Showing posts with label Region VII. Show all posts
Showing posts with label Region VII. Show all posts

Katedral ng Tagbilaran

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: Tagbilaran City, Bohol
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 30 May 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KATEDRAL NG TAGBILARAN

UNANG ITINATAG NG MGA HESWITA BILANG VISITA NG BACLAYON. NAGING PAROKYA, 1742. INILIPAT SA MGA REKOLETO ANG PANGANGASIWA NG SIMBAHAN, 15 MAYO 1769. NASUNOG ANG ORIHINAL NA SIMBAHAN AT KUMBENTO, 23 DISYEMBRE 1798. MULING IPINATAYO NI PADRE VALERO SALVO DE SAN SEBASTIAN, O.A.R. ANG SIMBAHAN, 1840-1855. IPINAAYOS ANG KUMBENTO, 1872. IPINATAYO ANG KAMPANARYO, 1886-1891. IPINAGAWA ANG KAPILYA NG SEMENTERYO, 1894. INILIPAT SA PANGANGASIWA NG MGA PARING SEKULAR NOONG MGA HULING BAHAGI NG IKA-19 NA SIGLO. NAGING KATEDRAL, 8 NOBYEMBRE 1941. SUMAILALIM SA RENOBASYON MATAPOS MASIRA NG LINDOL, 15 OKTUBRE 2013. IDINEKLARA BILANG DAMBANANG PANGDIYOSESIS, 1 MAYO 2021.

Ang mga Agustino Rekoleto sa Pilipinas


NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023


NHCP Photo Collection, 2023

Location: University of San Jose Recoletos (USJ-R), Cebu City
Category: Association/Institution/Organization 
Type: Institutional marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: April 29, 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:


ANG MGA AGUSTINO REKOLETO SA PILIPINAS

DUMATING SA CEBU ANG UNANG LABINGTATLONG MISYONERONG AGUSTINO REKOLETO SA PANGUNGUNA NI PADRE JUAN DE SAN JERONIMO, 12 MAYO 1606. NAGHIMPIL SA SAN JUAN BAUTISTA DE BAGUMBAYAN (NGAYON AY LIWASANG RIZAL), MAYNILA. NAGING KONGREGASYON ANG MGA REKOLETO, 5 HUNYO 1621.

ITINATAG ANG PROVINCIA DE SAN NICOLAS DE TOLENTINO SA PILIPINAS, 23 NOBYEMBRE 1621. NAGTATAG NG MGA BAYAN AT NAGTAYO NG MGA SIMBAHAN, MOOG, ESTANSYA, PRINSA, TULAY. KALSADA AT PAARALAN SA PILIPINAS. ISINALIN SA KANILA ANG PAMAMAHALA NG MGA PAROKYANG INIWAN NG MGA HESWITA, 1768. LUMAGANAP PA ANG MGA GAWAING PANRELIHIYON MULA SA PILIPINAS PATUNGONG HAPON, TSINA COLOMBIA, TAIWAN AT APRIKA ITINATAG ANG PROVINCIA DE SAN EZEKIEL MORENO, 28 NOBYEMBRE 1998

Simbahan ng Oslob

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: Oslob, Cebu
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 23 September 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG OSLOB

ITINATAG NG MGA AGUSTINO BILANG VISITA NG CARCAR, 1599; NAGING VISITA NG BOLJOON, 1690. INILIPAT SA PANGANGALAGA NG MGA HESWITA, 1737, IBINALIK SA MGA AGUSTINO, 1742. IPINATAYO NI PADRE JULIAN BERMEJO, OSA, ANG SIMBAHAN AT KUMBENTONG YARI SA KORALES AT KAHOY AYON SA PLANO NI OBISPO SANTOS GOMEZ MARAÑON, 1830; NATAPOS, 1847. NAGING GANAP NA PAROKYA SA PATRONATO NG INMACULADA CONCEPCION; PADRE JUAN JOSE ARAGONES, OSA, UNANG KURA PAROKO, 1848.  IPINATAYO NI PADRE APOLINAR ALVAREZ, OSA, ANG KAMPANARYO, 1858. NASUNOG, 1942 AT 1955. KINUMPUNI, 1956; MULING ISINAAYOS ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO SA PAKIKIPAGTULUNGAN NG TAUMBAYAN AT SA PANGUNGUNA NI PADRE CONSTANTINO BATOCTOY, 1980. NASUNOG ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO, 2008. MULING ISINAAYOS, 2010.

