Kenan Aman Dangat


Location: Batanes Provincial Capitol Building Compound, National Road, Basco, Batanes
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KENAN AMAN DANGAT

ISINILANG SA MALAKDANG, SABTANG. KASALUKUYANG MANGPUS (DATU) NANG ITINATAG ANG PAMAHALAANG ESPANYOL SA BATANES, 26 HUNYO 1783. IPINAGTANGGOL ANG KATUTUBONG KARAPATAN; NAGPROTESTA SA SAPILITING PAGKUHA NG MGA AHENTE NG ESPANYOL NG ANI AT TORSO SA BAYAN AT DAHIL DITO IPINIIT ANG KANYANG MGA TAUHAN. PINAMUNUAN ANG MAHIGIT NA SANDAANG KALALAKIHAN SA SABTANG NA PUMATAY NG PITONG AHENTE. INARESTO AT BINITAY, SETYEMBRE 1791.

Felipe Agoncillo y Encarnacion 1859–1941



 
Location: Don Gregorio Agoncillo Mansion, Palico-Balayan-Batangas Road cor. Calle Felipe Agoncillo, Taal, Batangas
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker

Marker date: 1955
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
FELIPE AGONCILLO Y ENCARNACION 1859–1941

ABOGADO, ESTADISTA, AT MAKABAYAN. IPINANGANAK SA TAAL 26 MAYO 1859. BATSILYER SA ARTES, ATENEO MUNICIPAL DE MANILA; LISENSIYADO SA BATAS, UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS. MASIGLANG KAGAWAD NG LUPONG PILIPINO NG HIMAGSIKAN SA HONG KONG. MINISTRO NG PLENIPOTENSIYARYO NOONG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS. CABALLERO DELA CRUZ ROJA ESPAÑOLA, IGINAWAD NG PAMAHALAANG KASTILA. DIPUTADO NG UNANG PUROK NG BATANGAS SA ASAMBLEA PILIPINA, 1907–09. KALIHIM PANLOOB NG GABINETE NI GOBERNADOR WOOD, 1924–25. PANGULO SA LOOB NG ANIM NA SUNUD-SUNOD NA TAON NG COLEGIO DE ABOGADOS DE FILIPINAS. PANGULO NG UNANG KONGRESO NG PILIPINAS SA PAGSASARILI, MAYNILA, 22–26 PEBRERO 1930. NAMATAY SA MAYNILA 29 SETYEMBRE 1941.

Bahay ni Hechanova



Location: Jaro, Iloilo City, Iloilo (Region VI)
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG BAHAY NI HECHANOVA

DITO ITINATAG NI HEN. MACARIO PERALTA, JR. ANG KANYANG PUNONG-HIMPILAN AT PINAMUNUAN ANG IKA-6 NA DISTRITONG MILITAR NG MGA PANGKAT NG GERILYA NA BINUBUO NG IKA-62, 63, 64 AT 66 NA REHIMYENTO NG IMPANTERIYA SA PAMUMUNO NINA KOR. PEDRO SERRAN, JULIAN CHAVES, LEOPOLDO RELUNIA AT BRAULIO VILLASIS AYON SA PAGKAKASUNOD-SUNOD, NA TINULUNGAN NG IKA-48 NA DIBISYON NG IMPANTERIYA, IKA-8 NA HUKBO NG ESTADOS UNIDOS SA PAMUMUNO NI MED. HEN. RAPP BRUSH, SA PANGWAKAS NA PAGSALAKAY NG HULING TANGGULAN NG HAPONES SA LUNGSOD NG ILOILO NOONG PEBRERO 1 – MARSO 18, 1945.

KINILALA NA MAKASAYSAYANG POOK NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, SA KAHILINGAN NG PEDERASYON NG MGA BETERANO SA PILIPINAS, AT NG ALKALDE NG LUNGSOD NG ILOILO, LUIS HERRERA, DATING KUMANDER, KUMPANYA F, IKA-63 NA REHIMYENTO NG IMPANTERIYA.

