Showing posts with label Region IV-A. Show all posts
Showing posts with label Region IV-A. Show all posts

Taal Municipal Hall

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Calle Marcela Mariño Agoncillo, Taal, Batangas
Category: Buildings/Structures
Type: Spanish-period municipal building
Status: Level I - National Historical Landmark
Legal basis: NHCP Resolution No. _ s. 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Date declared: 8 December 2024

Santuario ng Nuestra Señora de Caysasay*

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

Location: Caysasay, Taal, Batangas
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level I - National Historical Landmark
Legal basis: NHCP Resolution No. 12 s. 2024
Marker date: 20 June 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SANTUARIO NG NUESTRA SEÑORA DE CAYSASAY

ITINAYO ANG UNANG SIMBAHANG GAWA SA NIPA AT KAWAYAN BILANG PAGPUPUGAY SA PINANINIWALAANG MILAGROSANG IMAHE NG INMACULADA CONCEPCION NA NALAMBAT SA ILOG NG PANSIPIT NOONG 1603 NA KINALAUNAN AY KINILALANG NUESTRA SEÑORA DE CAYSASAY, 1611. SINIMULANG IPATAYO SA KASALUKUYANG POOK NG MGA AGUSTINO ANG SIMBAHANG YARI SA KORALES SA ILALIM NG PATRONATO NG MILAGROSANG IMAHE NA NOON AY TINAGURIANG NUESTRA SEÑORA DE LA MISERICORDIA, 1639. PINALITAN NG PIEDRA CHINA ANG MATAAS NA HAGDANAN NA NAGDUDUGTONG SA SIMBAHAN PATUNGONG POBLACION NG TAAL SA ILALIM NI PADRE CELESTINO MAYORDOMO O.S.A., 1850. NAGSILBING KANLUNGAN NG MGA NAGSILIKAS NANG PUMUTOK ANG BULKANG TAAL; NASIRA ANG BUBONG, 1754. MULING ISINAAYOS MATAPOS YANIGIN NG LINDOL, 1856. NAWASAK SA MULING PAGPUTOK NG BULKAN, 1911. ITINANGHAL NA DAMBANA NG ARKIDIYOSESIS NG LIPA, 2004. IPINAHAYAG NA PAMBANSANG YAMANG PANGKALINANGAN, 2020 AT PAMBANSANG PALATANDAANG PANGKASAYSAYAN, 2024. ISINAAYOS NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS, 2024.

Gobierno Departamental Del Centro De Luzon

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Montalban, Rizal
Category: Sites/Events
Type: Event
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 25 April 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
GOBIERNO DEPARTAMENTAL
DEL CENTRO DE LUZON

ITINATAG SA HIMPILAN NG HUKBO NI HENERAL LICERIO GERONIMO SA BUNDOK NG PURAY SA BAYAN NG MONTALBAN, 13 MAYO 1897. PINANGASIWAAN NITO ANG MGA PAMAHALAANG REBOLUSYUNARYO SA MGA LALAWIGAN NG MAYNILA, BULACAN, PAMPANGA, BATAAN, NUEVA ECIJA, LAGUNA AT MORONG. PINAMUNUAN NINA PADRE PEDRO DANDAN, PANGULO; DR. ANASTACIO FRANCISCO, PANGALAWANG PANGULO; TEODORO GONZALES, KALIHIM NG PAMAHALAAN; CIPRIANO PACHECO, KALIHIM NG PANANALAPI; AT FELICIANO JOCSON, KALIHIM NG GAWANG-PAGPAPAUNLAD. BINUWAG MATAPOS PAGTIBAYIN ANG KONSTITUSYON NG BIAK-NA-BATO, 1 NOBYEMBRE 1897.