Humabon

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: P. Burgos Street, Cebu City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 24 May 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
HUMABON

RAHA NG SUGBO, NGAYO'Y CEBU. IPINAKILALA NI RAHA KOLAMBU NG LIMASAWA KAY FERNANDO MAGALLANES, PINUNO NG EKSPEDISYONG MAGALLANES-ELCANO, 7 ABRIL 1521. PINAHINTULUTAN SI MAGALLANES NA MAGTAYO NG PANANDANG KRUS SA CEBU, 10 ABRIL 1521, AT MAGSAGAWA NG BINYAGANG KRISTIYANO RITO, 14 ABRIL 1521. BININYAGAN SIYA SA PANGALANG CARLOS, HANGO SA PANGALAN NG HARI NG ESPANYA. ANG ASAWA NA BININYAGANG JUANA, AT MGA ANAK. SUMUPORTA SA PAGLUSOB NI MAGALLANES SA MACTAN, 26 ABRIL 1521. BIGONG MABAWI ANG MGA LABI NI MAGALLANES AT NG IBA PANG TAUHAN MATAPOS ANG LABANAN SA MACTAN, 27 ABRIL 1521. BINANTAAN NG MGA TAGA-MACTAN NA LULUSUBIN ANG CEBU KUNG HINDI PUPUKSAIN ANG MGA NALALABING KASAPI NG EKSPEDISYON SA CEBU, 29 ABRIL 1521. NANGUNA SA PAGPASLANG SA MGA OPISYAL NG EKSPEDISYON, 1 MAYO 1521.

Simbahan ng Dumanjug

NHCP Photo Collection, 2016

NHCP Photo Collection, 2016

NHCP Photo Collection, 2016

NHCP Photo Collection, 2016

NHCP Photo Collection, 2016
Location: Fr. H. Villa Street, Dumanjug, Cebu
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 6 June 2016
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG DUMANJUG

DATING VISITA NG BARILI AT NAGING HIWALAY NA PAROKYA SA PATRONATO NI SAN FRANCISCO DE ASIS, 1854. SA PAMUMUNO NI PADRE MATIAS LUCERO CABRERA AT SA TULONG NG TAUMBAYAN IPINATAYO ANG UNANG SIMBAHAN YARI SA KAHOY AT KOGON. NAITAYO ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN YARI SA KORALES NOONG PANUNUNGKULAN NI PADRE DOROTEO GODINEZ, PARING SEKULAR, SA PAGTUTULUNGAN NG TAUMBAYAN, 1864. ISINAAYOS, DEKADA 1980. NAPINSALA NG LINDOL, 2013. NAISAAYOS, 2016.

Simbahan ng Maribojoc

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Holy Cross Parish, Poblacion, Maribojoc, Bohol
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 12 December 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG MARIBOJOC

ITINATAG NG MGA PARING HESWITA BILANG MISYON AT PAROKYA SA PATRONATO NG SANTA CRUZ, 1767. PINANGASIWAAN NG MGA PARING RECOLETOS, 21 OKTUBRE  1768. SINIMULANG IPATAYO NI PADRE MANUEL PLAZA, O.A.R. ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN NA YARI SA KORALES AT BATO, 1852. NATAPOS SA PAMUMUNO NI PADRE FERNANDO RUBIO, O.A.R. 1872. NATAPOS ANG KUMBENTO AT KAMPANARYO NA MAY ORASAN SA ILALIM NI PADRE LUCAS MARTINEZ, O.A.R. 1877-1898. NAGSILBING KANLUNGAN NG MGA MANANAMPALATAYANG TAGA-LOON NOONG DIGMAANAG PILIPINO-AMERIKANO, 1901. IPININTA NI RAY FRANCIA ANG MGA DIBUHO SA KISAME NG SIMBAHAN, DEKADA 1930. NATAPOS ANG PAGSASAAYOS SA MGA RETABLO NA PINANGUNAHAN NI PADRE QUITERIO SARIGUMBA AT NG COMITE DE OBRAS, 7 ENERO 1934. NAILIGTAS NANG SUNUGIN ANG BAYAN NG MARIBOJOC NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ITINANGHAL BILANG DAMBANA NI SAN VICENTE FERRER NG DIYOSESIS NG TAGBILARAN, 2005. IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN, 2010. NAGIBA NG LINDOL, 15 OKTUBRE 2013. ISINAAYOS NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2021.

