO ANG PANIRAHAN SA ISANG PAUPAHANG GUSALI SA ABENIDA RIZAL, MAYNILA UPANG MAGSILBING PANSAMANTALANG KANLUNGAN PARA SA MGA SANGGOL, MGA BATA, HINDI KASAL NA MGA INA AT MGA MATATANDA. INILIPAT SA DAANG BENAVIDES SA SANTA CRUZ NOONG 1926 AT SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN NITO SA DAANG CANONIGO, PACO NOONG 1927.

ANG PANIRAHAN AY NAGING KANLUNGAN NG MGA NAGSISILIKAS. NAGING PAGAMUTAN AT KLINIKA PARA SA MGA MAMAMAYAN NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, PAGKATAPOS NG DIGMAAN, ANG GUSALI AY SUMAILALIM SA PAGBABAGONG-AYOS. ISANG DAGDAG NA GUSALI NA MAY MGA MAKABAGONG KAGAMITAN ANG IPINATAYO MULA 1955 HANGGANG 1963. ANG AKLATAN AT PAARALAN PARA SA MGA BATA AY PINASINAYAAN NOONG 1997. ANG SALIGANG BATAS NITO AY SINUSUGAN NOONG ENERO 15, 1998 UPANG IBILANG ANG MGA KARAGDAGANG INTERES.

Site of the Proclamation of Philippine Independence

NHCP Photo Collection, 2011

NHCP Photo Collection, 2011
Location: Emilio Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Commemorative marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 June 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (English):

SITE OF THE PROCLAMATION OF PHILIPPINE INDEPENDENCE

ON JUNE 12, 1898, PHILIPPINE INDEPENDENCE WAS PROCLAIMED FROM THE CENTER WINDOW OF THE ORIGINAL HOUSE OF THE FAMILY OF GENERAL EMILIO AGUINALDO Y FAMY, PRESIDENT OF THE FIRST PHILIPPINE REPUBLIC AND LEADER OF THE REVOLUTION AGAINST SPAIN AND AMERICA. THROUGH THE READING OF THE ACTA DE LA PROCLAMACION DE LA INDEPENDENCIA DEL PUEBLO FILIPINO BY AMBROSIO RIANZARES BAUTISTA. DURING THIS OCCASION, THE PHILIPPINE FLAG MADE IN HONGKONG BY DOÑA MARCELA MARINO DE AGONCILLO WAS OFFICIALLY UNFURLED AS THE BAND OF SAN FRANCISCO DE MALABON PROUDLY PLAYED THE MARCHA NACIONAL FILIPINA (NOW THE PHILIPPINE NATIONAL ANTHEM) COMPOSED BY JULIAN FELIPE.

THIS HISTORICAL MARKER IS INSTALLED BY THE GRATEFUL FILIPINO PEOPLE IN OBSERVANCE OF THE CENTENNIAL OF THE PROCLAMATION OF PHILIPPINE INDEPENDENCE. UNVEILED BY HIS EXCELLENCY PRESIDENT FIDEL VALDEZ RAMOS ON JUNE 12, 1998.

Marker text (Filipino):

POOK NG PAGPAPAHAYAG NG KASARINLAN NG PILIPINAS

NOONG HUNYO 12, 1898. BUHAT SA GITNANG BINTANA NG ORIHINAL NA TAHANAN NG MGA AGUINALDO IPINAHAYAG NI HENERAL EMILIO AGUINALDO Y FAMY, PANGULO NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS AT PUNO NG HIMAGSIKAN LABAN SA ESPANYA AT SA AMERIKA, ANG KASARINLAN NG PILIPINAS SA PAMAMAGITAN NG PAGBASA NG ACTA DE LA PROCLAMACION DE LA INDEPENDENCIA DEL PUEBLO FILIPINO NA SINULAT NI AMBROSIO RIANZARES BAUTISTA. SA PAGKAKATAONG ITO, ANG WATAWAT NG PILIPINAS NA TINAHI NI DONYA MARCELA MARINO DE AGONCILLO SA HONGKONG AY OPISYAL NA IWINAGAYWAY HABANG BUONG PAGMAMALAKING TINUTUGTOG NG BANDA NG SAN FRANCISCO DE MALABON ANG MARCHA NACIONAL FILIPINA (NGAYO’Y PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS) NA KINATHA NI JULIAN FELIPE.