Labanan sa Puray

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: Montalban, Rizal
Category: Sites/Events
Type: Event
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 25 April 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LABANAN SA PURAY

SA BUNDOK PURAY SA BAYAN NG MONTALBAN, NAGTAGUMPAY SA LABANAN ANG MGA PILIPINONG REBOLUSYUNARYO LABAN SA HUKBONG ESPANYOL GAMIT ANG TAKTIKANG GERILYA, 14 HUNYO 1897. PINANGUNAHAN NI HENERAL LICERIO GERONIMO ANG HANAY NG MGA PILIPINO KATUWANG ANG PANGKAY NI HENERAL EMILIO AGUINALDO AT IBA PANG PINUNONG REBOLUSYUNARYO, HABANG PINAMUNUAN NINA TENYENTE-KORONEL FELIPE DUJIOLS AT KOMANDANTE MIGUEL PRIMO DE RIVERA ANG MGA PUWERSANG ESPANYOL. ANG TAGUMPAY NA ITO ANG NAGBIGAY NG SAPAT NA PANAHON SA PANGKAT NI AGUINALDO UPANG MAKAPAGLAKBAY TUNGO SA BIAK-NA-BATO SA SAN MIGUEL DE MAYUMO, BULACAN.

Carlos "Botong" Francisco


NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024

NHCP Photo Collection, 2024
Location: 57 Capt. Allano, Angono, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 3 April 2024
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
CARLOS "BOTONG" FRANCISCO

PAMBANSANG ALAGAD NG SINING. PINTOR AT MIYURALISTA. ISA SA MGA NAGSULONG NG ISTILONG MODERNISMO AT MIYURALISMO SA PILIPINAS. ISINILANG SA ANGONO, RIZAL, 4 NOBYEMBRE 1912. NAG-ARAL SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1930-1935. NAGING TAGAGUHIT NG THE PHILIPPINES HERALD AT MANILA TRIBUNE; NAGING KATUWANG NI VICTORIO EDADES AT GALO OCAMPO, BILANG “TRIUMVIRATE OF PHILIPPINE MODERN ART,” SA PAGPINTA NG TANYAG NA MURAL NA “RISING PHILIPPINES,” 1934. NAGTURO SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS, 1938. NAGWAGI NG GINTONG GANTIMPALA PARA SA MGA OBRANG “ANGELUS” AT “KAINGIN.” NAKASAMA NI MANUEL CONDE SA PRODUKSYON NG ILANG MGA PELIKULA KABILANG ANG PAMOSONG “GENGHIS KHAN.” BINUO ANG ANGONO ATELIERS SA KANYANG PAGBABALIK SA ANGONO, 1953. SA PAREHONG TAON, ITINAMPOK ANG “FIVE HUNDRED YEARS OF PHILIPPINE HISTORY” SA INTERNATIONAL FAIR SA MAYNILA NA NAILATHALA SA PAHAYAGANG NEWSWEEK. PINARANGALAN BILANG NATATANGING ALUMNUS NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS, 1954. GINAWARAN NG REPUBLIC CULTURAL HERITAGE AWARD, 1964. ILAN PANG MGA TANYAG NA OBRA AY ANG “FILIPINO STRUGGLES THROUGH HISTORY,” “PAGEANT OF COMMERCE,” “FIRST MASS IN THE PHILIPPINES,” AT “PROGRESS OF MEDICINE IN THE PHILIPPINES.” PUMANAW, 31 MARSO 1969. IGINAWAD ANG ORDEN NG PAMBANSANG ALAGAD NG SINING PARA SA SINING BISWAL, 1973.    

Bacoor - Landas Ng Pagkabansang Pilipino, 1899

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023
Location: Cuenca House, Brgy. Poblacion, Bacoor, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker unveiling date: 2 August 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

BACOOR
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SAKSI ANG POOK NA ITO SA PAGKABANSA NG PILIPINAS, ANG KAUNA-UNAHANG REPUBLIKA SA BUONG ASYA. ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.