Old Capitol Building of Iloilo




Location: Iloilo City, Iloilo (Region VI)
Category: Buildings/Structures
Type: Government building
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
OLD CAPITOL BUILDING OF ILOILO

DATING CASA REAL NA YARI SA KAHOY AT BATO NOONG PANAHON NG MGA ESPANYOL. NAGING KAPITOLYO NANG ITINATAG ANG PAMAHALAANG SIBIL NG LALAWIGAN NG ILOILO, 11 ABRIL 1901. MARTIN T. DELGADO, REBOLUSYONARYO, UNANG GOBERNADOR, 1901–1904. GINAMIT NG MGA PWERSANG HAPONES NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 1942–1945. ISINAAYOS ANG ILANG BAHAGI NG GUSALI, MGA TAONG 1960’S. MULING IPINAAYOS MATAPOS MASUNOG ANG GUSALI, 4 NOBYEMBRE 1998. NAGING SENTRO SA PAGTATAGUYOD NG LALAWIGAN NG ILOILO, 1901–2001.

Republica de Negros



Location: Bago City, Negros Occidental
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - With Marker
Marker date: 1951
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
REPUBLICA DE NEGROS

IN THIS PLAZA OF BAGO WAS PROCLAIMED THE REPUBLICA DE NEGROS BY THE REVOLUTIONARY FORCES LED BY GENERAL JUAN ANACLETO ARANETA, 5 NOVEMBER 1898. WITNESSED BY ANANIAS DIOKNO, REPRESENTATIVE OF THE CENTRAL REVOLUTIONARY GOVERNMENT. THIS REPUBLIC ACKNOWLEDGED THE AUTHORITY OF THE FIRST PHILIPPINE REPUBLIC UNDER EMILIO AGUINALDO.

Daungan ng Iloilo






NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023
Location: Sunburst Park and Muelle Loney St., Iloilo Customs House Building, Iloilo (Region VI)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1975
Museum opened: 13 January 2023
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
ANG DAUNGAN NG ILOILO

BINUKSAN SA PANGANGALAKAL NA PANDAIGDIG AYON SA KAUTUSAN NG PAMAHALAANG KASTILA NOONG IKA-29 NG SETYEMBRE, 1855. ANG UNANG EKSPORTASYON NA 270 TONELADANG ASUKAL AY IIVILULAN SA BAPOR PET NA PATUNGONG MELBOURNE, AUSTRALYA, NOONG IKA-2 NG MARSO, 1859. ANG UNANG TUWIRANG PAG-ANGKAT NA BINUBUO NG MGA MAKINARYANG PANGBAYAN AY NAGBUHAT SA GLASGOW, BRITANYA, LULAN NG HENRY DARLING NOONG 1863.   

         

Santa Barbara Golf Course

Location: Sta. Barbara, Iloilo (Region VI)
Category: Buildings/Structures
Type: Golf Course
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
SANTA BARBARA GOLF COURSE

ITINATAG NG MGA INHINYERONG TAGA-SCOTLAND NG PHILIPPINE RAILWAY COMPANY ANG GOLF COURSE SA BARANGAY SAN SEBASTIAN, SANTA BARBARA, ILOILO, 1907. BINUO ANG SANTA BARBARA GOLF AND COUNTRY CLUB PARA LAMANG SA MGA TAGA-BRITANYA AT AMERIKANO, 1912. NAGING KASAPI NG ROYAL AND ANCIENT GOLF CLUB OF ST. ANDREWS, FIFE, SCOTLAND AT TUMANGGAP NG MGA PILIPINONG KASAPI, 1920. SINUNOG NG MGA HAPON ANG CLUB HOUSE, 1941. NAGSILBING KWARTEL NG MGA SUNDALONG PILIPINO AT AMERIKANO, 1945. NAGING ILOILO GOLF AND COUNTRY CLUB, 1947. KINIKILALA BILANG PINAKAMATANDANG NANANATILING GOLF COURSE SA PILIPINAS, 2006.

