Bagong Bilangguang Bilibid (Kawanihan ng mga Bilangguan)


NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

Location: New Bilibid Prison, Insular Prison Road, Muntinlupa City
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1 March 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BAGONG BILANGGUANG BILIBID
(KAWANIHAN NG MGA BILANGGUAN)

IPINATAYO ALINSUNOD SA BATAS KOMONWELT BLG. 67 KAPALIT NG LUMANG BILANGGUANG BILIBID SA STA. CRUZ, MAYNILA. ANG PAMBANSANG BILANGGUAN AY INILIPAT DITO NOONG NOBYEMBRE 15, 1940. GINAMIT NA KAMPO NG MGA BILANGGONG SIBILYANG AKSIS NA KINABIBILANGAN NG 300 HAPON, 72 ALEMAN AT ILANG ITALYANO NANG SUMIKLAB ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. NAGSILBING KAMPONG SANAYAN NG MGA SUNDALO NG BAGONG TATAG NA SANDATAHANG HUKBO NG ESTADOS UNIDOS SA MALAYONG SILANGAN (USAFFE). NILISAN NG USAFFE SA PAGDATING NG MGA HAPON MULA SA TIMOG NA NAGBUNGA SA PAGLAYA NG MGA BILANGGONG SIBILYANG AKSIS NOONG DISYEMBRE 28, 1941. GINAMIT NG MGA HAPON NA BILANGGUAN NG MGA KALABANG SUNDALO AT GERILYA. ILANG ULIT NA NILUSOB NG MGA GERILYANG FILIPINO AT KANILANG NABAWI ITO NOONG 1945. DITO IPINIIT ANG NAGING PANGULONG JOSE P. LAUREL AT SI JORGE B. VARGAS DAHIL SA BINTANG NA PAKIKIPAGTULUNGAN SA MGA HAPON.

No comments:

Post a Comment