Pook na Sinilangan ni Felix Y. Manalo*



Location: Tipas, Taguig, Metro Manila (NCR)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level I- National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 1, s. 1986
Marker date: 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
POOK NA SINILANGAN NI FELIX Y. MANALO

DITO SA BO. CALSADA, TIPAS, RIZAL ISINILANG SI FELIX Y MANALO, 10 MAYO 1886. NAGTATAG AT UNANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN NG MGA KONGREGASYON NG IGLESIA NI CRISTO SA PILIPINAS. UNANG IPINANGARAL ANG IGLESIA NI CRISTO SA PUNTA, STA. ANA, MAYNILA, AT OPISYAL NA IPINAREHISTRO BILANG ISANG SAMAHANG PANGRELIHIYON, 27 HULYO 1914. NAGLATHALA NG BABASAHING PASUGO NA NAGLALAMAN NG MGA DOKTRINA NG IGLESIA NI CRISTO NA HANGO SA BIBLIYA, 1939. NAGTAYO NG MGA SIMBAHAN NG IGLESIA NI CRISTO SA IBA’T IBANG PANIG NG PILIPINAS AT BUONG MUNDO. YUMAO, 12 ABRIL 1963. IPINAHAYAG ANG POOK NA KANYANG SINILANGAN BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, ENERO 1986.

No comments:

Post a Comment