Jagna Martyrs

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Brgy. Lonoy, Jagna, Bohol
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1958
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
JAGNA MARTYRS

SITE OF A BLOODY ENCOUNTER BETWEEN FILIPINOS AND AMERICANS IN WHICH 406 DIE-HARD REVOLUTIONISTS LED BY CAPITAN GOYO (GREGORIO) CASEÑAS, PERISHED ON EASTER SUNDAY, 1901. THE INTREPID BAND DUG INTO GRASSY TRENCHES INTENDING TO AMBUSH THE AMERICANS, BUT THE TREACHERY OF FRANCISCO (ISKO) ACALA, WHO REVEALED THE PLAN TO THE AMERICANS, RESULTED INSTEAD IN THE WHOLESALE DEATH OF CAPITAN GOYO AND HIS MEN. THE AMERICANS ENTERED JAGNA AND BURNED THE WHOLE TOWN, SPARING ONLY THE CHURCH, THE CONVENT AND A FEW HOUSES.

Birthplace of Carlos P. Garcia

Location: Talibon, Bohol
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1973
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
BIRTHPLACE OF CARLOS GARCIA 

BORN IN TALIBON, BOHOL, ON 04 NOVEMBER 1896. PUBLIC SCHOOL TEACHER FOR TWO AND A HALF YEARS; REPRESENTATIVE OF THE THIRD DISTRICT OF BOHOL (1925-1931); DELEGATE OF BOHOL TO THE CONSTITUTIONAL CONVENTION (1934-1935); PROVINCIAL GOVERNOR OF BOHOL (1934-1941); SENATOR (1941-1953) VICE-PRESIDENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES AND CONCURRENTLY SECRETARY OF FOREIGN AFFAIRS (1953-1957); PRESIDENT OF THE PHILIPPINES (1957-1960).   

Paliparang Lahug, P.A.A.C.

Location: Cebu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1968
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text (Filipino):
PALIPARANG LAHUG, P.A.A.C. 

SA POOK NA ITO NAKAHIMPIL MULA NOONG 1940 HANGGANG 1941, ANG TANGING SANGAY NG HUKBO NG PILIPINAS SA KABISAYAAN AT MINDANAW GABO SUMIKLAB ANG DIGMAAN NOONG 1941; ANG 9TH OBSERVATION AND ATTACK SQUADRON SA PAMUMUNO NI TENYENTE OSCAR SALES; AND 11TH AIR BASE SQUADRON SA PAMUMUNO NI TENYENTE AYA-AY. ANG SANGAY NA ITO, KAGAYA NG NASA MGA PALIPARANG ZABLAN, MANIQUIS AT BATANGAN, AY ITINALAGA SA USAFFE NOONG IKA-15 NG AGOSTO, 1941. 

Marker Text (English):
LAHUG FIELD, P.A.A.C.

ON THIS SITE WERE STATIONED, 1940 TO 1941, THE ONLY PRE-WORLD WAR II PHILIPPINE ARMY CORPS UNITS IN THE VISAYAS AND MINDANAO; 9TH OBSERVATION AND ATTACK SQUADRON UNDER MAJOR SALES; 11TH AIR BASE SQUADRON UNDER LT. VICTOR AYA-AY. THESE UNITS AND ALL OTHER PAAC UNITS IN ZABLAN, MANIQUIS AND BATANGAN FIELDS, WERE INDUCTED INTO THE USAFFE, 15 AUGUST 1941

Birthplace of Carlos Garcia

Location: Talibon, Bohol
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1973
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
BIRTHPLACE OF CARLOS GARCIA 

BORN IN TALIBON, BOHOL, ON 04 NOVEMBER 1896. PUBLIC SCHOOL TEACHER FOR TWO AND A HALF YEARS; REPRESENTATIVE OF THE THIRD DISTRICT OF BOHOL (1925-1931); DELEGATE OF BOHOL TO THE CONSTITUTIONAL CONVENTION (1934-1935); PROVINCIAL GOVERNOR OF BOHOL (1934-1941); SENATOR (1941-1953) VICE-PRESIDENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES AND CONCURRENTLY SECRETARY OF FOREIGN AFFAIRS (1953-1957); PRESIDENT OF THE PHILIPPINES (1957-1960).   

First Mass in Cebu

Location: Cebu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: Unknown
Marker text: 
FIRST MASS IN CEBU

UNDER THIS ROOF IS PRESERVED A CROSS MARKING THE PLACE WHERE THE FIRST MASS WAS CELEBRATED IN CEBU, SUNDAY, APRIL 14, 1521. IT WAS ATTENDED BY MAGELLAN AND HIS MEN. ON THE SAME PLACE, KING HUMABON OF CEBU, TOGETHER WITH HIS QUEEN, SON AND DAUGHTERS, AND ABOUT 800 OF HIS SUBJECTS, WERE BAPTIZED BY FATHER PEDRO VALDERRAMA.