Mariano V. Sevilla 12 Nobyembre 1839 – 23 Nobyembre 1923

NHCP Photo Collection 2023

NHCP Photo Collection 2023

NHCP Photo Collection 2023
Location: Bulakan, Bulacan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 23 November 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

MARIANO V. SEVILLA
12 NOBYEMBRE 1839 – 23 NOBYEMBRE 1923

GURO AT MANUNULAT PANRELIHIYON. ISINILANG SA TONDO, MAYNILA, 12 NOBYEMBRE 1839, MULA SA ANGKANG TAAL NA TAGA-BULAKAN. INORDINAHAN BILANG PARI, 1863. NAGSILBING PARI SA IBA’T IBANG BAYAN SA LALAWIGAN NG BULACAN. MAY-AKDA NG MGA SULATING PANSIMBAHAN SA WIKANG TAGALOG TULAD NG BABASAHING DEBOSYONAL PARA SA FLORES DE MAYO, 1867. KABILANG SA NAGSULONG NG SEKULARISASYON NG MGA PAROKYA AT KARAPATANG SIBIL AT POLITIKAL NG MGA PILIPINO. IDINAWIT SA PAG-AALSA SA CAVITE AT IPINIIT, ENERO 1872. IPINATAPON SA MARIANAS KASAMA ANG IBA PANG MAKABAYANG PILIPINO, MARSO 1872. PINAHINTULUTANG BUMALIK SA PILIPINAS, 1874. MULING IPINIIT NG PAMAHALAANG ESPANYOL NANG SUMIKLAB ANG HIMAGSIKANG PILIPINO NG 1896 SA HINALANG SANGKOT SIYA SA REBOLUSYON. HINIRANG NI PAPA BENITO XV BILANG PRELADO DOMESTICO DAHIL SA KANIYANG KATAPATAN AT PAGLILINGKOD SA SIMBAHAN NG KATOLIKO SA PILIPINAS, 1920. PUMANAW, 23 NOBYEMBRE 1923.  


Kawit - Landas ng Pagkabansang Pilipino, 1899


NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023
NHCP Photo Collection, 2023

Location: NHCP Emilio Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker unveiling date: 31 August 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

KAWIT
LANDAS NG PAGKABANSANG PILIPINO, 1899

SAKSI ANG POOK NA ITO SA PAGKABANSA NG PILIPINAS, ANG KAUNAUNAHANG REPUBLIKA SA BUONG ASYA. ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN SA PAGGUNITA SA IKA-125 ANIBERSARYO NG KALAYAAN AT PAGKABANSANG PILIPINO, 12 HUNYO 2023 – 23 MARSO 2026.

Cavite Puerto Bilang Kabesera ng Pilipinas


NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

Location: Samonte Park, Cavite City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker unveiling date: 31 August 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:

CAVITE PUERTO BILANG KABESERA NG PILIPINAS

NAKABALIK SI PANGULONG EMILIO AGUINALDO SA LOOK NG MAYNILA LULAN NG USS MCCULLOCH MULA SA PAGKAKAPATAPON SA HONG KONG, 19 MAYO 1898: TUMUNTONS SIYA SA CAVITE PUERTO NGAYO'Y LUNGSOD NG CAVITE 21 MAYO 1898. TINALAGANG HIMPILAN NG PANGULO ANG BAHAY NIMAXIMO INOCENCIO ISA SA TRECE MARTIRES NG CAVITE. KUNG SAAN ITINATAG ANG PAMAHALAANG DIKTATORYAL 24 MAYO 1898. SA CAVITE PUERTO RIN INILADLAD NI AGUINALDO ANG PAMBANSANG WATAWAT BILANG PAGDIRIWANG SA TAGUMPAY NG HUKBONG REBOLUSYONARYO LABAN SA MGA ESPANYOL SA LABANAN SA ALAPAN 28 MAYO 1898. MULA SA TAHANAN NG MGA INOCENCIO. DINALA ANG PAMBANSANG WATAWAT SA TAHANAN NI AGUINALDO SA KAWIT, CAVITE PARA SA PROKLAMASYON NG KALAYAAN NG PILIPINAS, 12 HUNYO 1898 DAHIL SA LUMALAKING GAWAING PAMPAMAHALAAN, MULING LUMIPAT SA MAS MALUWANG NA GUSALI SA CASA DE GOBIERNO, DATING KAPITOLYO NG CAVITE KUNG SAAN ITINATAG NI AGUINALDO ANG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO 23 HUNYO 1898. INILIPAT ANG PAMAHALAAN SA TAHANAN NG MGA CUENCA SA BACOOR CAVITE, 15 HULYO 1898.

