Kapitolyo ng Bukidnon

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025

NHCP Photo Collection, 2025
Location: Bukidnon
Category: Buildings/Structures
Type: Capitol building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 20 March 2025
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KAPITOLYO NG BUKIDNON

SINIMULANG IPATAYO NG BUREAU OF PUBLIC WORKS ANG UNANG GUSALI NA YARI SA KAHOY BILANG TUGON SA PAGHIWALAY NG LALAWIGAN NG BUKIDNON MULA SA AGUSAN, NA NGAYO’Y AGUSAN DEL NORTE AT DEL SUR, SA BISA NG BATAS BILANG 2408, 1917. ITINAYO ANG KASALUKUYANG GUSALING GAWA SA KONGKRETO AT KAHOY ALINSUNOD SA DISENYO NI ARKITEKTO JUAN M. ARELLANO. PINASINAYAAN SA PANGUNGUNA NI GOBERNADOR ANTONIO V. RUBIN, 25 PEBRERO 1933. INILUKLOK SA TAPAT NITO ANG TAGDAN NG BANDILA, 1934. ISINAAYOS MATAPOS ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, SA PAMAMAGITAN NG PHILIPPINE REHABILITATION ACT OF 1946. ISA SA MGA NATATANGING KAPITOLYO SA MINDANAO NA NAPANATILI ANG MGA ELEMENTONG ISTILONG NEOKLASIKAL MULA SA KANYANG PAGKATATAG.