Katedral ng Maasin

NHCP Photo Collection

NHCP Photo Collection, 2017

NHCP Photo Collection, 2017
Location: Maasin, Southern Leyte (Region VIII)
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker

Marker date: 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KATEDRAL NG MAASIN

ANG POOK NA ITO AY ITINATAG NG MGA MISYONERONG HESWITA NOONG 1700. ISANG PANSAMANTALANG SIMBAHAN ANG IPINATAYO SUBALIT ITO AY NASIRA NANG SUMALAKAY ANG MGA MORO NOONG 1754. ANG MAASIN AY NAGING BAYAN NANG SUMUNOD NA TAON. NOONG 1768 ANG PANGASIWAAN NG SIMBAHAN AY INILIPAT SA MGA PARING AGUSTINO. ANG SIMBAHAN AY MULING IPINATAYO NOONG 1771 SUBALIT MULING SINIRA NG MGA MORO NOONG 1784. SA PANGANGASIWA NI PADRE SERAPIO GONZALES ISANG SIMBAHANG BATO ANG ITINAYO. ITO AY MULING NAGIBA. NOONG 1839 SI PADRE JOSE PACO AY NAGPATAYO NG BAGONG SIMBAHAN NA NASUNOG NOONG 1882. MULING IPINAGAWA. ITO AY NAGING KATEDRAL NANG MAGING SEDE NG BAGONG DIYOSESIS ANG MAASIN NOONG AGOSTO 14, 1968. PATRONA NITO ANG NUESTRA SEÑORA DE LA ASUNCION.

No comments:

Post a Comment