Ang Madugong Linggo ng Palaspas 1898

NHCP Photo Collection, 2018
Location: Tres de Abril Street, Cebu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1966
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text: 
ANG MADUGONG LINGGO NG PALASPAS 1898

SA POOK NA ITO, NOONG IKA-3 NG ABRIL, 1898 NAGBALIKWAS ANG MGA TAGA SEBU, SA PAMUMUNO NI HEN. PANTALEON VILLEGAS, LABAN SA MGA KASTILA. NAGING MADUGO ANG LABANAN KAYA'T ANG ARAW NG PAGLALABANAN AY TINAWAG NA MADUGONG LINGGO NG PALASPAS

Guindulman

Location: Guindulman, Bohol
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 7 September 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
GUINDULMAN

ANG BAYANG ITO AY PINANGASIWAAN NG MGA PARING HESWITA HANGGANG NOONG 1768 NANG SILA AY HINALINHAN NG MGA PARING AGUSTINO REKOLETOS. DATING VISITA NG JAGNA, ITO AY NAGING ISANG BAYAN NOONG 1798. ANG MGA REKOLETOS AY NAGTAYO NG MGA GUSALI HANGGANG SUMIKLAB ANG HIMAGSIKAN NOONG 1896. ANG MGA KALSADA AT MGA TULAY AT IPINAGAWA NG MGA AMERIKANO. NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, ITINATAG NI KOMANDANTE ESTEBAN BERNIDO, ANAK NG GUINDULMAN AR ISA SA MGA KILALANG BAYANI NG DIGMAAN, ANG BOHOL AREA COMMAND, ISANG PANGKAT NG MGA GERILYA. ANG SIMBAHAN, KUMBENTO, AT GUSALING HAME ECONOMICS ANG NATIRA NANG ANG BUONG BAYAN AY SINUNOG NG MGA HAPON NOONG 1943. NOONG PANAHON NG LIBERASYON, 1944, SINA TEODORO ABUEVA AR PURIFICACION VELOSO, ANG MGA MAGULANG NG NATIONAL ARTIST NA SI NAPOLEON ABUEVA, AY PINATAY NG MGA HAPON.

Inscription on the Magsaysay Monument Dedication

Location: Plaza Independencia, Cebu City
Category: Buildings/Structures
Type: Structure
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 25 May 1958
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:

DEDICATED TO THE MEMORY OF PRESIDENT RAMON MAGSAYSAY BY A GRATEFUL PEOPLE.

ERECTED THROUGH THE SPONSORSHIP OF THE PATRIA AFFILIATED CEBU EMPLOYEES ASSOCIATION, INC. (PACEA) AND FINANCED BY FUNDS CONTRIBUTED BY FRIENDS AND ADMIRERS.

Pagdaong sa Talisay

Source: alltimecebu.com
Location: Talisay, Cebu
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
PAGDAONG SA TALISAY

DITO DUMAONG ANG AMERICAL DIVISION NG U.S. 8TH ARMY NA PINAMUNUAN NINA COM. GEN. WILLIAM H. ARNOLD AT CAPT. ALBERT T. SPRAGUE, SA TULONG NG MGA FILIPINONG GERILYA NG 8TH MILITARY DISTRICT SA PANGUNGUNA NI LT. COL. JAMES M. CUSHING, 26 MARSO 1945. ANG PAGDAONG AY BAHAGI NG OPERASYONG VICTOR II NA IPINATUPAD NI GEN. DOUGLAS MACARTHUR UPANG MABAWI ANG MGA LALAWIGAN NG CEBU, BOHOL AT NEGROS. ITO AY NAGBIGAY-DAAN SA PAGLAYA NG LUNGSOD NG CEBU, 27 MARSO 1945; AT PAGSUKO NG MGA HAPONES SA LALAWIGAN, 28 AGOSTO 1945.

Simbahan ng Loon

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Loon, Bohol
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: National Historical Landmark
Marker date: 7 September 2021 (A replacement marker for Simbahan ng Loon, 2010)
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG LOON
  