ANG TANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY INIAALAY NG SAMBAYANANG PILIPINO SA PAGDIRIWANG NG IKASANDAANG TAON NG PAGPAPAHAYAG NG KASARINLAN NG PILIPINAS. INALISAN NG TABING NG KAGALANG-GALANG NA PANGULONG FIDEL VALDEZ RAMOS NOONG HUNYO 12, 1898.

Katedral ng Borongan

© Joelaldor/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0

© Leocvlauzon/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Borongan, Eastern Samar
Category: Building/Structure
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 7 September 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KATEDRAL NG BORONGAN

ANG ORIHINAL NA SIMBAHAN NA YARI SA ESKOMBRO AY IPINATAYO NI PADRE FRANCISCO DIEZ NOONG MGA TAONG 1710 BILANG PARANGAL SA MAHAL NA BIRHEN NG NATIVIDAD. ANG PAMAMAHALA SA SIMBAHAN AY INILIPAT NG MGA PARING HESWITA SA MGA PARING PRANSISKANO NOONG 1768. TINUPOK NG APOY NOONG 1773 AT MULING IPINATAYO AT PINALAKI SA PANGANGASIWA NG PADRE ROQUE DE OSMA NOONG 1781. NOONG 1853 ISANG BILOG NA KAMPANARYO ANG IDINAGDAG NI PADRE JUAN NAVARETTE. ANG DISENYO NG SIBAHAN AY GINAWANG HUGIS KRUS NI PADRE ANTONIO SANCHEZ NOONG 1873. NOONG 1887, ANG BUBONG AY BINAGO AT PINALITAN NG SINK O METAL NI PADRE ARSENIO FIGUEROA.

NOONG 1939, INILIPAT ANG PANGANGASIWA SA SIMBAHAN NG MGA PARING PRANSISKANO SA UNANG PILIPINONG KURA PAROKO NA SI PADRE FRANCISCO PALOMERAS NA NAGDAGDAG NG IKALAWANG PALAPAG SA KAMPANARYO. ANG IKATLONG PALAPAG AY IPINAGAWA NI PADRE POTENCIANO ORTEGA NOONG 1950.

NAGING KATEDRAL NG BORONGAN NOONG 1961. ITO AY NAGKAROON NG MALAWAKANG PAGBABAGO AT PAGPAPALAKI NOONG 1962 SA PAMAMAGITAN NG KAPITA-PITAGANG REBERENDO VICENTE P. REYES, D.D., UNANG OBISPO NG BORONGAN. SA KASALUKUYAN ANG BILOG NA KAMPANARYO ANG TANGING BAHAGI NG LUMANG SIMBAHAN NA NANANATILI.

Memore (Gomburza)

NHCP Photo Collection, 2014

NHCP Photo Collection, 2014
Location: Paco Cemetery, Paco, Manila
Category: Sites/Events
Type: Burial site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 17 February 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MEMORARE

THE MORTAL REMAINS OF THE THREE MARTYRED PRIESTS, FATHERS JOSE A. BURGOS, MARIANO C. GOMES AND JACINTO R. ZAMORA, WERE BURIED IN THIS HALLOWED GROUND AFTER THEIR EXECUTION ON 17 FEBRUARY 1872 FOR COMPLICITY IN THE CAVITE MUTINY.

THIS MARKER WAS UNVEILED BY HIS EXCELLENCY FIDEL V. RAMOS, PRESIDENT, REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, FEBRUARY 17, 1998 ON THE OCCASION OF THE MARTYRDOM OF THE THREE PRIESTS.