Mariano Riego De Dios 1875-1935


NHCP Photo Collection 2023

NHCP Photo Collection 2023

NHCP Photo Collection 2023

Location: Maragondon, Cavite
Category: Personages
Type: Biographical Marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 24 April 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MARIANO RIEGO DE DIOS
1875-1935

REBOLUSYONARYO LABAN SA ESPANYA AT ESTADOS UNIDOS. ISINILANG SA MARAGONDON, CAVITE, 12 SETYEMBRE 1875. SUMAPI SA KATIPUNAN, HULYO 1896. LUMABAN SA MGA ESPANYOL SA LIAN, BATANGAS, 17 OKTUBRE 1896 AT SA DALAHICAN, NOVELETA, CAVITE, 9 NOBYEMBRE 1896. NAGKAMIT NG RANGGONG BRIGADYER HENERAL, 1896. IPINAGTANGGOL ANG BAYAN NG NOVELETA, PEBRERO 1897. MIYEMBRO NG HUKUMANG MILITAR NA LUMITIS KINA ANDRES AT PROCOPIO BONIFACIO NGUNIT HINDI LUMAGDA SA HATOL NA KAMATAYAN, 1897. NAGTATAG NG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO SA ROMBLON, HULYO 1898, AT SA MASBATE, AGOSTO 1898. SUMUKO SA MGA AMERIKANO, 11 MARSO 1901. IPINAKULONG MULI DAHIL SA PAKIKIPAGSABWATAN SA MGA REBELDE, MARSO 1905. YUMAO, 17 PEBRERO 1935.


Heneral Trias

Location: General Trias, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Town/City
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1979
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
HENERAL TRIAS

ITINATAG ANG BAYAN NG HENERAL TRIAS, DATI'Y SAN FRANCISCO DE MALABON, NOONG TAONG 1720.

DITO NAGANAP ANG UNANG MATAGUMPAY NA PAKIKIPAGLABAN SA MGA KASTILA NOONG IKA-31 NG AGOSTO, 1896 SA PAMUMUNO NI HEN. ARTEMIO RICARTE. DITO RIN NANIRAHAN SI ANDRES BONIFACIO HANGGANG SA MAIRAOS ANG KAPULUNGAN NG TEJEROS NOONG MARSO 22, 1897 NA SIYANG NAGING BINHI NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS.

House Where Andres Bonifacio Lived

Location: General Trias, Cavite
Category: House
Type: Buildings/Structures
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1961
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
HOUSE WHERE ANDRES BONIFACIO LIVED

IN THIS HOUSE, NOW REMODELLED, THEN OWNED BY ESTEFANIA POTENTE, LIVED ANDRES BONIFACIO, FOUNDER OF THE KATIPUNAN. WITH BROTHERS CIRIACO AND PROCOPIO, DECEMBER 1896 - APRIL 1897. WHEN THE SUPREMO WENT TO CAVITE AT THE INVITATION OF THE MAGDIWANG PROVINCIAL COUNCIL OF THE KATIPUNAN. AFTER THE DEATH OF ESTEFANIA POTENTE THE PROPERTY WAS PURCHASED BY REPRESENTATIVE EMILIO P. VIRATA FROM HIS CO-HEIRS. PRESIDENTS AGUINALDO, QUEZON, OSMEÑA, ROXAS AND QUIRINO WERE GUESTS IN THIS HOUSE.