Lord Justo Ukon Takayama (1552-1615)



© Noel Gonong/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 3.0
© Ryomaandres/Wikimedia Commons/CC-BY-SA 4.0
Location: Plaza Dilao, Paco, Manila (Region NCR)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: November 17, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LORD JUSTO UKON TAKAYAMA
(1552-1615)

PINUNO NG UNANG PANGKAT NG MGA MAHARLIKANG HAPON NA KRISTIYANO NA IPINATAPON SA PILIPINAS NOONG 1614, NANG IPINAGBAWAL NG HAPON ANG KRISTIYANISMO. MAHIGIT SA 100 KAGAWAD NG MAHARLIKANG ANGKAN NG HAPON NA NAGING KRISTIYANO, KABILANG ANG LORD JUAN TOKUAN NAITO, AT ANG MGA KAGAWAD NG UNANG KONGREGASYONG KATOLIKO NG KABABAIHAN SA HAPON SA PANGUNGUNA NI PRIYORA JULIA NAITO, AY MALUGOD NA TINANGGAP SA MAYNILA NG MAGIGILIW NA PILIPINO NA KANILANG NAKASAMA SA ILALIM NG ISANG BIGKIS NG KAPATIRANG KRISTIYANO. ANG MGA KRISTIYANONG HAPON AY NANATILI SA PILIPINAS HANGGANG SA SILA AY LUBUSANG MAPABILANG SA MADLANG PILIPINO.

ANG LIWASANG DILAO NA KINATATAYUAN NG BANTAYOG NA ITO AY GUMUGUNITA SA BAYAN NG DILAO (NGAYO'Y PACO), ANG UNANG PUROK NG HAPON SA MAYNILA.

Tahanan ni Jose P. Laurel, Pangulo, Ikalawang Republika ng Pilipinas (1943-1945)




Location: Penafrancia St., Paco, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level II - Historical marker
Marker date: March 8, 1998

Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
TAHANAN NI JOSE P. LAUREL
PANGULO, IKALAWANG REPUBLIKA
NG PILIPINAS
(1943-1945)

UNANG IPINATAYO NOONG 1861, ANG TAHANANG ITO AY BINILI NI JOSE P. LAUREL NOONG 1926. NANIRAHAN SIYA RITO NANG MAY 29 NA TAON (1926-1955) KASAMA ANG KANYANG MAYBAHAY NA SI PACIENCIA HIDALGO AT ANG KANYANG MGA ANAK.

ANG ARI-ARIANG ITO AY MINANA NG KANYANG IKATLONG ANAK, SI SOTERO H. LAUREL, NA NAG-KALOOB NITO SA JOSE P. LAUREL MEMORIAL FOUNDATION AT NANGUNA SA PAGPAPANUMBALIK NITO SA AYOS BILANG PARANGAL SA KANYANG AMA NA BUONG GITING, MAY MATIBAY NA PANINIWALA AT WALANG PAG-IIMBOT NA DEDIKASYON NA NAGLINGKOD 5A KANYANG BAYAN.

PINASINAYAAN NG KAGALANG-GALANG NA PANGULONG FIDEL V RAMOS NOONG MARSO 8, 1998, BISPERAS NG PAGDIRIWANG NG IKA-107 KAARAWAN NI JOSE P. LAUREL, AT BILANG PAKIKIISA SA PAG-DIRIWANG NG SENTENYAL NG PILIPINAS (1898-1998).

Jose P. Laurel




Location: Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila (Region NCR) 
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1991
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
JOSE P. LAUREL

KILALANG HURISTA, ESTADISTA, LEHISLADOR, PILOSOPONG MORAL AT PULITIKAL, EDUKADOR, MAKABAYAN AT KAMPEON NG MGA KARAPATANG PANTAO AT KATARUNGANG PANLIPUNAN. ISINILANG SA TANAUAN, BATANGAS, MARSO 9, 1891.  NAGKALOOB NG KATANGI-TANGING PAGLILINGKOD SA TATLONG SANGAY NC PAMAHALAAN; KALIHIM NG PANLOOB, 1923; SENADOR, 1925-1931; KINATAWAN, 1934, KUMBENSYONG KONSTITUSYUNAL; MAHISTRADO NG KATAAS-TAASANG HUKUMAN, 193fr1941; PUNONG MAHISTRADO AT KASABAY NITO, KALIHIM NG KATARUNGAN,1941-1942; PANGULO NG IKALAWANG REPUBLIKA NG PILIPINAS, 1943-1945; SENADOR,1951-1957. NAMATAY, NOBYEMBRE 6, 1959.