Kul-labeng Historical Site

NHCP Photo Collection, 2020

NHCP Photo Collection, 2020

NHCP Photo Collection, 2020

NHCP Photo Collection, 2020

NHCP Photo Collection, 2020
Location: Pinili, Ilocos Norte
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 7 November 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KUL-LABENG HISTORICAL SITE
PINILI, ILOCOS NORTE

FORMERLY A BARRIO OF BADOC, KUL-LABENG USED TO SERVE AS THE REFUGE OF MONSIGNOR GREGORIO AGLIPAY, REVOLUTIONARY LEADER AND VICAR GENERAL CASTRENCE OF THE FILIPINO REVOLUTIONARY GOVERNMENT. THIS BARRIO WAS THE SCENE OF ENCOUNTERS BETWEEN FILIPINO REVOLUTIONARY FORCES AND THE AMERICANS DURING THE FILIPINO–AMERICAN WAR, INCLUDING ONE WHICH RESULTED IN THE ROUTING OF 50 AMERICAN SOLDIERS AND THE DEATH OF AN AMERICAN CAPTAIN.

AFTER THE WAR, THE BARRIO WAS THE FREQUENT MEETING PLACE OF MONSIGNOR GREGORIO AGLIPAY AND OTHER FILIPINO PRIESTS. IT WAS HERE WHERE HE AND OTHER PRIESTS MET AND MADE A DECISION TO SEPARATE FROM THE AUTHORITY OF THE ROMAN CATHOLIC CHURCH ON MAY 8, 1902.

Casa Hacienda De Naic

Photo courtesy of Ryan Sebastian

Photo courtesy of Ryan Sebastian

Photo courtesy of Ryan Sebastian
Location: Naic, Cavite, Region IV-A
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
CASA HACIENDA DE NAIC

SA MISMONG GUSALING ITO, NGAYO’Y MABABANG PAARALAN NG NAIC, ISINAGAWA AT ISINAKATUPARAN NOONG ABRIL 19, 1897 ANG ACTA DE NAIC O NAIC MILITARY AGREEMENT, ISANG KASUNDUAN NINA BONIFACIO AT NG KANYANG MGA KAPANALIG NA SALUNGAT SA MGA PANUNTUNAN NA PINAGKASUNDUAN NG MGA MANGHIHIMAGSIK SA KUMBENSIYON NG TEJEROS, NA GINANAP NOONG MARSO 22, 1897.

DITO RIN BINUO NI PANGULONG EMILIO AGUINALDO, MAKARAAN ANG MAHAL NA ARAW NANG TAON DING YAON ANG KANYANG “CABINET OF RECONCILIATION,” O ANG PAGSASAAYOS NG GABINETE NG KANYANG PAMAHALAAN NA HINDI NABUO SA KUMBENSIYON NG TEJEROS.

Tahanan ni Jose P. Laurel, Pangulo, Ikalawang Republika ng Pilipinas (1943-1945)




Location: Penafrancia St., Paco, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 8, 1998

Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
TAHANAN NI JOSE P. LAUREL
PANGULO, IKALAWANG REPUBLIKA
NG PILIPINAS
(1943-1945)

UNANG IPINATAYO NOONG 1861, ANG TAHANANG ITO AY BINILI NI JOSE P. LAUREL NOONG 1926. NANIRAHAN SIYA RITO NANG MAY 29 NA TAON (1926-1955) KASAMA ANG KANYANG MAYBAHAY NA SI PACIENCIA HIDALGO AT ANG KANYANG MGA ANAK.

ANG ARI-ARIANG ITO AY MINANA NG KANYANG IKATLONG ANAK, SI SOTERO H. LAUREL, NA NAG-KALOOB NITO SA JOSE P. LAUREL MEMORIAL FOUNDATION AT NANGUNA SA PAGPAPANUMBALIK NITO SA AYOS BILANG PARANGAL SA KANYANG AMA NA BUONG GITING, MAY MATIBAY NA PANINIWALA AT WALANG PAG-IIMBOT NA DEDIKASYON NA NAGLINGKOD 5A KANYANG BAYAN.

