Simbahan ng Sibonga

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010

NHCP Photo Collection, 2010
Location: Sibonga, Cebu (Region VII)
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship 

Status: Level II - Historical marker 
Marker date: December 2, 2010
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG SIBONGA

ITINATAG BILANG VISITA NG CARCAR NG MGA MISYONERONG AGUSTINO, 1690. NAGING PAROKYA SA PATRONATO NG NUESTRA SEÑORA DEL PILAR DE ZARAGOZA, 1830. IPINAGAWA ANG UNANG SIMBAHAN YARI SA KAHOY AT NIPA, AYON SA DISENYO NI OBISPO SANTOS GOMEZ MARAÑON NG CEBU. IPINATAYO NI PADRE PROSPERO PUERTO ANG KUMBENTO YARI SA BATO AT KORALES, 1839, AT SINIMULAN ANG PAGPAPATAYO NG KASALUKUYANG SIMBAHAN YARI SA BATO AT KORALES SA ARKITEKTURANG NEO-GOTHIC, 1866. IPINAGPATULOY NINA PADRE JUAN ALONSO, 1868–1881; ENRIQUE MAGAZ, 1881–1890; EMILIANO DIEZ, 1890–1898. MULING IPINAAYOS ANG SIMBAHAN NI PADRE FRANCISCO LATORRE AT PINASINAYAAN NI ARSOBISPO JEREMIAS HARTY NG MAYNILA, 17 NOBYEMBRE 1907. GINAWA NI RAYMUNDO FRANCIA NG CEBU ANG MGA OBRANG BIBLIKO AT TROMPE L’OEIL SA KISAME NG SIMBAHAN, 1924.

No comments:

Post a Comment