Manuel Araullo y Gonzales




Location: Taft Avenue, Ermita, Manila (Region NCR)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical Marker
Marker date: 2001
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MANUEL ARAULLO Y GONZALES
(1853–1924)

IPINANGANAK SA BALAYAN, BATANGAS, ENERO 1, 1853. NAGING TAGAPAYO NI HENERAL ELWELL OTIS, 1898. ISA SA MGA MASISIGASIG NA GUMAWA UPANG MAITATAG ANG PAMAHALAANG SIBIL SA PILIPINAS, 1898. HUMAWAK NG IBA’T IBANG KATUNGKULAN SA HUDIKATURA, PANGUNAHIN DITO ANG PAGIGING TAGAPANGULO NG SEKSYON SA BATAS SIBIL SA KATAAS-TAASANG HUKUMAN NG PILIPINAS, 1899–1901. PANGULO NG KOMITE SA KODIGO NA MAGREREBISA NG MGA KODIGONG SIBIL, KOMERSYAL, PENAL AT IBA PANG MGA BATAS AYON SA MAKABAGONG PANUNTUNAN NG AGHAM SA BATAS AT KAUGALIAN NG BANSA, 1909–1913. ITINALAGA BILANG KATULONG NA MAHISTRADO NG KATAAS-TAASANG HUKUMAN, 1913, AT PUNONG MAHISTRADO NOONG NOBYEMBRE 1, 1921 HANGGANG KANYANG KAMATAYAN NOONG HULYO 16, 1924.

College of San Juan de Letran




Location: Intramuros, Manila (Region NCR)
Category: Buildings/Structures
Type: School (Building)
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1941
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
COLLEGE OF SAN JUAN DE LETRAN

FOUNDED BY DIEGO DE SANTAMARIA, O.P., IN 1630, THIS INSTITUTION ABSORBED THE SCHOOL OF JUAN GERONIMO GUERRERO IN 1638. IN 1648, AFTER ITS BUILDING HAD BEEN DESTROYED BY THE EARTHQUAKE OF 1645, THE COLLEGE WAS REMOVED TO THE PARIAN OF WHICH SITE IT HAS REMAINED SINCE 1669. ITS TERCENTENARY WAS CELEBRATED IN 1930. THIS REMODELED BUILDING WAS BLESSED ON OCTOBER 31, 1937 BY REV. MARTIN GUILLET, O.P.

Pamahalaang Mapaghimagsik ng Kabisayaan (1898)



Location: Sta. Barbara, Iloilo (Region VI)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1973
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text: 
PAMAHALAANG MAPANGHIMAGSIK NG KABISAYAAN 
(1898)

SA POOK NA ITO UNANG IWINAGAYWAY ANG BANDILANG PILIPINO SA KABISAYAAN AT MINDANAW NANG PASINAYAAN ANG PAMAHALAANG MAPANGHIMAGSIK NG KABISAYAAN NOONG NOBYEMBRE 17, 1898, SA PAMAMAHALA NI HENERAL MARTIN TEOFILO DELGADO. NAHIRANG NA MGA PINUNO NG NASABING PAMAHALAAN SINA ROQUE LOPEZ, PANGULO; VICENTE FRANCO, PANGALAWANG PANGULO AT KALIHIM PANLOOB; VENANCIO CONCEPCION, KALIHIM NG PANANALAPI; RAMON AVANCEÑA, KALIHIM NG ESTADO; JOVITO YUSAY, KALIHIM NG KATARUNGAN; JULIO HERNANDEZ, KALIHIM PANDIGMA; FERNANDO SALAS, KALIHIM-PANLAHAT; MARTIN DELGADO, KATAAS-TAASANG HENERAL; AT PERFECTO POBLADOR AT PASCUAL MAGBANUA, MGA HENERAL NG DIBISYON.

