Showing posts with label 1969. Show all posts
Showing posts with label 1969. Show all posts

Ang Lungsod ng Iriga

Location: Iriga City, Camarines Sur
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: September 13, 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)

Turtle Islands

Location: Turtle Islands Municipal Hall, Taganak Island, Turtle Islands, Tawi-Tawi
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text: 
TURTLE ISLANDS

ANG MGA PULONG ITO AY PINAUPAHAN NG SULTAN NG SULU SA BRITISH NORTH BORNEO COMPANY NOONG 22 ENERO 1878. NAGING BAHAGI NG PILIPINAS NOONG 10 DISYEMBRE 1898 AYON SA KASUNDUAN NG PARIS NA NILAGDAAN NG ESPANYA AT ESTADOS UNIDOS. PATULOY NA PINAMAHALAAN NG BRITISH NORTH BORNEO COMPANY AYON SA KASUNDUANG NILAGDAAN NOONG 1932 NG ESTADOS UNIDOS AT GRAN BRETANYA. PINAGKAYARIAN DING IBABALIK SA MAY-ARI PAGKATAPOS MAPAGPATALASTASAN ANG NANGUNGUPAHAN SA LOOB NG ISANG TAON. INILIPAT SA REPUBLIKA NG PILIPINAS NOONG 16 OKTUBRE 1947.

Marker text (English):
TURTLE ISLANDS

THESE ISLETS WERE LEASED BY THE SULTAN OF SULU ON 22 JANUARY 1878 TO THE BRITISH NORTH BORNEO COMPANY. BECAME PART OF THE PHILIPPINES BY VIRTUE OF THE TREATY OF PARIS, 10 DECEMBER 1898, BETWEEN SPAIN AND THE UNITED STATES. LESSEE CONTINUED ADMINISTERING THEM UNDER THE 1932 UNITED STATES–GREAT BRITAIN TREATY TO BE RELINQUISHED TO OWNER UPON A YEAR’S NOTICE. TRANSFERRED TO THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, 16 OCTOBER 1947.


Severino Reyes (1861–1942)

Location: 2149 Severino Reyes Street, Santa Cruz, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 September 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
SEVERINO REYES 
(1861–1942)

IPINANGANAK SA PUROK NG STA. CRUZ, NGAYO’Y SAKOP NG MAYNILA, NOONG IKA-11 NG PEBRERO, 1861. NAG-ARAL SA SAN JUAN DE LETRAN AT NAGTAPOS SA PILOSOPYA SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS. NOBELISTA AT KUWENTISTA, SIYA’Y NATANGHAL NA PANGUNAHING MANDUDULA NA NAGPALAGANAP NG SARSUWELA SA PILIPINAS. ANG KANYANG DULANG “R.I.P.” NA ITINANGHAL NOONG 1902 AY TUMUDYO AT PUMATAY SA MORO-MORO AT KOMEDYA. TAGAPAGTATAG NG “GRAN COMPAÑIA DE ZARZUELA TAGALA” NA TUMANGKILIK AT NAGPALAGANAP NG DULANG TAGALOG; TAGAPAGTATAG AT UNANG PATNUGOT NG LINGGUHANG “LIWAYWAY” NA KINALATHALAAN NG KINAGILIWANG “ANG KUWENTO NI LOLA BASIANG.” NAMATAY SA MAYNILA NOONG IKA-15 NG SEPTIYEMBRE, 1942.

Site of the ratification of the Malolos Constitution

Location: Barasoain Church, Malolos, Bulacan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:

MULA SA KANYANG TANGGAPAN SA KUMBENTONG ITO NOONG ENERO 21, 1899 SI HENERAL EMILIO AGUINALDO Y FAMY, PANGULO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, AY NAGPAHAYAG NG PAGKAKABISA NG SALIGANG BATAS NG MALOLOS NA ANG MALAKING BAHAGI AY BINALANGKAS NI FELIPE G. CALDERON AT PINAGTIBAY NG KONGRESO NG HIMAGSIKAN NA NAGPULONG SA SIMBAHAN NG BARASOAIN NOONG SETYEMBRE 15, 1898. SA PAMAMAGITAN NG ISANG UTOS NA INILAGDA NOONG OKTUBRE 19, 1898, ITINATAG DITO NI HENERAL AGUINALDO ANG LITERARIO-CIENTIFICA UNIVERSIDAD DE FILIPINAS AT HINIRANG NA UNANG REKTOR SI JOAQUIN GONZALEZ.

