NHCP Photo Collection |
Location: Calabanga, Camarines Sur (Region IV)
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level I- National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 05, S. 1996
Marker date: 1979
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
SIMBAHANG PAROKYA NG QUIPAYO
ISA SA PINAKAMATATANDANG SIMBAHAN SA KABIKOLAN. ITO AY ITINATAG NOONG 1578 NG MGA MISYONERONG PRANSISKANO NA SINA PRAYLE PABLO DE JESUS AT BARTOLOME RUIZ. PINAKAULO NG MGA NAUNANG MISYON, ANG BAYAN AY SUMAKOP SA MGA BISITA NG LIGMANAN (LIBMANAN), BANGON (SIRUMA), CALABANGAN (CALABANGA) AT BOMBON HANGGANG SA ANG MGA ITO AY NAGSARILI NOONG MGA TAONG 1586, 1687, AT 1749, AYON SA PAGKAKABANGGIT. MULA NOONG 1902 HANGGANG SA KASALUKUYAN, ANG QUIPAYO AY NAGING PAROKYANG BARYO NG BAYAN NG CALABANGA.
BUHAT SA ORIHINAL NA NIPA AT KAHOY ANG KASALUKUYANG SIMBAHANG TISA AY IPINATAYO SA PAMAMAHALA NI PRAYLE FRANCISCO GAVIRIA NOONG 1616. GAYUNMAN, ANG HARAPAN NG SIMBAHAN AY NAGIBA NONG 1949 DAHIL SA MALAKAS NA PAG-ULAN. PATRONA NG PAROKYA AY ANG BIRHEN NG IMAKULADA KONSEPSIYON. NOONG 1659, NAGING PANGALAWANG PATRON NITO SI SAN ROQUE.
No comments:
Post a Comment