UNANG ITINATAG SA NAPO NG MGA HESWITA SA ILALIM NG PATRONATO NI SANTA MARIA, NUESTRA SEÑORA DE LA LUZ, 22 HUNYO 1753. PINANGASIWAAN NG MGA REKOLETO, 21 OKTUBRE 1768. DULOT NG PANANALAKAY NG MGA PIRATA, INILIPAT DITO SA MOTO ANG SIMBAHANG GAWA SA BATO. PINALIBUTAN NG MUOG AT MGA KANYON, KALAGITNAAN NG 1770. NASUNOG ANG SIMBAHAN, MALIBAN ANG HARAPAN, 1850 AT 1853. MULING IPINATAYO SA BATONG KORALES AT ISINAAYOS ANG HARAPAN NG DATING GUSALI AYON SA DISENYO NI DOMINGO DE ESCONDRILLAS, DIREKTOR NG PAMPUBLIKONG GAWAIN SA CEBU, 1855-1864. GINAMIT BILANG GARISON NG PWERSANG AMERIKANO SA KANILANG KAMPANYA LABAN SA MGA KAWAL NA PILIPINO, 1901. IPININTA NI RAY FRANCIA ANG MGA LARAWAN SA MGA KISAME NG SIMBAHAN, 1938. IPINAHAYAG BILANG PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN AT PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN, 2010. NAGIBA NG LINDOL, 15 OKTUBRE 2013. ISINAAYOS NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2021.

Unang Kasunduan ng Kapyapaan sa Pilipinas

Location: Fort San Pedro, Cebu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 4 June 1985
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
UNANG KASUNDUAN NG KAPAYAPAAN SA PILIPINAS

SA POOK NA ITO, ANG UNANG KASUNDUAN NG KAPAYAPAAN SA PILIPINAS AY NILAGDAAN NINA RAJAH TUPAS NG CEBU AT KAPITAN HENERAL MIGUEL LOPEZ DE LEGASPI NG ESPANYA, NA NAGPAPAHAYAG NG PAGKILALA NG MGA CEBUANO SA KAPANGYARIHAN NG ESPANYA, NG PAGTATANGGOL NG MGA KASTILA SA KANILANG MGA KAAWAY AT NG KANILANG KALKALAN SA GANTIHANG BAYAN.

KAPUWA LUMAGDA NOONG HUNYO 4, 1565 SA HARAP NINA PUNONG TAMUNAN AT MGA ALAGAD NI HARING TUPAS: PISUNCAN, ANG TAGPAGMANA NG KORONA: SICAPETAN: SIBATUMAY: SIMAQUIO: SICABUN: SIBATALA: LILINTI: SICARLIC AT SICAGUMO.

(Source: N.H.I. (1994). Historical Markers Regions V-XII. National Historical Institute.)

Ferdinand Magellan's Death

NHCP Photo Collection, 2018

NHCP Photo Collection, 2018
Location: Liberty Shrine, Punta Engaño Road, Mactan, Lapu-Lapu City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1941
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
FERDINAND MAGELLAN’S DEATH

ON THIS SPOT FERDINAND MAGELLAN DIED ON APRIL 27, 1521, WOUNDED IN AN ENCOUNTER WITH THE SOLDIERS OF LAPULAPU, CHIEF OF MACTAN ISLAND. ONE OF MAGELLAN’S SHIPS, THE VICTORIA, UNDER THE COMMAND OF JUAN SEBASTIAN ELCANO, SAILED FROM CEBU ON MAY 1, 1521, AND ANCHORED AT SAN LUCAR DE BARRAMEDA ON SEPTEMBER 6, 1522, THUS COMPLETING THE FIRST CIRCUMNAVIGATION OF THE EARTH.

Lapulapu

NHCP Photo Collection, 2018

NHCP Photo Collection, 2018
Location: Liberty Shrine, Punta Engaño Road, Mactan, Lapu-Lapu City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1951
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
LAPULAPU

HERE, ON 27 APRIL 1521, LAPULAPU AND HIS MEN REPULSED THE SPANISH INVADERS, KILLING THEIR LEADER, FERDINAND MAGELLAN. THUS LAPULAPU BECAME THE FIRST FILIPINO TO HAVE REPELLED EUROPEAN AGGRESSION.

Katedral ng Talibon

Location: Talibon, Bohol
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 15 March 2015
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KATEDRAL NG TALIBON

ITINATAG NG MGA PARING HESWITA BILANG PAROKYA, 1722. NAGSIMULA ANG PAGTATAYO NG SIMBAHANG GAWA SA BATO SA ILALIM NG MA REKOLETO, 1852, SA PANGANGASIWA NI LORENZO MAYOR, 1851–1861. IDINAGDAG ANG KAMPANARYO SA PANAHON NI JOSE SANCHEZ, 1868–1875. NAGSILBING SENTRO NG KATOLISISMO SA HILAGANG BOHOL. NAGING KATEDRAL SA PATRONATO NG SANTISIMA TRINIDAD AT LUKLUKAN NG DIYOSESIS NG TALIBON, 1986.