Ang Aklatang Pambansa

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: The National Library of the Philippines, T.M. Kalaw Street, Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
ANG AKLATANG PAMBANSA

NAGMULA SA AMERICAN CIRCULATING LIBRARY NA ITINATAG NOONG 1900 AT IPINAGKALOOB SA PAMAHALAAN NG PILIPINAS NOONG 1901; NAGING SANGAY NG KAWANIHAN NG PAGTUTURO NOONG 1905. NOONG 1908 AY PINAGTIBAY NG ASAMBLEA ANG BATAS BLG. 1935 NA NAGTATADHANA NG PAGSASAMA-SAMA NG LAHAT NG MGA AKLATANG BAYAN AT ANG KABUUAN NITO’Y PINANGANLANG PHILIPPINE LIBRARY AND MUSEUM NOONG 1916, NA NAGING NATIONAL LIBRARY NOONG 1928. NOONG PANAHON NG HAPON, ANG ILAN SA MGA SANGAY NG AKLATAN AY INILIPAT SA PAMANTASAN NG PILIPINAS AT ANG MAHAHALAGANG KASULATAN AY INILIPAT SA GUSALI NG PHILIPPINE NORMAL SCHOOL. ANG PINAKAMALAKING BAHAGI NG MGA AKLAT AT KASULATAN AY NATUPOK SA LABANANG IBINUNGA NG PAGBABALIK NG MGA AMERIKANO NOONG 1945. ANG NAILIGTAS AY NAGING SALIGAN NG BUREAU OF PUBLIC LIBRARIES. NOONG 1964, ANG PANGALAN AY IBINALIK SA DATING NATIONAL LIBRARY.

Battle of Pinaglabanan





Location: N. Domingo Street cor. Pinaglabanan Road, San Juan city
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: August 29, 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text: 
BATTLE OF PINAGLABANAN

SA POOK NA ITO NAGANAP ANG MAKASAYSAYANG LABANAN NG MGA PILIPINO AT KASTILA NOONG 30 AGOSTO 1896. DITO UNANG SUMALAKAY ANG MGA KATIPUNERO SA PAMUMUNO NI ANDRES BONIFACIO AT EMILIO JACINTO. SA LABANANG ITO, NA KINASAWIAN NG 153 KATIPUNERO, IPINAKILALA NG MGA PILIPINO NA HANDA SILANG MAG-ALAY NG KANILANG BUHAY ALANG-ALANG SA KALAYAAN NG INANG BAYAN.

Bahay-Pamahalaan ng Lungsod ng Zamboanga

NHCP Photo Collection, 2009

NHCP Photo Collection, 2009
Location: N.S. Valderosa Street, Zamboanga City
Category: Buildings/Structures
Type: Government center
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1969
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
BAHAY-PAMAHALAAN NG LUNGSOD NG ZAMBOANGA
(DATING PANLALAWIGANG KAPITOLYONG ZAMBOANGA)

ITINAYO NOONG 1905-1907 NG PAMA-HALAANG PEDERAL NG ESTADOS UNIDOS. ANG GUSALING ITO ANG NAGING LUKLUKAN NG PAMAHALAAN NG LALAWIGANG MUSLIM NOONG PANAHON NG MALA-MILITAR NA PANANAKOP NG MGA AMERIKANO, 1903-1913; NG KAGAWARAN NG MINDANAO AT SULU NOONG PANAHON NG SIBIL NA PANANAKOP NG MGA AMERIKANO, 1914-1920; NG LALAWIGAN NG ZAMBOANGA MULA NOONG 1937 HANGGANG SA KASALUKUYAN.