Labanan sa Maimpis

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023

NHCP Photo Collection, 2023
Location: Magdalena, Laguna
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker unveiling date: 18 January 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LABANAN SA MAIMPIS

LABANAN SA PAGITAN NG PUWERSANG ESPANYOL AT MGA KATIPUNERO NG LAGUNA SA PAMUMUNO NI HENERAL EMILIO JACINTO, 27 PEBRERO 1898. NAGANAP NANG MULING ITINATAG ANG REBOLUSYONARYONG PAMAHALAAN SA LAGUNA MATAPOS PATAYIN SI ANDRES BONIFACIO. MALUBHANG NASUGATAN SI HEN. JACINTO AT PANSAMANTALANG DINALA SA SIMBAHAN NG MAGDALENA AT NAKARAAN AY INILIPAT SA SANTA CRUZ. ANG LABANAN AY PATUNAY NG PAGPAPATULOY NG HIMAGSIKANG PILIPINO.


Simbahan ng Bacoor

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022

NHCP Photo Collection, 2022
Location: St. Michael the Archangel Parish, Bacoor, Cavite
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2 March 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG BACOOR

DATING VISITA NG CAVITE PUERTO SA PANAHON NI OBISPO JUAN ARECHEDERRA; NAGING PAROKYA SA PATRONATO SAN MIGUEL ARKANGHEL SA PAMAMAHALA NI PADRE JOSE XIMENEZ, 18 ENERO 1752. SINIRA NG MGA INGLES NA SUMAKOP SA CAVITE, OKTUBRE 1762. MULING IPINATAYO NA YARI SA BATO AT KAHOY, 1774. IDINAGDAG ANG RETABLO, PATIO, KAMPANARYO AT BAUTISTERIO SA PANAHON NI PADRE DOMINGO SEVILLA PILAPIL, 1788-1820. NAGPATAYO NG BAGONG KUMBENTO SA PANAHON NI PADRE MARIANO GOMES, 1843; PINALAKIHAN NIYA ANG SIMBAHAN SA TULONG NI ARKITEKTO FELIX ROJAS, 1863-1870. NALIPAT SA PAMAMAHALA NG MGA REKOLETO, 1872. ITINAAS NG MGA REBOLUSYONARYO ANG WATAWAT NG PILIPINAS SA KAMPANARYO, 31 MAYO 1898. NASIRA SA DIGMAANG PILIPINO AT AMERIKANO, 13 HUNYO 1899. NALIPAT ANG PAGMIMISA AT MGA BANAL NA GAWAIN SA TAHANAN NI DON JUAN CUENCA NANG INOKUPAHAN NG IGLESIA FILIPINA INDEPENDIENTE ANG SIMBAHAN, 1902. MULING NAIBALIK SA PAMAMAHALA NG SIMBAHANG KATOLIKO ALINSUNOD SA UTOS NG KORTE SUPREMA, 1906. KABILANG SA MGA UNANG SIMBAHAN SA LALAWIGAN NG CAVITE NA PINAMAHALAAN NG MGA PARING SEKULAR MULA NG ITO AY ITINAYO. IPINAHAYAG NA MAHALAGANG YAMANG PANGKALINANGAN NG PAMBANSANG MUSEO NG PILIPINAS 28, DISYEMBRE 2020.