PINASINAYAAN NG KAGALANG-GALANG NA PANGULONG FIDEL V RAMOS NOONG MARSO 8, 1998, BISPERAS NG PAGDIRIWANG NG IKA-107 KAARAWAN NI JOSE P. LAUREL, AT BILANG PAKIKIISA SA PAG-DIRIWANG NG SENTENYAL NG PILIPINAS (1898-1998).

Rizal's Execution Site




Location: Rizal Park, Ermita, Manila (Region NCR)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker Date: 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (English):
RIZAL'S EXECUTION SITE

JOSE RIZAL Y MERCADO, FILIPINO PHYSICIAN, PROPAGANDIST, WRITER, AND PATRIOT WAS EXECUTED WITHIN THESE HALLOWED GROUNDS AT EXACTLY 7:03 IN THE MORNING OF DECEMBER 30, 1800 BY AN EIGHT MAN SQUAD OF FILIPINO RIFLEMEN FROM THE 70TH INFRANTRY REGIMENT THE MAGALLANES OF THE SPANISH COLONIAL ARMY.THOSE WHO WITNESSED RIZAL'S PUBLIC EXECUTION INCLUDED LT. LUIS TAVIEL DE ANDRADE, HIS LEGAL OFFENDER DURING HIS TRIAL FOR ALLEGED TREASON AGAINST SPAIN, AND THE TWO JESUIT PRIESTS, FR. JOSE VILLACLARA, S.J. AND FR. ESTANISLAO MARCH, S.J. WHO ACCOMPANIED RIZAL DURING HIS FINAL WALK BEFORE HIS EXECUTION. RIZAL'S MARTYRDOM FANNED THE FLAMES OF THE FILIPINO REVOLUTION OF 1896 AND INSPIRED THE FILIPINOS IN THEIR RESOLUTE AND EPIC FIGHT FOR FREEDOM. 

Marker text (Filipino):
POOK NA PINAGBARILAN KAY RIZAL

SI JOSE RIZAL Y MERCADO, MANGGAGAMOT NA PILIPINO, PROPAGANDISTA, MANUNULAT, AT MAKABAYAN AY BINARIL SA BANAL NA POOK NA ITO NOONG GANAP NA IKA-7:03 NANG UMAGA NG DISYEMBRE 30, 1896 NG ISKWAD NA BINUBUO NG WALONG PILIPINONG MAMAMARIL BUHAT SA IKA-70 REHIMYENTO, ANG MAGALLANES, NG HUKBONG KOLONYAL NG MGA KASTILA.

KABILANG SA MADLANG NAKASAKSI SA PAGBARIL KAY RIZAL SINA TINYENTE LUIS TAVIEL DE ANDRADE, ANG KANYANG MANANANGGOL SA PAGLILITIS SA BINTANG NA PAGTATAKSIL SA ESPANYA, AT ANG DALAWANG PARING HESWITA, SINA P. JOSE VILLACLARA AT P. ESTANISLAO MARCH, NA SUMAMA KAY RIZAL SA KANYANG HULING PAGLAKAD BAGO SIYA BINARIL.

ANG KANYANG KAMATAYAN BILANG MARTIR ANG NAGPALAGABLAB SA APOY NG HIMAGSIKANG PILIPINO NOONG 1896 AT NAGBIGAY-SIGLA SA MGA PILIPINO SA KANILANG WALANG TAKOT AT DAKILANG PAKIKIPAGLABAN PARA SA KALAYAAN.

Dr. Jose Rizal (1861–1896)


NHCP Photo Collection, 2016


Location: Dapitan, Zamboanga del Norte
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1998
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
DR. JOSE RIZAL 
(1861–1896)

SA DALAMPASIGANG ITO NOONG DAPITHAPON NG HULYO 31, 1896, ANG PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS AT DANGAL NG LAHING MALAYO AY UMALIS PATUNGONG MAYNILA KASAMA ANG KANYANG PAMILYA AT MGA KAIBIGAN, NA NAGBIGAY WAKAS SA MAHIGIT NA APAT NA MABUNGANG TAON NG PAGKAKATAPON NIYA SA DAPITAN.