Plaza Olivia Salamanca



Location: U.N. Avenue, Ermita, Manila (Region NCR)
Category: Sites/Events
Type: Plaza
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1955
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
PLAZA OLIVIA SALAMANCA

IN MEMORY OF OLIVIA SALAMANCA, M.D. PIONEER WOMAN PHYSICIAN OF THE PHILIPPINES. BORN IN SAN ROQUE, CAVITE ON 1 JULY 1889; APPOINTED GOVERNMENT SCHOLAR IN 1905; STUDIED IN DREXEL INSTITUTE, PHILADELPHIA. DIED ON 11 JULY 1913. A DEVOTED AND COMPETENT PRACTITIONER, SHE WAS A CREDIT TO THE MEDICAL PROFESSION AND AN INSPIRATION TO HER FELLOW WOMEN.

Mapua Institute of Technology





Location: Mapúa University, Tomas Mapua Hall, Muralla Street, Intramuros, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 21 December 1989
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text (Filipino):
TOMAS MAPUA
(1888-1965)

EDUKADOR AT KAUNA-UNAHANG REHISTRADONG ARKITEKTO. IPINANGANAK SA MAYNILA, DISYEMBRE 21, 1888. NAG-ARAL SA ATENEO DE MANILA AT LICEO DE MANILA. NAGTAPOS SA SEKONDARYANG EDUKASYON SA BOONES PREPARATORY SCHOOL SA BERKELEY, CALIFORNIA, 1907. NAGKAMIT NG TITULONG BATSILYER SA ARKITEKTURA, CORNELL UNIVERSITY, 1911. NAGSIMULA BILANG DRAFTSMAN, 1912-1913 AT PAGKARAAN NAGING TAGAPAMAHALANG ARKITEKTO, 1917-1928 SA KAWANIHAN NG GAWAING BAYAN. NAMAHALA SA PAGPAPATAYO NG ILANG GUSALING PAMPAMAHALAAN. NAGTATAG NG MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY, ENERO 1925. KA-TAGAPAGTATAG AT ISA SA MGA NAGING PANGULO NG PHILIPPINE INSTITUTE OF ARCHITECTS. ISA RIN SA MGA KONSEHAL NG MAYNILA. TUMANGGAP NG GINTONG MEDALYA BILANG PAPURI AT KATIBAYAN SA PARANGAL MULA SA PHILIPPINE INSTITUTE OF ARCHITECTS AT PARANGAL PANGKALINANGAN SA ARKITEKTURA NG LUNGSOD NG MAYNILA, 1964. NAMATAY, DISYEMBRE 22, 1965.

Marker text (English):
TOMAS MAPUA
(1888-1965)

EDUCATOR AND FIRST REGISTRERED ARCHITECT. BORN IN MANILA, DISYEMBRE 21, 1888. STUDIED IN ATENEO DE MANILA AND LICEO DE MANILA. COMPLETED SECONDARY EDUCATION AT BOONES PREPARATORY SCHOOL IN BERKELEY, CALIFORNIA, 1907. OBTAINED DEGREE OF BACHELOR IN ARCHITECTURE, CORNELL UNIVERSITY, 1911. STARTED AS DRAFTSMAN, 1912-1913 AND THEN BECAME SUPERVISING ARCHITECT, 1917-1928 AT BUREAU OF PUBLIC WORKS. SUPERVISED CONSTRUCTION OF SEVERAL GOVERNMENT BUILDINGS, ESTABLISHED MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY, ENERO 1925. CO-FOUNDER AND ONE OF THE PRESIDENTS OF THE PHILIPPINE INSTITUTE OF ARCHITECTS. ALSO ONE OF THE FIRST COUNCILORS OF MANILA AWARDED A GOLD MEDAL OF HONOR AND A CERTIFICATE OF RECOGNITION BY THE PHILIPPINE INSTITUTE OF ARCHITECTS AND CULTURAL AWARD IN ARCHITECTURE BY THE CITY OF MANILA, 1964. DIED, DISYEMBRE 22, 1965.