Jose Rizal (Tuy, Batangas)


NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Tuy Municipal Plaza, Tuy, Batangas
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 28 December 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
JOSE RIZAL
(1861–1896)

PAMBANSANG BAYANI NG PILIPINAS. DOKTOR, AGRIMENSOR, DALUBWIKA, MANUNULAT, MAKATA, ESKULTOR AT PINTOR. ISINILANG SA CALAMBA, LAGUNA, 19 HUNYO 1861. MAY-AKDA NG NOLI ME TANGERE (1887) AT EL FILIBUSTERISMO (1891), MGA NOBELANG HIGIT PANG NAGPAALAB SA MGA FILIPINO NA MAGHIMAGSIK LABAN SA ESPANYA. DINAKIP AT IPINATAPON SA DAPITAN, MINDANAO, 6 HULYO 1892. NAGBOLUNTARYO BILANG MANGGAGAMOT NG PUWERSANG ESPANYOL SA CUBA, 1896, NGUNI’T MULING DINAKIP HABANG PATUNGONG ESPANYA SA BINTANG REBELYON. BINARIL SA BAGUMBAYAN (NGAYO’Y RIZAL PARK), MAYNILA, 30 DISYEMBRE 1896. PATULOY NA INSPIRASYON PARA SA KALAYAN AT PAGKABANSANG FILIPINO.

Labanan sa Alapan

NHCP Photo Collection, 2019
Location: Shrine of the Ntional Flag, Bucandala-Alapan Road, Imus, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 2014
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text: 
LABANAN SA ALAPAN

SA POOK NA ITO NG ALAPAN, IMUS, KABITE, NOONG 28 MAYO 1898, NAIPAGTAGUMPAY ANG KAUNAUNAHANG LABANAN SA MGA HANGGANAN NG KAWIT NANG MULING MAGBANGONG-LAKAS LABAN SA ESPANYA ANG HIMAGSIKAN ITINATAG NI HENERAL EMILIO AGUINALDO. ANG LABANANG ITO ANG NAGING PALATANDAAN NG ATING MATAGUMPAY NA PAGPUPUNYAGING MAIBAGSAK ANG PAGHAHARI NG MGA KASTILA AT NG PAGSILANG NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS. SA POOK DIN ITO UNANG IWINAGAYWAY ANG BANDILANG PILIPINO.

Simbahan ng Binangonan


NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021

NHCP Photo Collection, 2021
Location: Sta. Ursula Parish Church, Libid (Poblacion), Binangonan, Rizal
Category: Buildings/Structures
Type: House of worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 21 October 2021
Installed by; National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
SIMBAHAN NG BINANGONAN

ITINATAG NG MGA PRANSISKANO BILANG VISITA NG MORONG, 1621. INILIPAT ANG BINANGONAN SA MGA HESWITA KAPALIT NG BAYAN NG BARAS, 1679. IBINIGAY SA MGA AGUSTINO, 1697. MULING IBINALIK SA MGA PRANSISKANO, 1737. UNANG ITINAYO ANG KASALUKUYANG SIMBAHAN, 1792-1800. ISINAAYOS, 1853. NASIRA NOONG DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO, 1899. GINAMIT NG PUWERSANG AMERIKANO BILANG HIMPILAN, 1900-1903. INALAY SA PATRON NA SI SANTA URSULA. ISANG NATATANGING ELEMENTO NG SIMBAHAN AY ANG KANYANG LUMANG RETABLO SA GILID NA KAPILYA.

ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY PINASINAYAAN BILANG PAGGUNITA SA IKA-400 ANIBERSARYO NG PAROKYA, 2021.

Simbahan ng San Pablo

Location: San Pablo, Laguna
Category: Buildings/Structures
Type: House of Worship
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1957
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
SIMBAHAN NG SAN PABLO 

ITINAYO NG MGA PARING AGUSTINO AT INIHANDOG SA POONG SAN PABLO, ERMITANYO. NAPASAILALIM NG PANGANGASIWA NG MGA PARING PRANSISKANO, 1694-1912; FRAY ANDRES CABRERA, UNANG PAROKO, PINALIGIRAN NG PADER ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO NOONG 1796, SAMANTALANG ANG KRUSADA NG SIMBAHAN AY ITINAYO SA MAGKASUNOD NA PANGANGASIWA NG MGA PARING EUGENIO GARCIA, FRANCSICO CAVERO AT SANTIAGO BRAVO, 1912. NAGING SEMINARIO MENOR NG SAN FRANCISCO DE SALES, 1912-1918, SA PANGANGASIWA NG MGA PARING PAULES. NAWASAK ANG SIMBAHAN AT KUMBENTO NOONG 1945, PANAHON NG DIGMAAN. MULING ITINATAG ANG SIMBAHAN SA PANGANGASIWA NI P. JUAN CORONEL AT IPINATAPOS NG KASALUKUYANG PAROKONG SI P. NICOMEDES ROSAL SA TULONG NG MGA TAONG BAYAN.   

Ambrosio Rianzares Bautista (1830-1903)

Location: Biñan, Laguna
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
AMBROSIO RIANZARES BAUTISTA
(1830-1903)

UNANG TAGAPAYO NI HENERAL EMILIO AGUINALDO NOONG 1898. MAY-AKDA NG PAGPAPAHAYAG NG KALAYAAN NG PILIPINAS (IKA-12 NG HUNYO 1898), AT MASAGISAG NA MAKABAYAN AT TAGPAGPALAGANAP. SIYA AY IPINANGANAK SA BIÑAN, LAGUNA NOONG IKA-7 DISYEMBRE 1830 KINA GREGORIO ENRIQUEZ BAUTISTA AT SILVESTRA ALTAMIRA. NAGTAPOS SIYA NG PANIMULANG PAG-AARAL SA BIÑAN AT NG PAG-AARAL SA BATAS SA PAMANTASAN NG SANTO TOMAS NOONG 1865.

NAGSANAY SIYA SA PAGKAMANANANGGOL SA MAYNILA AT NAGING KILALA SA PAGKAKALOOB NG WALANG BAYAD NA PAGLILINGKOD SA MAHIHIRAP NA MAY USAPIN. ISANG MASIGASIG NA KAGAWAD NG LA LIGA FILIPINA, CUERPO DE COMPROMISARIOS, AT LA PROPAGANDA. SIYA AY DINAKIP NG MGA MAYKAPANGYARIHANG KASTILA AT IPINIIT SA KUTANG SANTIAGO NANG MAGSIKLAB ANG HIMAGSIKAN NOONG 1896. SIYA AY PINALAYA PAGKARAANG IPAGTANGGOL NIYA NANG BUONG NINGNING ANG KANYANG SARILI.

SIYA AY INIHALAL NA IKALAWANG PANGULO NG KONGRESONG PANGHIMAGSIKAN SA TARKAL NOONG IKA-14 NG HULYO 1899. ITINALAGA SIYA BILANG HUKOM NG HUKUMANG UNANG DULUGAN SA PANGASINAN. SIYA AY NAMATAY SA MAYNILA NOONG IKA-4 NG DISYEMBRE 1903.

General Trias

Location: General Trias, Cavite
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II - Historical marker
Marker date: 17 March 1990
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text: 
GENERAL TRIAS

ITINATAG ANG BAYAN NG HENERAL TRIAS, DATI'Y SAN FRANCISCO DE MALABON, NOONG 1720.

DITO NAGANAP ANG UNANG MATAGUMPAY NA PAKIKIPAGLABAN SA MGA KASTILA NOONG IKA-31 NG AGOSTO, 1896 SA PAMUMUNO NINA HEN. ARTEMIO RICARTE. DITO RIN NANIRAHAN SI ANDRES BONIFACIO HANGGANG SA MAIRAOS ANG KAPULUNGAN NG TEJERO NOONG MARSO 22, 1897 NA SIYANG NAGING BINHI NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS.

ANG BANDA MULA SA ATING BAYAN ANG SIYANG TUMUGTOG NG PAMBANSANG AWIT NA NILIKHA NI JULIAN FELIPE NANG IPAHAYAG ANG UNANG KASARINLAN NG PILIPINAS NOONG HUNYO 12, 1898 SA KAWIT, KABITE.